RIMD: Dream #4
RIMD: Dream #4
"You remember?" tanong ni Kevin sa akin matapos kong alalahanin lahat lahat.
"Yeah." sagot ko.
"Nangako ako sayo na hindi ako bibitaw, hindi ba?" tanong niya. Tumango ako. "I'm sorry, Suzette."
Napalayo ako sa kanya sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin?
"Ha? Bakit ka nagso-sorry? May nagawa ka bang mali? Okay lang 'yun. Pinapatawad na kita." sabi ko.
Ganun naman ako eh. Kapag nagagalit ako at may nagagawa siyang mali sa akin, pinagbibigyan ko kaagad siya kahit na hindi pa siya nagso-sorry. Ganyan ko siya kamahal. Hindi ko kayang magalit sa kanya.
"Kevin, bakit ka nagso-sorry?" tanong ko ulit nang hindi siya sumagot.
"Suzette, alam mo naman na may kanya-kanya tayong buhay, 'di ba? Na. . .hindi pwedeng mag-stay tayo sa ganito lang. Kasi parang. . .parang niloloko nalang rin natin 'yung sarili natin." paliwanag niya.
Nag-iwas ako ng tingin. Inayos ko lahat ng gamit ko at tumayo na. Alam ko na kung saan patungo 'tong usapan namin eh. Ayokong dumating sa point na 'yun. Hindi ko kakayanin.
"U-Uuwi na ako. Uh. . .m-may assignment pa kami eh. Uhm, bye. I love you so much." sabi ko at hinalikan ko siya ng mabilis.
Mabilis akong naglakad palabas ng bahay nila. Narinig ko pang tinawa niya ako pero hindi ko na siya nilingon. Tumawag ako ng taxi at nagpahatid sa bahay namin. Naiyak ako pagkapasok ko sa loob ng taxi. Fuck. Nararamdaman ko na. Nararamdaman ko na ang ending ng masayang love story namin. Nag-dial ako ng number sa cellphone ko.
"Hello, Zet!" masiglang bati ni Glezel sa akin.
"Glezel, malapit na." sabi ko habang umiiyak.
"Malapit na ang ano?" tanong niya.
"Malapit na siyang bumitaw, Glezel. Malapit na." sabi ko at humagulgol.
Ilang beses pang nagtanong sa akin si Glezel sa kabilang linya kung ano ang ibig kong sabihin, pero hindi ko na siya nagawang sagutin. Wala akong nagawa kundi umiyak ng umiyak. Pinatay ko nalang ang tawag dahil wala na rin naman akong masasabi sa kanya.
Nang maihatid na ako ng taxi sa harap ng bahay namin, mabilis akong pumasok sa loob ng bahay at tumakbo papunta sa kwarto. Hindi ko na pinansin 'yung mga murang natanggap ko sa lalaking umiinom sa sala. Sanay na rin na naman na ako kaya bakit papansinin ko pa. Nadaanan ko rin si Allaine sa hagdanan pero hindi ko na rin pinansin.
Pagkapasok ko sa kwarto, ibinalibag ko kaagad ang gamit ko sa sulok at nahiga sa kamay sabay nagtalukbong ng kumot. Umiyak ako doon ng umiyak.
'Yung ideya palang na makikipag-break na sakin si Kevin, hindi ko na kinakaya. Sobrang nasasaktan na ako. Paano pa kaya 'yung makipag-break na talaga siya sakin, 'di ba? Baka magpakamatay na naman ako.
Hindi mo ako pwedeng iwan, Kevin. Mamamatay ako, sinasabi ko sayo. Mamamatay ako. Sabi mo, hindi ka bibitaw, 'di ba? Pero bakit ka ngayon bumibitaw sakin? Bakit ipinaparamdam mo na sakin na unti-unti ka nang bumibitaw?
--x
"What's with the big black circles around your eyes, missy?" sabi sakin ni Glezel pagkapasok ko sa classroom.
"Puyat lang. Nag-movie marathon eh." sagot ko.
"Movie marathon your ass. Wag mo nga akong niloloko. Tumawag ka sakin ng umiiyak tapos sasabihin mo, nag-movie marathon ka lang? Tss."
Hindi na ako sumagot kay Glezel. Bahala ka na nga. Ayoko nang isipin pa 'yung mga nangyari. Basta, hindi ako papayag na bumitaw sakin si Kevin. Mahal na mahal ko siya eh. At seryoso ako nung sinabi kong mamamatay ako kapag nawala siya sa akin.
"Alam mo, Suzette, mali 'yang ginagawa mo. Hindi tama na, ibigay mo 'yung buong pagmamahal mo sa kanya, you know? Kasi kailangan mo rin mahalin ang sarili mo. Tulad niyan. Palagi mong sinasabi na mamamatay ka kapag nawala siya sayo. Eh ngayon palang nga na hindi pa nawawala sayo, parang pinapatay mo na ang sarili mo. Suzette, I'm your best friend. Sinasabi ko 'to sayo because I really care about you. And I won’t let you do stupid things kapag nawala na siya ng tuluyan sayo." mahabang sabi ni Glezel sa akin.
Dumukmo nalang ako at natulog. Kahit dumating na 'yung prof, di na ako nag-abala pang bumangon. Sana paggising ko, mawala na lahat ng sakit na nararamdaman ko. Sana paggising ko, maayos na ang lahat.
**
Pagmulat ko ng mata, nasa isang malawak na hardin ako. Punong-puno ng mga magaganda at makukulay na bulaklak. Anong lugar 'to? Sobrang ganda. Ngayon palang ako nakapunta dito. Madilim dahil gabi pero maliwanag sa hardin na kinatatayuan ko ngayon. May mga usok rin pero hindi nakakaubo. Hindi ko alam kung ano ang tawag doon pero nakakadagdag siya sa kagandahan ng hardin.
Umihip ang malakas at malamig na hangin. Napayakap ako sa sarili ko. Sa may puno, may anino akong nakita. Nakatayo siya doon at nakatingin sa akin. Hindi ko gaanong makita ang itsura nito dahil madilim sa kinatatayuan niya pero alam kong nakatingin siya sa akin.
"Kevin?" tawag ko sa kanya.
Hindi eh. Hindi si Kevin 'yun. Mas matangkad si Kevin sa taong 'yun. Pero ewan ko. Hindi ko alam kung sino pero tinawag ko parin siyang Kevin.
"Kevin!" tawag ko sa kanya at naglakad palapit dito.
Napakusot ako ng mata dahil sa usok na tumama sa mata ko. Pagdilat ng mata ko, nawala na ang taong nasa likod ng punong 'yun.
"Kevin?"
Hinanap ko siya doon. Tumakbo ako ng tumakbo sa hardin na 'yon.
"Kevin!" sigaw ko pa.
Inikot ko ang buong hardin at wala nang tao doon.
"Kevin! Wag mo akong iwan, Kevin!" sigaw ko habang umiiyak.
"Mamamatay ako, Kevin. Wag mo akong iwan." sabi ko at napaupo nalang doon dahil nawalan na ako ng pag-asa na mahahanap ko pa siya.
Ito na ba 'yun? Ito na ba talaga ang ending ng love story namin? Wala akong nagawa doon kundi ang umiyak nalang ng umiyak.
Mula sa pagkakaupo ko, inangat ko ang paningin ko. Nakita ko ang punong kanina ay kinalulugaran ng taong tinatawag kong Kevin. May nakita akong nakaukit na letra doon.
RJ
RJ? Sinong RJ? Hindi ba si Kevin ang taong nakita ko sa likod ng punong ito?
**
"Suzette, gising na. Next class na tayo."
Mabilis akong napamulat ng mata nang marinig ko ang boses ni Glezel. Inikot ko ang paningin ko at nakitang nasa loob pala ako ng classroom namin.
Panaginip lang pala. Pero sino kaya ang lalaking 'yun sa likod ng puno? Sigurado akong hindi si Kevin 'yun eh. Nakita ko 'yung mata. Sobrang pamilyar. Hindi ko alam kung saan ko nakita pero sobrang pamilyar talaga.
"Let's go." sabi ni Glezel. Tumango nalang ako.
--x
Kevin:
Hindi kita maihahatid sa bahay niyo. I'm sorry, Suzette. I'm sorry.
Nabasa kong text ni Kevin sa akin pagkatapos ng huling klase namin sa araw na 'to. Napa-buntong-hininga nalang ako.
"Ano? Asan na 'yung sundo mo?" tanong ni Glezel. Umiling ako. Ngumiti naman siya sa akin. "Busy lang 'yun."
As much as I want to think na busy lang siya, hindi parin mawala sa isip ko na konting-konti nalang, bibitaw na siya. Bakit? Ibinigay ko naman sa kanya lahat, ah?
Nagsimula na akong maglakad pauwi mag-isa. Magkaiba kami ng way ni Glezel kaya hindi kami nagkakasabay na maglakad pauwi.
Uuwi na sana ako pero naisipan kong magpahangin muna sa park. Ayokong umuwi ng maaga. Makakatanggap lang ako ng mga mura sa taong nandoon. Hindi ko na nga kinakausap, minumura pa ako. Haaay.
Naupo ako sa swing at dahan-dahan itong iniugoy. Nami-miss ko na si Kevin. Dati, kapag nagpupunta kami ng park, magkasama kami. Magkatabi kami sa swing na 'to at magkahawak ng kamay habang nagsu-swing ang duyan. Masaya naman kami dati, eh. Hindi ko alam kung bakit unti-unti na siyang bumibitaw sa akin.
Napatingin ako sa isang bench at may nakita akong isang babae at isang lalaki na nakaupo doon. 'Yung uniform nila, pareho ng sa akin. Tinitigan kong mabuti ang dalawang masayang nag-uusap at kumakainng ice-cream, at nangilid ang luha ko sa nakita ko.
Si Kevin. . .kasama ang ibang babae.
Mabilis na lumapit ako sa kanilang dalawa. Bakas sa mukha nilang dalawa ang gulat nang makita ako doon.
"Kevin. . ." sabi ko.
Tiningnan ko ng masama ang babaeng nabitawan na ang ice cream at saka sinampal siya ng malakas.
"Suzette!" malakas na tawag sa akin ni Kevin nang makita niya ang ginawa ko.
"Kevin, kaya ba. . .kaya ba unti-unti ka nang bumibitaw sa akin? K-Kasi. . .may iba ka na?" tanong ko. Tumulo ang luha ko matapos kong magsalita.
Hinila ako ni Kevin palayo sa babaeng ngayon ay umiiyak na. Bakit siya umiiyak? Dahil ba masakit ang sampal ko? Hindi dapat. Kasi, mas masakit 'yung nararamdaman ko.
"Suzette, kailangan mo nang umuwi." sabi niya. Pumiglas ako sa hawak niya at hinarap siya.
"Kevin. . .anong nangyari sa atin? Bakit may iba ka nang kasama? Hindi ka na ba masaya sakin? Sa atin?" tanong ko habang sunud-sunod na tumutulo ang luha ko. Yumuko lang siya sa akin.
"Suzette, I'm sorry. May buhay din ako. Hindi ko pwedeng bale-walain nalang ang taong totoo kong mahal."
Napatigil ako. Sa loob ng dalawang taon na boyfriend ko siya, hindi niya nasabi sakin 'yan. . .na mahal niya ako. Lalo akong naiyak sa napagtanto ko.
"Kevin, kahit kailan ba, hindi ka sumaya sa akin? Kahit kailan ba, hindi mo naisip na. . .mahalin ako pabalik?" nagsusumamo kong tanong. Nag-angat siya ng tingin sa akin.
"Suzette, naging masaya ako sayo. Sa tuwing kasama kita, nagiging masaya ako. Pero hindi sapat 'yun para maging tayong dalawa hanggang dulo. Suzette, maniwala ka. Sinubukan kong mahalin ka. Pero hindi ko talaga kaya." paliwanag niya.
Nag-iwas ako ng tingin. Habang tumatagal na tumitingin ako sa kanya, lalo akong nasasaktan. Kasi napapatunayan ko lang na hindi niya talaga ako minahal kahit minsan.
"Sapat na 'yung dalawang taon, Suzette. Sapat na ang dalawang taon na ipinaramdam ko sayong hindi ka nag-iisa. . .na hindi kita bibitawan. Pero, nahihirapan na ako. Hindi pwedeng habang buhay akong kumapit sayo dahil may buhay din ako, Suzette. May sarili rin akong buhay na dapat, bigyan ko ng kulay. Naging masaya ako sa tabi mo. Pero mas masaya ako kay Jerisha. Kasi, mahal na mahal ko siya. At hindi ko na kakayanin kapag nawala pa ulit siya sa akin."
May nakawalang hikbi sa akin matapos kong marinig 'yun. 'Mahal na mahal ko siya', kahit kailan, hindi mo nasabi sakin 'yan, Kevin! Kahit kailan!
"Kevin, mahal kita." tanging lumabas sa bibig ko. Umiling lang siya.
"Itigil na natin 'to, Suzette. Lalo ka lang masasaktan kapag ipinagpatuloy pa natin 'to." sabi niya. Umiling rin ako. Hinawakan ko ang kamay niya ng mahigpit.
"Kevin, no, please. Huwag mong gawin sakin 'to. Mahal na mahal kita. Hindi ko kayang mawala ka sakin. Please, kahit na kabit mo nalang ako, wag mo lang akong iwan. Please, Kevin. Nagmamakaawa ako." sabi ko habang humahagulgol.
"Suzette, tama na! Nahihirapan na ako. Ayokong masaktan kita. Mahalaga ka sakin, ayokong nakikita kang nasasaktan. I'm sorry, Suzette. Itigil na natin 'to. Hindi ko na kaya." sabi niya. Nakita kong may tumulong luha sa mga mata niya.
"Kevin, alam mo namang kaya kong magpakamatay, 'di ba?" tanong ko sa kanya. Umiling siya ng ilang ulit.
"No, Suzette. Please, don't do that."
"Kung ayaw mong gawin ko 'yun, please, Kevin. Nagmamakaawa ako. Bumalik ka na sakin."
Iyak ako ng iyak dito. Pinagtitinginan na kami ng mga taong dumadaan pero wala akong pakialam. I need to win him back or I'll die.
"Hindi ko na kaya, Suzette. Parang awa mo na, pakawalan mo na ako. Gusto ko nang maging masaya kasama ang taong mahal ko." sabi niya kasabay ng paghagulgol.
Nanlamig ako sa narinig ko. Ito ang unang beses na narinig ko ang ganitong tono ng boses niya. Ito din ang unang beses na narinig kong nagmakaawa siya para sa sarili niyang kaligayahan. Napahakbang ako palayo sa kanya ng isang beses.
"Kevin. . .nasasaktan na ba kita? Sorry. I'm sorry. Ayoko lang namang mawala ka sakin, eh. Ikaw nalang ang meron ako, alam mo naman 'yun, 'di ba?" sabi ko matapos humakbang ng isang beses palayo sa kanya.
"Suzette,"
"Kevin, ang sakit. Ang sakit sakit." huling salitang nasabi ko bago ako tumakbo palayo sa kanya.
Narinig kong tinawag niya ang pangalan ko pero hindi ko na siya pinansin. Tumakbo nalang ako ng tumakbo palayo sa kanya kahit na hindi ko alam kung saan ako pupunta. Gusto ko nalang lumayo sa lahat ng tao. Gusto kong saktan ako ng lahat ng tao nang sa ganun ay maramdaman ko naman 'yung pisikal na sakit. Baka sakaling ma-divert doon 'yung atensiyon ko, hindi sa masakit kong puso.
Ilang oras akong lakad ng lakad sa kung saan saan. Inabot na rin ako ng gabi nang madaanan ko ang pamilyar na tulay, kung saan minsan kong pinlano na wakasan ang buhay ko, pero pinigilan ako ng taong mahal ko. Napa
Ito na ba? Ito na ba talaga ang katapusan ng love story namin ng Prinsipeng nagligtas ng buhay ko?
Ito na ba ang katapusan ng one-sided love story namin. . .kasabay ng katapusan ng buhay ko?
__________
Author's Note:
Yehey! :D Updated! :) Malapit na tayo sa tunay na storyyy! Malapit na tayong mapunta sa mundo ng panaginip! :) Stay tuned, guys. Sure akong magugustuhan niyo ang kabuuan ng story na 'to once na mabasa niyo na ng buo. ♥
-MarisolMariano ♥
(@MarissRocks_)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top