Chapter 1: Cordelia

Panay ang kunot ng noo ko habang binabasa ang isang pahina sa diary ni mommy. Minsan pa nga'y napapa-arko ang isang kilay ko kapag may nabababasang hindi kapani-paniwalang mga bagay.

What the hell is this? Bakit ganito ang laman ng diary ni mommy?

Simula noong nabasa ko ang first page ng diary na ito sa ospital, hindi ko na ito tinigilan. Hindi na rin kasi ako nagtagal sa hospital room ni mommy. Tulog naman ito kaya naman ay nagpasya na akong umalis kanina. They will just call me if she's awake and lucid.

Hindi ko na alam kung pang-ilang beses na pagtaas ng kilay ko itong ginagawa ko ngayon. Lahat ng mga nababasa ko ay walang katotohanan. Parang lahat nang nakasulat dito ay nangyari lamang sa loob ng isipan mismo ni mommy. What is this? Isa ba ito sa epekto ng sakit niya? She was imagining things and wrote everything in here? Iyon ba iyon? Dahil kung epekto nga ito ng sakit niya, malala na talaga ang kalagayan niya! Oh my God!

Kailan pa ito nangyari?

Napahilot ako ng sintido at marahang isinara ang diary ni mommy. Halos nasa dulong pahina na ako. Sa dami nang nabasa ko, biglang sumakit ang ulo ko. Ipinikit ko ang mga mata at isinandal ang likod sa backrest ng upuan ko.

"I think I need a break," marahang sambit ko sa sarili at maingat na tumayo. Dahan-dahan akong humakbang hanggang sa makarating ako sa may pintuan ng silid ko. Tahimik akong lumabas sa kuwarto at nagtungo sa unang palapag ng mansyon namin.

Walang ingay akong nagtungo sa kusina at naghanap ng maiinom. Gusto ko sanang uminom ng kahit anong alak ngunit mabilis kong pinigilan ang sarili. Babalik ako bukas sa ospital kaya naman dapat ay hindi ako maglasing ngayong gabi. My mother needs me. Hindi ako maaaring humarap sa kanyang mukhang wasted at hindi pormal. Kahit na hindi naman niya ako naaalala bilang anak niya, still, I need to look presentable when I visit her.

Maingat akong kumuha ng baso at nagsalin ng malamig na tubig. Noong napuno ito, hindi muna ako uminom at nagsimula nang maglakad palabas sa kusina namin. Magaan ang bawat hakbang ko. Hindi ko alam kung bakit pero tila sobrang tahimik... payapa, ang buong mansyon ng pamilya namin.

Wala ngayon si lola. Nabanggit sa akin kanina ni Dahlia sa telepono na nasa probinsya raw namin ito at baka sa makalawa pa lumuwas pabalik dito sa Manila. Walang problema naman iyon sa akin. Iyon na lang din kasi ang naging libangan nito simula noong namatay si lolo.

I sighed as I watched our living room. Ibang-iba ang katahimikan dito ngayon. Wala sa sarili naman akong napatingin sa main door ng mansyon namin at noong maalala ko ang huling ginawa ko sa lugar na ito, napangiwi na lamang ako.

I was disappointed to myself that night. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin noong gabing iyon. I was very patience with everything. Lumaki akong may malaking pag-unawa sa lahat nang nakapalibot sa akin, lalo na si mommy. But that night, I think I just snapped. Lahat ng hindi ko masabi sa pamilya ko, sa mommy ko, ay nailabas ko noong gabing iyon. I cried... screamed and even cursed that night. I was so done with everything. At noong umalis ako, noong lumabas ako sa main door ng mansyon ng mga Ferrer, agad kong pinagsisihan ang lahat nang sinabi ko sa kanila. Hindi ako pinalaking ganoon ni mommy. Siguro nga'y talaga lahat ng bagay ay may hangganan. And for me, ang nangyari noong gabing iyon ang nagsilbing dead end ko sa lahat nang nangyari sa akin.

Muli akong napabuntonghininga at nagpasya nang bumalik sa silid ko. Dala-dala ang isang baso ng tubig, maingat kong hinakbang muli ang mga paa hanggang sa makarating na ako sa pangalawang palapag. Pumasok na ako sa kuwarto ko at bumalik sa study table ko.

Napangawi na lamang ako noong makitang muli ang diary ni mommy. Inilapag ko ang hawak-hawak na baso sa ibabaw ng mesa at naupong muli sa puwesto ko kanina. Maingat kong binukat muli ang diary ni mommy at nagpatuloy na sa pagbabasa.

This time, nasa ibang realm na ito. Tapos na ako sa adventure niya sa Northend bilang Captain Mary kasama ang mga miyembro ng Tyrants. Ngayon ay nasa Evraren na ito at nasa katawan ni Scarlette, isang Seer ng Oracle. Napailing akong muli at nagpatuloy sa pagbabasa.

Saan kaya nakuha ni mommy ang mga ito? The way she wrote it here, parang totoong nangyari nga ito sa kanya! May ilang page pa ngang may drawing at may kung anong description pa!

Muli akong natigilan sa pagbabasa noong makitang muli ang pangalan ni daddy. Maingat kong inangat ang kamay at hinaplos ang pahina kung saan naroon ang pangalan nito. Kung totoo sana itong mga nakasulat dito. Kung totoong nasa ibang dimensyon ito kaya hindi pa siya nakakabalik sa amin ni mommy, sana'y magawa na niya nang paraan na bumalik sa totoong mundo niya. My mother needs him. Kahit na huwag na sa akin, kahit kay mommy na lang. Okay na ako roon.

But I guess, hindi mangyayari iyon. Dahil hindi totoo itong mga nakasulat sa bawat pahina ng diary na ito. Hindi totoo ang Azinbar, ang Northend, ang Evraren, at ang ibang realm sa mundong iyon. Hindi totoong nag-e-exist si Captain Mary at si Scarlette, at ang Tyrants. Lahat ng ito ay kathang-isip lamang ni mommy. It was because of her illness. Nothing more. Nothing less.

"I think I'm just wasting my time here," matamang sambit ko at isinarang muli ang diary ni mommy. Humugot muna ako ng isang malalim na hininga at noong hahawakan ko na sana ang basong nakapatong sa ibabaw ng mesa ko, agad itong natumba na siyang mabilis na nagpapitlag sa akin. Nanlaki ang mga mata ko sa nangyari at mabilis na napatayo. Dali-dali kong dinampot ang diary ni mommy at napangiwi na lamang noong makita medyo nabasa ito ng tubig.

Great! Ngayon ay kailangan ko pang linisin itong kalat ko!

Napailing na lamang ako at mabilis na naghanap ng pamunas sa basang mesa. Nagtungo ako sa banyo ko at kinuha ang tuwalyang naroon. At noong akmang lalabas na sana akong muli, mabilis akong natigilan sa pagkilos at napabaling sa salamin na nasa loob ng banyo ko.

Kunot-noo kong pinagmasdan ang sariling repleksiyon at noong makaramdaman ako ng kakaibang init sa kaliwang bahagi ng leeg ko, napangiwi na lamang ako. Mayamaya pa'y umayos ako nang pagkakatayo at mas inilapit ang sarili sa salamin. Ibinaling ko ang ulo pakanan para makita ang kung anong mayroon sa leeg ko.

"Bakit namumula ito?" wala sa sariling tanong ko at hinawakan ang namumulang leeg. Segundo lang ay mabilis akong napapitlag noong tila na kuryente ang kamay ko. Napakunot ang noo ko sa nangyayari at mabilis na umayos nang pagkakatayo. Hindi ko inalis ang paningin sa repleksiyon ko sa salamin at noong wala namang nagbago sa akin, napabuntonghininga na lamang ako.

I think I'm being paranoid now! Epekto ito marahil sa mga nabasa sa diary ni mommy! Damn it, Raina! Pull yourself together! Hindi totoo ang mga nabasa mo kaya naman ay huwag kang maging praning dito!

Napailing na lamang ako at mabilis na lumabas sa banyo ng silid. Malalaking hakbang ang ginawa ko hanggang sa makabalik na akong muli sa may study table ko. Ilalapat ko na sana ang kinuhang tuwalya sa basang mesa noong mabilis akong natigilan. Kumunot muli ang noo ko at mabilis na hinanap iyong tubig na natapon ko kanina.

What the hell? Bakit tuyo na ito ngayon? Saan nagpunta iyong mga tubig na natapon ko kani-kanina lang?

Wala sa sarili akong napatingin sa basong nasa ibabaw ng mesa pa rin at noong makita ang tubig na laman nito, natigilan akong muli. Wala sa sariling napaatras ako habang nasa baso pa rin ang paningin. This can't be happening! Halos mangalahati ang natapon ko kanina kaya naman, bakit halos hindi ito nabawasan man lang?

Napabaling naman ako sa kama ko, kung saan ko inilapag kanina ang diary ni mommy, at dali-daling lumapit doon. Dinampot ko ang diary ni mommy at mabilis na binuklat iyon. Napaawang na lamang ang labi ko noong makita hindi na ito basa ngayon! Napakurap ako at tiningnan pa ang ibang page ng diary. No way. Walang bakas nang pagkabasa ang pages nito!

"Okay, this is creeping me out," sambit ko sa sarili at muling bumalik sa may study table ko. Dali-dali kong dinampot ang baso ng tubig at mabilis na naglakad pabalik sa banyo ng silid. Hindi na ako nagdalawang-isip pa at ibinuhos ang laman ng baso sa lababo. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko hanggang sa naubos na ang laman nito. At noong makitang naubos na ang laman ng baso, humugot na lamang ako ng isang malalim na hininga. Inilapag ko ang hawak na baso sa may sink at napatingin na lamang muli sa repleksiyon ko sa salamin.

Mayamaya lang ay naramdaman kong muli ang kakaibang init sa may kaliwang leeg ko kaya naman ay napabuntonghininga na lamang ako. Ipinikit ko ang mga mata at tahimik na lumabas sa banyo ko. Maingat kong inihakbang ang mga paa at noong nasa gilid na ako ng kama ko, dinampot kong muli ang diary ni mommy.

"This is all your fault," mahinang turan ko at naupo na sa gilid ng kama ko. "Kung hindi kita binasa, sana'y hindi ako na-pa-paranoid ngayon." Napangiwi ako at umayos na lamang nang pagkakaupo sa kama. Mayamaya lang ay napagdesisyunan ko nang humiga. I think I'm done for today. Tama na itong kabaliwang ginagawa ko. Mukhang maling-mali na binasa ko talaga itong diary ni mommy. Dapat ay hindi na lamang ako na-curious tungkol sa daddy ko. Sana ay hinayaan ko na lamang ang sarili kong walang alam o ideya sa kung saan nga talaga ito nagpunta. "Rest now, Raina. Bukas, panibagong araw na naman ang kailangan mong harapin," mahinang sambit ko sa sarili at pabagsak na nahiga sa kama. Ipinikit ko ang mga mata at hinayaan ang katawang bumagsak sa kama.

I was expecting my body to fall into my soft mattress. Nakapikit pa rin ang mga mata ko at noong makaramdaman ako ng kakaibang lamig sa likuran ko, mabilis akong napamulat ng mga mata. Bumungad sa akin ang puting kisame ng silid ko at noong ikinurap ko ang mga mata, unti-unting nagbago ang tanawing nakikita ko. Mas lumamig na rin ang paligid at noong mapagtanto ko kung anong nangyayari sa akin, mabilis na napaawang ang labi ko.

Damn it! Agad kong isinara ang bibig ko at pilit na iginalaw ang katawan. Nagpalinga-linga ako at pilit na inaalam ang kung anong nangyayari sa akin.

This is not my room anymore! My bed is gone! My freaking room just vanished and now I'm in a freaking body of water, drowning, and my body doesn't want to move! What the hell?

Muli kong sinubukang gumalaw ngunit bigo akong mapasunod ang katawan ko. Hindi ko alam kung gaano na kalalim itong tubig na ito at kung hindi ako kikilos ngayon, mauubusan ako ng hangin at mamamatay ako rito! Damn! What the hell is this? Is this a dream? Pero kakahiga ko pa lamang sa kama ko! Paanong nanaginip agad ako nang ganito?

I tried to move... to swim. Kahit na panaginip lang ito, dapat ay may gawin pa rin ako. Hindi ko hahayaang malunod na lamang ako. I know how to swim. I've learned doing it years ago. Kaya naman ay pilit kong sinubukang igalaw ang katawan. Damn it!

I felt hopeless. Ramdam ko ang paglubog ng katawan ko. Gusto kong lumangoy, gusto kong iligtas ang sarili ngunit tila hindi sumusunod ang katawan ko! Mayamaya lang ay napaawang muli ang labi ko. I need air! I need air to fucking breathe!

Hindi ko na napigilan pa ang sarili noong tuluyan nang bumukas ang bibig ko. I can feel it. Unti-unti na ring lumalabo ang paningin ko. Paniguradong ilang segundo na lamang ay mawawalan na rin ako nang malay. At kapag mangyari iyon, hindi ko na alam kung ano ang sunod na mangyayari. This is a dream, right? Hindi naman ako mamamatay dahil lang dito.

But... this cold feeling... this is so real. Itong malamig na tubig na bumabalot ngayon sa buong katawan ko. Ang kawalan ng hangin... ang panghihina ng buong katawan ko, pakiramdam ko ay totoong nangyayari ito sa akin ngayon.

This is my end. Sigurado ako. Kung susunod lang sana itong katawang ito sa akin. Kung maigagalaw ko sana ito. Kung maililigtas ko lang sana ang sarili mula sa pagkalunod.

Hindi na ako muling sumubok na igalaw ang katawan. Hinayaan ko na lamang na mas lumubog ang katawan sa tubig at noong unti-unting ipinikit ko ang mga mata, isang babae ang biglang lumitaw sa harapan ko.

It was an unfamiliar girl. Nakatingin ito sa akin at maingat na inangat ang kamay sa harapan ko. Hindi ko inalis ang paningin sa kanya. Mukhang mas bata ito kumpara sa akin. She's pretty and I think she's rich too, just like me, but her eyes... it's sad. Ramdam ko ang lungkot sa mga mata nito habang nakatingin sa akin. She's suffering and I can feel it.

Mayamaya lang ay lumapat ang kamay nito sa mukha ko. Nanatili akong nakatingin sa kanya at noong makaramdam ako nang kakaibang enerhiyang dumaloy mula sa kamay niya patungo sa mukha ko, agad akong napasinghap at wala sa sariling napasigaw.

Damn, it hurts!

Ipinikit kong muli ang mga mata at nagpatuloy sa pagsigaw. Mayamaya lang ay natigilan ako sa ginagawa noong mapagtanto ko ang nangyayari sa akin. I just freaking screamed! I heard my voice... I screamed! Mabilis kong iminulat ang mga mata at napaawang na lamang ang mga labi noong makita wala na ako sa tubig! Hindi na nalulunod ang katawan ko at mukhang kaya ko nang kontrolin ito!

Mabilis akong napaupo at tiningnan ang silid na kinaroroonan ngayon. Kunot-noo kong pinagmasdan ang paligid at noong makumpirmang wala ako sa sariling silid ko, agad akong umalis sa kamang kinaroroonan. Hahakbang pa lang sana ako noong biglang bumukas ang pinto 'di kalayuan sa puwesto ko. Isang babae ang bumungad sa akin at noong magtagpo ang paningin naming dalawa, dali-dali itong lumapit sa akin.

"Cordelia! Mabuti at nagkamalay ka na!" sambit nito at mabilis na niyakap ako. Hindi ako nakakilos sa kinatatayuan at hinayaan na lamang ang babae sa pagyakap sa akin. Segundo lang din ang lumipas ay humiwalay na ito at tiningnan ako nang mabuti. "Kumusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sa katawan mo? Iyong ulo mo? Ayos lang ba? Sabihin mo ang kung anong kailangan mo, Cordelia. Gagawa ako nang paraan para maibigay ang nais mo."

Napangiwi ako at bahagyang lumayo sa kanya. "Uhm," mahinang sambit ko at wala sa sariling napakagat ng pang-ibabang labi. Hindi ko inalis ang paningin sa babae at noong nagkaroon na ako nang lakas ng loob na magsalita, mabilis akong humugot ng isang malalim na hininga at umayos nang pagkakatayo sa harapan nito. "Who's Cordelia?" I asked her without a hesitation.

Right. Sinong Cordelia ba ang kinakausap ng babaeng? Ako ba? Mukhang nagkakamali ito. I'm Raina Louise Ferrer Sulivan. Malayong-malayo sa pangalang itinatawag nito sa akin.

Cordelia... Such an odd name.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top