RIMD: Dream #5

RIMD: Dream #5

 

Past 9pm na akong nakauwi sa bahay at hanggang ngayon, hindi ko parin matanggap ang lahat ng nangyari.

Binalak kong tumalon doon. Binalak kong ulitin ang ginawa ko noon, pero naisip ko, wala na si Kevin para iligtas pa ako. May parte parin sa puso ko na umaasang magkakabalikan kami. May parte namang sinasabi na. . .magpakamatay nalang ako. Tutal, wala na rin namang silbi ang buhay ko.

Nakita ko doon si Papa na umiinom na naman sa sala. Tumingin siya sa akin ng masama. Dati kapag ganito, natatakot na ako. Pero bakit ngayon, wala na akong maramdaman?

"Anong oras ka nang umuwi! 'Yan ba ang oras ng uwi ng mga dalaga?!" sigaw niya sa akin.

Hindi ako nagsalita doon. Nanatili lang akong nakatayo at nakikinig sa mga sigaw at mura ni Papa. Tinitigan ko siyang mabuti. Kahit na paulit-ulit niya akong sinasaktan, physically at emotionally, alam ko sa sarili kong mahal ko siya. Mahal na mahal ko ang Papa ko. Sobra.

"Saan ka ba nanggaling?! Nakipag-kita ka na naman ba sa boyfriend mo?! Putanginang magsama na kayo!" sigaw ni Papa.

Lumapit ako sa kanya at lumuhod sa harap niya. Naramdaman ko na naman ang mga luhang nag-uunahan sa pag-agos sa pisngi ko.

"Ano ba 'yang kadramahang ginagawa mo?! Hindi--"

"Papa. . ." halatang natigilan siya sa sinabi ko.

Ito ang unang beses na tinawag ko ulit siya ng Papa. Madalas kasi, 'taong 'yun' ang tinatawag ko sa kanya kapag may naghahanap o di naman, pangalan niya. Minsan, di nalang ako nagbabanggit ng kahit na anong tawag.

"Masaya po ba kayo kapag sinasaktan niyo ako? Masaya po ba kayo kapag nakikita niyong nasasaktan at nahihirapan ako?" tanong ko sa kanya.

Hindi siya sumagot. Tiningnan ko siya at nakita kong nakatingin lang siya sa akin na parang nagtataka kung ano ang ginagawa at pinagsasabi ko.

"Papa. . .patayin niyo nalang po ako."

Halatang nagulat si Papa sa sinabi ko. Naramdaman ko na naman ang napaka-lakas na sampal niya sa akin. Hindi na ako nasaktan. Sanay na ako eh. Manhid na rin ako ngayon dahil sa sakit na naramdaman ko.

"Nababaliw ka na ba?! Gusto mo pa akong gawing kriminal sa pinagsasabi mo!!!"

"Papa. . ." hindi ko magawang magsalita ng dire-diretso dahil sa sobrang pag-iyak. "Hirap na hirap na po ako. Ikaw, sinasaktan mo ako ng pisikal, habang si Kevin, sinaktan na ako. . .ang puso ko. Ang sakit, Papa. Ang sakit. Tutal, hindi na rin naman kayo masaya na nandito ako, kasama niyo, 'di ba? Dahil palagi mo nalang akong sinasaktan; minumura. Papa, ayoko na. Nahihirapan na po ako. Patayin niyo nalang po ako para matapos ang lahat ng 'to."

Matapos kong sabihin 'yan, tinakpan ko ang mukha ko gamit ang dalawang kamay at humagulgol. Hindi ko na narinig ang sagot ni Papa. Hindi ko rin naramdaman na sinaktan niya ulit ako. Ang alam ko lang, tumayo si Papa at iniwan akong mag-isa doon.

Lalo akong napa-iyak. Doon ko lang napatunayan na wala na talagang pakialam sa akin si Papa. Hindi na talaga anak ang turing niya sa akin matapos kong mapatay 'yung anak niyang nasa sinapupunan palang.

Siguro nga, hindi na ako dapat mabuhay pa. Siguro, dapat mawala nalang ako sa mundong ito. Kung 'yung kaisa-isang tao na pinaramdam sa akin na hindi ako iiwan, ay iniwan na ako ngayon.

"Tumayo ka dyan."

Napa-angat ako ng tingin nang marinig ko ang boses ni Allaine sa harap ko. Siya na pala ngayon ang nakaupo sa couch na inuupuan kanina ni Papa.

"Sa tingin mo, kapag nawala ka, maaayos lahat? Sa tingin mo, kapag namatay ka, papansinin ka na ng Papa mo?" mahinahong sabi ni Allaine.

Hindi ako sumagot. Pinakakawalan ko lang ang mga hikbi na lumalabas sa bibig ko at hinahayaang tumulo ang mga luha ko.

"Hindi, Suzette. Sinasayang mo lang ang pagkakataon na makuha ang loob ng Tatay mo. Imbes na isipin mong magpakamatay ulit, bakit hindi ka nalang gumawa ng paraan para maibalik lahat ng meron kayo dati? Sa tingin mo, kapag namatay ka ngayon, makukuha mo ang loob ng Tatay mo? Sabihin na nating, oo. Pero sa tingin mo, magiging masaya ka kapag nangyari 'yun? Hindi, Suzette. Kasi patay ka na nun. Kaya tumayo ka dyan at kumain ng hapunan. Matanda ka na. Alam mo na ang tama sa mali. Ayusin mo ang sarili mo."

Right after she said that, tumayo na siya at umakyat na papunta sa kwarto nila. Wala akong masabi. Hindi ko alam. Hindi ko alam kung may pakialam ba sa akin si Allaine pero gumaan ang pakiramdam ko matapos kong marinig ang lahat ng 'yun sa kanya.

Siguro nga, kailangan kong patatagin ang sarili ko, hindi dahil sinabi ni Allaine. Gusto kong bumalik sa akin si Kevin. Ignore everything. Basta ang mahalaga sa akin, bumalik si Kevin. Tumayo ako at pinunasan ang luha ko tsaka pumunta sa kwarto ko.

--x

"Hi po, Tita." bungad ko sa nagbukas ng gate sa akin.

"Oh, Suzette. Wala kang pasok?" tanong niya. Ngumiti ako.

"Hindi po ako pumasok."

It's been 2 weeks since Kevin broke up with me. 2 weeks na rin akong hindi pumapasok sa school dahil hindi ko pa kaya. Sobrang sakit parin.

"So. . .what brings you here? Pasok ka, hija." sabi niya.

Pumasok ako tulad nang sinabi niya. Pinaupo niya ako sa couch. Pumunta siya sa kusina at kumuha ng isang slice ng cake at isang basong juice. Ibinigay niya 'to sakin.

"So, anong sa ating ngayon, Suzette?" nakangiting tanong sa akin ni Tita Bea.

"Uhm, I. . .I just wanna ask kung kamusta na po si, uh. . .K-Kevin." nakaiwas kong tanong. Sinimulan ko nang kainin ang cake para maiwas ko ang tingin ko kay Tita dahil sa sobrang awkward.

"Hmm, I know you two broke up."

Napatingin ako kay Tita nang sabihin niya sa akin 'yun. Sinabi na sa kanya ni Kevin?

"Tita. . ." napatigil ako sa pagsasalita nang hawakan ni Tita ang kamay kong nasa lap ko.

"Suzette, all I have to say is, let him be happy with the one he really love," nangilid kaagad ang luha ko sa sinabi ni Tita Bea. "Sa loob ng mahigit dalawang taon, wala siyang ibang inisip kundi ikaw. He takes for granted his own happiness just for you. He sacrifices everything just so you didn't feel alone. Suzette, alam mo naman na kaya niya ginawa ang maging boyfriend mo, dahil 'yun ang gusto mo, 'di ba? Dahil 'yun ang makakapag-pasaya sayo. Dahil 'yun ang makakapag-paramdam sayo na, nandyan lang siya at hindi ka iiwan; na hindi ka nag-iisa."

Tuluyan nang tumulo ang luha ko sa sinabi ni Tita Bea. Yumuko ako at hinayaang tumulo ang mga luha ko sa lap ko. Masakit marinig ang lahat ng 'to pero tatanggapin ko.

"Suzette, Kevin did love you. Pero hindi 'yung pagmamahal na iniisip mo. He told me once after you broke up that you're like a little sister to him. Sinubukan niya ang mahalin ka, but he can't. Kasi, may ibang laman ang puso niya. Suzette, just let him go. Let him be happy with Jerisha. He really loves him so much. Siguro, after mag-sakripisyo ng anak ko para sayo, hahayaan mo na siyang maging masaya, 'di ba? You're like a daughter to me, Suzette. At ayaw ko rin na masaktan ka. Pero kailangan na, eh. I'm sorry, hija."

Napahagulgol na ako ng tuluyan matapos kong marinig ang lahat ng 'yan kay Tita Bea. Tumayo si Tita at umupo sa tabi ko. Niyakap niya ako at tinap ng mahina ang likod ko para pakalmahin ako.

"I'm so sorry, Suzette. I'm so sorry."

Wala na ba talagang pag-asa na magkabalikan kami? Mahal ko siya eh. Mahal ko si Kevin. . .sobra. Higit pa sa buhay ko.

--x

Another two weeks have passed. After ng pag-uusap namin ni Tita Bea, 2 weeks ago, pumasok na rin ako kinabukasan. Sinabi niyang huwag kong hayaan na masira ang pag-aaral ko dahil lang sa break up namin ni Kevin. Hindi niya sinabing may pag-asa pa kaming magkabalikan. Basta ang sinabi niya, hayaan ko nang maging masaya si Kevin sa babaeng mahal niya. Sighed.

"Ano? Tulala ka na naman," sabi ni Glezel sa tabi ko. Nasa cafeteria kami ngayon at lunchbreak. Pero wala parin akong ganang kumain hanggang ngayon. "Sabihin mo kung ayaw mo nang kumain. Hindi 'yung nagsasayang ka ng perang umorder ng pagkain na hindi mo naman kakainin. Tss."

Nakita ko sa pheripheral vision ko na inirapan niya ako. Ang laking pasalamat ko lang na hanggang ngayon, nandito parin siya sa tabi ko, gaano man kamiserable ang buhay ko. Glezel is truly a best friend.

"Suzette, alam kong may problema ka. Pero, kumain ka naman kahit konti. 2 weeks kang hindi pumasok. After naman ng 2 weeks mong pag-absent, pumasok ka nga. Para ka namang namatayan. Tss. Suzette, for Pete's sake. 1 month na kayong break. Masaya na 'yung tao sa girlfriend niya. Mag-move on ka na. Walang mangyayari sa buhay mo kung gaganyan ka lang. Wala nang pakialam sayo 'yung tao, ano ba?" iritang sabi sakin ni Glezel.

Naiyak ako sa mga narinig ko sa kanya. Tumingin ako sa kanya ng masama. Nakita ko ang gulat sa kanyang mukha.

"Hindi mo kasi ako naiintindihan, Glezel! Wala ka sa lugar ko. Wala ka sa posisyon ko. Hindi ka iniwan ng taong nagbigay ng panibagong buhay sayo, matapos mong tangkaing patayin ang sarili mo. Hindi ikaw ang iniwan ng taong minahal mo ng higit pa sa sarili mong buhay, Glezel. Hindi ikaw kaya kahit kailan, hinding hindi mo ako maiintindihan!" umiiyak na bulyaw ko sa kanya bago tumayo at lumabas ng cafeteria.

Pumunta ako ng CR at kinulong ko ang sarili ko sa cubicle. Doon, umiyak ako ng umiyak. Ilang sandali pa, may kumatok sa pinto ko.

"Suzette, open the door. I'm sorry sa mga nasabi ko. Hindi ko sinasadya. Hindi ko na kasi kayang makita kang nagkakaganyan eh. Please, Suzette." sabi ni Glezel habang kinakatok ang pinto.

"Umalis ka na, Glezel. Please, gusto kong mapag-isa."

"Suzette—"

"Okay lang ako. Iwan mo muna ako."

Hindi ko na narinig ang sagot niya. Narinig ko nalang ang yapak niya palabas ng CR. Napaiyak na naman ako. Hanggang kailan ako magiging ganito? Hanggang kailan ako iiyak? Hanggang kailan ko mararamdaman 'yung sakit na 'to?

--x

Ilang oras akong nagkulong sa CR. Hindi na ako nakapasok sa afternoon classes ko. Mas ginusto kong magkulong sa CR na 'to. Wala kasing umiistorbo sa akin dito.

Pero nang makita kong 6pm na, napag-pasiyahan kong lumabas na ng CR at umuwi, tutal 'yun ang oras ng dissmissal ng last class namin sa araw na 'to. Medyo madilim na rin nung lumabas ako. May nakita pa akong text ni Glezel sa phone ko nung tiningnan ko kung anong oras na. Binasa ko 'to.

Glezel:

Suzette, nauna na akong umuwi sayo. Andito na kasi 'yung sundo ko eh. I'm sorry talaga. Hindi ko sinasadya. Sana maging okay ka na. Loveyou, best friend.

Napabuntong-hininga nalang ako matapos kong mabasa ang text niya. Sana nga, maging okay na ako. Habang naglalakad ako palabas ng campus, may nakita akong pamilyar na likod na naglalakad palayo sa akin. Nangilid ang luha ko. Sobrang miss ko na ang taong 'yun. Sobra sobra.

Tahimik ko siyang sinundan. Hindi ko alam kung saan siya pupunta. Hindi rin naman ito ang daan pauwi sa amin kaya wala akong idea.

"Suzette. . ."

Napatigil ako nang marinig kong tinawag niya ang pangalan ko. Alam niya palang sinusundan ko siya.

"Tama na."

Umagos na naman ang luha ko matapos kong marinig 'yan. Unti-unti akong lumapit sa kanya at niyakap ko siya habang nakatalikod siya sa akin. Hinawakan niya ang kamay kong nakayakap sa kanya.

"Kevin, please. Sobrang sakit na." sabi ko habang umiiyak. Naramdaman ko ang pagbuntong-hininga niya.

"Suzette naman."

"Kevin, hindi ko na kaya. Pinilit ko naman eh. Pinilit kong mabuhay ng wala ka. Sinubukan kong maging okay kahit wala ka. Pero hindi ko kaya. Miss na miss na kita. Bumalik ka na, please."

Habang sinasabi ko ang mga salitang 'yan, may mga nakawalang hikbi sa akin. Napapatingin na ang ibang mga dumadaan sa amin. Wala naman akong pakialam eh. Ang importante sakin, bumalik si Kevin.

"Suzette, hindi mo ba ako naiintindihan?" tanong niya. Hindi ako sumagot. Umiyak lang ako ng umiyak. Kinalas niya ang yakap ko sa kanya at humarap siya sa akin. Hinawakan niya ako sa dalawang balikat ko at tiningnan ako sa mga mata. "May mahal akong iba, Suzette. Hindi lang sayo umiikot ang mundo ko."

Napayuko ako. Ang marinig sa kanyang may mahal siyang iba ay sobrang sakit para sa akin.

"Sa loob ng mahigit dalawang taon, ginawa ko ang lahat ng gusto mo para maging masaya ka; para hindi mo maramdaman na nag-iisa ka. Naging boyfriend mo ako, hindi dahil niligawan kita. Kundi dahil 'yun ang gusto mo, 'di ba? Dahil 'yun ang makapag-papasaya sayo. Minsan ko nang isinakripisyo ang taong mahal ko para sayo. Minsan ko nang kinalimutan ang sarili ko para sayo. Pero this time, hindi ko na kayang pakawalan si Jerisha. Mahal ko siya. . .sobra. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala siya sa akin. Suzette, kahit ngayon lang. . .please. Hayaan mo akong maging masaya sa taong mahal ko. Kahit ito nalang ang isukli mo sa lahat ng sakripisyo na ginawa ko para sayo." mahabang sabi niya.

Hindi ko na kayang marinig pa ang mga susunod na sasabihin niya. Gusto kong tumakbo paalis pero hindi ko magawa. Dahil gusto kong lubusin ang mga pagkakataong nahahawakan niya pa ako. Dahil baka pagkatapos nito. . .mawawala na ako.

"Pero mahal kita, Kevin!" basag ang boses na sabi ko.

Inialis niya ang hawak niya sa balikat ko kaya lalo akong nasaktan. Tumalikod siya sandali sa akin at sinabunutan ang sarili. Humarap ulit siya sa akin ng may galit na mukha.

"Ayoko na, Suzette. Hindi mo ba maintindihan 'yon? Ayoko na. Break na tayo. Mahirap bang intindihin 'yon?" naiirita niyang sabi. Napatingin ako sa kanya matapos kong marinig ang lahat ng 'yon. Nakita ko ang namumula niyang mga mata na parang anytime, iiyak na siya. "Isang buwan na, Suzette. Isang buwan na tayong wala, 'di ba? Please. . .hayaan mo na akong maging masaya. Kahit ito nalang ang gawin mo para sa akin."

Sumisikip ang dibdib ko sa mga naririnig ko, lalo na nung nakita kong may tumulong isang patak ng luha sa pisngi niya. . .na nasundan pa.

"Suzette, nakikiusap ako. Bitawan mo na ako. At sana, huwag ka ng gumawa ng bagay na ikapapahamak mo. Nagmamakaawa ako sayo."

Yumuko siya at nakita ko ang pagtaas ng mga balikat niya na ang dahilan ay ang pag-iyak niya. Tumalikod na siya at naglakad na ulit palayo sa akin. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang dalawang kamay ko at umiyak ng umiyak.

Hindi niya talaga ako minahal kahit minsan. Magtataka pa ba ako? Eh kaya lang naman naging kami dahil sa pakiusap ko. At kaya siya pumayag, dahil naaawa siya sa akin. Fuck.

Naglakad ako ng naglakad hanggang sa makarating ako sa lugar kung saan ko unang nakita 'yung taong mahal ko. Sa tulay kung saan ko unang beses na tinangka kong magpakamatay.

Nandito na naman ako. Nagkita na naman kami ng tulay na 'to. Sobrang memorable talaga ng lugar na 'to. Tumingin ako sa baba at nakita ko ang malakas na agos ng ilog sa ilalim noon. Malalim. Sobrang lalim. Sigurado akong mamamatay ako once na tumalon ako dito.

Pero sa tuwing pinaplano kong magpakamatay, sa tuwing pinaplano kong tumalon sa tulay na 'to pababa sa ilog na malalim, pumapasok sa isip ko ang itsura ni Kevin kanina.

"Suzette, nakikiusap ako. Bitawan mo na ako. At sana, huwag ka ng gumawa ng bagay na ikapapahamak mo. Nagmamakaawa ako sayo."

Napapikit ako at mabilis na tumulo ang ma luha ko. Umupo ako doon at sumandal sa pader ng tulay. Niyakap ko ang mga binti ko. Hinayaan kong nakapikit ang mga mata kong pagod na pagod na sa pag-iyak.

Ang hirap. Sobrang hirap ng mag-isa. Ayoko na. Kung panaginip lang ang lahat ng ito, sana lang. . .sana lang magising na ako. Kasi, sobrang sakit na.

Sana panaginip nalang ang lahat ng ito. Sana pagkagising ko, ayos na ang lahat. Sana. . .sana magising na ako sa masamang panaginip na ito.

__________

Author's Note:

        Happy New Years, guys! Mag-ingat sa mga paputok Hahaha. Enjoy readinggggg! <3

-MarisolMariano ♥

(@MarissRocks_)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top