Chapter 10: Royal

Hindi ko maalis ang paningin sa harapan ko. Tahimik kong pinagmasdan ang repleksiyon sa salamin at noong magsawa ako sa pagmumukha ni Cordelia, iyong suot na damit naman nito ang tinitigan ko.

Masyadong magarbo ang suot kong damit ngayon. May ilang damit ang inihanda para sa akin si Tanner at itong kulay lila na gown ang napili ko. Mas simple ang damit na ito kumpara sa kulay pula at itim na gown na tiyak kong aangat talaga kung nasa kumpulan na ako ng mga bisita mamaya.

Bago ko ito sinuot kanina, nagdalawang-isip pa ako kung tutuloy pa ba ako sa pagtitipon. Sa hindi ko malamang dahilan, I suddenly felt uncomfortable. May kung anong pumipigil sa akin na huwag nang ituloy ang naunang plano ko. Is it because of the images I saw inside my head? Malamang sa malamang. Masyadong disturbing ang mga ito at hindi ko pa nalalaman hanggang ngayon kung anong ang connection ng bawat imaheng nakita ko sa nangyari kay Cordelia.

"Sa dami nang nangyari sa akin simula noong napunta ako sa katawang ito, ngayon pa ba ako aatras?" mahinang usal ko at inayos ang mahabang buhok ni Cordelia. "We're hitting two birds at the same time now, Cordelia. Nandito ako para makausap ang miyembro ng Tyrants at para na rin makakuha pa ng impormasyon tungkol sa nangyari sa'yo. Malakas ang pakiramdam ko, Cordelia. May kung anong matutuklasan ako kapag nasa headquarters na tayo ng Phoenix."

Humugot ako ng isang malalim na hininga at sa huling pagkakataon, muli kong tiningnan ang repleksiyon sa salamin. Mayamaya lang ay napagdesisyonan ko nang lumabas sa silid. Maingat kong inihakbang ang mga paa at noong binuksan ko na ang nakasarang pinto sa harapan ko, agad na bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Dylan. Bahagya pa akong nagulat kaya naman ay wala sa sarili akong napahakbang ng isang beses paatras.

Kunot-noong nakatitig lang sa akin si Dylan. Hindi ito nagsalita at matamang nakatitig lang sa akin.

"Uhm, hinihintay mo ako?" wala sa sariling tanong ko sa kanya.

Tahimik na ipinilig ni Dylan ang ulo pakanan habang matamang nakatitig pa rin sa akin. "Sino ang kausap mo sa loob?" tanong nito na siyang ikinatulos ko sa kinatatayuan. Damn it! He heard me talking to myself!

Wala sa sarili akong napangiwi at hilaw na natawa na lamang. Mabilis akong umiling sa kaharap at umayos na lamang nang pagkakatayo. "I... was just talking to myself," saad ko at muling natawa. Palihim kong kinurot ang mga daliri sa kamay at nagsimula nang kumilos muli. Kailangan kong makalayo sa lalaking ito! Paniguradong hindi ako titigilan ni Dylan hangga't hindi niya nakukuha ang sagot na gustong marinig mula sa akin! "Let's go, Dylan! Magtungo na tayo sa pagtitipon," mabilis na turan ko sa kanya at nilagpasan na ito.

Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi at hindi na ito nilingon pa. Maymaya lang ay naramdaman ko ang pagkilos nito at sinundan na ako. Wala sa sariling napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at pinagsawalang-bahala ang matamang titig ni Dylan sa akin.

Relax, Raina. Alam kong matalino itong si Dylan ngunit hindi naman siguro nito maiisip ang tungkol sa sitwasyon ni Cordelia, right? He just heard me talking to myself... which was definitely one of the truths among my lies! Iyon din naman ang naging alibi ko kaya naman paniguradong magiging weird lang ako sa paningin ng lalaking iyon!

Napahugot na lamang muli ako ng isang malalim na hininga at palihim na binalingan si Dylan. Ngunit noong magtagpong muli ang mga mata namin, mabilis akong napaiwas nang tingin sa kanya. Damn it! He's not buying my alibi! Kitang-kita sa ekspresyon ng mukha nito na hindi ito naniniwala sa mga salitang binitawan ko kanina sa kanya! Napirmi na lamang ako sa kinatatayuan at naghintay sa susunod na gagawin nito.

I was busy playing the tip of Cordelia's hair, just to hide my uneasiness right now, when Dylan finally speak. "Let's go, Lia. Kanina pa naghihintay ang karwaheng magdadala sa atin sa Phoenix," anito na siyang marahang ikinatango ko na lamang. Nagsimulang maglakad muli si Dylan at nauna nang lumabas sa bahay ni Tanner.

Muli akong napahugot ng isang malalim na hininga at napailing na lamang. Umayos ako nang pagkakatayo at wala sa sariling inihakbang muli ang mga paa. Tahimik kong sinundan si Dylan at noong mamataan ko ang karwaheng tinutukoy nito, napaawang na lamang ang mga labi.

"What the-"

"It's one of the royal's carriages," imporma sa akin ni Dylan na siyang lalong ikinagulat ko.

"Royal carriage? Bakit naman tayo gagamit ng karwaheng para sa mga royal lamang?" wala sa sariling tanong ko habang nakatingin pa rin sa magarbong karwaheng nasa harapan.

"This is the only vehicle we can use to enter the premises of the Pheonix," ani Dylan na siyang ikinabaling ko sa kanya.

"But we have the invitation. Makakapasok tayo kahit wala itong sasakyang ito."

"They have rules, Lia. We need to use this if you really want to attend the event." Dylan said then open the carriage's door. "Let's go."

Wala sa sarili akong napatango kay Dylan at hindi na nagsalitang muli. Maingat kong inihakbang ang mga paa at sumakay na sa karwahe. Pagkaupo ko ay agad kong inayos ang laylayan ng suot ng damit. Mayamaya lang ay sumakay na rin si Dylan at naupo sa tabi ko.

Tahimik lang kaming dalawa ni Dylan sa loob ng karwahe. Nakatingin lang ako sa labas at pinagmamasdan ang bawat gusilang nadaraanan. Pagkalipas ng ilang minuto ay tumigil ang karwaheng sinasakyan namin. Napaayos ako nang pagkakaupo at wala sa sariling napatingin sa may unahan.

Isang malaking gate ang namataan ko 'di kalayuan. May iilang kawal din akong nakita kaya naman ay natitiyak kong nakarating na kami sa headquarter ng Phoenix.

"Wear this," rinig kong sambit ni Dylan kaya naman ay napabaling ako sa kanya. Taka ko itong tiningnan at noong mapansin ang hawak-hawak nito, napakunot ang noo ko. "It's a masquerade party," dagdag pa niya.

"Oh," wala sa sariling saad ko at kinuha ang kulay itim na maskara. Humugot ako ng isang malalim na hininga at napatingin na lamang sa unahan noong bumukas ang malaking trangkahan. Segundo lang din ay muling umandar ang karwahe at tuluyan nang pumasok sa loob ng headquarter ng Phoenix.

Nakatatak na sa isipan ko ang mga dapat kong gawin.

Find the Tyrants, talk to them and ask for help. Paniguradong tutulungan nila ako kapag malaman nilang anak ako ng dating Captain Mary nila. Mom helped them to save their realm before. Kaya naman ay makakasiguro akong tutulungan din nila ako ngayon!

Pagkababa ko sa karwaheng sinasakyan ay mabilis kong inilibot ang paningin sa paligid.

Alam kong nasa isang kakaibang mundo ako ngunit talagang hindi pa rin ako sanay sa mga bagay na narito sa Azinbar! This place is magical! Kulang na kulang ang descriptions ni mommy sa diary niya! Words are not enough to describe how magical this place is!

Hindi ako nakakilos sa kinatatayuan ko. Nanatili akong nakatayo at patuloy na namamangha sa ganda ng headquarter ng Phoenix. At noong maramdaman ko ang presensiya ni Dylan sa tabi, wala sa sariling binalingan ko ito. "Wear your mask, Lia." He said to me. I immediately nod at him and wear my mask. Mayamaya lang ay nagsimula nang maglakad si Dylan kaya naman ay mabilis akong sumunod dito.

Hawak-hawak ang laylayan ng mahabang gown, tahimik kong tinahak ang daan patungo sa main door ng isang gusali. Nasa unahan ko lang si Dylan at noong tumigil ito sa tapat ng isang pinto, dahan-dahan napahinto na rin ako. Tumayo ako sa tabi niya at tahimik na pinagmamasdan ang dalawang bantay na tumitingin ngayon sa dala naming imbitasyon para sa pagtitipon.

"Pumasok na kayo," wika ng isa sa bantay at marahang tinanguhan kami.

Nagpasalamat naman si Dylan dito at binalingan ako. "Let's go, Lia," anito at hinawakan ang kamay ko.

Wala sa sariling napaawang ang mga labi ko. Dahil sa gulat ay hindi ako nakaalma sa ginawa ni Dylan. Hinayaan ko itong nakahawak sa akin hanggang sa tuluyan na kaming nakarating sa isang malaking bulwagan. Mayamaya lang ay mapahinto kaming dalawa sa paglalakad noong makita kung gaano karami ang taong narito ngayon para sa kaarawan ng Grandmaster ng Phoenix.

"Ang daming tao naman sa party na ito," mahinang turan ko habang nakatingin sa mga abalang panauhin. "Mukhang mahihirapan akong makita sila."

"You still want to talk to them?" mahinang tanong ni Dylan na siyang ikinatango ko lang sa kanya bilang tugon. "What do you want from them anyway?"

"I can't tell you, Dylan," mahinang sagot ko sa kanya. Mayamaya lang ay naramdaman ko ang marahang paghigpit nang pagkakahawak nito sa kamay ko. Wala sa sariling akong napatingin sa kanya at kahit na may suot itong maskara, alam kong seryoso at hindi maipinta ngayon ang mukha ng lalaking ito. I silently sighed. "Huwag kang mag-alala. Hindi ko ipapahamak ang sarili ko. I just need to talk to them."

"You never meet them before, Cordelia, kaya naman ay nagtataka talaga ako kung paano mo nalaman ang tungkol sa kanila. The Tyrants... they're not just a simple group of Knights here in Azinbar. They have some reputations here kaya naman ay hindi mo maaalis sa akin ang hindi magdalawang-isip sa binabalak mo."

Napakagat ako ng pang-ibabang labi dahil sa lamig at seryosong tining ni Dylan. He's really against with the idea of me meeting the Tyrants! "They're not the worst Knight here in Azinbar, Dylan," mahinang saad ko na siyang ikinabaling na nito sa akin. "Kagaya ng ibang Knight na kilala mo, may mga bagay silang dapat protektahan kaya naman ay ganoon na lamang nila alagaan ang reputasyong mayroon sila ngayon. Ruthless? I don't think so. Even your friend, Tanner, and the rest of the Phoenix Knight, alam kung ganoon din ang ginagawa nila para lamang pangalagaan ang buong Phoenix at ang Grandmaster nito."

Hindi nagsalita si Dylan at noong unti-unti nitong bitawan ang kamay ko, napayuko ako at wala sa sariling napatitig sa kamay na binitawan nito. "Cordelia will never say those words," matamang saad nito na siyang ikinatigil ko. Mabilis akong napatingin muli sa kanya at sinalubong ang malamig na titig nito sa akin. "She hates the word Knight. She even hates seeing one kaya kapag nagtutungo si Tanner sa shelter mansion ni Carolina, simpleng kasuotan lamang ang isinusuot nito para hindi magalit si Cordelia sa kanya."

"Dylan-"

"I don't know what really happened to you, but the moment you woke up from the accident, ibang tao na ang nakikita ko sa'yo, Lia," dagdag pa ni Dylan na siyang halos ikinatigil ko sa paghinga. "Tell me... is it really you, huh? Did you really loss your memories? O... ibang tao na iyong nasa katawan na iyan at hindi na si Cordelia?"

Damn. Damn. Damn!

So, napansin niya lahat ang mga iyon? Napansin niya lahat ng pagbabago ni Cordelia simula noong napunta ako sa katawang ito? Damn it! I thought I was doing good at acting like I loss all my memories! At sa lahat pa nang makakapansin nang pagbabagong iyon ay talagang itong lalaking pa! I'm screwed! Big time!

"Answer me, who the hell are you?" malamig na tanong ni Dylan sa akin na siyang ikinaatras ko.

I don't know what to tell him! Hindi ko alam kung magandang ideya bang ipaalam sa kanya ang totoong katauhan ko. Paniguradong mahihirapan akong gawin ang misyon ko dahil sa paghihinala ni Dylan sa akin! Damn!

"Dylan, I-"

Hindi ko na natapos ang dapat na sasabihin noong biglang nagkaroon nang ingay sa gawing unahan ng malaking bulwagan na kinaroroonan namin ngayon. Agad akong napaayos nang pagkakatayo at wala sa sariling napatingin doon.

"Your Highness." Napakunot ang noo ko sa narinig mula sa iilang bisita ng pagtitipon.

"It's King Louis IV of Northend!"

"Of course, he'll be here! He's the brother of Grandmaster Walter!"

"At may kasama pa itong miyembro ng Tyrants!"

Napaawang ang mga labi ko sa mga naririnig. It's them! The King of Northend and Tyrants are finally here!

Akmang hahakbang na sana ako noong mabilis akong hawakan ni Dylan sa braso ko. Napahinto ako sa pagkilos at binalingang muli si Dylan. "You're not going anywhere." He coldly uttered those words to me.

Napangiwi ako. "I'm just going to talk to them," saad ko at pilit na binabawi ang braso mula sa pagkakahawak nito. "Let me go, Dylan."

"No."

"But-"

"Look who's here." Natigilan ako sa pagpupumiglas noong may nagsalita sa likuran ko. Mabilis namang napaayos nang pagkakatayo si Dylan at agad na binitawan ang braso ko. Mayamaya lang ay yumukod ito kaya naman ay mabilis na napakunot ang noo ko sa inasta nito. "Hanggang dito ba naman ay kailangan mong bantayan siya, huh, Dylan?" Tumawa ito kaya naman ay mabilis akong bumaling sa puwesto ng bagong dating.

It was an unfamiliar woman. Wala itong suot na maskara kaya naman ay agad kong nakita ang mukha nito. Sa itsura pa lang nito ay alam kong hindi ito basta bisita lamang sa pagtitipong ito. And her gown, oh come on, it screams elegant and royal... Wait. Royal?

Hindi ko inalis ang paningin sa babae. Mataman kong tinitigan ito at noong may napansin ako, mabilis akong napabaling muli kay Dylan.

"Who is she, Dylan?" wala sa sariling tanong ko na siyang mabilis na ikinaangat nang tingin nito sa akin. "Bakit... bakit kamukha ko siya?"

"Cordelia, stop-"

"You don't know me?" tanong ng babae na siyang ikinatingin kong muli dito. Wala sa sarili akong tumango kaya naman ay mapaklang tumawa ang babae habang nakatingin sa akin. "What happened to her, Dylan? Talaga bang pinutol na nito ang kung anong ugnayang mayroon siya at ang pamilya namin?"

"No, Your Highness," mabilis na turan ni Dylan at umayos nang pagkakatayo. Kumilos ito at pumuwesto sa tabi ko. "She had an accident and loss her memories."

Gulat na napatitig sa akin ang babae. "What? Paanong... Bakit hindi ko alam ito!" Bahagyang napalakas ang boses nito kaya naman ay napapitlag ako. May iilang bisita ring napatingin sa gawi namin at tahimik na pinagmasdan kami.

"Princess Naida!" Agad kaming natigilan noong may nagsalita sa likuran ng babae at takang tiningnan ang bagong dating. "The King is looking for you, Your Highness."

Princess... King... Your Highness.

Now, I get it. Mukhang alam ko na kung sino ang babaeng ito.

Princess Naida... one of the royals of this realm. Princess Naida of Vallasea.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top