RIMD: The Last Dream (Epilogue)

A/N: Sisingit na muna ako, ah? Hahahaha. I just want to remind you na, inedit ko na ang DREAM #24. Imbes kasi na Kuya Archie ang naitype ko doon ay Kuya Ivan ang nailagay ko. :< Me sorry. Paliwanag ko lang na si Ivan at Archie ay magkaiba. Si Ivan yung busted na manliligaw ni Suzette at si Archie naman ang step brother niya. Clear na ba? Salamat Glezel Granito dahil sinabi mo sa akin yung pagkakamali ko at naiedit ko agad. Mwaaa. :*

________________________

Reality in My Dreams

RIMD: The Last Dream (Epilogue)

*~*~

"Naaalala mo pa ba noong bata pa tayo? Palagi mo akong ginagawaan ng bulaklak na korona at sasabihin mong ako ang iyong prinsesa? Sa tuwing sinasabi mo iyon, naguguluhan ako, hindi ko alam kung bakit tumitibok ang puso ko nang ganoong kabilis. Natatandaan mo ba yun, Reywen?" Mahabang sabi ko nang nakangiti. Ngumiti siya sa akin at pinagsalikop ang mga kamay namin.

"Oo, Suzette. Tandang-tanda ko iyon." Sabi niya at ngumiti. Natawa naman ako.

"Naalala ko rin na lagi kang pinapagalitan ng Mommy mo kasi pinipitas mo ang mga pananim niyang bulaklak para sa akin. Pero kahit ganoon, hindi ka nagpapaawat. Ginagawaan mo parin ako. Nagsawa na nga siguro ang Mommy mo kababawal sayo sa pagpitas mo sa mga pananim niya kaya nagtanim na lang siya ng sobrang dami." Mahabang sabi ko at tumawa ulit. Pati siya ay natawa. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko.

"Oo. Mas mahal pa kasi ni Mommy ang garden niya katsa sa akin." Nakanguso niyang sabi. Tumawa naman ako at kinurot ang pisngi niya gamit ang kabilang kamay ko. Natawa na rin siya at tumingin ng diretso sa mga mata ko. "Alam mo kung bakit ko ginagawa lahat ng iyon simula pa nang mga bata pa tayo?" Tanong niya. Hindi ako sumagot. Ngumiti siya at inipit ang nakawala kong buhok sa likod ng tenga ko bago ibinalik ang tingin sa mga mata ko at nagsalita. "Kasi noon pa man, alam ko nang mahal na kita at gagawin ko ang lahat mapasaya ka lang. Alam ko na noon na kahit bata pa tayo, pagmamahal na itong nararamdaman ko para sayo."

Naramdaman ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Ngumiti ako sa kanya kasabay ng pangingilid ng luha ko bago sumagot sa kanya.

"Mahal na mahal rin naman kita, Reywen. At nagsisisi na ako sa lahat. Miss na miss na kita." Matapos kong sabihin iyan ay tumulo ang luha ko. Lalo na nang makita ko ang mga ngiti niyang totoo pero unti-unti na siyang naglalaho sa paningin ko, katulad nung araw na pinakawalan ko siya mismo.

*~*~

Minsan iniisip ko na nababaliw na ako kasi palagi ko siyang napapanaginipan na nasa garden nila kami at masayang nag-uusap, inaalala ang bawat masasayang alaala noong mga bata pa kami. Pero hindi ako aware na nananaginip ako. Nagugulat na lang ako na nagigising ako mula sa isang mahimbing na tulog.

Isang taon na rin. Isang taon na rin nang sumuko na ako sa kanya at kailanman ay hindi na umasa pang magkikita kami ulit.

"Congrats, Suzette. I'm so happy for you!" Bati sa akin ni Glezel sabay yakap. Kasama niya ang boyfriend niya. "Akala ko, forever na sa kwarto mo nakasabit 'yang mga paintings mo. So happy na maraming tao ang nakakakita ngayon lahat ng masterpiece mo."

Ngumiti ako kay Glezel at nagpatuloy ang pag-uusap namon na madalas ay ginagatungan ng pang-aasar ni Bernard kaya nakakatanggap siya ng sapak at suntok sa kumander niya.

"Manahimik ka, ah? Supalpalin ko bibig mo dyan eh." Masungit na sabi ni Glezel.

"Sure. Basta ng labi mo." At nakatanggap ulit ng sapak si Bernard kay Glezel. Dalawang 'to talaga. Di na nagbago. Mula kusina hanggang dito sa art museum, magbabangayan sila?

Kung nagtataka kayo kung anong ginagawa ko dito sa isang art museum ay dahil nasama sa exhibits karamihan ng paintings ko. May isa kasing proessional artist ang kumain sa Dreamland Restaurant at nakita niya ang mga paintings na nakasabit sa wall. Madalas akong nagpipinta simula nang maka-graduate ako at ang mga napinta kong mga canvas at ilang abstract paintings ay ni-display ko sa restaurant. Isinama ko yung isang painting na tungkol sa aming dalawa ni Reywen, yung unang araw na nagkita kami sa mundo ng panaginip kung saan nakaupo ako sa swing at umiiyak habang siya naman ay nakaluhod sa harap ko habang inilalagay ang dilaw na bulaklak sa tainga ko.

"This paintings looks like. . .real." kumento ng professional artist na si Ms. Katrina noong makita niyang nakasabit ito sa wall.

"Alin po?" Tanong ko dahil di ko talaga alam kung bakit pinatawag niya pa ako sa kusina para sabihin lang iyon.

"This. This painting." Sabi niya sabay turo sa painting na iyon. "The pain, the love, the longing, the darkness, the. . .happiness. All the emotions are there. This painting is the best painting I have even seen in my entire life. It felt like real. The emotions. . .ghaa. i can't believe that someone can put all those emotions in one painting!" She almost screamed.

Sinuri ko ang sarili kong painting at hindi ko agad narealize na. . .tama siya. The pain. I can feel the pain of the girl in the painting. Hindi ko alam kung dahil ba alam kong ako yung nasa painting kaya ko nararamdaman ito ngayon. Pero hindi eh. Ramdam ko. I can feel the love, the longing and the happiness from the guy in front of the girl. He was longing for the girl in front of him like he was waiting for her for so many years, and the darkness of the place. It was dark but clear. I can't explain everything pero naluha ako dahil sa lahat ng naramdaman ko nang sinuri ko ang sarili kong painting.

Naalala ko rin noon na iyon ang una kong ipininta matapos ang ilang taon kong pagtigil aa pagpipinta. I was crying while doing this painting at hindi ako tumayo or tinigilan ang pagpinta hanggang sa matapos ko. I remember, 4:00am na nang matapos ko ang painting na iyon dahil ayokong mabitin ang pagpipinta ko. Dahil gusto ko siyang maramdaman nung mga araw na hindi siya nagpapakita sa akin sa hindi ko malamang dahilan.

Ms. Katrina is the reason why my paintings are included in this exhibit. The theme of this exhibit was Dreams and Nightmares. She challenged me to paint a nightmare. I painted the day when I saw in my dream that the guy I loved. . .died. It was dark themed and heart breaking because you can feel the mourning of the girl in the painting. Yung sakit, pagdurusa, hinanakit, pagsisisi. All.

"You are. . .ugh. You are very good in combining all the emotions in one painting. Great job!" Masayang bati sa akin ni Ms. Katrina nang dinala ko sa office niya ang painting na iyon.

Sinabi niya rin sa akin nung araw na yun na may gaganaping exhibit sa Art Museum at kasali ang mga paintings niya doon. Madami pa siyang sinabi at kung anu-ano pa ang ginawa niyang pag-aasikaso or what para makasama ang paintings ko sa exhibit niya. Her co-artist are very much impressed when they saw my work. They congratulated me and asked me to be part of their company. I refused because I don't want to. Pumayag na lang ako na isama nila ang paintings ko sa exhibit. Just this one at least. I will paint for myself not because I was paid to do it. That was my reason. And I can't leave my restau. Di ko kayang pagsabayin ang pagta-trabaho sa restaurant at pagpipinta ng marami or what.

Lalabas muna sana ako ng event para magpahangin pero may narinig akong pamilyar na boses na tumawag sa akin.

"Ate!"

Pagkalingon ko, I saw my brother smiling from ear to ear as he run into me and hug me tight. I hug him tight too.

"Finally, Ate! I saw you in person and I can hug you tight. Like this. You know, Skype is never enough." Napangiti ako sa binulong ng kapatid ko sa akin at nangilid ang luha ko.

"My god, Justine! Hindi mo man lang sinabing uuwi ka. Sana nakapaghanda ako sa bahay." Sabi ko. Kumalas siya sa yakap at ngumiti sa akin.

"Because I want to surprise you." Naka-pout niyang sabi. "Are you surprised, then?" Tanong niya ng nagtataas-baba pa ng kilay.

"Of course!"

Nag-usap kami ng kapatid ko at paminsan-minsan ay nakikipag-usap ako sa mga tao sa exhibit dahil cinocongratulate ako. Ang gaganda daw kasi ng paintings ko. Nagpapapicture pa nga eh. Awkward tuloy.

"Are you a celebrity, Ate?" Kunot-noong tanong ng kapatid ko na mas matangkad sa akin. 12 pa lang siya pero ang tangkad na niya. Haaay.

"No. Why'd you asked?"

"Because they are taking selfies with you." Sagot niya. Ngumisi ako at inakbayan siya.

"You know why? Because you have a very beautiful and gorgeous Ate." Pagkasabi ko niyan, inirapan niya ako at tinanggal ang pagkaka-akbay ko sa kanya tsaka ako iniwan doon.

What the? Very supportive brother he is!

"Maski kapatid mo, hindi mo mapaniwala sa sinasabi mo, no?" Napalingon ako sa nagsalita and I saw Kuya Archie.

He's been gone for 5 months. Pinuntahan niya kasi si Justine sa ibang bansa at binantayan na rin since may inasikaso siya sa isang branch ng business ng Papa niya doon. Graduating na rin kasi nung time na yun si Justine kaya hinintay na niyang makagraduate. Alam kong uuwi siya ng Pinas pero di ko expected na ngayon mismo!

"Kuya Archie! I missed you!" Sabi ko sabay yakap sa kanya. Tumawa naman siya at niyakap na rin ako. "Hindi mo sinabing uuwi si Justine. Sana sinundo ko kayo at naghanda ng maraming masasarap na pagkain." Sabi ko nang mqy halong pagtatampo ang boses. Kumalas siya ng yakap.

"He already said the reason why, di ba?" Sabi niya. Tumawa naman ako. Napangiti naman siya nang tumawa ako. "So. . .are you're okay now?" He asked. Ngumiti ako.

"Of course. Why would I not?"

"Hmm. Are you happy, then?" He asked again. Ngumiti ako at tumango ng sunud-sunod. "Even without him?" Natigil ako sa pagtango sa sinabi niya.

"I already accepted the fact that we're not meant to be together." Simpleng sagot ko.

"Is it okay with you?" Naglakad-lakad kami habang nag-uusap.

"Oo. Siguro noong una, hindi. Sobrang sakit kasi para akong pinaasa ng tadhana, na para bang nagbigay siya ng motibo na si Reywen na ang para sa akin, pero hindi naman pala. Masakit kasi gusto ko, siya na talaga. Pero wala akong karapatang kalabanin ang tadhana. I'll just go with the flow. Sobrang sakit, Kuya Archie. But I'm moving on. I'm trying to. Pero palagi siyang pumapasok dito." Sabi ko sabay turo sa ulo ko.

"May mga bagay kasi na ipapahiram sayo at babawiin rin kapag masyado nang mahigpit ang kapit mo. It just mean na, never hold on too much para hindi masakit when you need to let go of it. Lesson lang iyan na kailangan mo rin mahalin ang sarili mo bago ang mga bagay na pinanghahawakan mo." Tumango-tango ako kay Kuya Archie

"I already learned my lessons well, Kuya. This time, kapag nakita ko na yung taong talagang itinadhana sa akin, I will not hold on for him too much. I'll just let the fate work for it. Or kapag alam kong iyon na ang tamang pagkakataon, tamang panahon, tamang lugar at tamang oras, then I'll do my job. Kung talagang siya na ang itinadhana sa akin, time will never be the reason para mawala ulit siya sa akin."

Isipin ko pa lang na hindi si Reywen ang talagang para sa akin, umiiyak na ako. Do I really hold onto him that much kaya ang hirap mag-move on? Kaya ang hirap niyang kalimutan? Please, Reywen. Please. Cooperate with me. I need to. . .forget you.

**

Naalala ko noong bata ako. Araw-araw kong itinatak sa utak ko na kailangan kong makalimutan si Reywen. Hanggang sa iaang araw, nawala na talaga siya ng tuluyan sa isip ko at hindi ko man lang napansin iyon hanggang sa dumating ulit siya sa buhay ko. Bakit noon, ang daling gawin na kalimutan siya. Bakit ngayon. . .sobrang hirap? Suicide eh.

♪♫♪ There I was again tonight
Forcing laughter, faking smiles
Same old tired lonely place ♪♫♪

Nasa park ako ngayon at nakaupo sa isang bench habang nakapikit at dinadama ang bawat lyrics ng kantang pinapakinggan ko sa cellphone ko. I just felt like going here at the park. Nasstress na ako. Haaay.

♪♫♪ Walls of insincerity,
Shifting eyes and vacancy
Vanished when I saw your face ♪♫♪

Hindi ko alam kung ilang oras na ako dito sa park at sigurado akong baka nagbabangayan na naman ang dalawang mag-syota sa kitchen. Sumasakit lang ulo ko sa mga pinaggagagawa nila. Sure din ako na nag-aalburuto na naman yung si Glezel dahil MIA na naman ako.

♪♫♪ All I can say is it was enchanting to meet you ♪♫♪

Napag-pasyahan kong tumayo na at bumalik na sa restau tutal, nakuha ko na naman na ang relaxation na hinahanap ko, pati ang fresh air. Drive lang naman ng 20 minutes bago dumating doon. Buti na lang may sarili na akong car. Salamat dahil malakas ang kita ng restaurant.

Ngunit sa pagtayo kong iyon at paglalakad sa park ay may nakabuo ako. Muntik pa akong matumba kasi naman, para akong nabangga sa pader! Bubulyawan ko na sana ang nakabungguan ko nang nagulat ako sa nakita ko nang iangat ko ang paningin ko.

♪♫♪ Your eyes whispered, "Have we met?"
Across the room your silhouette
Starts to make its way to me ♪♫♪

Nangilid ang luha ko nang makita ko ang pamilyar na mga mata na ngayon ay nakatitig sa akin at parang nagtataka. Nawala na rin ang concentration ko sa kantang tumutugtog sa tainga ko dahil may nakapasak na earphone doon. Di ko rin namalayan na hininaan ko na pala ang volume nito.

"Reywen. . ."

♪♫♪ The playful conversation starts
Counter all your quick remarks
Like passing notes in secrecy ♪♫♪

"Nagkita na ba tayo?"

Pakiramdam ko ay sinampal ako ng sampunh malalaking kamay sa narinig ko kasabay ng tugtog na nagpi-play sa tainga ko. Malinaw, at dinig na dinig ko. Magsasalita na sana ako pero nagsalita na ulit siya na siyang nagpatigil sa mundo ko.

"Nagkita na tayo. . .noon."

♪♫♪ And it was enchanting to meet you
All I can say is I was enchanted to meet you ♪♫♪

Gusto kong lumuhod at tumalon sa tuwa nang makita ko ang mga ngiti niya na para bang sa wakas ay nakita na niya ulit ako. Nakita ko rin na sumilip ang dimples niya sa magkabilang pisngi nung ngumiti siya. Sunud-sunod na tumulo ang luha ko pero hindi parin napapawi ang ngiti na mayroon sa labi ko.

"You remembered?" He nodded. "Since when?"

"Since the day you show me. . ." May kinuha siya sa buksa ng jacket niya at ibinigay sa akin ang tuyong bulaklak na halos ubos na ang petals dahil sa pagkalagas. "This."

♪♫♪ This night is sparkling, don't you let it go
I'm wonderstruck, blushing all the way home
I'll spend forever wondering if you knew ♪♫♪

"I remembered everything since the day you left and gave up on me."

♪♫♪ I was enchanted to meet you ♪♫♪

Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko matapos kong marinig ang lahat lahat sa kanya. Naalala niya ako nung araw na sumuko ako. Kailangan ba talagang ganoon? Kung hindi agad ako sumuko nung araw na yun, siguro masaya na kami ngayon. Nawala ang ngiti ko sa labi.

"I'm sorry for giving up. I'm sorry because after all the trials and challenges thay I encountered, I'm still. . .weak and easy to gave up. I'm sorry because I was not worth it for all the sacrifices you made for me. I'm sorry." Sabi ko ng nakayuko habang tumutulo ang mga luha. He smiled.

"You don't have to say sorry."

♪♫♪ The lingering question kept me up
2 AM, who do you love?
I wonder 'til I'm wide awake ♪♫♪

"Because every sacrifices that I made is worth it, if it is for you. Everything is worth it, Suzette. No sacrifices are wasted."

Napatingin ako sa kanya matapos niyang sabihin iyon. Gusto kong hawakan ang dibdib ko dahil pakiramdam ko, anytime lalabas ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito.

♪♫♪ And now I'm pacing back and forth
Wishing you were at my door
I'd open up and you would say, "Hey,
It was enchanting to meet you,
All I know is I was enchanted to meet you." ♪♫♪

Itinaas ko ang kamay ko at inilapat iyon sa mukha niya. Dinama ko ang bawat linya sa mukha niya. Ang labi niya, ang ilong niya. Ang mga mata niya.

"I'm sorry for hurting you the last time we met, Suzette." Sabi niya kasabay ng pagtulo ng mga luha niya na tumulo rin sa kamay ko. Lalo akong naiyak sa nakita ko.

"You don't have to say sorry, Reywen. It was all my fault. Hindi ka magkakaganoon kung hindi dahil sa akin. I know, it was all my fault."

♪♫♪ This night is sparkling, don't you let it go
I'm wonderstruck, blushing all the way home
I'll spend forever wondering if you knew ♪♫♪

Mabilis niya akong hinila at niyakap ng mahigpit. "Stop talking."

♪♫♪ This night is flawless, don't you let it go
I'm wonderstruck, dancing around all alone
I'll spend forever wondering if you knew
I was enchanted to meet you ♪♫♪

Hindi kami nagsalita habang magkayakap. Mahina lang na tumugtog ang kanta sa tenga ko at pinakawalan ang mga hikbi sa bibig ko. Hinayaan ko na rin ang mgaluha na lumabas. Ang saya ko. Ang saya ko dahil kasama ko na ang taong kukumpleto sa akin.

"I missed you so much." Sabi niya sa gitna ng pag-iyak niya.

♪♫♪ This is me praying that
This was the very first page
Not where the story line ends
My thoughts will echo your name
Until I see you again
These are the words I held back
As I was leaving too soon
I was enchanted to meet you ♪♫♪

"I missed you so much. Last year after you left, I thought I'll die because I didn't know where I should find you. I was hurt and hurt even more because I pushed away the girl I was searching for so long."

"Reywen. . ."

♪♫♪ Please don't be in love with someone else
Please don't have somebody waiting on you
Please don't be in love with someone else
Please don't have somebody waiting on you ♪♫♪

"Suzette. Namiss kita. Sobra."

Mas lalo akong naiyak dahil alam kong yun din ang nararamdaman ko.

"Namiss rin kita. Sobra." Lalong humigpit ang yakap niya sa akin nang marinig niya ang sinabi ko.

♪♫♪ This night is sparkling, don't you let it go
I'm wonderstruck, blushing all the way home
I'll spend forever wondering if you knew
This night is flawless, don't you let it go
I'm wonderstruck, dancing around all alone
I'll spend forever wondering if you knew
I was enchanted to meet you ♪♫♪

"Araw-araw akong umaasa na babalik ka sa bahay. I was even waiting for you outside so that, when I saw you, I'll just run into you and tell everything. That I already remember everything. Araw-araw rin akong bumabalik dito sa park dahil dito kita unang nakita. Taking photos on every side of the places. But you never came. Then today happened."

Kumalas siya sa yakap at hinawakan ang mukha ko. Tumingin siya diretso sa mga mata ko at ngumiti.

"Mahal kita."

Pakiramdam ko ay natunaw ang puso ko sa sinabi niya. Nawala lahat ng sakit na nararamdaman ko with this two words coming from his mouth.

"Suzette. . .mahal na mahal kita."

♪♫♪ Please don't be in love with someone else
Please don't have somebody waiting on you. ♪♫♪

He leaned towards me and then he gave me a quick kiss.

"And this time, no one will gave up between the two of us. I will never hurt you again so please. Don't ever leave me again. You will never gave up on me again because I will always give you a reason to fight for us."

Hinawakan niya ang kamay ko at pinagsalikop ang mga daliri namin.

"And from now on. . .hinding hindi na tayo maghihiwalay."

Matapos niyang sabihin iyan ay naglakad na kami ng magkahawak ang kamay. Kung saan kami pupunta, hindi namin alam pareho. Kung saan na lang siguro kami dalhin ng mga paa namin.

Tinanggal ko na rin ang earphone sa tainga ko dahil wala na akong naiintindihan sa mga kantang nagpi-play. Simply because Reywen's voice is all that matters to me. His voice is the voice I always qant to hear every minute of the day.

They say, follow your dreams. How can I follow my dreams when I don't know where to start? When I was young, I was wondering how to follow my dreams. I don't know how to answer my own question because it is a stepping stone sabi nila. I don't know what's the first step to folloe my dreams. But as trials and challenges came to my life, I realized and I finally knew what is the first step.

Find yourself.

I felt lost, years ago. I don't know who am I, because I was confused. I thought I lost everything I have when I lost the man in my dreams, so I lost myself too. I thought they left too. I thought I was alone so I let myself lost from my own body. But it's too late when I realized that I was the one who left them. Just because someone left me, I left them too? I was selfish. But then, as I learned my lessons well, I find myself. I find myself and let myself fixed from being wrecked. And when I'm already fine, I started chasing my dreams. I live my life as others live their life too. Happy and free.

I thought, Dreamland is just an imaginary place where two people meet every time they are sleeping. I thought it was just a illusion or imagination. I thought, it was not real. But when I built Dreamland Reataurant, it felt real. When I painted the walls as much as it looks like in my dreamland, I always feel like I am always at the place where Reywen and I used to meet. I thought, my restaurant is the best example of the real Dreamland. But when I saw Reywen a year ago at his house, our Dreamland is there. And I can't believe that I saw my Dreamland in the real world.

And since that day, I believe that not all dreams are full of fantasies, illusions and imaginations. There is reality in every dreams. You just have to believe if you want it to be real.

I looked at Reywen who's happily talking about our moments when we were kid. Reminiscing the past that is worth remembering. We are meters away from the park already.

"Reywen Javier. . ." I called his full name.

"Yes, Suzette Duque?" I stopped walking. He stopped too, but he didn't let go of my hands.

"I forgot to tell you something."

"Ano yun?"

Ngumiti ako at tumingkad bago hinalikan siya sa pisngi at sinabi ang mga salitang gustong-gusto kong sabihin sa kanya ng paulit-ulit.

"Mahal na mahal din kita." We smiled ans stared for each other for a while after I said that.

And for me, my Dreamland is right beside me. The man in my dreams.

The End. ❤

_________________

Author's Note: (Pakibasa utang na loob)

The song I used for this chapter is obviously, Enchanted by Taylor Swift. :">

Yehey! The end na! :D Pardon the grammar errors. Nadala lang sa pag-eenglish dahil di ba, galing ng ibang bansa yung kapatid ni Suzette, pati si Reywen? So I need to use the English language gaano man kahirap sa akin. T___T I suck at this. Huhu. Sorry talaga sa grammatical errors. Mamamayang Pilipino lang. :D

Anyway, I know you guys are expecting na hanggang Chapter 30 ito. Pero sabi ko naman dati na, di keri di ba? Hanggang 20 nga lang ito dapat eh. Pero ginawa kong 25 kasi may mga silent readers na wagas sumuporta. Yung kahit na konti pa lang reads nito, feel na feel niyo ang support. :D Salamaaaaat! :*

Sure din ako na ang pangit ng ending para sa inyo pero simula't sapul pa lang, ganyan lang talaga magifing ending niyan. Dapat nga ang gagawin ko ay yung nagkabungguan lang sila tapos the end na eh. Pero dahil napaka-bait ni Ms. Author niyo, ginawa kong ganito. Sweet. :"> Kinikilig kaya ako habang tina-type 'to. Hahahaha. Pero gusto kong magsorry talaga dahil ito lang ang nakayanan ng powers ko para sa ending. Amp. :(

Isa pang sorry ay dahil kahit na ubod ng iksi ng story na ito, napaka-tagal kong isinulat. November 2014 ko pa ito sinimulan pero ngayong July 2015 ko lang natapos. WTF di ba? :((((( Wala akong kwenta. Huhuhu. Ang tamad tamad ko kasi. Busy pa. Tapos ang hirap isulat nito. Baka di ko mabigyan ng justice yung genre niya. Isa pa, isinusulat ko rin yunh HBB2: HPIB. Eh yun ang priority ko dahil mas maraming nag-aabang doon kaya tuloy lalong naichapwera 'to. :< Sorryyyy. Gustuhin ko rin naman na magtype, palagi akong tinatamaan ng writer's block pagdating sa story na 'to eh. Haaaaay. Watalayp. Super sorry talaga na halos abutin ito ng isang taon sa pagka-ongoing. T____T

Special thanks to my real life friend, Reywen Javier na ngayon ay nasa Batangas na. :) Isa siya sa mga inspirasyon ko sa pagsusulat ko ng story na ito dahil pinupush niya ako palagi kapag tinatamad na ako. Haha. Well, noon siguro. Busy na siya ngayon eh. But still, boss! Thank you dahil pinagamit mo sa akin ang pangalan mo para sa story na ito. Hindi ko nga muna dapat isusulat ito dahil may ongoing pa noon pero dahil nirequest mo na ikaw yung gawing bida sa isang story na isusulat ko, pumayag ako. ;) Salamat talaga. Maraming maraming salamat! At sana, nagustuhan mo itong maikling story na ito na ginawa ko gamit ang pangalan mo. Sana talaga nagustuhan mo para masaya. :D Pero kung hindi ay okay lang rin. Hahahahaha. Ayun. Ingat ka lagi dyan! Miss na kita. Uwi ka ng Gapan minsan, ah? :D Tapos libre mo ko. Mwahahahaha.

Thank you rin sa isa sa mga loyal readers ko na si Glezel Granito dahil nirequest niya rin na gamitin ang pangalan niya sa isa sa nga story na isusulat ko. Hihi. Very supportive bunso ever! Sa tuwing sumusuko ako, binibigyan niya ako ng motivation para magpatuloy. Salamat bunso dahil ipinaparamdam mo sa akin ang suporta mo. Ang pag-idol mo sa akin. Hihi. Kinikilig ako sa tuwing sinasabi mo na kinikilig ka sa akin. Lamonaman na ang kyot natin di ba? :> Dejk. Hahahahaha. Basta ayun. Maraming salamat dahil isa ka sa mga dahilan kung bakit naisulat ko ang Reality in My Dreams. Wasak si Suzette ngayon kung walang Glezel sa buhay niya. Alam mo yan. :) Super thank you, ah? :"> Sana nagustuhan mo ang istoryang ito at sana wag kang magsawang sumuporta kay Ate Mariss mo, ah? :'> Mag-aral ng mabuti at mag-iingat palagi. :">

At sa lahat ng mga nagbabasa ng Author's Note na ito hanggang ngayon, maraming maraming salamat. :"> Ibig sabihin lang niyan ay sinuportahan niyo ang istoryang ito hanggang sa dulo. Maraming maraming salamat. Sana ay huwag kayong magsawa na sumuporta sa akin at sa mga susunod na istorya ko pang isusulat. :)

Sana rin ay suportahan niyo ang susunod na story na isusulat ko ng tulot-tuloy na! Yung A Best Friend's Rule. Hihihi. Sigueado ako na mag-eenjoy kayo sa pagbabasa noon dahil Humor yun at madami akong kanta na gagamitin doon. Almost every chapter, lalagyan ko ng kanta para masaya. *U*

Yun lang at maraming salamat ulit. Mwaaa!

Reywen Javier, Suzette Duque, Glezel Granito, Bernard Gamboa, Kevin and Jerisha, and other casts of Reality in My Dreams are signing off! :)

-MarisolMariano ❤
(@MarissRocks_)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top