RIMD: Dream #6

Reality in My Dreams

 

RIMD: Dream #6

 

**

"Suzette. . ."

 

Huh? Sino 'yun? Kaninong boses 'yun? Gusto kong hanapin kung sino 'yung tumatawag sakin na 'yun gamit ang mahina ngunit malalim na boses, pero hindi ako makagalaw.

 

"Suzette. . ."

 

Lumingon-lingon ako sa paligid pero wala akong makita. Ang dilim. . .sobrang dilim.

 

"Ang tagal kitang hinanap. . ."

 

"Sino ka?!" sigaw ko.

 

Hindi ako makagalaw. Hirap na hirap na ako. Sino 'yung tumatawag sa akin na 'yun? Bakit hindi siya magpakita sakin?

 

"Suzette. . ."

 

Papahina na ng papahina ang boses na nagsasambit ng pangalan ko. Gusto kong habulin. Gusto kong hanapin. Pero paano? Hindi ko magawang gumalaw dito. Naninigas ang katawan ko.

 

"Aargh!" sigaw ko.

**

"Suzette?"

Napamulat ako ng mata nang marinig ko ang pamilyar na boses na 'yun. Nakita kong nasa kwarto ko na ako.

Panaginip lang pala.

Pero paano ako napunta dito? Ang huli kong naaalala ay nasa tulay ako. Paanong. . .paano ako napunta dito?

"Allaine. . ."

Nag-iwas siya ng tingin sa akin ng banggitin ko ang pangalan ng taong nasa loob ng kwarto ko.

"Paano ako napunta dito?" tanong ko sa kanya.

"Binalak mo na naman bang magpakamatay, Suzette?" sabi niya ng nakatingin sa mga pagkaing nasa tray na sa tingin ko ay dala-dala niya.

"A-Allaine—"

Tumingin siya ng matalim sa akin kaya napatigil ako sa pagsasalita.

"Namatayan ako ng anak, Suzette. Binalak ko bang magpakamatay? Nakita ka ng kaibigan mo doon sa tulay. Natutulog. Iniuwi ka niya dito. Siya ang naghatid sayo dito. Suzette, pwede ba? Tigilan mo na ang pagpapa-awa para lang mapansin ka ng Papa mo at ng ex-boyfriend mo. Tanggapin mo nalang ang lahat na hindi ikaw ang totoo niyang mahal!" medyo tumaas ang boses niya nang sabihin niya ang huling linya.

Nangilid kaagad ang luha ko. Akala ko, paggising ko, magiging ayos na ang lahat. Hiniling ko na panaginip lang ang lahat, pero hindi pala pwede. Kinuha ni Allaine ang tray na may lamang pagkain at dinala ito sa akin saka nagsalita.

"Kainin mo 'yan. Kumain ka sabi ng Papa mo." matapos niyang sabihin 'yan, lumabas na siya ng kwarto.

Tiningnan ko lang ang tray na may lamang sinangag na kanin, ulam at gatas. Wala akong gana. Inilagay ko ulit 'yun sa side table at humiga. Pumikit ulit para matulog.

Mas mabuti pa sigurong matulog nalang ako palagi. Baka sakaling makalimutan kong may problema ako.

--x

2 weeks have passed, hindi parin ako pumapasok. Wala akong kagana-ganang kumain. Halos ayaw ko nang mabuhay. Wala na akong ibang ginawa kundi matulog ng matulog. Nakakapag-taka lang na hindi ako sinasaktan ni Papa ngayon. Ni hindi nga niya ako pinapansin eh. At dati, wala silang pakialam kung kumain ako o hindi sa isang araw. Pero ngayon, palagi nila akong pinaghahatid ng pagkain tuwing oras ng pagkain.

"May bisita ka."

Walang kagana-gana kong tiningnan si Allaine sa pintuan ng kwarto habang nakahiga sa higaan ko. Kayayari ko lang umiyak. Sino naman ang bisitang sinasabi ni Allaine?

Ilang sandali lang, pumasok si Glezel na may dalang plastic ng Jollibee. Inilagay nya 'yun sa side table ko at umupo sa gilid ko.

"Bespren, finals na next next week. Bakit hindi ka pa pumapasok? Nag-aalala na ako sayo," sabi niya tapos ay nag-pout. Hinawakan niya ang kamay ko. "Bespren, baka bumagsak ka na."

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Ayokong makita 'yung naaawa niyang mukha sa akin. Ayokong kaawaan ako ng kahit sino.

"Wala akong pakialam. Ibagsak nila ako kung gusto nila." walang emosyon na sagot ko.

"Bespren naman eh. Zette, pumasok ka na, please. May two weeks pa naman tayo para makapag-review. Please, pumasok ka na." pamimilit niya pa.

"Ayoko na, Glezel. Suko na ako sa lahat ng pagsubok na 'to. Iwan mo na ako." sabi ko habang nakapikit. Tumulo ulit ang mga luha ko. Bumuntong hininga siya.

"Suzette, alam ko namang nasasaktan ka pa eh. Pero please. Di ka makaka-move on kung habang buhay kang ganyan. Tanggapin mo nalang kasi."

Dumilat ako at bumangon. Nakapantulog parin ako hanggang ngayon. Tiningnan ko siya gamit ang walang emosyon kong mga mata.

"Tanggapin na ano? Na hindi talaga ako ang mahal? Na kahit kailan, hindi niya talaga ako minahal at pinaniwala ko lang ang sarili ko? 'Yung ba, Glezel? 'Yun ba?!" tumaas ang boses ko sa huli kong sinabi. Nakita ko naman na nagulat siya.

"Su-Suzette—"

"Oo! Alam ko naman eh! Alam ko nama na hindi niya talaga ako minahal kahit minsan! Alam ko naman na ipinilit ko lang ang sarili ko sa kanya! Alam ko naman na ako lang ang nagpaniwala sa sarili kong mahal niya rin ako. Pero umasa ako," umagos ang luha ko sa pisngi habang nagsasalita. "Umasa ako na kahit katiting na pagmamahal, bibigyan niya ako. Pero hindi nangyari, eh. Hindi nangyari!"

Napahagulgol na ako. Alam kong ilusyon ko lang ang lahat. Alam kong ako rin ang may kasalanan kung bakit nasasaktan ako ng sobra, tulad ngayon. Pero kasalanan bang hangarin na maging masaya? Kahit konting saya lang ang maramdaman ko. Kahit konti lang. Nakita kong umiiyak na rin si Glezel matapos ko siyang pagtaasan ng boses.

"Suzette kasi, hindi mo naiintindihan—"

"Kung hindi ko kayo naiintindihan, mas lalong hindi niyo ako maiintindihan!" pagputol ko sa sasabihin niya.

Iyak na ng iyak si Glezel sa akin. Alam kong wala siyang kasalanan sa nangyayari sa akin ngayon. Pero ano pang magagawa ko? Nandito na 'to.

"Gusto ko lang naman maging masaya eh. Kahit konti lang, maramdaman ko man lang 'yung saya na sinasabi nila. Sa tuwing sinasabi ko na sana, mamatay nalang ako, sasabihin niyo, 'huwag, masarap mabuhay, masaya'. 'Yun lang naman 'yung gusto kong maramdaman eh. 'Yung saya at sarap na sinasabi niyo!"

Tumigil ako sa pagsasalita. Nahihirapan ako dahil sa pag-iyak at sa mga hikbing kumakawala sa bibig ko. Si Glezel, tahimik na umiiyak habang nakikinig sa akin.

"Kung hindi ko ginawa 'yun, malamang, matagal na akong nakalibing sa sementeryo. Alam niyo namang lahat na kayang-kaya kong gawin 'yon, 'di ba? Pero dahil kay Kevin. . ." humina ang boses ko nang banggitin ko ang pangalan ng taong nagsilbing buhay ko.

"Nang dahil kay Kevin, napigilan ko. Kasi alam kong sa kanya, mararamdaman ko 'yung sayang inaasam ko. Gusto ko lang rin namang maramdaman na hindi ako nag-iisa eh. Na may taong pwede kong sandalan sa tuwing nahihirapan na ako. 'Yung taong pwede kong kapitan sa tuwing gusto ko nang bumitaw. Hindi niyo ako maiintindihan hangga't hindi niyo nararanasan lahat ng naranasan ko. Lalo na kapag iniwan ka ng taong nagsilbing pangalawang buhay mo. 'Yung taong nagbigay sayo ng masaya at panibagong buhay. Iniwan na niya ako, eh. Kaya mag-isa na ako ngayon."

Matapos kong sabihin 'yan, hindi ko na kinaya pang magsalita. Wala na akong ibang nagawa kundi ang umiyak ng malakas na parang bata.

"Hindi ka naman nag-iisa, Suzette."

Napatingin ako sa kanya nang magsalita siya. May mga luha parin na umaagos sa pisngi niya. Nagsalita ulit siya.

"Nandito ako, Suzette. Nandito ako, na best friend mo. Hindi naman kita iiwan, eh. Mag-best friend tayo, 'di ba? Hindi ka nag-iisa. Palagi akong nandito para sayo. Hindi mo lang ako nakikita kasi palagi mong iniisip na si Kevin lang ang taong kayang mag-stay sa tabi mo, kahit gaano pa kabwisit ang ugali mo."

Tumayo siya at pinunasan ang luha niya. Nilabas niya ang mga pagkain sa plastic ng Jollibee.

"Kumain ka na. Sabihin mo lang sakin kapag may kailangan ka pa. Kapag gusto mo nang pumasok, sabihin mo lang para ma-review kita sa final exam natin next next week. Sige, uuwi na ako."

Matapos niyang sabihin 'yan, lumabas na siya ng kwarto ko. Napatingin ako sa side table at may mga pagkain ng Jollibee na nandoon. Fries, burger, fried chicked, sundae, etc. Lalo akong naiyak. Kinuha ko ang styro na may lamang kanin at chicken at saka kinain 'yun. I'm sorry, Glezel. I'm so sorry.

--x

Matapos ang isang linggo simula nang dumalaw sa akin si Glezel, hindi na ulit siya nagpakita sa akin. At lately, nananaginip ako ng mga weird na bagay.

'Yung garden na may napaka-raming bulaklak. May fountain. May mga puno. At sa isang puno, may nakita akong letrang nakaukit doon: RJ

Hindi ko alam kung bakit parang napaka-pamilyar ng pangalang RJ. Pangalan nga ba ang ibig sabihin ng nakaukit na 'yon? Argh. Hindi ko naman na dapat pino-problema 'to eh. Pero sobrang dalas ko kasing makita sa panaginip ko.

Sa gitna ng pag-iisip ko at pagtitig ko sa kawalan, biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Napatingin ako doon. Nanlamig ako nang makita ko doon si Papa. Ngayon ko nalang ulit siya nakita.

"Suzette,"

Pinagpawisan ako ng malamig nang marinig ko ang maawtoridad niyang boses.

Hindi ko alam, pero ngayon nalang ulit ako nakaramdam ng takot sa kanya matapos ang ilang linggo na hindi kami nagkita. Hindi na rin niya ulit ako sinasaktan. Hindi ko alam kung bakit, pero simula nang sinabi kong patayin na niya ako, hindi na niya ulit ako sinaktan o kinausap man lang, maliban sa sampal na natamo ko nung sinabi kong patayin na niya ako. 'Yun na ang huling beses na pinagbuhatan niya ako ng kamay.

Hindi ako sumagot. Nanatili lang akong nakatitig sa kanya.

"Kumain ka na ba ng hapunan?"

Napatitig ako lalo sa kanya nang marinig ko 'yung sinabi niya. Ngayon ko lang ulit 'to narinig mula sa bibig niya, simula nang iniwan kami ni Mama.

"Kumain ka na, Suzette. Huwag mong sayangin ang buhay mo sa lalaking 'yun. He isn't worth it. No one is worthy of your tears. Hindi man halata, hindi ko man maipakita sayo, pero anak parin kita."

Naluha ako sa sinabi ni Papa. Anak. . .

Ang sarap pakinggan. Kahit na ang tono ng boses niya ay hindi ka makakaramdam ng kahit na anong emosyon, ang sarap parin sa pandinig.

"Kahit palagi kitang sinasaktan, anak parin ang turing ko sayo."

Nag-iwas siya ng tingin at tumalikod. Bago siya lumabas ng kwarto ko, nagsalita ulit siya saka umalis na.

"Pahahatiran nalang kita ng pagkain dito."

--x

Kahit papaano, nakaramdam ako ng kaunting saya sa narinig ko kay Papa kanina. Hindi ko ineexpect na maririnig ko sa kanya ang lahat ng 'yon. Pero sa tuwing maiisip ko si Kevin na masaya kasama si Jerisha. . .nababale-wala lahat ng saya na nararamdaman ko.

Malalim na ang gabi kaya napagpasyahan kong matulog na. Sa buong araw, wala akong ginawa kundi ang matulog. 'Yun nalang ang natatanging paraan na alam ko para palipasin ang araw ko. Oras na pumikit ako, naramdaman kong unti-unti, nakakatulog na ako.

**

Nandito na naman ako sa napaka-gandang hardin. Hindi ko alam kung saang lugar 'to. Pero sobrang ganda. Naupo ako sa swing at dahan-dahan ko itong iniugoy. Iniikot ko ang paningin ko sa kapaligiran. Sobrang ganda. Pero wala akong maramdamang saya sa puso ko. Puro sakit. Napabuntong-hininga ako. Sana, nandito nalang rin si Kevin. Sana. . .magkasama kaming dalawa dito sa napaka-gandang lugar na 'to. Naramdaman ko na namang umiiyak ako.

 

Kailan ba mapapagod ang mga mata ko na umiyak? Kailan ba titigil ang mga mata ko sa pagluha? Hindi ba sila pwedeng tumigil kahit na ilang araw lang? Pagod na pagod na kasi ako. Pagod na pagod na ang buong katawan ko. Sana, mapagod na rin ang mata ko sa pag-iyak.

 

Nagulat ako nang may naramdaman akong taong nakatayo sa harap ko. Napatingin ako doon. Nagulat ako. Sobrang pamilyar ng mukha niya. Pero hindi ko matandaan kung saan ko siya unang nakita. Sino siya? Bakit. . .bakit parang napaka-pamilyar ng mukha niya? Bakit parang. . .napaka-pamilyar ng mukha niya?

 

"Sino ka?" tanong ko.

 

Hindi siya sumagot. Ngumiti lang siya sa akin. Iniluhod niya ang isang tuhod niya at hinalikan ako sa kamay. Nagulat ako lalo sa ginawa niya.

 

"Hindi deserve ng isang tulad mo ang ganyan. Hindi dapat pinapa-iyak ang isang tulad mo," nagulat ako nang marinig ko ang boses niya. Mahina at malalim, ngunit malinaw sa pandinig ang bawat salitang sinasabi niya.

 

Tumayo siya at pinunasan ang luha na dumadaloy sa pisngi ko. Hindi ako makagalaw dahil sa bigla. Sino siya? Hindi ko matandaan, pero sobrang pamilyar niya. Pakiramdam ko, nagkita na kami noon, pero hindi ko matandaan.

 

"Tahan na. Hindi lang sa kanya umiikot ang mundo mo. Marami pang tao dyan sa paligid mo ang nagmamahal ng totoo sayo."

 

Hindi ko maitago ang pagkabigla sa mukha ko. Pilit kong hinahaluglog sa isip ko kung saan at kailan ko siya nakita. Naiinis ako. Bakit hindi ko matandaan? Argh! Ilang saglit pa, may inilagay siya sa gilid ng tenga ko. Ngumiti siya ulit sa akin.

 

"Nice to meet you. . .again."

 

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Again? Ibig sabihin, nagkita na nga kami noon? At kilala niya ako?

 

Magsasalita palang sana ako pero nagulat ako ng biglang humangin ng malakas, kasabay ng pagkawala niya. Para siyang abo na tinangay ng malakas na hangin.

 

Tumayo ako at nagtatakbo sa loob ng malawak na hardin na ito. Hinanap ko ang taong 'yun pero hindi ko siya makita. Nakarating na ako sa pamilyar na fountain na medyo may kalayuan sa hardin, pero hindi ko parin siya nakita. Nakaramdam na ako ng pagod. Huminto na ako sa pagtakbo. Biglang kong naalala na may inilagay siya sa tenga ko.

 

Kinapa ko 'yon. May nakuha akong bagay. Nang tiningnan ko 'yun, isang bulaklak na kulay dilaw. Bulaklak, ang ganda. Sobrang ganda. Bigla kong naramdaman ang mas mabilis na tibok ng puso ko. Dahil ba ito sa pagod sa pagtakbo? O dahil sa bulaklak na hawak ko?

 

Pumikit ako para pakinggan ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Sa unang pagkakataon, simula nangiwan ako ni Kevin, nagawa ko ulit na ngumiti. Ang sarap pala sa pakiramdam. Parang nagbalik ako sa mga araw na unang beses ko palang nakita si Kevin.

 

Nung unang beses na maramdaman ko 'yung feeling ng. . .in love.

 

**

Pagmulat ko ng mata, nasilaw ako sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Napapikit ako. Pero may napagtanto ako.

Nasa kwarto ko na ulit ako.

Bumangon ako at naupo sa higaan ko. Inikot ko ang paningin ko. Nasa kwarto ko na talaga ako. Napabuntong-hininga na naman ako.

Panaginip lang pala.

Napatingin ako sa mga kamay ko. May hawak akong dilaw na bulaklak. Napakunot ang noo ko. Akala ko ba, nananaginip lang ako? Bakit hanggang sa paggising ko, dala ko ang bulaklak na 'to, na inilagay ng lalaki sa panaginip ko?

Posible kayang. . .may misteryong bumabalot sa panaginip kong 'yon? Pero paano?

Ang daming pumasok na tanong sa isip ko. Pero kahit isa, wala akong nabigyan ng sagot.

 _______________

Author's Note:

        Yehey! Lumabas na ang tunay na bida. :D :D :D Ang sarap sa pakiramdam isulat nito. It was like I'm writing Inside Feelings again. :"> Kahit na ang bigat ng feels niya, nag-eenjoy akong isulat to. :'>

        And. . .uhm. . .this story is not a long story like Inside Feelings, His Boyish Bestfriend 1 and 2, Til I Found You. Gusto ko siyang gawin na parang Novella lang. 'Yung hindi lalamps ng 30 chapters. :) Pero gusto ko rin malaman niyo na kahit hindi siya mahaba, kahit na Novella lang siya, hindi kayo magsisisi na binasa niyo ito. Malaman ang bawat chapters kaya sana. . .sana. . .sana.  . .suportahan niyo ito. Proud ako na naisip ko ang plot na to. Hihihi. :">

        I don't know when will I post the next chaper but probably, before that school started. Hihi. Thanks sa mga nagbabasa nito. Mwa! :* Love you, guys. <3

-MarisolMariano ♥

(@MarissRocks_)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top