Chapter 11: Talk
Sa lahat ng impormasyong mayroon ako ngayon tungkol sa pagkatao ni Cordelia, itong impormasyong nakuha ko ngayon ang siyang nagpagulat sa akin.
I'm a hundred percent sure na kapatid nito ang prinsesang kakaalis lang. Hindi ako maaaring magkamali sa bagay na ito! Parang pinag-biyak na bunga ang dalawang ito! Magkamukha silang dalawa! Mas mataas lang nang kaunti si Cordelia kumpara sa prinsesa pero ang hugis ng mukha, katawan at maging ang buhok nito ay halos magkapareho! Oh God! So, it means... Cordelia is a Princess of this realm, too? Ngunit kung prinsesa nga ito, ano ang ginagawa niya sa shelter mansion ni Carolina? Anong ginagawa nito sa lugar na iyon at bakit wala siya sa palasyo kung saan naroon ang mga royal ng Vallasea?
"You can ask me everything," rinig kong saad ni Dylan sa likuran. "Ask me and I'll give you all the answer you want."
Napahugot ako ng isang malalim na hininga at marahang binalingan ito. Mataman kong tiningnan si Dylan at noong wala ni isang salitang lumabas sa bibig ko, napailing na lamang ako. Ano ba ang itatanong ko pa sa lalaking ito? Obvious naman kasi ang sagot sa mga katanungang mayroon ako ngayon! Cordelia is part of the royal family! Kapatid niya ang babaeng iyon!
"Cordelia-"
"After the party... I'll ask you after the party," seryosong saad ko. "Alam kong may katanungan ka rin sa akin, Dylan, kaya naman sasagutin ko rin ito pagkatapos nang pagtitipong ito. For now, hayaan mo akong gawin ang nais ko. Kakausapin ko ang Tyrants."
"Hindi mo sila basta-bastang makakausap, Lia."
"Walang imposible sa mundong ito, Dylan," makahulugang saad ko na siyang ikinatigil nito. Nanatili itong nakatitig sa akin at hindi na nagsalita. "The moment I woke up from that accident, I know that there's nothing impossible in this world. Lahat kayang gawan nang paraan. At kung talagang nais kong makausap ang Tyrants, gagawin ko ang lahat nang makakaya ko upang mangyari lamang iyon." Humugot ako ng isang malalim na hininga at bumaling na sa may entablado kung saan naroon ang hari ng Northend at dalawang miyembro ng Tyrants.
Hindi ko alam kung sino ang kasama ng hari ngayon dito sa headquarter ng Phoenix at malalaman ko na lamang iyon kapag makaharap ko na sila.
Nagsimula na ang kasiyahan sa loob ng malawak na bulwagang kinaroroonan namin ni Dylan ngayon. Tahimik naman kaming dalawa na nakaupo at nakamasid lang sa mga bisita. Muli akong napatingin sa may unahan at pinagmasdan ang masayang mga mukha ng mga taong naroon. They're not wearing any mask right now kaya naman ay kitang-kita ko ang ekspresyon sa mga mukha nila. Maging si Naida ay naroon kaya naman ay natitiyak ko na ang katabi nito ay siyang hari ng Vallasea, her father... His Majesty. At kung tama lahat ng hinala ko, ito rin ang ama ni Cordelia.
I'm sorry, Cordelia. I know that I promised to help you, but I need to talk to the Tyrants first. Uunahin ko muna sila bago ang pagharap sa pamilya mo.
Mabilis na lumipas ang oras. Ilang beses din akong sinabihan ni Dylan na kumain muna ngunit hindi ko magawang galawin ang pagkaing nasa harapan ko. Panay din ang baling ko sa buong bulwagan at umaasang makita si Tanner. His one of the Phoenix Knights. Paniguradong nakasalamuha na nito ang Tyrants at kagaya nang pinapanalangin ko, sana'y sinabi nito ang tungkol sa kagustuhan kong makausap sila.
I sighed for the nth times. Muli kong pinaglaruan ang kutsarang nasa harapan at noong makaramdam ako ng kakaiba sa paligid, agad akong naging alerto.
What the hell? Ano itong kakaibang enerhiyang nararamdaman ko sa paligid?
"Dylan," tawag pansin ko sa kanina pang tahimik na si Dylan. Nakatingin lang ito sa kumpulan ng mga bisita at noong marinig niya ang pagtawag ko, bumaling ito sa akin. "May... kung ano akong nararamdamang kakaiba sa paligid."
Ipinilig ni Dylan ang ulo at matamang tiningnan ako. "What do you mean by that, Lia?"
"I... I don't know. It's like some kind of magic," litong saad ko at muling pinakiramdaman ang paligid. Hindi ako maaaring magkamali! I can feel it! Wala ito kanina kaya naman ay madali ko itong naramdaman!
"Cordelia, you can't use magic," ani Dylan na siyang mabilis na ikinatigil ko. "Kaya naman imposible iyang sinasabi mo. If there's an unusual magic here, mabilis itong mararamdaman ng lahat," dagdag pa nito at muling bumaling sa mga tao na nasa pagtitipong ito. "Look at them. Mukha bang nararamdaman nila iyang tinutukoy mo?"
"Pero-"
"Kumain ka na, Lia. Mamaya mo na isipin iyang bagay na iyan," muling saad ni Dylan at muling itinuon ang atensiyon gitna ng bulwagan kung saan naroon ang Grandmaster ng Phoenix. Napapalibutan ito ngayon ng iilang panauhin at sa tabi nito ay iilang Phoenix Knight.
Napalunok at hindi sinunod ang sinabi ni Dylan. Binitawan ko ang hawak na kutsara at mas pinatalas ang pandama.
Yes. Cordelia can't use magic. Kaya naman ay imposibleng makaramdaman din ito ng kakaibang mahika sa paligid. At kung iyon nga ang case ng babaeng ito, ano itong nararamdaman ko ngayon? I'm a hundred percent sure na mahika itong nararamdaman ko!
Mayamaya lang ay mabilis akong napabaling sa gawing kanan ko noong mas lumakas ang kapangyarihang nararamdaman. Wala sa sarili akong napatayo at akmang kikilos na sana akong muli noong mabilis akong pinigilan ni Dylan. Binalingan ko ito at humugot ng isang malalim na hininga. "Magbabanyo lang ako," wala sa sariling saad ko sa kanya at muling tiningnan ang pinanggagalingan ng kapangyarihang nararamdaman ngayon. "Stay here. Kaya ko na ang sarili ko," dagdag ko pa at hindi na hinayaan pang pigilan ako ni Dylan.
Dali-dali akong naglakad at noong makita ko ang daan patungo sa banyo dito sa malawak na bulwagan, hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Malalaking hakbang ang ginawa ko at noong makarating na ako sa may banyo, mabilis akong pumasok doon.
Tahimik kong tiningnan ang kabuuan ng banyo at noong makumpirma kong walang ibang tao maliban sa akin ang narito, napabuntonghininga ako. Akmang kikilos na sana akong muli noong bigla kong maramdaman ang enerhiya kanina pa bumabagabag sa akin. Agad akong bumaling sa likuran ko at natulos na lamang sa kinatatayuan ko noong makita ang babae. Nakatayo ito ngayon sa nakasarang pinto ng banyo. Tahimik lang ito sa puwesto niya at matamang nakatitig sa akin.
"Who are you?" tanong ko sa kanya at humakbang ng isang beses paatras. Sa itsura pa lang ng damit niya, natitiyak kong hindi siya kasama sa mga panauhin nang pagtitipong ito. Who the hell is this woman? Siya ba iyong kanina ko pa nararamdaman sa bulwagan?
Mayamaya lang ay humakbang ng isang beses ang babae kaya naman ay naging alerto ako. "Don't move!" mariing saad ko at umatras muli. "Huwag kang gagalaw kung hindi... uhm, sisigaw ako!" banta ko sa kanya. Hindi umimik ang babae at nanatiling nakatitig sa akin. Hindi na rin ito kumilos kaya naman ay muli akong nagsalita. "What do you want? Ikaw ba iyong nararamdaman ko kanina pa?"
"You can see and feel me," marahang boses na sambit nito na siyang ikinatigil ko. What?
"Well, obviously. Kaya nga kinakausap kita ngayon!" bulalas ko sa kanya.
Ngumiti ito sa akin. "You're special," anito na siyang ikinakunot ng noo ko. "What's your name, child?" Natigilan akong muli sa kinatatayuan ko.
Child? What the hell? Mukha bang bata itong si Cordelia sa paningin ng babaeng ito? E, halos magkasing edad lang yata silang dalawa, ah!
"I don't usually give my name to a stranger," halos walang emosyong saad ko at nagtaas ng isang kilay sa kanya.
"I'm Meredith," wika naman nito na siyang ikinakunot muli ng noo ko. Meredith... That name... Ba't parang pamilyar sa akin ang pangalang iyon? "So, tell me, what's your name?" She asked me again.
"Uhm." Kinagat ko ang pang-ibabang labi at hindi inalis ang paningin sa babaeng kausap. Meredith... Damn it! Saan ko ba narinig ang pangalang iyan? "I'm-" Hindi ko na natapos ang dapat nasasabihin noong biglang may kumatok sa may pinto ng banyo. Nanlaki ang mga mata ko at noong marinig ko ang boses ni Dylan, napaawang na lamang ang mga labi.
"Cordelia. Are you still there?" tanong ni Dylan at muling kumatok sa may pinto.
I saw Meredith sweetly smiled. "Cordelia... I'll remember that name," ani Meredith at ngumiti muli sa akin. Segundo lang din ang lumipas ay mabilis na nawala sa paningin ko si Meredith. Gulat akong napatitig sa puwesto niya kanina at wala sa sariling inihakbang ang mga paa. What the hell just happened? Saan nagpunta ang babaeng iyon?
"Cordelia," muling tawag ni Dylan sa akin kaya naman ay mabilis akong naglakad patungo sa may pinto. Agad kong binuksan iyon at bumungad sa akin si Dylan.
Umayos ako nang pagkakatayo at matamang tiningnan ang lalaki. "Bumalik na tayo sa bulwagan," mabilis na saad ko at nagsimula nang maglakad pabalik sa puwesto namin kanina. Hindi na muling nagsalita si Dylan at sumunod na lamang sa akin. Dali-dali akong naupong muli at pilit na hinanap ang kapangyarihang naramdaman kanina.
Lumipas ang ilang segundo ay hindi ko na naramdaman ang kapangyarihan nito. Palihim akong tumingin sa bawat sulok ng bulwagan at pilit na hinahanap si Meredith sa mga panauhing narito ngayon. So, it was really her, huh? Meredith... Presensiya niya ang naramdam ko kanina at ngayong nawala na ito ng parang bula, hindi ko na rin ito maramdaman ngayon! Iyon totoo? Sino ang babaeng iyon? Bakit ako lang ang nakaramdaman sa presensiya nito kanina?
"You can see and feel me."
"You're special."
Natigilana ko noong maalala ang tinuran nito kanina sa akin. Don't tell me... ako lang talaga ang nakakita at nakaramdaman sa kanya? Pero, paano nangyari iyon?
Napailing na lamang ako at humugot ng isang malalim na hininga. Mayamaya lang ay bumalik na rin si Dylan sa mesa namin at noong mapansin kong may kasama ito, mabilis akong napatingin dito. Agad naman akong napaayos nang pagkakaupo noong mamataang isang Knight ang kasama nito.
"Lia, this is Atlas-"
Mabilis akong napatayo noong marinig mula kay Dylan ang pangalan nang kasama niya. Natigil din ito sa pagsasalita at matamang tiningnan ako. "Atlas... the leader of the Phoenix Knights," wala sa sariling saad ko na siyang ikinatawa ng bagong dating.
"Mukha tama nga ang sinabi ni Tanner. Kilala na ni Cordelia ang mga Knight sa lugar na ito. Maging ang Tyrants ay kilala mo na raw ngayon. Am I right?" Napalunok ako at hindi inalis ang paningin sa lalaki. Atlas... ilang beses na itong nakasama ni mommy kaya naman ay may mga impormasyon akong alam tungkol sa kanya. He was with her when she helped Northend at lalong-lalo na noong napunta ito sa Evraren kung saan nasa katawan ni Scarlette naman si mommy!
"I don't know how she got all your names, Atlas. Maging ako ay nagulat noong banggitin nito ang tungkol sa Tyrants," ani Dylan at muling itinuon sa akin ang atensiyon. "Hindi makakarating si Tanner ngayon, Lia, kaya naman kay Atlas tayo manghihingi ng pabor ngayon."
"What? Saan nagpunta si Tanner? Akala ko ba'y dadalo siya ngayon sa pagtitipong ito?" tanong ko sa kanya. Nagkatinginan naman ang dalawa at noong hindi sila nagsalita, napakunot ang noo. "May nangyari ba sa kanya? Is he okay?"
"He's fine, Cordelia. Umalis lang ito at nagtungo sa realm nila," saad ni Atlas na siyang ikinatango ko na lamang. "Anyway, about your request, mind if I ask you the reason why you want to meet the Tyrants?"
Natigilan ako sa naging tanong nito sa akin. Napabaling ako kay Dylan at hindi na lamang nakaimik noong makitang tila nag-aabang din ito sa magiging sagot ko. Mayamaya lang ay napahugot ako ng isang malalim na hininga. Umayos ako nang pagkakatayo at muling binalingan si Atlas. "I can't tell you now, Atlas, but... you and Dylan can come with me. Kung nag-aalala kayo sa kaligtasan ko habang kasama ko ang Tyrants, then fine, samahan niyo ako. I... I just want to talk to them."
Muling nagkatinginan ang dalawa. Mayamaya lang ay humugot ng isang malalim na hininga si Atlas at muling itinuon sa akin ang atensiyon.
"After an hour, meet us outside this hall," seryosong saad nito at tinanguhan ako. Hindi na ako nakapagsalita pa at tumango na lang din kay Atlas. Mayamaya lang ay nagpaalam na ito sa amin ni Dylan at tinalikuran na kami.
Tahimik kong pinagmasdan ang papalayong bulto ni Atlas. So... it was him. The man who helped my mother before. Looks like ako naman ang tutulungan niya ngayon. I sighed.
"Sana nga lang ay tama itong ginagawa mo, Lia." Natigilan ako noong marinig ang boses ni Dylan. Napabaling ako sa kanya at matamang tiningnan ito. "Ito ang unang pagkakataong makakaharap mo sila. Sana nga lang ay tama rin itong desisyon kong tulungan ka para makausap ko ang mga Knight na iyon."
"Thank you so much, Dylan. Maraming salamat sa pagtulong sa akin," marahang sambit ko sa kaibigan ni Cordelia. "And after this, I promise that I'll tell you whatever you want to hear from me."
Hindi na muling nagsalita si Dylan at naupo na lamang sa upuang nasa tabi niya. Ganoon din ang ginawa ko at hinintay na lamang na dumating ang tamang oras na sinabi kanina sa amin ni Atlas. At pagkalipas ng isang oras, halos sabay kaming tumayo ni Dylan sa kinauupuan.
Nagkakasiyahan pa rin ang mga panauhin ni Grandmaster Walter. May mga bagong dating din na agad namang sinasalubong at binabati ng iilang panauhin. Sa huling pagkakataon, inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng bulwagan. Wala na rito ang hari ng Vallasea. Hindi ko na rin makita si Naida kaya tiyak kong umalis na ito sa pagtitipong ito.
Marahang kong iniling ang ulo at pilit na isinantabi ang tungkol sa pamilya ni Cordelia. Itinuon ko na lamang ang buong atensiyon sa maaaring pagkikita namin ng mga miyembro ng Tyrants at noong nagsimula nang maglakad si Dylan, kumilos na rin ako. Agad kaming lumabas sa may bulwagan at noong mamataan namin si Atlas na nakatayo 'di kalayuan sa main door, mabilis kaming nagkatinginan ni Dylan. Tahimik itong tumango sa akin at muling inihakbang ang mga paa. Wala sa sarili akong napalunok at sumunod na lang din sa kanya.
This is it. It's finally happening.
Makakaharap at makakausap ko na rin sa wakas ang Tyrants.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top