RIMD: Dream #3
RIMD: Dream #3
[A/N: Still flashback. Everytime you see a ***, be inform that it's a flashback.]
***
"Bitawan mo na ako." umiiyak na sabi ko sa lalaking hawak-hawak ng mahigpit ang kamay ko para mapigilan ako sa pagkahulog sa ilog.
"Miss, nababaliw ka na ba?! Napaka-daming taong gustong mabuhay tapos ikaw, magpapakamatay ka lang?!" bulyaw niya sa akin.
Bakas sa mukha niya na nahihirapan na siya dahil sa pagpigil niya sa akin. Hawak niya parin ako ng mahigpit.
"Hindi naman sila mabubuhay kapag pinili kong mabuhay, 'di ba? Bitawan mo na ako. Wag mo na akong pakialaman. Hindi mo naman ako kilala eh." paliwanag ko.
Maski ako ay nahihirapan na rin sa posisyon ko. Parang anytime, mahuhugot na 'yung braso kong hawak-hawak niya. At siya naman, halatang nahihirapan na rin.
"Hindi naman ibig sabihin nun na hahayaan nalang kitang sayangin ang buhay m--Miss, ano ba?! Kumapit ka nga!" sinigawan niya ako nang naramdaman niyang bumibitaw ako. "Kailangan mong mabuhay. Isipin mo nalang 'yung mga taong nagmamahal sayo!"
"Wala na silang pakialam sa akin. Iniwan na nila ako."
"Miss, look. Itaas mo 'yung isa mong kamay. Kukuhanin kita. Kailangan mong mabuhay." halos nagmamakaawa na siya sa akin.
"Bitawan mo na sabi ako eh."
"Hindi kita bibitawan! Kahit anong mangyari, hindi kita bibitawan! Kumapit ka lang. Please. Whatever your name is, you have to live."
Naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit pero parang nagkusa ang kamay ko na itaas ito. Nakita kong ngumiti siya sa akin nang makitang ginawa ko 'yun. Kukuhanin na sana niya ang kamay ko nang biglang dumulas na naman ang braso ko.
"Miss!" sigaw niya at hinawakan ako ng mabuti.
Nakaramdam ako ng takot nang mangyari 'yon. Akala ko, katapusan ko na. Akala ko, mamamatay na talaga ako. Pero pinatunayan niya na hindi niya talaga ako bibitawan kahit anong mangyari. And because of that, I cried harder.
"Miss, please. Don't be scared. Nandito ako. Nandito ako, okay? Hindi kita bibitawan. Hindi kita iiwan. I promise. Just promist me too na hindi ka bibitaw. Hindi ka susuko. Promise?" tanong niya. Tumango ako habang tumutulo ang mga luha mula sa mga mata ko. Ngumiti siya sa akin. "Wag ka nang umiyak. I'll save you."
Inilahad niya pa ang isa niyang kamay sa akin. Unti-unti, itinaas ko ang isa ko pang kamay hanggang sa mahawakan na niya ito ng mahigpit. Pumikit ako dahil sa takot. Ilang saglit pa, naramdaman kong unti-unti na akong umaangat. Naririnig ko ang mga daing ng lalaking ito dahil sa hirap niya sa pag-angat sa akin, hanggang sa naramdaman kong nakatuntong na ulit ako sa lupa.
Napaupo ako sa sobrang panlalambot at sumandal sa pader na tinayuan ko kanina tsaka humagulgol ng humagulgol. Tinakpan ko ang mukha ko dahil sa hiya sa taong nasa harap ko at sa sobrang pag-iyak.
"M-Miss, bakit ka b-ba umiiyak? Bakit ka ba magpapakamatay?!" medyo iritable ang boses niya sa huling sinabi niya.
"Iwan mo na ako!" sigaw ko sa kanya habang umiiyak.
"Hindi kita iiwan dito. Paano kung maisipan mo na namang magpakamatay? Paano kung maisipan mong magpasagasa sa mga sasakyang dumaraan dito? Miss, alam mo, ang daming tao ang gustong mabuhay. Bakit ikaw, sinasayang mo?! Hindi mo ba alam na napaka-laking kasalanan sa Diyos ang kitilin ang sariling buhay?! Hindi mo ba naisip 'yon, ha?!"
Iyak lang ako ng iyak the whole time na pinapagalitan ako ng taong ito na nagligtas ng buhay ko. Iyak lang ako ng iyak dahil hindi ko na alam kung saan ako lulugar.
"Hindi ko alam kung ano 'yung problema mo, Miss. Pero alam mo, kahit kailan, hindi magiging paraan ang pagpapakamatay para matakasan mo 'yung mga problema mo. Nagagalit ako sa mga katulad mo kasi. . .ang duwag mo!"
Lalo akong napaiyak sa sinabi niya. Ako? Duwag? Kung naging duwag ako, wala na sanang matapang sa mundong ito.
"Hindi mo kasi ako naiintindihan! Hindi mo alam kung paano mabuhay na parang patay. Hindi mo alam kung paano mabuhay nang hindi pinapansin. Hindi mo alam kung paano mabuhay pero pinagsisisihan mo pa ang bagay na 'yun. . .ang pagka-panganak sayo."
Napapatigil ako sa pagsasalita dahil sa hikbing kumakawala sa bibig ko. Nakita ko rin na napatigil siya nang marinig ako.
"Hindi mo alam ang lahat ng pinagdadaanan ko. Hindi mo naranasan 'yung sakit na naranasan ko kaya wala ka sa lugar para sabihan akong duwag!"
Maraming sasakyan ang dumadaan sa harap namin. 'Yung iba, hindi kami pinapansin. 'Yung iba naman na napapadaan, napapahinto at napapatingin sa amin.
"Hindi ako duwag. Hindi mo ako kilala. Dahil kung duwag ako, noon palang sana, pinatay ko na ang sarili ko."
Hindi na ako nag-abala pang magpaliwanag sa kaniya matapos kong masabi ang mga 'yan. Alam ko na mali ang ginawa ko. Alam kong mali ang patayin ang sarili ko. Pero sa dami ng dinadala ko, wala na ako sa tamang pag-iisip para pigilan ang sarili ko. Alam ko, napaka-laking kasalanan ang ginawa ko kanina. Pero hindi ko na alam ang dapat kong gawin. 'Yun nalang ang naisip kong sulusyon para matigil na ang lahat ng sakit at hirap na pinag-dadaanan ko.
Umupo siya sa tabi ko at inakbayan ako na siyang ikinagulat ko. Mas lalo akong nagulat nang ipinatong niya ang ulo ko sa balikat niya at dahan-dahan, tinap niya ang balikat ko.
"I'm sorry."
Lalo akong naiyak sa narinig ko. 'Yan ang mga salitang gusto kong marinig sa Papa ko. Gusto kong mag-sorry siya sa akin sa pambabale-wala niya sa akin. Pero gusto ko rin mag-sorry sa kanya dahil pinatay ko ang bata sa sinapupunan ng bago niyang asawa.
Gusto ko rin marinig ang salitang 'yan sa Mama ko. Gusto kong mag-sorry siya sa akin. Gusto kong mag-sorry siya sa akin dahil iniwan niya ako. Gustong kong mangako siya na hindi na niya ako iiwan ulit once na balikan niya ako.
Pero gusto ko rin mag-sorry sa kanya. . .kasi hindi ako sumama sa kanya.
Iyak lang ako ng iyak sa balikat ng taong nasa tabi ko. Hindi ko alam kung bakit ang gaan ng loob ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit niya ako iniligtas. Ang alam ko lang. . .
"Tahan na. Magiging okay rin ang lahat baling araw."
. . .pinapatahan ako ng taong hindi ako kilala. . .at hindi ko rin kilala.
--x
Matapos nun, naramdaman kong ipinasan niya ako at naglakad na siya paalis sa pwesto namin. Hindi ko na alam kung saan na kami pumunta dahil nakatulog na ako habang pasan-pasan niya ako. Nagising nalang ako na nasa isang kwarto at tulog.
Napatingin ako sa pintuan na bumukas.
"Hija, gising ka na pala." bati sa akin ng isang babaeng medyo may edad na. Sa tingin ko ay 35 years old na siya.
"Sino ka? At nasaan ako?" walang emosyon kong sabi. Ngumiti siya sa akin.
"Ako ang Mama ng nagligtas sayo. Ako si Elena." pagpapakilala niya sabay lapag ng tray na may pagkain sa harap ko. "Ayaw niyang ipasabi ang pangalan niya sayo. Gusto niya, siya ang magsasabi."
Hindi ako interesado. 'Yan lang ang nasa isip ko. Kinuha ko ang table at inilagay sa side table tsaka humiga ulit at pumikit.
"Hindi ka man lang ba kakain?"
Hindi ako sumagot.
"Kumain ka na. Alam kong gutom ka na, hija."
Hindi ulit ako sumagot. Narinig ko nalang ang buntong-hininga niya at naramdaman ko ang pagtayo niya.
"Naiintindihan ko kung bakit ka ganyan. Marami kang problema. Pero hija, maraming tao ang nagmamahal sayo. Wag mong sayangin ang buhay mo. Iiwan ko ang pagkain dyan. Kainin mo nalang kapag gusto mo nang kumain. Pagkagising ng anak ko, papupuntahin ko siya dito." pagkasabi niya niyan, narinig ko ang footsteps niya palayo sa akin at ang pagsarado ng pinto.
Napatalukbong ako ng kumot at napa-hagulgol sa inasal ng babaeng 'yon. May naalala ako. May na-miss ako lalo. May isang taong nagpaalala sa akin ng kilos niyang 'yun. 'Yung breakfast in bed, 'yung malambing niyang boses.
Naaalala ko sa kanya ang Mama ko.
--x
"Saan ka pupunta?" tanong sa akin ng taong nagligtas sa akin.
"Magpapakamatay. Sama ka?" walang emosyon na sabi ko.
Ilang linggo na ba akong nakatira dito? Hindi ko na matandaan. Basta ang alam ko, matagal na ako dito. Wala rin akong ibang ginawa dito kundi patayin at sugatan ang sarili ko. Ang sakit lang na ang tagal ko nang nawawala sa bahay pero wala paring naghahanap sa akin.
Nararamdaman kong lalo akong pumayat dahil sa hindi pagkain ng mabuti, at ubos na ubos na rin ang tubig sa katawan ko dahil sa pag-iyak ko sa bawat araw na dumaan sa buhay ko. Sa buhay kong hindi ko maintindihan kung buhay pa bang matatawag o kaluluwang pagala-gala.
Napa-kamot ng ulo ang taong nag-ligtas sa akin. Kinuha niya ang braso ko at itinaas ang mahabang sleeve ng pantulog na suot ko. Napatingin siya sa dami ng hiwa na nakita niya doon. Hinila ko pabalik ang braso ko at nag-iwas ng tingin sa kanya.
"Hindi ka ba nagsasawa?" tanong niya.
Hindi ko na siya pinansin. Naglakad nalang ako papunta sa pintuan nila, pero napa-hinto rin nang magsalita ulit siya.
"Sigurado ka bang gusto mong magpakamatay?"
Sigurado nga ba ako? 'Yan din ang itinanong ko sa sarili ko oras na itanong niya sa akin 'yun.
Pumunta siya sa akin at hinawakan niya ng mahigpit ang braso ko. Napasinghap ako sa ginawa niya 'yun. Naramdaman ko ang hapdi sa sugat na hiniwa ko kaya nahila ko ito ng sobrang lakas.
"Masakit, 'di ba? Masakit?!" sigaw niya.
Hindi ako nagsasalita. Nakatingin lang ako sa gilid niya at pinipilit na huwag tumingin sa kanya dahil sa takot.
"Masakit? Nasaktan ka? Ibig sabihin, hindi ka pa handang mamatay! Kasi, kung gusto mo na talagang mamatay, hindi mo papansinin lahat ng masakit sayo. Hindi mo hihilahin palayo sa akin 'yung braso mo. Hindi ka pa handang mamatay kaya itigil mo na 'yang kahibangan mo!"
Napapatalon ako sa gulat sa tuwing naririnig ko ang mga sigaw niya.
"Natatakot kang mamatay. Ayaw mong mamatay pero pinapaniwala mo ang sarili mo na magiging okay lang ang lahat kung mamamatay ka, kahit alam mong hindi. Pinapatay mo ang sarili mo, hindi dahil gusto mong mamatay. Kundi dahil gusto mong makuha ang atensiyon ng tao."
Tuluyan nang tumulo ang luha ko sa mga narinig ko. Siguro dahil. . .tama siya. Siguro dahil hindi pa ako handang mamatay pero pinapatay ko ang sarili ko para makuha ang atensiyon. . .ng Papa ko.
Para makuha ang atensiyon ng Mama ko. . .nang sa ganun ay bumalik na siya sa amin.
"Sa tingin mo ba, kapag namatay ka, makukuha mo parin ang atensiyon nila? Sa tingin moba, kapag nawala ka sa mundong ito, ang sanggol na napatay mo ng hindi sinasadya, mabubuhay? Shit. Maling-mali ang pananaw mo!"
Hindi ko naman hinahangad na maging tuwid lahat ng baluktot kapag namatay ako eh. Sobrang guilty lang ako na napatay ko ang batang walang kamuwang-muwang. 'Yung batang hindi pa nga ipinapanganak, pinatay ko na. Sobrang guilty ako na sana. . .ako nalang ang namatay at hindi 'yung sanggol na kahit hindi pa ipinapanganak, ipinagmamalaki na ni Papa.
Hinawalan niya ulit ang kamay ko at pinasakay niya ako sa sasakyan nila. Sinabi niya sa driver niya na dalhin kami sa tulay kung saan ako tumalon. . .kung saan una kong binalak na magpakamatay.
At nang nandoon na kami, itinulak niya ako ng mahina, dahilan para mapasandal ako sa pader.
"Magpapakamatay ka? Ayan! Sige! Tumalon ka ulit! Magpakamatay ka ulit! Hindi na kita ililigtas! Hindi na ako mag-aaksaya pa ng oras at pagod para iligtas ka. Tangina. Sige na! Tumalon ka na. Wala namang pipigil sayo eh. Panonoorin ka lang namin!"
Iyak lang ako ng iyak habang nakikinig sa mga sinasabi niya. Alam kong kaya niya nasasabi ang mga 'yan ay dahil napuno na siya sa akin. Sa loob ng ilang linggong pamamalagi ko sa kanila, wala akong ginawa kundi patayin ang sarili ko, habang siya naman ay iligtas ako.
Siya palagi ang gumagamot ng mga sugat ko sa tuwing sinusugatan ko ang sarili ko.
Siya ang nagsusubo ng pagkain sa akin sa tuwing ayaw kong kumain.
Siya ang nagpapainom sa akin ng gamot sa tuwing masama ang pakiramdam ko.
Siya ang nagtutulak sa akin sa banyo para maligo nang sa ganun ay hindi na daw ako amoy "arabo."
Siya. . .siya ang nagbigay sa akin ng ikalawang buhay. Siya ang nagbigay sa akin ng panibagong buhay. Dahil kung wala siya. . .siguro, sinusunog na ako sa dagat ng apoy sa impyerno.
Napaupo ako sa sahig at napahagulgol ako habang takip-takip ang mukha ko gamit ang dalawang kamay ko.
"Tapos ngayon, iiyak ka? Sasabihin mo na naman na hindi ka duwag? Sa tingin mo ba, matapang ka kapag nagpakamatay ka? Sa tingin mo ba, masasali ka sa hilera ng mga bayani kapag tumalon ka sa bangin na 'yan? Hindi, 'di ba?" sabi niya nang makitang nakaupo na naman ako doon at humahagulgol ako.
Sinipa niya ang batong nakita bago sumandal sa pader.
"Magsalita ka nga. Wag mong sabihing gago ako dahil nasasabi ko ang lahat ng masasakit na salita sayo. Kasi, mas gago ka para patayin ang sarili mo sa mga walang kwentang dahilan."
Hindi ako nagsasalita. Nakikinig lang ako sa mga sinasabi niya habang nakaupo ako sa gilid ng tulay at umiiyak ng malakas na parang bata. Umupo siya sa tabi ko at kinuha ang kamay ko na nakatakip sa mukha ko. Hinawakan niya ito ng pareho at tumingin sa mga mata ko.
"Miss, hindi ko alam ang pangalan mo. Hindi ko alam kung saan ka nakatira; ilang taon ka na; saan ka nag-aaral; at sino ang mga magulang mo. Wala akong alam sayo kundi ang itsura mo at ang ilang bagay na nasabi mo sa akin noong unang beses na iniligtas kita. Pero gusto ko lang malaman mo na, kung walang taong nagbibigay ng halaga sayo, nandito ako."
Napatigil ako sa pag-iyak sa huling sinabi niya. Napatigil ako sa pag-hikbi pero ang pagtulo ng luha ko ay dire-diretso parin.
'Pero gusto ko lang malaman mo na, kung walang taong nagbibigay ng halaga sayo, nandito ako.'
Parang nag-echo ng ilang beses sa tenga ko ang huling salita na sinabi niya.
"Kahit na hindi tayo magkakilala, gusto kong maramdaman mo na hindi ka nag-iisa sa laban na 'to. Kasama mo ako. Hindi na kita pababayaan. Miss, nakikiusap ako sayo. Huwag mo na ulit gawin ang lahat ng ginawa mo para kitilin ang sarili mong buhay. Kung noon, iniisip mo na walang nagpapahalaga sayo, na wala kang kaibigan, na wala kang makakapitan sa tuwing nararamdaman mong madadapa ka na. . .isipin mo lang na nandito ako at hindi ka iiwan."
Hinawakan niya ang mukha ko at hinalikan ako sa noo tsaka ngumiti.
"I'm sorry sa lahat ng masasakit na salitang sinabi ko. Gusto ko lang na magising ka sa katotohanan."
Tumango ako at yumakap sa kanya. Alam kong nagulat din siya sa ginawa ko pero sa ngayon, itong yakap nalang ang makakapag-pagaan ng kalooban ko.
Naramdaman ko rinna yumakap siya sa akin ng mahigpit kaya niyakap ko siya ng mas mahigpit pa habang tuloy-tuloy sa pag-agos ang luha ko.
"I'm sorry. I'm sorry." paulit-ulit kong sabi habang nakayakap sa kanya.
"Shh." sabi niya at hinalikan ako sa ulo.
Wala na akong sinabi matapos nun. Iyak lang ako sa kanya ng iyak habang nakayakap ng mahigpit.
--x
Nang kumalma na ako ay iniuwi na niya ako sa bahay nila. Ginamot niya ang mga bagong hiwa sa braso ko. Pinapagalitan niya ako habang ginagawa niya 'yun, habang ako, nakatingin lang sa kanya.
"Salamat."
Napahinto siya sa paglalagay ng gamot sa mga hiwa sa braso ko matapos niyang marinig ang sinabi kong 'yun.
Alam ko. Alam kong 'yun ang unang beses na magpasalamat ako sa tao. Kahit kanino, hindi ako nagpasalamat. Sa kanya palang.
"Salamat kasi tinuruan mo akong mabuhay ulit. Salamat kasi. . .kasi tinuruan mo akong maging matapang. Salamat sa pag-gamot sa mga sugat ko." kahit na hindi ko sinasadya, tumulo na naman ang mga luha ko. "Salamat kasi binigyan mo ako ng pagkakataon na mabuhay ulit. Salamat. Salamat kasi. . .naging kaibigan ka sakin kahit na hindi mo pa naman ako kilala. Salamat, lalaking hindi ko alam ang pangalan. Salamat sa pagiging mabuting kaibigan."
Nakita ko ang ngiti sa mga labi niya nang marinig ang lahat ng sinabi ko. Umupo siya sa tabi ko at pinunasan ang luha ko.
"Hindi pa ba pagod 'yung mga mata mo na umiyak? Pagod na akong makita kang umiiyak. Tahan na. Simula ngayon, magkaibigan na tayo. Ako nga pala si Kevin."
Hindi na niya ako hinayaan pang makapagsalita dahil ginamot na niya ulit ang mga sugat sa braso ko.
Hindi ko man lang nasabi sa kanya kung ano ang pangalan ko. Hindi ko man lang naiparamdam sa kanya na sobrang nagpapasalamat ako sa kanya. Dahil matapos lang ang isang linggo simula nung araw na 'yun, napag-pasyahan ko nang umalis sa bahay at bumalik sa totoong mundo ko.
"Sigurado ka bang aalis ka na?" sabi ni Kevin pagkapasok sa kwarto ko. Nakita niyang nagsusuklay ako ng buhok kong bagong ligo.
"Oo. Kailangan kong harapin 'yung totoong mundo ko." sabi ko habang nakatingin sa salamin.
Nilagyan ko ng clip ang buhok ko. Hindi man lang din ako nakapag-paalam sa Mama niya. Teacher pala ang Mama niya sa isang pribadong eskwelahan habang si Papa niya naman ay nagta-trabaho bilang Engineer sa New York. Pero may business din sila at the same time. Sobrang workaholic ng parents niya.
"Wag mo na ulit gagawin 'yung mga ginawa mo, ha?" malungkot na sinabi niya.
Tumingin ako sa kanya at niyakap siya. Medyo tumingkayad pa ako para maabot siya dahil bukod sa maliit ako, matangkad siya.
"Salamat, Kevin. Salamat sa lahat." sabi ko.
Tumawa siya pero niyakap niya ako pabalik.
"LSS na ako sa salamat mo." natatawa-tawang sabi niya.
Ilang sandali pa, natahimik kaming pareho pero nakayakap parin siya sa akin, at ganun rin ako sa kanya.
"Mamimiss kita." sabi niya. Napangiti ako.
"Ako rin."
Nakasakay na kami sa kotse nila dahil ihahatid nila ako sa bahay namin, peo hindi ko parin nasasabi sa kanya 'yung pangalan ko. Hindi ko alam kung bakit.
Matapos ang 45 minutes ng pag-byahe namin patungo sa bahay namin, nandito na kami sa tapat. Pababa na sana ako pero hinawakan ni Kevin ang braso ko para pigilan.
"Mag-iingat ka lagi—"
"Suzette. Suzette ang pangalan ko."
Matapong kong sabihin 'yan, nagpaalam na ako sa kanila. Umalis na ang kotse nila at ako naman, kinakabahang pumasok sa loob ng bahay namin. Binuksan ko ang gate at nakitang wala itong pinagbago.
Pagpasok ko sa loob ng bahay namin, hindi ko nakita si Allaine, pero nakita ko si Papa na nasa sala. Umiinom na naman. Ang aga pa, ah? Pero sanay na ako.
Napatingin sa akin si Papa nang maramdaman niyang may ibang tao sa loob bukod sa kanya. Tumayo siya at lumapit sa akin. Sobra akong kinakabahan. Dahil alam ko by this time, sasaktan niya na ako dahil kita ko ang galit sa kanyang mga mata.
Ilang saglit pa, napaupo ako sa sobrang lakas ng sampal na natamo ko mula sa malapad na kamay ng Papa ko.
"Mahigit isang buwan kang nawala. Saan ka nagpunta? Matapos mong patayin ang anak ko, lalayas ka ng bahay at babalik na parang walang nangyari? Putang ina mo!" sabi niya at hinawakan ng mahigpit ang dalawang pisngi ko gamit ang isang kamay. "Saan ka nanggaling?! Ha?!"
Hindi ako nagsalita. At dahil sa pananahimik kong 'yon, nakatanggap na naman ako ng sobrang lakas na sampal mula sa kanya.
"Hindi ka magsasalita?! Ha?!"
At sinampal na naman niya ako.
"Isang buwan akong naghahanap sayo, Suzette! Saan ka nagpunta?! At bakit puro hiwa 'yang mga braso mo?! Binalak mong magpakamatay?! Bakit? Pakiramdam mo, may iiyak sayo kapag inilibing ka?! Ha?!"
Isa pang sampal na sobrang lakas ang dumapo sa pisngi ko. Hindi ako nagreklamo. Bakit? Deserve ko 'to. Namatayan siya ng anak. Iniwan siya ni Mama. Natural lang na gawin niya sa akin ang lahat ng 'to dahil sa lahat ng masasakit na pangyayari sa buhay niya. . .involve ako doon.
Nakita ko si Allaine sa hagdan na nakatingin sa amin. Wala na siyang pakialam sa akin. Pinapanood niya lang kami habang binubugbog ako ni Tatay. Naiyak ako. Umagos ang mga luha ko, hindi dahil sa mga sampal si Papa sa akin at sa mga sipang natatanggap ko, kundi dahil hindi ko napansin ang presensiya ni Allaine noong mga oras na mabait at may pakialam siya sa akin.
Nanghinayang ako dahil nabulag ako ng inggit ko noon sa batang dinadala niya. Hindi ko napansin na may pakialam pala sa akin si Allain noon. Noong mga oras na kinukuha niya ang loob ko para matanggap ko siya sa pamilyang ito. Pero ngayong bugbog-sarado na ako dahil kay Papa, tinalikuran nalang niya ako at umakyat ulit sa taas na parang wala siyang nakita. Napapikit ako. Masakit pala.
"Tama na po." sabi ko nang maramdaman ang sakit mula sa mabigat na kamay ni Papa.
Tumigil si Papa sa pagbugbog sa akin pero binitawan niya naman ako ng malulutong na mura.
--x
Ilang buwan pa akong pinahirapan sa bahay. Ginawa akong katulong. Punching bag. Laruan at kung anu-ano pa. Hindi ko ito pinansin noong una dahil gusto kong makabawi sa sakit na naidulot ko sa kanila. Pero isang araw. . .
"Magluto ka ng pagkain. Nagugutom ako." malamig na sabi ni Allaine.
"A-Anong lulutuin ko?" tanong ko.
Bakas pa sa mukha ko ang mga pasa at mga galos. Binugbog na naman kasi ako ni Papa kagabi. Si Allaine naman, walang pakialam. Gusto kong magreklamo. Gusto kong sumigaw, pero hindi ko nagawa.
"Basta't magluto ka!"
Napatalon ako sa gulat nang sumigaw siya. Hindi talaga ako sanay sa ugali ni Allaine na ganito. Mas sanay ako sa dati, 'yung mabait. . .malambing.
Nagluto nalang ako ng baked macaroni. Hindi ko rin masyadong kabisado ang pagluluto nito pero ginawa ko parin. Sana lang, magustuhan niya kahit na hindi ako masyadong marunong magluto.
Nang matapos kong lutuin 'yon, naghain ako sa kanya. Tinikman niya ito at dinura.
"Ano bang pagkain 'yan! Napaka-pangit ng lasa!" reklamo niya.
Tinikman ko 'yung niluto ko. Hindi naman, ah? Masarap nga ito kesa sa naunang baked macaroni na niluto ko eh.
"H-Hindi naman, a—"
"Sumasagot ka pa!" sigaw niya sabay buhos ng juice sa akin.
Nagulat ako sa ginawa niya. Di ko akalain na magagawa niya sa akin 'to.
"A-Allaine—"
"Wag mo akong tawagin sa pangalan ko!" napatingin ako sa kanya nang marinig kong mabasag ang boses niya. "Nang dahil sayo, namatay ang anak ko. Nang dahil sayo, nawalan ako ng ganang mabuhay. Ano bang ginawa ko para gawin mo sa akin 'to? Pinilit kong kuhanin ang loob mo pero 'yun pa ang igaganti mo sa akin. Napaka-sama mo!" sigaw niya pa.
Nangilid ang luha ko sa mga narinig ko.
"I-I'm so—"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang sinampal na naman niya ako ng sobrang lakas.
"Hindi maibabalik ng sorry mo ang anak ko!" sabi niya at sinabunutan ako.
Wala akong nagawa kundi ang umiyak. Ito ang unang beses na sinaktan niya ako. Dati, dinededma niya lang ako pero ngayong napuno na siguro siya sa akin, sinasaktan na niya ako.
"Pinatay mo ang anak ko!"
Paulit-ulit niyang sinasabi sa akin 'yan na siyang nakapag-papasikip sa kalooban ko. Lalong umagos ang luha ko sa mga salitang binibitawan niya ng paulit-ulit. Pinatay ko ang anak niya. Pinatay ko ang anak niya. Pinatay ko ang anak niya. Paulit-ulit. Hindi ko naman sinasadya eh. Kung pwede ko lang pagpalitin ang posisyon namin: Ako 'yung patay at 'yung baby ang buhay. Kung pwede lang sana. Pero hindi eh.
Habang sinasampal at sinasabunutan niya ako, biglang pumasok si Kevin sa isip ko.
Sinabi niya na dapat, matuto akong lumaban. Na huwag ko nang isipin na sana, ako nalang ang namatay dahil may taong nagpapahalaga sa akin. . .at siya 'yun.
"Tama na!" sigaw ko sabay tulak sa kanya.
"Punong-puno na ako sa pananakit niyo sa akin. Oo! Kasalanan ko na namatay ang anak niyo. Pero isipin niyo naman na hindi ko sinasadya. Tao lang rin ako. Nagkakamali. Shit lang kasi, kahit ako ang buhay at 'yung baby mo ang namatay, feeling ko, mas patay pa ako sa kanya eh! Kasi siya, may nagmamahal. Sa akin, wala. Sana ako nalang ang namatay eh. Sana ako nalang!" sigaw ko sa kanya habang umiiyak.
"Alam ko naman na kahit ilang beses akong humingi ng tawad sayo, hindi nun maibabalik 'yung baby mo. Pero tandaan mo, Allaine. Tao ka lang rin. At once na magkamali ka at hindi ka napatawad ng taong nagawan mo ng pagkakamali mo, mararamdaman mo kung ano ang nararamdaman ko."
Tumayo ako at pinunasan ang luhang umaagos sa pisngi ko.
"Ang mabuhay na parang patay."
Matapos kong sabihin 'yan, tumakbo ako palabas ng bahay at sumakay ng taxi. Sinabi ko ang address nila Kevin at hinatid ako doon. After ng 45 minutes na byahe, nakarating na ako doon.
Nag-doorbell ako. Pinagbuksan niya ako. Nagulat pa siya sa itsura ko. Hindi niya siguro inaasahang makikita niya ako na puro pasa, sugat at parang gusgusing bata.
"Su-Suzette—"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Niyakap ko nalang siya ng mahigpit at tahimik na umiyak.
Hindi ko pinaparinig sa kanya ang iyak ako. Ayokong magsawa siya sa akin. Dahil sa ngayon, siya nalang ako.
"Suzette, anong nangyari?" tanong niya. Umiling lang ako. Niyakap nalang niya ako pabalik.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko para sabihin ito. Hindi ko rin alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para itanong sa kanya 'to, pero. . .
"Pwede ba kitang maging boyfriend?"
Halatang nagulat siya sa sinabi ko. Halatang hindi niya inaasahan na itatanong ko sa kanya 'to, pero ito na eh. Nasabi ko na. Papaninidigan ko nalang, kahit i-reject niya ako. Bumuntong-hininga siya.
"Ito ba ang makapag-papasaya sayo?" tanong niya pa sa akin habang nakayakap. Tumango ako. Hanggang ngayon, hindi ko parin ipinaparinig sa kanya ang iyak ko pero alam kong ramdam niya na umiiyak ako.
"O sige. Boyfriend mo na ako."
Lalong tumulo ang luha ko sa sinabi niya. Siguro, sa sobrang saya. Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya.
"Salamat, Kevin." sabi ko habang umiiyak at hinihigpitan ang yakap sa kanya.
***
At diyan nagsimula ang masayang love story naming dalawa.
_____________
Author's Note:
MALIGAYANG PASKO AT MASAGANANG BAGONG TAON SA INYONG LAHAT!!! :D Maging masaya tayo at magpasalamat sa Diyos sa lahat ng blessings na natanggap natin sa kanya sa araw-araw. :))))
So, this update is one of my favorites. Hahaha. First time ko lang gumawa ng suicidal na character (exc. kay Allison of WFY dahil di naman masyadong ano 'yun) Hahaha. So, ayun. Sana nag-eenjoy kayo sa pagbabasa nito, kagaya ng pag-eenjoy ko sa pagsusulat nito. Ang saya ko ba na ang bigat sa feels ng story nito. HAHAHAHAHA.
So, ayun. Sana magustuhan niyo. Merry Christmas, everyone!!! =))
-MarisolMariano ♥
(@MarissRocks_)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top