Chapter 12: Mission

Mahigpit kong hinawakan ang magkabilang bahagi ng mahabang gown na suot ko.

Bawat hakbang ko ay tila lumulutang ako sa ere. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman ngayon. I'm excited to finally meet the Tyrants but at the same time, kinakabahan ako sa magiging resulta nang gagawin ko ngayon.

Maniniwala kaya sila sa akin? Maniniwala kaya sila na anak ako ni Rhianna Dione at nandito ako ngayon sa mundo nila para hanapin ang ama ko? Damn it! Kung kanina ay kalmado ako, ngayon ay halos kumawala na sa dibdib ko ang puso ko sa lakas ng tibok nito!

Walang sinabi sa amin si Atlas noong saan kami pupunta. Basta sumunod lang kami ni Dylan sa kanya at ngayon ay tuluyan na kaming nakaalis sa gusali kung saan ginaganap ang pagitipon para sa kaarawan ng Grandmaster ng Phoenix. Mayamaya lang ay narating namin ang isang gusali sa bandang likuran ng main building kanina. Halos walang tao sa parteng ito at may iilang Knight lang akong nakikita sa dinaraanan namin ngayon.

"Isang miyembro lang ng Tyrants ang nakumbinse kung pumayag sa pag-uusap na ito. Hindi kasi maaaring iwan ang hari nila," ani Atlas noong tumigil ito sa isang nakasarang pinto. Humarap ito sa amin ni Dylan at matamang tiningnan kami. "Hindi ko sigurado kung kilala mo siya, Cordelia, pero alam ko kung paano makitungo ito sa ibang tao. Kung may sasabihin ka sa kanya, pag-isipan mo muna nang mabuti. This is a member of the Tyrants. Hindi ka maaaring maging kampante sa kanila."

"I know that, Atlas," marahang saad ko at napalunok na lamang. Minsan ko nang nabasa sa diary ni mommy ang tungkol sa kung anong klaseng relasyon ang mayroon sa pagitan ng Tyrants at Phoenix Knights. Hindi magkasundo ang mga ito sa maraming bagay ngunit hindi naman sila magkaaway. They just don't like each other's presence. Period. "Nasa loob ba siya?" tanong ko na siya ikinatango naman nito sa akin.

Maingat na kumilos si Atlas at humarap muli sa nakasarang pinto. Mayamaya lang binuksan na niya ito at naunang pumasok na sa amin. Bumaling muna ako kay Dylan bago kumilos muli. Nakasuot pa rin ang maskara nito sa mukha kaya naman ay hindi ko mahulaan kung anong klaseng ekspresyon ang mayroon ito. Alam kong tutol ito sa ginagawa ko ngayon. Ni ang pagpunta sa pagtitipong ito ay talagang nahirapan akong kumbinsehing pumayag ito, pati na rin si Carolina. But I guess, he's curious too. He's curious about me wanting to talk to the Northend Knights. Kahit na hindi nito sabihin sa akin, alam kong may nais din itong malaman kaya naman ay tahimik lang nitong pinagbibigyan ang mga nais ko.

Tahimik akong sumunod kay Atlas sa gusaling pinasukan nito. Ganoon din ang ginawa ni Dylan at noong tuluyan na kaming nakapasok doon, agad na bumungad sa akin ang malawak espasyo sa may gitna. Napakunot ang noo ko at pinagmasdan nang maigi ang kabuuan ng silid na kinaroroonan. It's like one of the training rooms sa shelter mansion ni Carolina!

"Cordelia." Natigil ako sa pagmamasid noong tawagin ako ni Atlas. Mabilis akong napabaling sa kanya at natulos na lamang sa kinatatayuan noong makita ang Knight na nasa tabi nito. "This is Alessia. The current leader of the Tyrants." Napaawang ang labi ko habang nakatuon sa kanila ang buong atensiyon. So, it was her! Isa siya sa kasama ng hari ng Northend na dumalo sa pagtitipon dito sa headquarters ng Phoenix!

"I only have a few minutes left here, so tell me, sino sa inyong dalawa ang nais kumausap sa aming mga Tyrants?" Malamig na tanong nito at tiningnan kami ni Dylan.

Napakurap ako at mabilis na inihakbang ng isang beses ang kanang paa. Maingat ko ring inalis ang suot na maskara at sinalubong ang matamang titig ni Alessia sa akin. "Alessia," maingat na sambit ko sa pangalan niya. "I'm... Cordelia."

"Cordelia? Are you the-"

"Let her talk first, Alessia. Mukhang iba ang pakay ni Cordelia sa'yo," ani Atlas na siyang ikinatigil nito sa pagsasalita.

Napataas naman ang isang kilay ni Alessia at muling itinuon ang atensiyon sa akin. "Speak," tila inip na utos nito sa akin.

"I'm looking for a man named Treyton Duke," mabilis na saad ko sa kaharap. Bigla namang nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Alessia. Segundo lang ay umayos ito nang pagkakatayo at hindi inalis ang mapanuring titig sa akin. "Alam kong kilala niyo ito kaya naman ay talagang ninais kong makausap ang kahit sinong miyembro ng Tyrants."

"Paano mo nalaman ang pangalang iyan, Cordelia?" malamig na tanong ni Alessia sa akin. "Maliban sa aming miyembro ng Tyrants at sa aming mahal na hari, walang ibang nakakaalam tungkol sa pangalang sinambit mo. Tell me, who the hell are you? Are you a dimension traveler, too?"

"Dimension traveler?" rinig kong mahinang tanong ni Dylan sa likuran ko.

Hindi ako kumibo at sinalubong lang ang matamang titig ni Alessia sa akin. "Ikaw ba iyan? Rhianna-"

"I'm not her," mabilis na agap ko sa dapat na sasabihin nito. Natigilan naman si Alessia at napakunot ang noo habang nasa akin pa rin ang buong atensiyon nito. "My name is Raina. And yes, I'm a dimension traveler too... just like him."

Napahugot ng isang malalim na hininga si Alessia at tiningnan ang dalawang Knight na kasama namin ngayon. "I think this is not the right time and place for us to talk about this one," anito at muling tiningnan ako. "And if you're really a dimension traveler, dapat ay hindi mo ito basta-bastang sinasabi sa iba. Mapapahamak ka sa ginagawa mo!"

"I don't have a choice here, Alessia. I need to find him as soon as possible!"

Bahagyang natigilan si Alessia at nanatili ang matamang titig sa akin. She sighed again. "Your mission is him? To find that man?" seryosong tanong niya sa akin na siyang ikinatigil ko rin. "I doubt about that. If you're inside Cordelia's body, malamang ay hindi si Treyton ang misyon mo kung bakit ka narito ngayon sa Azinbar."

Damn it!

"Cordelia, Alessia, ano bang-"

Muling nagsalita si Alessia kaya naman ay naputol ang dapat na sasabihin ni Atlas. "Tell me, saan mo nakuha ang impormasyon tungkol sa taong hinahanap mo?"

"Alessia, please, wala na akong panahon para sabihin sa'yo ang tungkol sa bagay na iyan. I just need you to tell me kung nasaan ito ngayon. Iyon lang." Gusto kong lapitan ito at magmakaawa pa sa kanya ngunit sa uri ng titig nito sa akin, alam kong maling ideya iyon. And the worst part of this conversation, mukhang hindi ito naniniwala sa akin!

"Atlas," tawag pansin ni Alessia sa Phoenix Knight na kasama namin. "Anong nangyari sa kanya bago ito magtungo rito sa headquarters ng Phoenix?"

Napabaling naman si Atlas kay Dylan kaya naman ay kumilos ito sa likuran ko at tumayo sa tabi ko. "She had an accident," saad ni Dylan na siyang ikinaarko ng isang kilay ni Alessia. "She almost died. Nawala rin ang mga alaala nito."

Tumango-tango si Alessia at binalingan muli si Atlas. "Just like what happened to Scarlette," anito na siyang ikinaawang ng mga labi ko. Scarlette! The Seer from Oracle! Mayamaya lang ay humugot si Alessia ng isang malalim na hininga at muling bumaling sa akin. "Cordelia... no, it's Raina, right?" Marahan akong tumango sa kanya. "The information you want from me is confidential. Hindi ko maaaring sabihin sa'yo ang tungkol kay Treyton."

"But-"

"He's not your mission. Dapat ay hindi sa kanya mo ituon ang atensiyon mo. You're here to help Cordelia. Nothing more, nothing less," seryosong wika pa nito na siyang ikinailing ko. "You don't belong here. Dapat ay hindi ka magtagal sa katawang iyan. Finish your mission and leave this world immediately."

"And what about Rhianna Dione? She's waiting for him to finally return to our world!" Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Humakbang ako ng isang beses papalapit kay Alessia at matamang tiningnan ito. "I'm doing this for her, Alessia. I'm doing this for my mother."

Muling natigilan si Alessia at gulat na napatitig sa akin. "Your what?"

Akmang magsasalita na sana akong muli noong biglang may kumatok sa pinto ng silid na kinaroroonan namin ngayon. Wala sa sarili kong ikinuyom ang mga kamao at tiningnan lamang si Alessia na bumaling sa kung sino mang kumatok at ngayon ay binuksan na ang pinto ng silid.

"Lady Alessia, the King of Northend is looking for you." It was man's voice. Wala sa sarili akong napabaling din sa bagong dating at namataan ang isang Phoenix Knight. "Nasa main building sila ngayon kasama ang Grandmaster." Yumukod ito pagkatapos magsalita at muling lumabas sa silid.

Napatango na lamang si Alessia at muling binalingan ako. "We're done talking here."

"Alessia, please-"

"Sa shelter mansion ka ni Carolina nanunuluyan, tama ba?" tanong nito na siyang ikinatango ko naman sa kanya. "Stay there and don't do anything. Kakausapin ko ang hari ng Northend at ang iba pang Tyrants tungkol dito."

"What about Captain Mary?" wala sa sariling tanong ko sa kanya na siyang muling ikinatigil ni Alessia.

She sighed. "You don't need our Captain's help," aniya at binalingan naman si Dylan. "You were a former Phoenix Knight, right? Keep an eye on her and don't let her do some reckless plan. And please, keep this a secret. Kapag may ibang makaalam nito, paniguradong magkakaroon ng panibagong suliranin ang buong Azinbar. We're not done with our problems against Helienne and the academy. We can't afford to leak this information about the dimension travelers. We can't let them know about the other world."

"Scarlette warned me about this before," ani Atlas at matamang binalingan ako. "Mukhang magkakatotoo iyong nakita niya noon tungkol sa mga dimension traveler mula sa ibang mundo." He sighed. "Hindi ko rin inaasahang makakaharap ko ang isa sa mga dimension traveler na tinutukoy nito."

"Wait a minute," saad naman ni Dylan na siyang ikinabaling namin sa kanya. "I don't understand a thing here. What dimension traveler? Itong si Cordelia?"

"You're not listening, Dylan. She's not Cordelia," sambit ni Atlas at inilingan ito. "Someone's inside Cordelia's body right now. Nangyari na ito kay Scarlette noong naaksidente siya at halos mawalan ng sariling buhay. Alam mo naman siguro ang tungkol sa nangyari sa Oracle, hindi ba?"

"Yeah, but-"

"I'm leaving now. Hindi na ako maaaring magtagal dito," singit ni Alessia sa usapan ng dalawa at muling bumaling sa akin. "You need to know your mission first, Raina. And after that, we'll talk again." Makahulugang saad nito sa akin at mabilis na kumilos na. Hindi ko na nagawa pang magsalita at tahimik na pinagmasdan ang papalayong bulto ni Alessia. At noong tuluyan na itong makalabas sa silid na kinaroroonan namin, tahimik kong sinalubong ang mapanuring titig ng dalawang lalaking kasama.

"I don't know where to start," wala sa sariling saad ko sa kanila.

"What about telling us first who the hell you are?" malamig na tanong ni Dylan na siyang ikinayuko ko na lamang. "Magsalita ka at sabihin mo sa akin ang lahat-lahat. You already met and talked with that Northend Knight! Ngayon ay sabihin mo sa akin kung sino ka ba talaga at bakit nasa katawan ka ni Cordelia?"

"Dylan, stop-"

"No, Atlas. She needs to tell the truth! She's inside Cordelia's body! She's using it right now! What about Cordelia? Nasaan ito ngayon?" tila galit na tanong ni Dylan na siyang ikinaatras ko palayo sa kanya. Kulang na lang yata ay sigawan niya ako dahil sa galit na mayroon siya ngayon sa akin.

"Dylan-"

"I'm here because Cordelia was about to die that day!" saad ko na siyang nagpatigil sa dalawa. Binalingan ko si Atlas at matamang tiningnan ito. "Hindi ko alam kung nasabi ba ito ni Scarlette sa'yo ngunit pareho ang sitwasyon nila ni Cordelia ngayon. She was about to die, and before she finally faced her own death, I entered her body."

"You mean...two souls inside a single body?" gulong tanong ni Dylan sa akin.

Umiling ako. "I don't know. Maaaring ako lang talaga ang nasa katawang ito at wala iyong kay Cordelia."

"Damn it!" malutong na mura ni Dylan na siyang nagpapitlag sa akin. Mabilis nitong inalis ang suot na maskara at galit na tiningnan ako. "Anong kailangan nating gawin para bumalik sa katawan niya si Cordelia?" Napalunok ako at pilit na nilalabanan ang takot habang nakatingin kay Dylan. "Magsalita ka!"

"Dylan, stop it! Calm down and talk to her nicely!" saad ni Atlas at hinawakan ang braso nito. "Hindi makakatulong sa sitwasyon ni Cordelia kung magagalit ka ngayon kay Raina! Calm down, okay?"

"How can I fucking calm down, Atlas? Kilala mo si Cordelia! Kilala mo kung sino talaga ito! Paano kung malaman ito ng palasyo? Paano kung-"

"No one will know about this except us," mariing saad muli ni Atlas at binalingan ako. "Right, Cordelia?" He slowly uttered those words.

"Damn it!" mura muli ni Dylan.

"Sa tingin ng iba, ako pa rin naman si Cordelia. I... will still act as if I don't remember anything about myself and the people around me. Gagawin ko iyon hanggang sa matapos ko ang misyon ko."

Natigil sa pagwawala si Dylan at matamang tiningnan ako. "Misyon? Anong misyon ang tinutukoy mo?"

I sighed before answering his question. "Sa bawat dimension traveler na nagpupunta sa mundong ito at napapadpad sa ibang katawan, may misyon itong dapat na gawin. In my case, I need to know what happened to Cordelia before the accident. I need to help her para tuluyan na itong makabalik sa katawan niya."

"Before the accident," mahinang turan ni Dylan habang hindi pa rin inaalis ang matamang titig sa akin. "Nobody saw what happened to her that day. Basta na lamang itong nakita na nakalutang sa may lawa at halos wala nang buhay."

"Imposibleng walang dahilan kung bakit nangyari iyon sa kanya, Dylan. At isa pa, may mga imahe itong pinapakita sa akin. It was more like her memories. Hindi ko pa ito nabibigyan nang sapat na oras para ikonekta lahat dahil nakatuon ang atensyon ko sa mga nagdaang araw sa pagkikita namin ng miyembro ng Tyrants."

"And now that you finally met Alessia, you can start doing your mission, right?" Atlas carefully asked me. "You can start helping Cordelia now. Am I right, Raina?"

Humugot ako ng isang malalim na hininga at matamang tiningnan ang dalawa.

"Wala rin naman akong ibang magagawa pa. Nasa Tyrants ang mga impormasyong kailangan ko para mahanap ang taong totoong pakay ko sa mundong ito. At mukhang walang balak na ibigay ito sa akin ni Alessia hangga't hindi ko nagagawa nang maayos ang misyon ko." I sighed again and looked at them intently. "So yeah, I'll start helping Cordelia now, Atlas. I'll solve the mystery that happened to Cordelia. Aalamin ko kung talagang aksidente ang nangyari sa kanya o may ibang taong sangkot sa pagkahulog niya sa may lawa."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top