Chapter 13: Intruders

Hindi na kami bumalik pa sa bulwagan kung saan ginaganap ngayon ang selebrasyon sa kaarawan ng Grandmaster ng Phoenix. Wala na rin naman doon ang mga taong pakay ko kaya naman ay hindi na ako tumutol pa noong yayain na akong umalis ni Dylan.

Tahimik lang ako sa kinauupuan ko habang nakatingin sa labas ng sasakyan. Sa tabi ko ay iyong tahimik din na si Dylan at tila malalim ang iniisip. For sure, iyong tungkol sa kalagayan namin ngayon ni Cordelia ang laman ng isip nito. Malapit ang loob nito kay Cordelia at maiintindihan ko kung biglang magbabago ang turing nito sa akin ngayon alam na niya kung sino talaga itong nasa katawan ng kaibigan niya.

"We're here." Napaayos ako nang pagkakaupo noong marinig ang boses ni Dylan. Napabaling ako sa may harapan ng sasakyan at napatango na lamang noong makita ang pamilyar na paligid. Nakabalik na kami sa bahay ni Tanner! Mayamaya lang ay kumilos na si Dylan at nauna nang bumaba sa sasakyan. Humugot muna ako ng isang malalim na hininga at napagdesisyunan na rin sumunod sa kanya.

Pagkalabas ko, agad kong namataan ang papalayong bulto ni Dylan. Nauna na itong pumasok sa loob ng bahay ni Tanner kaya naman ay napangiwi na lamang ako.

Isang malalim na hininga muli ang ginawa ko at tahimik na inangat ang isang paa. Nagsimula na akong maglakad at noong nasa tapat na ako ng pinto, agad akong natigilan sa pagkilos. Wala sa sariling napakunot ang noo ko at muling binalingan ang karwaheng sinakyan kanina. Segundo lang ay umandar na ito at noong tuluyang nawala sa paningin ko ang karwahe, mabilis akong bumaling muli sa may pinto. Akmang hahawakan ko na sana ang doorhandle nito noong biglang natigilan muli ako.

What the hell?

Hindi ko alam kung paranoid lang ako pero malakas ang pakiramdam ko na may nakamasid sa akin ngayon! Humigpit ang pagkakahawak ko sa magkabilang bahagi ng suot kong dress at muling bumaling sa may likuran ko. Madilim ang paligid kaya naman ay nahihirapan akong makita kung may ibang tao ngayon malapit sa akin!

Mayamaya lang ay mabilis akong napapitlag noong biglang bumukas ang pinto sa likuran ko. Agad akong bumaling doon at namataan ang seryoso mukha ni Dylan. Napalunok ako at humugot muli ng isang malalim na hininga.

"What are you doing?" He coldly asked me.

"I..." I sighed again. "Never mind," saad ko at kumilos na sa kinatatayuan. Umatras naman si Dylan at hinayaan na akong makapasok na sa bahay ni Tanner. Dali-dali akong naglakad at hindi na ito binalingan pa. Agad kong binuksan ang pinto ng silid na tinutuluyan ko at marahang isinara iyon. Wala sa sarili akong napasandal sa nakasarang pinto at napailing na lamang.

Malakas ang kutob ko na may nakamasid sa akin kanina. Kahit na kaunting presensiya lamang nito ang naramdaman ko, natitiyak kong nasa malapit lang ito kanina sa akin. "Was it Meredith?" Wala sa sariling tanong ko at umalis na mula sa pagkakasandal sa may pinto. "But... it was a different presence. Iba iyong presensiyang naramdaman ko sa kanya kanina kumpara sa presensiyang nasa labas ng bahay ni Tanner." Naupo na ako sa gilid ng kama at maingat na inalis ang mga palamuti na nasa buhok ko.

Humugot muli ako ng isang malalim na hininga at tumayong muli. Ipinilig ko ang ulo pakanan at nagsimula nang alisin ang magarbong damit na suot. Maingat ang bawat galaw ko at noong matapos na ako sa ginagawa, isang simpleng damit na lamang ang isinuot ko sa katawan. It was still a long dress but compared to the one I wore at the party, mas magaan sa katawan ito. Mas nakakagalaw ako at hindi nahihirapang humakbang.

Pabagsak akong nahiga sa kama at wala sa sariling napatitig na lamang sa may kisame. Humugot ako ng isang malalim na hininga at inilagay ang kanang kamay sa kamay dibdib ko. "Cordelia," mahinang sambit ko sa pangalan nito. "Kailangan kong matapos ang misyon ko sa lalong madaling panahon. Hindi ako maaaring magtagal sa katawan mo. You... need to help me, Cordelia. You need to help yourself, too. Kaya naman ay nakikiusap ako sa'yo. Show me everything. Ipakita mo sa akin ang kung anong nangyari talaga sa'yo noong araw na iyon."

Dahil sa pagod sa mga nangyari sa pagtitipong dinaluhan, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Ni hindi ko namalayan ang oras at noong naalimpungatan ako mula sa mahimbing na pagkakatulog, maingat kong iminulat ang mga mata.

Wala sa sarili akong napaupo mula sa pagkakahiga at bumaling sa gawing kanan ko kung saan naroon ang bintana ng silid. I silently sighed and moved carefully. Umalis ako sa kama at maingat na naglakad patungo sa may bintana.

It's here again. The presence I felt earlier outside Tanner's house, it's here again. Nararamdaman ko ulit ito ngayon at mas lumakas ito ngayon. What the hell is this? Kanino nanggagaling ang presensiyang ito? I just hope that Dylan can feel it too! Kung may umaaligid man ngayon sa bahay ni Tanner, dapat lang na maging handa kami sa kung anong sunod na gagawin nito!

Maingat kong hinawi ang kurtinang nasa may bintana. Kaunting hawi lang ang ginawa ko at tahimik na sumilip sa labas. Madilim pa rin ang paligid kaya naman ay halos wala akong maaninag. Napakagat na lamang ako ng pang-ibabang labi at noong akmang aatras na sana ako palayo sa may bintana, isang bulto ng tao ang namataan ko 'di kalayuan sa bahay ni Tanner. Mabilis akong napaayos nang pagkakatayo at itinuon doon ang buong atensiyon.

Hindi ako maaaring magkamali! It's a person! Kahit na hindi ko ito maaninag nang maayos, sigurado akong bulto ng tao ang nakikita ko ngayon!

Hahawiin ko na sanang muli ang kurtinang nasa harapan noong biglang nawala iyong taong nakita kanina. Napakurap ako ng ilang beses at mabilis na hinanap itong muli sa paligid. Damn it! Napansin ba nitong nakita ko siya?

Napailing na lamang ako at mabilis na umatras palayo sa may bintana. Ngunit isang hakbang paatras pa lamang ang nagagawa ko noong biglang nabasag ang salamin ng bintanang nasa harapan ko. Kasabay noon ang mabilis na pagbagsak ko sa sahig at ang pagdaing ko dahil sa sakit na naramdaman sa kanang braso ko. What the hell?

"Cordelia! What happened? Ano iyong ingay na narinig ko?" Malakas na sigaw ni Dylan sa labas ng silid na kinaroroonan ko ngayon. Sunod-sunod din nitong kinatok ang pinto at noong hindi ako sumagot man lang sa tawag nito, buong puwersa niyang binuksan ang pinto ng silid. "Lia!" tawag muli ni Dylan sa akin.

Madilim ang silid na kinaroroonan namin ngayon kaya naman ay tiyak kong 'di pa ako nakikita ni Dylan. Napailing ako at wala sa sariling napadaing noong mas lalong sumakit ang tama ko sa kanang balikat ko. "Dylan," mahinang tawag ko sa kanya. "Stay down and don't move," babala ko sa kanya.

"Where are you?" seryosong tanong nito.

"Kanang bahagi ng silid. Near the window," saad ko naman sa kanya. "Don't open the lights, Dylan. Someone's watching us right now."

"Are you okay? Are you hurt?" tila nag-aalalang tanong nito sa akin.

Napangiwi ako at wala sa sariling napahawak sa kanang braso ko. Damn it! It's a goddamn arrow that hit my freaking shoulder! "I'm fine. Hindi ko ikamamatay ito."

"Lia," malamig na turan nito sa akin. Napailing na lamang ako. "Huwag kang gumalaw sa puwesto mo. Ako ang lalapit sa'yo."

Wala sa sarili akong napatango at napasandal na lamang sa gilid ng kama. Humugot ako ng isang malalim na hininga at noong maramdaman ko na ang presensiya ni Dylan, mabilis akong bumaling sa kanya. "I saw a person earlier," imporma ko sa kanya.

"This is Tanner's home. Ang lakas ng loob nilang umatake sa lugar na ito," seryosong saad pa rin ni Dylan at maingat na inalalayan ako. "Can you move?"

Tumango ako sa kanya. "Balikat ko lang ang may tama, Dylan."

"Still, you're hurt," aniya at hinawakan ang kaliwang braso ko. "Let's go," dagdag pa niya at kumilos muli.

Mabilis kaming lumabas sa may silid. Dali-dali ring isinara ni Dylan ang pinto nito at hinila ako patungo sa sala ng bahay ni Tanner. Mayamaya lang ay binitawan nito ang braso ko at mabilis na isinara lahat ng kurtina sa bintana. Mabilis ang bawat kilos nito at noong matapos na siya sa ginagawa, bumalik ito sa harapan ko at lumuhod. "I'll take this out," anito at hinahawakan ang pana na nakatarak sa kanang braso ko. Tumango ako sa kanya at noong dahan-dahan nitong inalis ang pana sa braso ko, mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi at napamura na lamang sa isipan noong nanunuot sa kalamnan ko ang sakit dulot ng sugat na natamo.

"Damn it!" Hindi ko na napigilan pa ang sarili. Napadaing ako dahil sa sakit at noong tuluyan nang naalis ni Dylan ang panang tumama sa braso ko, agad kong inilagay ang kamay doon. "Damn, it hurts!"

"Stay still. Kukuha ako ng gamot," saad ni Dylan at mabilis na umalis sa harapan ko. Napailing na lamang ako at hindi na nagsalita pa. Mabilis kong isinandal ang likuran sa backrest ng upuan kinalalagyan at noong bumalik na si Dylan, mataman ko itong tiningnan habang tahimik na kumukuha ng gamot para sa nataming sugat. "Let's stop the bleeding first. Mayamaya, aalis tayo at pupuntahan ang kaibigan kong healer na narito sa sentro."

Napatango na lamang ako habang pinagpapatuloy ni Dylan ang ginagawa. At noong matapos na ito, mabilis akong umayos nang pagkakatayo. "Hindi mo ba naramdaman ang presensiya nito kanina, Dylan?" I curiously asked him. Seryoso naman itong napatitig sa akin. "I felt that person's presence twice, Dylan. Noong bago ako pumasok sa bahay na ito at noong maalimpungatan ako mula sa pagtulog."

"Anong klaseng presensiya ang tinutukoy mo, Cordelia... no, you're not her." Umiling ito sa harapan.

"Call me by her name, Dylan. Mas makakabuti ito para sa atin."

Napahugot ito ng isang malalim na hininga. Mayamaya lang ay tumango ito at umayos nang pagkakatayo. "So, tell me, Lia. Anong klaseng presensiya ang naramdaman mo kanina?"

"Hindi ko rin alam, Dylan. It feels like someone's watching me earlier."

"You told me that you saw someone right?" Tumango ako sa kanya. "This is not good. Paniguradong may nakakilala sa'yo kanina sa pagtitipon."

"What? I was wearing a mask, Dylan!"

Hindi muna nagsalita si Dylan at muling humugot ng isang malalim na hininga. "Kailangan na nating bumalik sa shelter mansion ni Carolina." Nanlaki ang mata ko sa tinuran nito. "Mas magiging ligtas ka sa lugar na iyon."

"No," mabilis na saad ko. "Hindi ko magagawa ang misyon ko kung ikukulong niyo ako sa mansyong iyon, Dylan!"

"Pero mas mapapahamak ka kung mananatili ka rito sa sentro ng Vallasea!" Napangiwi na lamang ako dahil sa tono ng boses ni Dylan. He's dead serious right now! Mukhang desidido na itong ibalik ako sa shelter mansion ni Carolina.

I sighed. "What about Cordelia's soul? Paano kung hindi na ito bumalik sa katawang ito, Dylan?" tanong ko na siyang ikinatigil nito. "This body will be useless without its owner. Yes, mahalagang ingatan natin ang katawang ito ngunit kung ikukulong niyo ako para hindi masaktan ang katawang ni Cordelia, mas gugustuhin ko pang masugatan ako nang paulit-ulit hanggang sa matapos ang misyong ito at tuluyang bumalik sa katawang ito si Cordelia."

Hindi nagsalita si Dylan at matamang tinignan lamang ako. "We all wanted to help her, Dylan. Iyon din naman ang nais kong mangyari... ang tulungan si Cordelia. Sa kahit anong paraan, ibabalik ko siya sa katawan niya. Iyon lang din naman kasi ang dapat kong gawin para naman magawa ko na rin ang tunay na pakay ko sa mundong ito."

"Cordelia... she's someone that we need to protect, Raina," ani Dylan na siyang ikinatigil ko. "Alam kong may ideya ka na kung sino talaga ito kaya naman pilit namin itong inilalayo sa kapahamakan."

"But she almost died," malamig na turan ko naman. Natahimik muli si Dylan. I sighed again. "Don't worry. Cordelia will definitely back. My mother already did this before, iyong kay Scarlette ng Oracle. Kaya naman tiyak kong matutulungan ko rin itong makabalik nang ligtas sa katawan niya, Dylan." Kinagat ko ang pang-ibabang labi at tumayo na mula sa pagkakaupo. "So please, Dylan, huwag mo akong ibalik sa shelter mansion ni Carolina."

"Raina-"

"He's here again," mabilis na saad ko na siyang ikinatigil naman ni Dylan sa pagsasalita. Napakunot ang noo nito habang nakatingin sa akin at noong makuha nito ang nais kong iparating sa kanya, agad itong tumingin sa nakasarang pinto 'di kalayuan sa kinatatayuan naming dalawa.

"I can't feel his presence. Damn it!"

Napangiwi sa tinuran nito. I swear to God, this is creeping me out! Bakit ako lang ang nakakaramdaman sa presensiya nito? "We need to move now," saad ko pa at inilapat ang kamay sa naka-bandage na braso. "I can feel two different presences now, Dylan."

"What?" gulat na tanong nito at puwesto sa may harapan ko. Nakatalikod ito sa akin at ngayon ay nakaharap sa nakasarang pinto. "Are you sure about that, Raina?"

Napairap ako at napailing sa kanya. Dylan should stop calling me by my real name! Mapapahamak talaga kami kapag may makarinig sa kanyang ibang tao! "Hundred percent," seryosong sagot ko na lamang sa kanya. "Ang isa sa kanila ay nasa may pinto na at ang isa naman..." Bumaling ako sa gawing kanan at tiningnan ang nakasarang bintana. "Nasa may gawing kanan natin ang isa at natitiyak kong naghihintay lang ito sa susunod na gagawin natin."

"Bastards," bulalas ni Dylan at mabilis akong binalingan. "Can you still fight?" tanong nito at tiningnan ang sugatan kong braso.

Tumango ako sa kanya. "I do trust Cordelia's fighting skills. Even without magic, I'm pretty sure I can handle our enemies."

Tumango na lang din sa akin si Dylan at mabilis na kumilos na sa kinatatayuan nito.

Intruders, huh? And they're after me... Mukhang may nais talagang ipahamak itong si Cordelia. Iyong aksidenteng nangyari sa kanya sa lawa, mukhang mas nagiging malinaw na hindi ito simpleng aksidente lamang. Someone wants her dead. Someone's wanted to end her life.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top