Chapter 14: Escape

Living as a Ferrer, the only daughter of Rhianna Dione, hindi na bago sa akin ang may magtangka ng buhay ko, lalo noong nag-aaral pa ako. I have my own bodyguards. Na kahit nasa loob ako ng classroom, nakabantay ang mga ito sa labas at tahimik na nagmamasid sa paligid.

My safety was my mother's top priority. While she was busy ruling The Great Ferrer Empire, I was busy trying to be a normal kid in our school. Ilang beses kong sinubukang kausapan ito tungkol sa mga bodyguards ko, but of course, her words are absolute. Walang puwedeng bumali sa nais nito, lalo na ako. Alam kong kapakanan ko lamang ang iniisip nito ngunit hindi ko maiwasang hindi masakal sa ginagawa nito. I was suffocated and all I wanted to do was to be free from them. Kaya naman noong nagkaroon ako nang pagkakataong umalis sa puder nito, hindi ko na sinayang pa iyon. I left home... I left my family and live alone. I live the life that I always wanted. Free and can do everything that makes me happy.

And when I came back, everything was a mess.

The family that I abandoned was not the same family anymore, especially my mother. At isa lang ang nakikita kong solusyon para maibalik sa dati ang lahat.

My father.

I need to find and bring him home as soon as possible.

"Hold this." Napabaling ako kay Dylan noong bumalik ito sa kinatatayuan niya kanina. Hawak na nito ang espada niya at inaabot naman sa akin ang isa pa. "I'll handle the one behind the door. Huwag ka munang lumabas hangga't hindi ko sinasabi sa'yo."

Hindi ako nagsalita at tinanggap na lamang ang sandatang inilahad nito sa akin. Mahigpit kong hinawakan ang handle nito at itinuon sa unahan ang buong atensiyon. The person that is standing behind the close door is not moving. Tila naghihintay lang din ito na may kumilos sa aming dalawa ni Dylan. Wala sa sarili naman akong napatingin sa mga nakasarang bintana at mukhang ganoon din ang ginagawa ng isa pa nitong kasama. They're just waiting for us to finally move and leave this house.

"Dylan," tawag ko sa kanya noong humakbang na ito. Mabilis namang tumigil sa pagkilos si Dylan at binalingan ako. "I know you're strong, but you need to be careful. We don't know who we are dealing with." Simpleng tango lang ang naging tugon nito sa akin at muling inihakbang na ang mga paa.

Tahimik kong pinagmasdan si Dylan. Noong nasa tapat na mismo ito ng pinto, mabilis kong inalerto ang sarili. Pinakiramdaman ang paligid at noong walang nagbago sa presensiya ng dalawang taong nasa labas ng bahay ni Tanner, napakunot na ang noo ko. Ipinilig ko ang ulo pa kanan at noong may kung anong enerhiya akong naramdaman sa mismong tapat ng nakasarang pinto, mabilis na napaawang ang mga labi.

Akmang tatawagin ko na sana si Dylan para pigilan ito ngunit huli na ang lahat. Nabuksan na niya ang pinto na nasa harapan niya at segundo lang din ang lumipas, isang malakas na pagsabog ang nagyanig sa buhay na kinaroroonan namin ngayon. Nanlaki ang mga mata ko at gulat na napatingin kay Dylan noong biglang tumilapon ito.

Damn it! "Dylan!" malakas na tawag ko sa pangalan nito. Akmang kikilos na sana ako para malapitan ito noong mabilis akong napirmi sa kinatatayuan ko. Napahigpit ang hawak ko sa handle ng espada na nasa kamay ko at sinubukang gumalaw muli.

What the hell? Bakit hindi ko makontrol ang katawan ko?

Sa muling pagsubok kong maigalaw ang katawan, isang kakaibang enerhiya na ang bumalot sa akin. Kusang napaawang na lamang ang mga labi ko at noong kusang nabitawan ko ang hawak na espada, napamura na lamang muli ako sa isipan! Damn it! Someone's controlling Cordelia's body right now!

"Dylan! Ayos ka lang ba? Are you still alive? Dylan!" sunod-sunod na sigaw ko habang pilit na kumakawala sa enerhiyang nakapalibot na sa katawan ni Cordelia ngayon. This is really weird. Cordelia can't use magic and it only means; she can't feel or sense anything connected with magic! Kaya naman ay nagtataka ako kung bakit ko nararamdaman ang mga ito?

Simula noong napadpad ako rito sa sentro ng Vallasea, may kung ano nang nangyari sa katawan ni Cordelia! "Dylan!" sigaw kong muli sa pangalan nito at sinubukang igalaw muli ang katawan.

"Don't move." Mabilis akong natulos sa kinatatayuan ko noong may nagsalita sa likuran ko. Wala sa sarili akong napalunok at mariing kinagat ang pang-ibabang labi. The enemy... They're inside Tanner's house now! Damn it, Dylan! Bakit hindi pa ito gumagalaw sa puwesto niya? Ayos lang ba ito? Buhay pa ba ang isang iyon? Damn! "I have the princess now," sambit ng lalaking nasa likuran ko at hinawakan ang braso ko. "Let's move and leave this place. The former Phoenix Knight is still unconscious. We better leave before he wakes up."

Dylan's unconscious? What the hell? Anong ginawa nila sa kanya? Anong klaseng pasabog ang ginamit nila para mawalan nang malay ang lalaking iyon?

Napapitlag na lamang ako noong muling kumilos ang lalaking nasa likuran ko. Humigpit ang pagkakahawak nito sa braso ko at noong akmang aalma na sana ako noong bigla akong nahilo. Kusang umawang ang mga labi ko at mabilis na ipinikit ang mga mata. What the hell is happening?

Ilang segundo ring tumagal ang pagkahilong naramdaman ko at noong muling naging maayos ang pakiramdaman ko, unti-unti kong iminulat ang mga mata. Bahagya pa akong nasilaw sa liwanag na mayroon sa paligid ngunit noong nakapag-adjust na ang mga mata ko, muli kong iminulat ang mga ito.

Kusang umawang ang labi ko noong bumungad sa akin ang isang 'di pamilyar na silid. Mabilis kong sinubukang gumalaw muli at noong nakontrol ko na ang katawan ni Cordelia, dali-dali akong bumaling sa puwesto kung saan tumilapon si Dylan kanina. To my dismay, he wasn't there. And this place... this is not Tanner's house! Nasa ibang lugar na ako ngayon at kasama ang dalawang nilalang na hindi ko man lang kilala!

What the hell is happening? Paanong napunta ako sa lugar na ito?

"It's nice to finally meet you, Princess Naida." Agad akong napabaling sa likuran ko noong may nagsalita. Napakurap ako noong may namataan akong isang babae at sa itsura pa lang nito, mukha siyang noble at makapangyarihan sa mundong ito. She's wearing a long and elegant gown, just like the one I wore earlier at the Phoenix Grandmaster's party! Pero... ano raw? Princess Naida? Pinagsasabi ng babaeng ito? "I can't believe that you let your guard down and went to a place where we can easily abduct you." Napakunot na ang noo ko habang nakatingin sa babae. Mayamaya lang ay kumilos na ito at lumapit sa akin. She smiled then touched my face. "The future Queen of Vallasea." She smiled again. "Ano kaya ang mangyayari sa realm na ito kung ibalik kitang walang buhay sa palasyo niyo?"

Napaarko ang isang kilay ko habang nakatingin pa rin sa babae. Mayamaya lang ay napangisi ako sa kanya noong mapagtanto ko kung ano itong nangyayari sa akin ngayon. "You guys thought that I'm the Princess Naida of Vallasea?" tanong ko na siyang ikinatigil naman ng babaeng sa harapan ko. "Sorry to disappoint you and your men but, girl, I'm no Princess. Hindi ako ang hinahanap at kailangan mo para pabagsakin ang royal family ng realm na ito."

"What?" gulong tanong nito at binalingan ang dalawang lalaking umatake sa amin kanina sa bahay ni Tanner.

"You got the wrong person," saad ko pa na siyang ikinatingin muli nito sa akin. "Sa tingin mo ba mabilis mo akong makukuha kung ako nga ang tunay na Princess Naida ng Vallasea? She's a royal, a powerful one. Hindi ito basta-bastang ma-ki-kidnap kagaya na lamang nang nangyari sa akin ngayon."

"But-"

"I looked like her?" I chuckled. "Give me a break. Kahit ako ay nagulat noong magtagpo ang landas naming dalawa."

Sumama ang tingin nito sa akin. "So, you're not her?" malamig na tanong nito sa akin. "Kung ganoon ay sino ka? Bakit kasama mo iyong Phoenix Knight na iyon?"

Ipinilig ko ang ulo pa kanan at matamang nakatingin lang sa kanya. I don't who the hell is this woman. I need to be extra careful with my words. Kung ano man ang pakay nila kay Naida, dapat ay hindi ako madamay sa kung anong gulong mayroon sila! "You mean the man who was with me?" Marahang tumango ito sa akin na siyang ipinagkibit-balikat ko naman sa kanya. "He was just there to accompany me. I just attended the party. Kagaya ng ibang taong panauhin, nandoon lang ako para selebrasyon ng kaarawan ng Grandmaster ng Phoenix."

Napamura ang babae at mabilis na nag-martsa patungo sa dalawang lalaking kumidnap sa akin. Tahimik kong sinundan ang bawat kilos nito at noong nasa tapat na siya ng dalawa, mabilis na ikinumpas ng babae ang kamay niya. Agad namang napaluhod ang dalawang lalaki at inilagay ang mga kamay sa may leeg nila. "I told you to bring me that stupid princess! Bakit ibang tao itong dinala niyo rito?" galit na sigaw nito at muling ikinumpas ang kamay. Segundo lang ay may nakita akong kakaibang enerhiya na bumalot sa dalawang lalaki. It was a dark energy! What the hell?

"L-lady Myrtle... She was riding one of the royal carriages. We... thought she was the real Princess Naida." Tila nahihirapang saad ng isa sa kanila. So, they were really watching us earlier. Sila iyong naramdaman ko noong dumating kami ni Dylan mula sa pagtitipon!

"Did you see her royal badge? Is she wearing one, huh?" iritang tanong pa nito sa dalawang lalaking nasa harapan niya. Hindi nagsalita ang mga ito kaya naman ay mas lalong lumakas ang dark energy na inilalabas nito na siyang nagpahandusay na sa dalawang lalaki sa may sahig. "Useless! Nagsasayang lang ako ng oras sa inyong dalawa!"

Nanatili lang akong nakatingin sa babae at sa dark energy na pinapakawalan ng katawan nito.

Dark energy... Ito ba ang kapangyarihang taglay ng babaeng ito. Pero... paanong nakikita ko ito ngayon?

Panay ang hingi nang tawad ang dalawang lalaki sa pagkakamaling nagawa nila. Mukhang kumbinsido naman itong babaeng ito na hindi talaga ako ang prinsesang nais nilang makuha. It was a freaking mistake on their part. Dapat ay naisip nilang imposibleng lumabas iyong si Naida na walang ibang nagbabantay sa kanya! Sa part pa lang na iyon ay palpak na sila! I wanted to laugh at them, but I know that it's a wrong move. Mukhang iritang-irita na itong babae sa mga nangyayari ngayon.

"What about the Phoenix Knight? Sino iyong kasama ng babaeng kinuha niyo? Hindi ba pamamahay iyon ni Tanner?" inis pa ring tanong nito sa dalawa.

"It was a former Knight, Lady Mrytle," matamang sagot ng isa sa kanya.

"Damn it! Palpak na naman kayong dalawa!" malakas na sigaw nito at binalingan akong muli. "I need to get rid of you as soon as possible!"

What?

Wala sa sarili akong napaatras at gulat na napatitig sa kanya. Damn! Ano naman kaya ang gagawin ng babaeng ito sa akin?

"Dispose her. Huwag niyong ipaalam sa kahit kanino ang nangyari ngayon," anito at mabilis na umalis sa kinatatayuan niya. Nagsimula na itong maglakad patungo sa nakasarang pinto ng silid at bago pa man ito tuluyang makalabas, bumaling ito muli sa akin. "Don't hate me for doing this to you. Hate the royals of this realm. Sila ang may sala sa lahat ng kamalasang mayroon ka ngayon," makahulugang saad nito at tuluyan nang lumabas sa silid.

Napalunok ako at muling umatras sa kinatatayuan ko.

Mabilis naman akong napabaling sa dalawang lalaki na ngayon ay nakabangon na mula sa pagkakasalampak sa sahig. Naunang kumilos ang isa at bago pa man ako makaatras muli palayo sa kanila, muli kong naramdaman ang enerhiyang bumalot sa akin kanina. Napamura na lamang ako sa isipan at noong nakaramdaman na naman ako ng pagkahilo, alam ko na ang susunod na mangyayari sa akin.

Kusa kong ipinikit ang mga mata at hinintay na lamang ang susunod na mangyayari. Noong unti-unting nawala na ang pagkahilo ko, mabilis kong inihanda ang sarili. I can still control my body. Kaya ko pang makatakas sa dalawang ito. I trust Cordelia's strength, her fighting ability, kaya naman natitiyak kong makakaligtas ako ngayong gabi. But when I finally opened my eyes again, a dark and cold place welcomed me. Kusang umawang ang mga labi ko at noong umatras ako ng isang beses, agad akong napamura sa isipan noong muntik na akong mawalan ng balanse.

Where the hell am I?

Mabilis kong hinanap ang dalawang lalaki ngunit ni presensiya nila ay hindi ko maramdaman. They're gone... No, I'm the one who's gone now. Wala na ako sa bahay ni Tanner. Wala na rin sa kung saang lugar man nila ako dinala kanina. I'm here... alone in this freaking dark and cold place and behind me is a fucking cliff! Isang maling galaw ko lang ay tiyak kong mahuhulog na ako! Damn! This is crazy! Paano ako napunta sa lugar na ito?

Dispose me... Shit! She really meant it!

Now, how can I escape and survive in this kind of place?

Cordelia... Damn it! Ito ba ang buhay na nais mong takasan noon? Wala naman pa lang pinagkaiba ng buhay na mayroon ako sa mga Ferrer at sa buhay na mayroon ka sa mundong ito!

We're exactly the same.

Ito rin ba ang dahilan kung bakit ako ang napunta sa katawan mo? Cause... we're the same. Our fate is the same.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top