RIMD: Dream #8
Reality in My Dreams
RIMD: Dream #8
Habang naglalakad ako papunta sa school namin ay lumilipad ang isip ko.
Reywen. . .
Reywen. . .
Reywen Javier. . .
May kilala talaga akong Reywen Javier, eh. Pero bakit hindi ko siya matandaan? Bakit hindi ko maalala 'yung itsura niya? Bakit pakiramdam ko, may malaking parte sa buhay ko ang Reywen Javier na 'yan?
Hindi ko na namalayang nakarating na pala ako sa classroom namin at nakaupo na ako sa upuan ko. Narealize ko na lang nang may humampas ng malakas sa desk ko. Napatingin ako sa kanya ng nagtataka at may kunot na noo.
"Bakit ba, Glezel?" irita kong tanong. Aga-aga eh. Tsk.
"Tss. Kanina pa kita tinatawag at kinakausap pero di mo ako pinapansin. Lumulutang na naman isip mo." sabi niya sabay padabog na umupo sa tabi ko.
"Glezel, may kilala ka bang. . .Reywen?" tanong ko sa kanya. Kumunot lang ang noo niya.
"Wala. Bakit?" tamad niyang sagot.
"Ano kasi. . ." sasabihin ko pa ba? Baka mamaya, pagtawanan na naman ako nito. Tsk.
"Ano?"
"R-Reywen daw ang pangalan ng taong nasa panaginip ko?" awkward kong sabi. Naningkit naman ang mata niya na parang hindi makapaniwala sa mga sinasabi ko. "Bakit?" tanong ko pa.
"Saan mo naman napulot 'yung pangalan na 'yan?" matalim ang tingin na sabi niya.
"Siya. Sinabi niya sakin sa panaginip." simpleng sagot ko.
Napanganga naman siya sa sinagot ko. Bakit? Anong mali sa sinabi ko? Totoo naman, eh. Baka sabihin, nag-iimagine na naman ako. Tsk.
"Suzette, alam kong broken-hearted ka. Pero hindi excuse 'yun para maging ganyan ka. I mean. . .nagiging weird ka na." sabi niya.
"Weird? Hindi, ah? Glezel, totoo lahat ng sinasabi ko." giit ko.
"Paano mangyayari 'yun? Ano 'yun? Nagkikita kayo sa panaginip? Kung oo, sige nga. Idescribe mo sakin 'yung itsura ng taong 'yun." pag-hahamon niya sakin sabay patong ng baba niya sa kamay niya. Inirapan ko naman siya.
"Di ko kayang idescribe dahil malabo 'yung mukha niya sa vision ko sa tuwing magiging ako. Hindi ko naaalala 'yung mukha niya tuwing magigising ako sa panaginip. Pero alam ko na kapag nasa panaginip ako, malinaw ang mukha niya. At alam kong pamilyar 'yung mukha niya." mahabang paliwanag ko.
"Suzette, best friend kita. At naiintindihan ko kung bakit ka nagkakaganyan. Alam kong broken hearted ka at dini-divert mo lang ang atensiyon mo sa bagay, pero. . ." umiling ako para mag-protesta sa mga sinasabi niya pero itinuloy niya parin ang pagsasalita. "Itigil mo na nga 'yang pag-iimagine mo. Kinakabahan na ako, ah?"
Hindi na ako nakapagsalita dahil nag-ring na ang schoolbell at ilang saglit pa ay dumating na ang prof namin.
--x
Nasa cafeteria na kami ngayon dahil lunchbreak. Nakaupo ako sa harap ni Glezel na masayang kumakain habang dumadaldal, habang ako, nakatingin sa malayong table: kung saan nakaupo 'yung taong mahal ko, masaya, kasama ang taong mahal niya.
"Huy! Nakikinig ka ba?" narinig kong sabi ni Glezel. Hindi ko siya pinansin. Nakatuon lang ang atensiyon ko sa taong 'yun na nakangiti habang kausap ang babaeng mahal niya. "Ay, sus. Kaya naman pala. Makaka-move on ka niyan, girl. Promise."
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya nang makita kong tumingin siya sa akin. Masakit. Hanggang ngayon, sobrang sakit parin. Tumayo ako at nagpaalam kay Glezel.
"Alis muna ako. See you on class."
Nakayuko akong naglakad paalis ng cafeteria dahil madadaanan ko ang table ni Kevin at Jerisha. Kailan ba ako magiging handa na makita silang masaya? Kailan darating 'yung araw na kahit mahal ko pa siya. . .hindi na ako masasaktan na makita silang masaya?
Nakalabas na ako ng cafeteria at may isang metro na siguro ang layo ko doon nang may tumawag sa akin kasabay ng paghawak sa braso ko.
"Suzette. . ."
Nanigas ako sa ginawa niyang pag-hawak sa braso ko at pagtawag sa pangalan ko. Lumingon ako sa kanya at ngumiti ng pilit.
"H-Hi." awkward na sagot ko. Ngumiti naman siya sa akin. Kung titingnan mo sa mga ngiti niya, halatang masaya siya sa buhay niya ngayon. Hamak na mas masaya siya kumpara dati.
"Kamusta?" tanong niya. Natawa ako ng mapait.
"Okay lang." sagot ko. Bumuntong-hininga siya.
"Sigurado ka?" tanong niya ulit.
Biglang tumulo ang luha ko nang itinanong niya 'yan. Bakit ba kailangan pang itanong? Alam naman niya 'yung sagot, eh.
"Pinipilit kong maging okay kahit na hindi ko kaya. 'Yan ang totoo." basag ang boses na sabi ko.
"Sorry, Suzette. Akala ko, magiging okay ka kaagad, eh. Sorry." pagpapaliwanag ni Kevin. Umiling ako.
"Kevin. . .hindi madaling maging okay. Hindi madaling maging okay lalo na't nawala sayo 'yung taong nangako na kahit kailan, hindi ka iiwan. Hindi madaling maging okay kapag 'yung taong nangakong hindi ka bibitawan kahit anong mangyari, biglang bumitaw. Masakit, Kevin. Sobra. Hindi ko na alam kung saan ako humuhugot ng lakas ng loob para mabuhay pa."
Nakita ko sa mga mata niyang nagi-guilty siya sa mga nangyari. Nakikita ko rin na naaawa siya sa akin. Pero ipinagpatuloy ko parin ang pagsasalita kahit na nahihirapan na ako dahil sa pag-iyak.
"Kevin, minahal kita higit pa sa buhay ko. Ibinigay ko sayo lahat ng pagmamahal na meron ako para sa sarili ko. . .wag ka lang mawala sa akin. Dahil sayo, natuto ulit akong mabuhay ng normal matapos kong tangkain na magpakamatay. Nang dahil sayo, natutunan kong ngumiti at tumawa ng totoo, sa likod ng mga sakit na idinulot sa akin ng nakaraan ko. Nakakaya kong ngumiti at maging masaya kahit na paulit-ulit akong sinasaktan ng Papa ko."
Pinunasan ko ang mga luha na dumaloy sa pisngi ko bago nagsalitang muli.
"Pero ngayong wala ka na sakin, hindi ko alam kung paano pa maging normal ulit. Hindi ko alam kung paano ko ibabalik 'yung Suzette na nagmahal sayo ng sobra-sobra. Hindi ko na alam, Kevin. Hindi ko na alam."
Pagkasabi ko niyan, tinakpan ko ang mukha ko at umiyak na lang ng umiyak. Naramdaman kong lumapit si Kevin sa akin at ilang saglit pa, hinila na niya ako at niyakap. Nakahawak ang isang kamay niya sa likod ng ulo ko.
Na-miss ko ito. Itong yakap na 'to. Ang tagal ko nang hindi nakaramdam ng isang yakap mula sa taong mahal ko.
"I'm sorry, Suzette. Sorry kasi nararamdaman mo lahat ng 'yan nang dahil sa akin. Sorry. Pinilit ko 'yung sarili kong suklian ang pagmamahal na ibinibigay mo sa akin, pero hindi ko talaga kaya. Mahal naman kita, Suzette. Minahal kita. Pero hindi sapat 'yung pagmamahal na 'yun para maging tayo hanggang dulo. Ayoko maging unfair sayo, Suzette. At isa pa. . .may mahal akong iba, eh. Sorry." mahabang bulong niya sa tenga ko habang yakap-yakap ako.
Lalo lang lumakas ang pag-iyak ko dahil sa mga narinig ko sa kanya. Masakit marinig sa kanya ang mga salitang 'yan, pero siguro. . .ito ang kailangan ko para tulungang maka-move on sa sakit.
"Hindi totoo 'yung iniisip mong nawala ako sayo. Nag-break lang tayo. Nagmahal lang ako ng iba, pero nandito parin ako. Pwede mo akong maging kaibigan, sandalan, pwede mo akong maging panyo na taga-pahid ng luha mo. At siyempre. . .pwede mo akong maging. . .Kuya. Hindi naman kita iniwan, eh. Nawalan lang ng label 'yung meron tayo, pero kahit kailan, hinding-hindi ako mawawala sayo. 'Yan ang lagi mong tatandaan, okay?"
Hindi ko magawang sumagot. Ni tumango ay hindi ko magawa dahil hindi ako sang-ayon. Hindi ako kuntento. Kasi gusto ko, 'yung dati. 'Yung dating meron kami na ngayon. . .wala na.
"Suzette, makakahanap ka rin ng higit pa sakin. Maraming tao ang deserve na mahalin mo, pero lagi mo rin tatandaan na, walang deserving sa luha mo. Kahit ako. Kaya nasasaktan ako sa tuwing nakikita kitang umiiyak lalo na't alam kong ako ang dahilan." tumigil siya sa pagsasalita. Hinawakan niya ang dalawang braso ko at inilayo ako sa kanya. Tinanggal niya ang mga kamay kong nakatakip sa mukha ko at pinunasan niya ang mga luhang dumadaloy sa pisngi ko.
"Suzette, alam mo, ang swerte ng taon mamahalin mo, matapos ako. Ang swerte ko kasi naranasan kong mahalin ng isang tulad mo. Pero mas maswerte 'yung susunod. Kasi alam kong maibibigay niya rin sayo 'yung pagmamahal na ibinibigay mo sa kanya. Kaya huwag ka nang umiyak. 'Wag ka nang magmukmok. Bata ka pa. Bata pa tayo. Marami pang pwedeng mangyari sa buhay natin." matapos niyang sabihin 'yan, ngumiti siya sa akin at ni-pat ang ulo ko.
Nagawa niya akong pakalmahin sa mga salitang binitiwan niya sa akin. Nagawa niya akong patahanin mula sa masakit na pag-iyak ko. Siya lang ang may kayang gumawa ng bagay na 'yun sa akin. Siya lang. Si Kevin lang.
**
"Hi, Suzette."
Napalingon ako sa taong nasa itaas ng puno. Nakaupo sa isang sanga.
Nandito na naman ako sa lugar na 'to? At kasama ko na naman ang taong 'to?
Bumaba siya mula sa puno at pinagpagan ang damit niyang naalikabukan. Ngumiti siya sa akin at nakita kong sumilay ang mga dimples sa pisngi niya.
"Mukhang kalmado ka ngayon?" nakangiting tanong nito.
Ano na nga ulit ang pangalan niya? Bakit nakalimutan ko? Teka. . .
"Reywen Javier." biglang sabi niya na parang nabasa ang nasa isip ko. "Kamusta, Suzette?"
"B-Bakit mo ako kilala?" tanong ko pabalik.
"Magkakilala tayo." simpleng sabi niya bago umupo sa tabi ko sa bench.
"Nagkakamali ka. Hindi kita kilala." matigas na sabi ko. Bumuntong-hininga naman siya habang tumitingin sa paligid.
"Magpanggap ka na lang na naaalala mo ako." sabi niya nang hindi nakatingin sa akin.
Lalong napakunot ang noo ko. Magpanggap na naaalala ko siya? Eh hindi ko nga siya kilala, eh. Paano ko siya maaalala? At hindi ko naman siya pwedeng makalimutan dahil hindi ko nga siya kilala. At isa pa, hindi naman ako naaksidente or nagkasakit nung childhood days ko kaya imposibleng may amnesia ako.
"Masaya akong makita na walang luha ang mga mata mo ngayon, Suzette."
Nagbalik ang tingin ko sa kanya at nakita kong nakatingin siya sa akin habang nakangiti.
Napatitig ako sa mukha niya. 'Yung mga mata niyang may katamtamang laki at nangingintad sa itim, ang ganda. Ang ilong niyang matangos. Ang kilay niyang makapal. Ang nunal sa gilid ng mata. At ang maninipis niyang labi. Ang. . .ang gwapo niya.
Napatigil ako sa pag-iisip nang marinig ko siyang tumawa ng mahina.
"Bakit?" kunot-noo kong tanong.
"Wala. Ang cute mo kasi kapag natutulala."
Napatigil ako sa sinabi niya. Hindi ko rin namalayan na napangiti na pala ako kundi niya pa sinabi.
"Mas maganda ka kapag nakangiti ka."
Nag-iwas ako ng tingin nang maramdaman ang pag-init ng mga pisngi ko. Hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko ang mga ganitong bagay sa kanya samantala hindi naman talaga kami magkakilala.
"Pwedeng magtanong?" napalingon ako sa kanya nang marinig ko siyang magsalita.
"Ano 'yun?"
"Anong nangyari sa school mo? Nakapagtataka lang na hindi ka umiiyak ngayon at nagawa mo pang ngumiti. Pwede ka bang magkwento?"
Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko, may kung anong misteryo sa pagkatao niya at parang nahuhumaling ako sa mga tingin niya.
"Nagkausap na kami." simpleng sagot ko.
"Nino?" kunot-noong tanong niya.
"Ng. . .ng taong mahal ko."
May nakita akong pagkabigla at parang na-offend siya sa isinagot ko. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang kaya di ko na pinansin. Nag-iwas siya ng tingin at nagbuga ng hangin, kasabay ng pag-ihip ng malamig na hangin.
"Anong napag-usapan niyo?" tanong niya ng hindi nakatingin sa akin.
"Closure. 'Yung siguro ang kailangan ko para maka-move on. Hindi ko alam, pero matapos naming mag-usap kanina, pakiramdam ko, gumaan 'yung dinadala ko. Pakiramdam ko, nabawasan ako ng malaking tinik sa lalamunan." mahabang sagot ko.
"Talaga?" tanong niya.
"Yes."
"Anong nagustuhan mo sa kanya?" tanong niya ulit. Napatingin ako sa kanya at nakitang nasa langit parin ang atensiyon niya. Maya-maya ay ibinaling niya ang tingin sa akin at ako naman ang nag-iwas.
"Ano?" tanong niya ulit.
"Siya ang buhay ko. Siguro naman, sapat nang dahilan 'yun para masagot ko ang tanong mo." simpleng sagot ko. Nararamdaman ko na naman ang sakit sa dibdib ko.
"Paanong naging siya ang buhay mo?" tanong niya ulit. Tumingin ako sa kanya at sinagot ko ang tanong niya.
"Siya lang ang meron ako nung mga panahon na wala na akong makapitan. makapitan. Siya lang 'yung taong nagtiyaga na intindihin ako kahit na napaka-sama na ng ugali ko. Siya lang 'yung taong hindi nagsawa na pangaralan ako kahit na inis na inis na siya sa akin. Siya 'yung taong nagpapasaya sa akin. 'Yung taong nagbigay kulay sa mundo ko. 'Yung taong nagbigay ng pangalawang buhay sa akin. 'Yung taong kahit nahihirapan na siya, hindi niya parin ako binitawan, huwag lang akong tuluyang mahulog." hindi ko na rin namalayan na umiiyak na pala ako. "Siya 'yung nagbigay saa akin ng pangalawang buhay. Si Kevin Fernandez. 'Yung taong kahit maka-move on ako, alam kong kahit kailan, hinding-hindi ko makakalimutan. 'Yung kahit magmahal ako ng iba, alam kong hindi na mawawala ang pagmamahal ko sa kanya kahit kailan."
Pinunasan ko ang luha ko bago ngumiti sa kanya. Ngumiti rin siya sa akin ng maliit bago ibinalik ang tingin sa kalangitan. Maya-maya ay tumingin siya ulit sa akin.
"Suzette. . .paano kung, hindi ako umalis? Ako parin ba? Ako parin ba 'yung taong magiging dahilan ng lahat ng sinabi mo?"
Ano? Hindi ko maintindihan.
"Reywe—"
Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay bigla siyang lumiwanag ng sobrang nakakasilaw kaya't napapikit ako ng mariin at pag-mulat ng mata ko, nasa kwarto na naman ako.
**
Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko, may malaking parte ako sa tanong ni Reywen. Bakit pakiramdam ko, ako lang ang natatanging taong makakasagot ng tanong niyang 'yun.
At sa sumunod na pagkakataong nagising ako mula sa magandang panaginip, hindi ko na ulit maalala ang mukha ng taong nakasama ko sa napaka-gandang lugar na iyon.
__________
Author's Note:
Bakit ganun? :D Feeling ko, ang haba ng update ko. Hahahahaha. :D Sakto lang pala. 2k+ words. Akala ko, lumampas na sa 3k. Hanep! :D
Anyway, it's been a very long time since I posted the previous chapter of this story. Ewan ko ba kung anong nangyayari sa utak ko. Nabubulok na yata sa sobrang dami ng iniisip at pino-problema ko. Hahaha. :D So, ayun. Super sorry for the very long wait. Sana mapatawad niyo ko. T____T Salamat ng marami sa mga mati-tiyagang naghihintay ng updates ko sa story na ito. Haha! Hindi kasi Fantasy ang forte ko kaya nahihirapan akong isulat ito. Pero dahil chinachallenge ko ang sarili ko, here it is! :D
So, ayun. Thanks sa mga nagbabasa nito. :)))))))))))))) Join on my group! Search "Mambabasa ni Author MM. :D" or click the external link. :)
Try kong gumawa ng update tonight. Hehehe. :D
-MarisolMariano ♥
(@MarissRocks_)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top