RIMD: Dream #9
Reality in My Dreams
RIMD: Dream #9
Kahit na naguguluhan ako sa misteryong nangyayari sa buhay ko ngayon, nakaramdam ako ng sobrang gaan na pakiramdam. 'Yung pakiramdam na parang wala na akong dapat na itago at alalahanin pa. 'Yung pakiramdam na parang. . .bago ang lahat. Totoo pala ang closure. Akala ko dati, imbento lang ng ibang hindi maka-move on sa ex nila. Totoo pala.
Masarap sa pakiramdam.
Naguguluhan man ako dahil nagising na naman ako nang hindi maalala kung ano ang itsura ng lalaki sa panaginip ko, okay lang sa akin.
Gusto kong ikwento kay Glezel ang bawat panaginip ko pero ayaw niyang maniwala sa aking totoo ang lahat, kaya bahala na. 'Di na lang ako magku-kwento sa kanya.
"Ingat sa daan." pagpapa-alala ni Papa sa akin bago ako lumabas ng bahay para maglakad papunta sa eskwelahan namin.
"Opo."
Isa pang masarap sa pakiramdam, ay 'yung alam mong magka-ayos na kayo ng Papa mo. Kinamuhian ko siya sa ginawa niya kay Mama. Galit na galit ako sa kanya dahil sa dami ng babaeng dinala niya sa bahay noon, at masamang-masama ang loob ko dahil hindi ko naramdaman sa kanya na proud siya sa akin simula nang umalis si Mama.
Hanggang ngayon, nasa puso ko parin ang galit, poot, sama ng loob at pagkamuhi ko sa ama ko. Pero alam ko sa sarili ko na hindi na ganoon kalala ang nararamdaman ko sa kanya. Dahil alam naman nating kahit magpatawad tayo, hinding-hindi na mabubura noon ang lahat ng nakaraan. At kapag naaalala ko iyon, pakiramdam ko, nagngi-ngitngit ako sa galit. Pero dahil maganda ang gising ko ngayon, pinigilan ko ang sarili ko.
Pagkapasok ko sa classroom namin, nginitian ko lahat ng mga kaklase ko na nakasalubong ko. Parang 'yung dati lang. Bago mangyari ang delubyo sa aming dalawa ni Kevin. Nang makita ko si Glezel, nginitian ko siya at umupo sa tabi niya.
"What's with the smile, girl? Nakaka-panibago, ah?" nakakunot-noong tanong niya.
"Wala. Maganda lang ang gising ko." nakangiti kong sabi. Sinimangutan naman ako ni Glezel. "Bakit?"
"Ikaw ba talaga 'yan?" halos naiiyak niyang sabi. "Bumalik na ba ang totoong Suzette na best friend ko?"
Tumawa naman ako at sinabi sa kanyang, oo. Para naman siyang batang paslit na ngumalngal at niyakap ako ng mahigpit saka paulit-ulit na sinabing, "Salamat sa pagbabalik, bespren! Akala ko, poreber ka nang monster, eh."
Napa-irap na lang ako at binatukan siya.
--x
Bukas na magsisimula ang Finals Exam namin at ngayon, hindi na ako magkanda-ugaga sa pagre-review dito sa kwarto ko habang nakadapa sa higaan ko. Dinner time na nga, pero hanggang ngayon, hindi pa ako bumababa. Gusto kong mataas ang makuha ko sa lahat exam. Gusto kong mag-focus na lang sa pag-aaral. Baka sakaling makalimutan ko 'yung sakit na pinagdadaanan ng puso ko ngayon.
Sa kalagitnaan ng pagre-review ko, may kumatok sa pinto.
"Pasok," sabi ko.
Narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng kwarto ko, at hindi na ako nag-abala pang tumingin doon. Sa footsteps pa lang, alam ko nang siya 'yan.
"Ayaw mong bumaba para kumain. Kanina ka pa naka-kulong sa kwarto mo at aral ng aral. Magpahinga ka muna at kumain." sabi ni Allaine. Kita ko sa pheripheral vision ko na inilagay niya sa side table ko ang tray ng pagkain. Lumapit siya sa akin.
"Kailangan kong makasali sa Dean's Lister. Kailangang maging proud sa akin ang asawa mo." sabi ko nang hindi siya tinitingnan. Nasa libro parin ang atensiyon ko.
"Proud ang papa mo sayo. Higit pa sa inaakala mo."
Natigilan ako sa narinig ko at panandaliang nawala ang focus ko sa nire-review ko. Narinig ko ang footsteps niya palayo sa akin, pero sandaling tumigil ito.
"Siya nga pala, may nag-iwan ng isang dilaw na rosas sa labas kanina." Lalo akong nawalan ng konsentrasiyon sa pag-aaral nang marinig ko 'yon. "'Di ko na nakita kung sino dahil nag-doorbell siya, at nang lumabas ako para pagbuksan kung sino man 'yon, wala akong nakitang tao. 'Yong bulaklak na lang ang nakita ko. May nakalagay na Suzette sa labas ng maliit na sobre kaya nalaman kong sayo pala. Sige, kumain ka na muna."
Nang marinig ko ang pagsarado ng pintuan, hudyat na nakalabas na siya, mabilis akong pumunta sa pinaglagyan niya ng pagkain na may dilaw ng rose. Kinuha ko ito at ang kasama nitong maliit na sobre. Binuksan ko ang letter.
Suzette,
Alam kong hindi ka maniniwala, pero matagal na kitang iniibig.
-SA
What the fuck?! Iniibig? Seriously?! Hindi naman siya pa-deep nang lagay na 'yan. Pero sino ba itong SA na 'to? Bigla akong may naalala nang makita ko ang maliit na vase na may isang dilaw na bulaklak na daisy na nasa ibabaw ng tukador ko. Bigla kong naalala ang taong nasa panaginip ko.
Posible kayang. . .sa kanya nanggaling 'to?
Tiningnan ko ulit ang dilaw na rosas na hawak ko. Bigla akong kinabahan. Nandito lang kaya ang taong nasa panaginip ko? Nandito kaya siya?
At alam kong sa mga oras na 'to, nawalan na ako ng focus na mag-review para sa Final Exam namin bukas.
***
"Ano 'yang hawak mo?"
Napa-igtad at napamulat ako ng mata nang may narinig akong nagsalita. Lumingon-lingon ako pero nagulat ako nang may biglang bumagsak sa harap ko galing sa puno.
"R-Reywen?" sambit ko sa pangalan niya. Kinindatan niya lang ako.
Naglakad-lakad siya sa lugar na kinaroroonan namin at ako naman ay tahimik lang na nakasunod sa kanya. Tiningnan ko ulit ang hawak kong bulaklak. Nakatingin lang ako dito habang nakasunod ako sa kanya.
"Uhm," naramdaman kong huminto siya sa paglalakad at humarap sa akin. Hindi ako tumitingin sa kanya. Nakayuko lang ako. "sayo ba ito nanggaling?"
Tiningnan ko siya matapos kong sabihin sa kanya 'yon. Nakita kong naka-kunot ang noo niya na parang hindi alam kung ano ang sinasabi ko.
"Alin?" tanong niya.
"I-Itong bulaklak."
Ngumiti siya bago kinuha ang bulaklak sa kamay ko.
"Paano mo nasabing sa akin nanggaling 'to?"
"B-Baka lang. K-Kasi. . .ano. 'Yung. . . 'Yung binigay mong bulaklak sa akin noon na dilaw na daisy, h-hanggang ngayon, nasa bahay parin. Hindi. . .hindi nalalanta." kinakabahan kong sagot. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako ng ganito. Ibinigay niya sa akin ang bulaklak.
"Pagkalipas ng tatlong araw, kapag nalanta 'yan, malalaman mo ang sagot sa tanong mo," naglakad ulit siya habang ako naman ay nakatingin lang sa likod niya. Maya-maya, lumingon siya sa akin at ngumiti. Bigla na namang bumilis ang tibok ng puso ko. "Sumunod ka sa akin, Suzette. May ipapakita ako sayo."
Tulad ng sinabi niya, sumunod ako sa kanya. May ilang minuto na kaming naglalakad sa napaka-payapang lugar na ito, pero hindi parin kami nakakarating sa pupuntahan namin.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko. Hindi niya ako sinagot.
Ilang sandali pa, huminto siya sa paglalakad nang nasa harap na siya ng bangin. Wtf?! Bangin? Anong balak niyang gawin dito?!
"H-Hoy! A-Anong ginagawa mo? Balak mo bang magpakamatay?!?!"
Pero imbes na sumagot, tumawa lang siya. Tumingin ulit siya sa akin at inaya ako doon.
"Tara kasi dito. May ipapakita lang ako sayo."
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Nanginginig ang tuhod ko. Kahit naman binalak kong magpakamatay noon, may balak parin akong ituloy ang buhay ko ngayon. Nakapikit ako dahil sa takot na baka malaglag ako. Hindi ko alam kung gaano kalalim ang bangin pero natatakot parin ako.
"Dumilat ka. Tumingin ka sa baba. Sigurado akong magugustuhan mo ito." sabi niya. Ramdam ko ang mga ngiti sa kanyang labi.
Unti-unti, idinilat ko ang mga mata ko, at tulad ng sinabi niya, tumingin ako sa ibaba. Halos tumalon ang puso ko nang makita kung gaano kaganda ang tanawin na nasa ibaba.
"Wow." tanging nasabi ko.
Sa ibaba ay may napaka-raming bulaklak. Hindi siya ganoon kalalim dahil kung tatalunin ko ito, hindi ako masasaktan. Ang mga bulaklak dito ay napaka-ganda at napaka-kulay. May espasyo sa gitna na pwedeng daanan o pwede rin tawagin na kalsada. Sobrang. . .ganda.
Parang naka-assorted ang mga bulaklak sa kani-kanilang kulay. Sama-sama ang mga dilaw, pula, violet, pink, orange, white. Ang daming mga nagliliparan na paru-paro na parang ang saya-saya nila habang lumilipad. Na parang sila ang nag-aalaga ng mga bulaklak na narito. May mga puno rin na kulay berdeng-berde ang mga dahon. At ang mga damo ay sobrang gaganda. Parang naalagaan ng mabuti ang mga ito. Ito rin ang unang beses na makakita ako ng ganito kagandang lugar.
"Ang ganda dito, Reywen! Sobra." sabi ko ulit nang malibot ko na ang paningin ko sa lugar.
Ngumiti siya sa akin bago tumalon pababa. Nagulat ako sa ginawa niya. Bakit iniwan niya akong mag-isa dito? Gusto ko ring bumaba, pero natatakot ako. Alam kong hind siya ganoon kalalim, pero nakakatakot parin.
"Suzette!" pagtawag niya sa akin mula sa baba habang nakalahad ang mga kamay. "Tumalon ka na. Sasaluhin kita!"
"A-Ayoko. Ayokong masaktan. Ayoko nang masaktan."
Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang isinagot kong 'yon, pero alam kong double meaning 'yon. Ngumiti siya.
"Wag kang matakot. Nandito ako. Hindi kita pababayaan. Sasaluhin kita. At kung masaktan ka sa pagbagsak mo, sasamahan kita sa sakit na nararamdaman mo."
Pakiramdam ko ay lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa isinagot niya. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakapansin, pero pakiramdam ko, may ibang ibig sabihin ang mga salitang binitawan namin sa isa't-isa.
"Pangako." dagdag niya pa.
Hinigpitan ko ang hawak sa bulaklak na hawak ko at pumikit ng mariin bago tumalon kasabay ng malakas na tili ko.
Naramdaman kong bumagsak ako, pero wala akong naramdamang kahit na anong sakit. Pagmulat ng mata ko, nakita kong salo-salo ako ni Reywen. Buhat-buhat niya ako habang nakangiti.
"Sabi ko naman sayo, eh. Hindi kita pababayaan. Hindi ko hahayaang masaktan ka." sabi niya bago ako ibinaba.
May kinuha siya sa likod ng malaking puno, at pagbalik niya, may dala na siyang bisikleta na may parang basket sa harap. Para itong lumang model ng bike. At parang. . .parang pamilyar ito.
May nakita akong nakapakat na sticker na hello kitty sa bandang manibela. Pati 'yung sticker na hello kitty. Bakit pakiramdam ko, sa akin nanggaling 'yon? Bakit may mga nararamdaman akong kakaiba nang makilala ko ang taong ito sa panaginip? Ang mga bagay na mayroon siya ay parang nagkakaroon ng ibig sabihin sa akin? Sumakay siya sa bike at ngumiti sa akin.
"Sakay ka na. Sa likod. Kumapit kang mabuti, ah?" sabi niya.
Tumango ako at umupo sa likuran niya. Nahihiya man ay yumakap ako sa likuran niya. Pakiramdam ko, sasabog na ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito. Pakiramdam ko. . .sasabog na ang puso ko dahil sa nag-uumapaw na saya.
Nagsimula na siyang magpedal at nararamdaman ko ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa balat ko. Nakikita ko rin ng malapitan ang mga bulaklak na nandito. Ang gaganda at ang babango nila. Nakikita ko ang pagdapo ng paro-paro sa akin. Pakiramdam ko ay nakikisaya sila sa sayang nararamdaman ko. Ngayon ko na lang ulit naramdaman ang ganitong saya. Akala ko, puro sakit na lang ang idinudulot sa akin ng buhay kong ito. Totoo pala ang sabi nila na masarap mabuhay.
Matapos ang ilang minuto ng pag-iikot namin sa napaka-gandang lugar na ito, tumigil kami sa harap ng isang bench na gawa sa stem ng puno at pinutol iyon sa gitna para magkaroon ito ng sandalan. Isinandal niya ang bike sa punong malapit sa amin bago kami naupo sa kahoy na bench.
"Ang saya." sabi ko ng nakangiti sa kanya. Nakita ko rin na nakangiti siya sa akin. "Ang saya pala talaga." ngumiti siya bago tumingin sa kalangitan, tapos ay ibinalik ulit ang tingin sa mga mata ko.
"Ngayon na lang ulit kita nakitang ngumiti ng ganyan kasaya, Suzette." sabi niya.
Kinuha niya ang kamay ko na nakapatong sa kamay ko at inilagay sa dibdib niya, sa tapat ng puso niya. Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Kasing bilis ng tibok ng sa akin.
"Suzette,"
Kinakabaha ako. Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ako. Hindi ko alam kung bakit sobra akong kinakabahan.
"Hanggang ngayon, ikaw parin ang laman nito. At hanggang ngayon, ikaw lang ang may kakayahang magpabilis ng tibok ng puso ko. . .tulad nito."
***
Bigla akong nagising nang marinig ko ang malakas na tunog ng alarm clock ko, hudyat na alas-sais na ng umaga.
Napatingin ako sa hawak kong bulaklak. Nakatulugan ko palang hawak 'to. Hindi ko napansin. Napatingin ako sa higaan ko, at nagkalat doon ang mga librong ginamit ko kagabi sa pagre-review.
Napatingin ako sa sarili ko. Wala namang nagbago bago. Wala namang nag-iba. Maliban sa masayang scenario na paulit-ulit na nagpe-play sa utak ko.
Mabilis akong bumangon sa pagkaka-higa. Inilagay ko sa ibabaw ng tukador ang dilaw na rosas at pumasok sa loob ng CR para gumayak.
Ngayon na pala ang simula ng three days Final Examination namin para sa semester na ito. After nito, bakasyon na talaga. Gustong-gusto ko nang magbakasyon, baka sakaling mawala ang sakit na natitira sa puso ko kapag nawala sila sa paningin ko kahit ilang linggo lang.
--x
"Finally! Bakasyon na! Sa pasukan, second year na tayo!" Masayang sabi ni Glezel bago dumapa sa higaan ko.
"Tapos na exam, sa wakas." Nasabi ko na lang.
Hindi ko naman pwedeng sabihin na ang dali ng mga exam para sa akin dahil nasagot ko lahat, pero mahirap parin talaga. Siguro, nadala ko ang pagiging matalino ni Papa kaya kahit mahirap ang exams, nasasagot ko.
"Sa wakas ka dyan. Chicken na chicken nga lang sayo yun eh." Sabi naman ni Glezel.
"Hindi, ah! Nag-review lang ako kaya ko nasagot yun." Giit ko.
Napatingin si Glezel aa tukador ko. Nakatitig siya sa bulaklak na nasa ibabaw nito. Isang fresh na fresh parin hanggang ngayon, at yung isang unti-unti nang nasisira.
"Hanggang ngayon, fresh parin yung bulaklak na yun?" Tanong ni Glezel, patungkol sa bulaklak na daisy na ibinigay sa akin ng lalaki sa panaginip ko.
Nilapitan ko yun at kinuha sa maliit na vase. Halos hindi ko na napapalitan ng tubig ang vase na to simula nang mag-review ako para sa final exam. Pero nananatili parin itong makulay at maganda.
"Aam mo, madami akong nakikitang daisy na bulaklak sa tabi-tabi, pero iba ang ganda nito, ah? Matingkad na yellow yan at maganda ang pagkaka-bukadkad ng bulaklak. Ang ganda. Yung nagbigay sayo niyan, he must be really crazy over you." Kumento ni Glezel.
Inabot ako ng ilang oras hawak lang ang bulaklak na yun at iniisip ang taong nagbigay sa akin na hindi ko man lang maalala kung ano ang itsura. Nakaalis na si Glezel pero hanggang ngayon, hindi parin nawawala sa isip ko yung sinabi niya.
"He must be really crazy over you."
Alam kong mababaw na dahilan lang ito para maging totoo yung sinasabi ni Glezel, pero just by thinking of that, napapangiti ako.
Pero ang ikinalulungkot ko, simula nang masayang pagkikita namin sa panaginip ni Reywen, hindi na ulit ako napunta sa lugar na yun. Hindi na ulit siya nagpakita sa panaginip ko. At nalulungkot ako ng sobra dahil doon.
Ang panaginip na lang na yun ang isa sa dahilan kung bakit sumasaya ako aa kabila ng sakit na nararamdaman ko. At ngayong ilang araw na akong hindi napupunta sa lugar na yun, nalulungkot ako. Nasasaktan ako.
Lumipas pa ang mga araw at hindi parin siya nagpapakita sa akin. Gusto kong umiyak, pero hindi ko alam kung anong dahilan ang sasabihin ko kay Allaine at Papa sakaling itanong nila kung bakit ako umiiyak. Naiinis ako kasi sinanay ko ang sarili ko sa magandang lugar ng panaginip na yon, at ngayong halos isang linggo na siyang hindi nagpapakita sa akin, sobrang nalulungkot na ako. Paano kung yun na pala ang huling pagkikita namin? Paano kung nagsawa na siya sa akin? Paano kung. . .ayaw na rin niya sa akin?
Tuluyan na akong naiyak da mga ideyang pumasok sa isip ko.
________
Author's Note:
Finally, Ariel happened to me! :D Joke. Finally, may update after more than a month! Hahahahaha. :D Sorry na agad. :) Sana nagustuhan niy ang munting kabanata na ito. :) Ang susunod na update ay rated sasdfghjkl. JOKE. Hahaha. Di ko alam kailan next update. </3
-MarisolMariano
(@MarissRocks_)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top