RIMD: Dream #25

Reality in My Dreams

RIMD: Dream #25

Naglakad ako papasok sa village ng dati naming bahay. Pasalamat na lang ako at pinapasok ako ng guard at sinabihan na, "ang laki mo na, ah?" Hindi ko na lang pinansin dahil ang importante sa akin ay makapunta sa bahay na iyon.

Nang makarating ako doon ay tumigil ako sa paglalakad at tinitigan ang bawat sulok ng lugar na iyon. May sasakyan sa labas ng bahay at bahagyang nakabukas ang gate. Pumasok ako doon at pumunta sa garden. Kitang kita ko ang napaka-laking pagbabago nito. Hindi na siya ganoon kaganda, di tulad noong mga bata pa kami. Alagang-alaga ito noon ng Mama niya pero ngayon, mukhang ibang tao na ang nag-aalaga dito.

Panibagong alaala mula sa nakaraan na naman ang pumasok sa isip ko.

*~

Grade six na kami ngayon. Ang saya lang dahil malapit na kaming gumraduate. Nung isang araw lang, tinuruan niya ako kung paano gamitin ang bike na niregalo sa kanya ng Mom niya dahil birthday niya. Pinakatan ko pa nga ng sticker na hello kitty yun, eh. Haha!

Ngayon naman, nandito kami sa garden nila. May ginagawa siya eh. Yung isang bote, nilagyan niya ng maraming petals ng bulaklak. Punung-puno iyon. At yung isa naman ay nilalagyan niya ng bulaklak. Tatlong bulaklak.

Nang matapos na niyang lagyan yun ay isinara na niya at ngumiti sa akin.

"Para saan yan, RJ?" Tanong ko.

"Para sayo 'to, Suzette." Masaya niya pang sabi.

"Ha?"

"Nakikita mo itong tatlong bulaklak na ito? May ibig sabihin na salita 'yan." Sabi niya.

"Ano naman?"

"Yung salita daw na yun, ay yung mga sinasabi ng isang tao sa taong gusto niya."

Hindi ko maintindihan kung bakit para akong kinabahan sa sinabi niya dahil biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko rin ay napunta lahat ng dugo ko sa mukha ko.

"A-Ano naman yun?"

"Kapag naka-graduate na tayo, sasabihin ko sayo."

*~

Ang mas nakakatawa, umasa ako na sasabihin niya sa akin yung salitang yun nung araw ng graduation namin.

"Excuse me, ano pong kailangan nila?"

Bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang boses na iyon. Napalingon ako sa kanya at nakita ko ang taong matagal ko nang hinintay. Hindi ako makapaniwala na isang metro na lang ang layo sa akin ng taong ito. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya kasabay ang pagtulo ng mga luha ko. Nakita ko ang pagbabago ng expression ng mukha niya nang makita niya akong umiiyak.

"R-Reywen. . ."

Nakita ko na parang nagulat siya nang tawagin ko siya sa pangalan niya.

"K-Kilala mo ako?"

Ako naman ang natigil nang marinig ko ang sinabi niya. Anong. . .anong ibig sabihin niya?

"R-Reywen. . ."

"Magkakilala ba tayo, Miss?" Tanong niya ulit.

Pakiramdam ko, nabuhusan ako ng malamig na tubig nang marinig ko ang sinabi niya.

"H-Hindi mo ako kilala?"

"Sorry Miss, pero hindi eh."

Pakiramdam ko, nawasak ang buong pagkatao ko nang marinig ko ang sinabi niya. Hindi, eh. Hindi pwede yun. Hindi pwede 'to. Ako ang nakalimot sa kanya, hindi siya. Hindi eh. Mali ito.

"R-Reywen? A-Ako 'to. Si Suzette. Ako 'to. Hindi mo na ba ako natatandaan?"

Ngumiti lang siya sa akin at umiling. Lumapit ako lalo sa kanya at ibinigay ang hawak kong litrato naming dalawa noong bata pa kami na nabasa na ng mga luha ko kanina.

"Reywen, nakikita mo ba yan? Tayo yan eh. Tayo yan noong mga bata pa tayo. T-Tingnan mo. Ang saya saya natin. Pareho tayong nakangiti at tumatawa dyan. Masaya tayo noon. Ako yung taong sinabihan mo na may sasabihin ka kapag graduation natin, pero nawala ka bigla. Reywen, please. Wag ka namang ganyan, oh?" Mahabang sabi ko na parang nagmamakaawa.

Matagal siyang nakatingin sa litratong hawak niya at kumukunot ang noo na parang may pinipilit na alalahanin.

"Miss, look. Yes, I am the boy on the picture. But I can't remember this scenario. I'm sorry but I think I need to go." Sabi niya at tumalikod saka naglakad palayo sa akin pero napatigil rin nang marinig akong magsalita.

"Sa panaginip. Reywen, nagkikita tayo sa panaginip ko. Sa lugar na ito mismo. Hindi mo ba talaga natatandaan? Nagkikita tayo sa panaginip. Sinabi mong. . .mahal mo ako. Hindi mo ba natatandaan?" Malakas na sabi ko. Lumingon at naglakad siya palapit sa akin.

"Miss, kung ano man yung sinasabi mo, wala akong matandaan. Hindi kita kilala. At yung sinasabi mong yan, hindi pwedeng mangyari yun. Imposible. Kaya kung pwede lang. . .tumigil ka na. Baka masabihan ka pang baliw ng makakarinig sayo eh."

Matapos niyang sabihin yan ay tuluyan na siyang umalis at iniwan akong tulala at umiiyak mag-isa.

Anong. . .anong nangyari? Ito ba ang consequence ko sa ginawa kong paglimot sa kanya? At ang consequence sa pagkikita namin sa panaginip? Ito ba yun?

*~

Two weeks bago ang graduation namin at second honnor ako, hindi ko nakita si Reywen. Bigla siyang nawala. Sa tuwing pumupunta ako sa bahay nila, walang taong sumasagot. Walang nagbubukas ng gate nila para papasukin ako. Wala.

Inisip ko na baka nagbakasyon or may importanteng pinuntahan. Inisip ko rin na babalik siya sa araw ng graduation namin dahil nangako siyang may sasabihin sa akin sa araw na yun. Kasi ako rin, may importanteng sasabihin sa kanya.

Pero dumating ang araw ng graduation, hindi siya umattend. Sayang at third honnor pa naman siya. Naghintay pa ako ng ilang araw sa kanya. Palagi akong pumupunta sa harap ng bahay nila at hinihintay kung babalik siya, pero walang dumating.

Hanggang sa napagod na ako. Umiyak na lang ako at umuwi sa bahay namin na limang bahay lang naman anh layo sa bahay nila. Nakita ako ni Mama at niyakap niya ako. Tinanong kung bakit ako umiiyak. Tinanong niya kung may nang-away ba sa akin or what. Ang isinagot ko lang,

"Ayoko na sa kanya, Mama. Ang sama niya kasi sabi niya, may sasabihin siya sa akin. Sabi niya, importante ako sa kanya. Sabi niya, hindi niya ako iiwan. Pero umalis siya, Mama. Umalis siya at hindi nagpaalam sa akin. Bakit masakit dito, Mama?" Sabi ko sabay turo sa kaliwanh dibdib ko. "Hindi ko maintindihan kung bakit ang sakit sakit, Mama. Ayoko nang maramdaman 'to. Kakalimutan ko na siya, Mama. Kakalimutan ko na lang na may nakilala akong Reywen Javier. Kakalimutan ko na siya."

Araw-araw kong itinatak sa utak ko yan. Inilagay ko sa isang kahon lahat ng gamit na ibinigay niya sa akin pati ang mga bagay na kunektado sa kanya para hindi ko na makita. Ginawa kong busy ang sarili ko hanggang sa isang araw, nagising na lang ako na wala na akong naaalalang Reywen Javier sa buhay ko. Nagising na lang ako na wala na akong kilalang Reywen Javier. Nakakatawa lang dahil hindi ko man lang napansin yun nung mga oras na yun.

*~

Ang sama ko kasi isang beses niya lang akong sinaktan, kinalimutan ko na lahat ng bagay tungkol sa kanya. Lahat ng masasaya naming alaala, kinalimutan ko dahil lang sa isang beses niyang pagkakanali. Napaka-sama kong tao. Napaka-selfish ko. Tama lang siguro sa akin lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon kasi kinalimutan ko siya.

Napaupo ako sa sahig at umiyak ng umiyak nang marealize ko lahat lahat. Kasalanan ko, eh. Kasalanan ko lahat.

"Miss."

Tumingin ako sa taong nasa harap ko ngayon. May mga putik sa binti at kamay niya at may hawak siyang pangbungkal ng lupa. Siguro, ito yung hardinero nila.

"Pagpasensiyahan niyo na ho si Sir. Naaksidente kasi siya, anim na taon na ang nakakaraan at mahigit dalawang taon siyang walang malay. Sabi ay nawala daw ang ibang alaala sa kanya at hanggang ngayon ay nagthe-theraphy pa si Sir. Konti pa lang kasi ang alaalang bumabalik sa kanya. Ipinaliwanag sa akin ng Daddy niya. Mabuti ho siguro na umuwi mina kayo at magpahinga. Bumalik na lang ho kayo kapag okay na kayo." Sabi nito at pumunta sa loob ng bahay.

Bahagya akong napatigil sa sinabi niya, pero naalala ko rin na ang dahilan ng aksidente niya ay ako. Pupuntahan niya dapat ang Daddy niya para kausapin at payagan siyang umuwi ng Pilipinas para daw sa akin, pero naaksidente siya.

May karapatan pa ba akong mabuhay sa mundong ito kung ako ang dahilan ng lahat ng paghihirap ng mga taong mahal ko?

**

Sa huli, umalis rin ako ng lugar na iyon, pero hindi ako umuwi sa amin. Malayo at matagal ang byahe dahil nag-bus lang ako, kaya naman inabot ako ng madaling araw.

Pasado alas tres na ng umaga at nandito parin ako sa lugar kung saan palagi kong tinatangkang magpakamatay. Sa tulay kung saan nakilala ko ang taong inakala ko na una kong minahal. Si Kevin.

Noong mga panahon na minahal ko siya, akala ko hindi na ako mabubuhay kapag nawala siya sa akin. Siya ang nagbigay sa akin ng pangalawang buhay at siya ang dahilan ng mga ngiti ko nung mga oras na wala na akong dahilan para mabuhay. Akala ko, wala nang nagmamahal at nagpapahalaga sa akin. Hindi ko alam na may isang tao pala na totoong nagmamahal sa akin. Hindi ko yun alam kasi pinilit ko siyang kalimutan. Ganun ako kasamang tao.

Nakaupo ako sa gilid ng tulay at nakasandal sa pader. Tinitingnan ang mga sasakyang dumaraan. Umaasa na may isang taong bababa mula dito at pupunta sa akin. Sasabihin na, huwag na akong umiyak kasi darating ang araw na mababaligtad ang mundo. Ako naman ang magiging masaya. Ako naman ang tatawa at ang dahilan ng pag-iyak ko ay hindi na sakit at pagdurusa, kundi walang mapaglagyan na saya.

Ito siguro yung parusa. Yung mahabang panahon na pagdurusa ko. Pati na rin ang pagbaligtad ng sitwasyon. Noon, ako ang nakalimot. Ngayon namang naaalala ko na ang lahat, nalaman ko na nakalimutan rin ako ng taong yun. Napaka-galing maglaro ng tadhana. Ang sarap palakpakan.

Pumikit ako at naramdaman ko na naman ang pagtulo ng mainit na tubig sa pisngi ko. Dehydrated na siguro ako dahil kanina pa ako naglalabas ng tubig sa katawan ko, eh. Walang katapusang pag-iyak na yata ang ginawa ko. Bakit ganun? Kailan kaya ako mamamatay? Gusto ko nang mawala sa mundong ito para matapos na lahat ng paghihirap ko, pati paghihirap ng ibang tao nang dahil sa akin.

"Suzette! Saan ka ba nanggaling?!" Rinig kong sabi ng pamilyar na boses ng palagi akong nililigtas kapag tinatangka kong magpakamatay. Hindi ako kumilos o dumilat man lang. Naramdaman ko lang na naupo siya sa harap ko.

"Suzette, kanina ka pa namin hinahanap. Kanina pa ako nagpapabalik-balik dito pero wala ka! Saan ka ba nanggaling? Nag-aalala na kaming lahat sayo." Nag-aalalang sabi ni Kevin.

"Hayaan mo na ako. Iwan mo na ako." Walang emosyon na sabi ko.

"Suzette naman! Ano ba? Bakit ba sinisira mo ang buhay mo nang dahil lang sa taong yun?!" Pagalit na sabi niya. Dumilat ako at tiningnan siya ng walang kagana-gana.

"Gusto mong malaman kung bakit?" Tanong ko sa kanya gamit ang nanghihinang boses. Hindi siya sumagot. "Naaalala ko na ang lahat." Nakita ko ang pagkunot ng noo niya sa sinabi ko. "Naaalala mo ba yung sinabi ko sayo dati na wala ako halos natatandaan sa nakaraan ko? Na hindi ko alam kung anong meron sa nakaraan ko? Naaalala ko na."

Kita ko ang pagpungay ng mata niya na parang unti-unti ay naiintindihan niya ako kahit na hindi ko pa man din naiku-kwento ang lahat sa kanya.

"Yung lalaking nasa panaginip ko, siya yung kasama ko sa pagkabata ko. Magkakilala na kami noon pa. Masaya kami noon, eh. Masaya pa kami noon. Pero nang dahil lang sa isang pagkakamali, kinalimutan ko siya. Sabi niya sa akin noon, sa araw ng graduation namin, may sasabihin siya sa akin. Ako rin, meron. Kaya hinintay ko siya. Hinintay ko yung araw na yun, pero wala siya. Hindi siya dumating. Umalis siya ng hindi nagpapaalam sa akin. Yun lang ang kaisa-isang pagkakamali niya, pero ginawa ko ang lahat para makalimutan siya at ang lahat ng tungkol sa kanya. Ang sama kong tao, di ba? Nang dahil sa isang pagkakamali, kinalimutan ko yung tao? Eh di sana, kung naghintay na lang ako, eh di hindi mangyayari ang lahat ng ito.

"Kaya pala pilit niyang itinatanong sa akin noong nagkikita kami sa panaginip, palagi niyang tinatanong, "paano kung hindi ako umalis, ako parin ba?" Kaya pala. Kasi alam niya noon pa na siya ang nagma-may-ari ng puso ko. Siya na ang tinitibok nito bago pa kita makilala. Sorry, Kevin. Kasi kahit na wala akong naaalala noon, pakiramdam ko, ginamit kita." Magsasalita na sana siya pero pinigilan ko siya.

"At ngayon, nagkita kami. Nakakatawa lang kasi. . .hindi niya ako maalala. Nakakatawa dahil noon, ako ang nakalimot. Ngayon, siya naman ang nakalimot sa akin. Ngayon, alam ko na kung ano ang naramdaman niya nung malaman niyang hindi ko na siya kilala. Sobrang sakit pala. Ang tagal kong hinintay yung pagkakataon na magkikita kami, at ngayong dumating yung pagkakataong ito, nasaktan pa ako lalo. Ito siguro yung punishment ko sa lahat ng actions ko. Ito siguro yung consequence na sinasabi nila kapag naglu-lucid dream ka. Yung consequence na 'to, mahabang panahon na pagdurusa. Pero hanggang kailan yung pagdurusa kong ito, Kevin? Ang tagal na, eh. Ang tagal ko nang nagdurusa. Bakit pakiramdam ko, wala tong katapusan? Pakiramdam ko, habang buhay na akong magdudusa? Kung habang buhay akong magdurusa, pwede bang mamatay na lang ako ngayon para matigil na itong pagdurusang nararamdaman ko? Kasi ang sakit. Kasi feeling ko, hindi ko na kaya."

Matapos kong sabihin iyon ay hinila ako ni Kevin at niyakap ng mahigpit.

"No, please. Wag mo nang sabihin yan. Tama na, Suzette. Tama na."

**

Pinilit kong maging maayos para sa pagbalik ko sa bahay nila Reywen, makikita niya na maayos ako. Kailangan niya akong maalala. Hindi ako susuko hangga't hindi niya ako naaalala. Sa dami ng challenges na nagdaan sa buhay ko, ngayon pa ba ako susuko? Di ba?

Araw-araw akong pumupunta sa bahay niya kahit malayo para bigyan siya ng pagkain na ako mismo ang nagluto. Nakikita ko na naiirita siya dahil ang kulit-kulit ko, pero every time na kinakain niya yung niluluto ko, nakikita ko naman na napapangiti siya dahil nasasarapan siya sa luto ko.

Minsan, hindi ko siya naaabutan sa bahay niya kasi nasa trabaho na daw, kaya yung caretaker at isang maid ng bahay niya ang kinukuntsaba ko minsan na ihatid sa office niya o di kaya ay ibigay sa kanya pag-uwi niya. Halos dito na nga ako tumira eh.

Isang araw, sa paghihintay ko sa kanya kahit na sobrang late na, naisipan ko na pumunta sa treehouse niya. Hinihintay ko siya kasi ipapakita ko sa kanya yung bulaklak na ibinigay niya sa akin noon sa mundo ng panaginip. Kailangan niyang makita iyon. Nang makaakyat na ako sa treehouae niya, nakita ko na hindi naka-lock ang pintuan kaya pumasok ako. Nakita ko na naka-organized ang mga gamit na parang inayos niya lang ito kani-kanina lang. Walang mga alikabok at mga dumi. Naupo ako sa sahig at tiningnan ang mga picture frames na ang nakalagay ay mga drawing ng bata gamit ang krayola. Natatandaan ko ito noong bata kami. Palagi kaming pumupunta sa treehouse at dino-drawing ang isa't-isa. Palagi niya pa nga akong pinupuri kasi magaling daw ako eh. Sumandal ako sa pader at ipinikit ang mga mata ko. Nakaramdam ako ng antok at pagod ng ipinikit ko ang mga mata ko kaya naman di ko namalayan na nakatulog pala ako.

Nagulat na lang ako nang marinig ko ang malakas na sigaw ng isang lalaki sa ibaba.

"Mang Edgar! Sinong nagsabi sa inyo na magpapasok kayo sa treehouse ko?! Didn't I tell you na walang pwedeng pumasok doon?! Anong ginagawa ng babaeng yun sa loob?!"

Nanlaki ang mga mata ko nang marealized na sa akin siya nagagalit. Mabilis akong bumaba at nakita ko na nakatayo doon ang caretaker na si Mang Edgar at nakayuko habang nagpapaliwanag.

"Pasensiya na po, Sir. Hindi ko po talaga alam na pumunta siya sa itaas. Sorry po talaga, Sir." Sisigaw na sana ulit si Reywen pero nagsalita ako para pigilan siya.

"Reywen. . .tama na. Wag mo nang pagalitan si Mang Edgar dahil wala naman siyang kasalanan. Ako na lang ang pagalitan mo." Sabi ko. Lumingon siya sa akin at nakita ko ang galit na mukha niya.

"Bakit ba kasi pabalik-balik ka dito? Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi kita kilala?! Alam mo bang nakakairita na ang pagiging makulit mo?!" Sigaw niya sa akin. Kahit nasasaktan ako sa mga sinasabi at pagsigaw niya ay nagsalita parin ako.

"Hindi, Reywen. Nagkakamali ka. Kilala mo ako, hindi mo lang ako matandaan."

"Hindi nga, eh! Bakit ba ang kulit mo?!" Sigaw niya sa akin. Tumulo ang luha ko.

"Nung mga bata pa tayo, nandito tayo palagi sa gardem niyo. Lagi tayong naglalaro. Tinuruan mo akong mag-bike noon. Nilagyan ko pa nga ng sticker yun, eh. Tapos, palagi mo akong dino-drawing. Palagi pa nga kitang pinagtatawanan kasi pangit ka magdrawing. Tapos naiinggit ka sa akin kasi maganda ako magdrawing. Naalala mo ba yung unang beses na nagkakilala tayo? Iniligtas mo ako noon sa asong galit na galit. Tawag mo pa nga sa akin dati, batang takot sa aso. Naalala mo ba na tinuruan mo rin akong maggitara noong Grade five tayo? Nasa treehouse pa nga tayo noon, eh. Tapos--"

"Tama na!" Nakapikit siya at nakahawak ng mahigpit sa ulo na para bang nasasaktan, pero ipinagpatuloy ko parin ang pagku-kwento. Alam kong maaalala mo na ako, Reywen.

"Tapos nung Grade six tayo. Naglagay ka ng maraming petals ng bulaklak sa isang bote. Punung-uno. At sa isang bote naman ay tatlong bulaklak. Sabi mo pa nga nun, may ibig sabihin ang tatlong bulaklak na yun, eh. Sabi mo, sasabihin mo sa akin sa graduation natin."

"Stop! Please!"

"Alam mo bang naghintay ako? Hinintay kita pero hindi ka dumating. Umalis ka ng walang paalam, at pinilit ko amg sarili ko na kalimutan ka. Pero wala na akong pakialam kung iniwan mo ako noon. Ang importante, alam ko na ang ibig sabihin ng tatlong bulaklak na yun." Tumingin siya sa akin ng masama.

"Reywen. . .I love you."

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang mga kamay niya.

"Yan ang mga gusto kong sabihin sayo noong graduation natin, pero hindi ko nasabi kasi wala ka. At may gusto pa akong ipaalala sayo. Hindi mo ba talaga maalala na palagi tayong nagkikita sa mundo ng panaginip? Alam mo ba kung bakit? Kasi hinanap mo ako. At alam mo ba kung ano ang ibinigay mo sa akin noong unang beses na nagkita tayo doon?"

Walang humpay sa pagtulo ang mga luha ko habang kinukuha sa bulsa ng coat ko ang tuyong bulaklak na iyon. Iniabit lo iyon sa kanya at nakita ko ang gulat sa mga mata niya.

"Ito. Itinabi ko yan kasi gusto ko na kapag dumating yung araw na magkita tayo, maipapakita ko sayo yan."

Nagulat ako ng sumigaw siya ng napaka-lakas at napaluhod siya habang hawak-hawak ng mahigpit ang ulo niya. Nakita ko na umiiyak siya sa sakit habang sumisigaw.

"Ang sakit!!! Aahhh!!! Palayuin niyo ang babaeng yan sa akin!!! Aaahhhhhh!!!" Sigaw niya.

Napaatras ako nang lumapit si Mang Edgar at si Manang para tulungan siyang tumayo. Pinaalis ako ni Mang Edgar at sinabing,

"Suzette, umalis ka na! Hindi magandang idea na makita ka niya. Umalis ka na, please. Dahil lalo lang mahihirapan si Sir Reywen kapag nandito ka!"

Ipinasok nila si Reywen sa loob ng bahay habang ako, naiwang mag-isa sa garden. Tumutulo ang luha at hindi makapaniwala na nangyayari ang lahat ng ito.

Akala ko, kapag nakita niya ang bulaklak na ito, maaalala na niya ako. Akala ko, kapag nasabi ko na sa kanya lahat, magiging okay na. Hindi pala. Lalo lang gumulo ang sitwasyon. Lalo lang gumulo ang lahat sa pagitan namin ni Reywen.

Natawa ako ng mapakla nang mapagtanto ko na, nasasaktan siya kapag lumalapit ako sa kanya. Parang sinasabi ng tadhana na, huwag kong lalapitan ang taong mahal ko dahil nakakasakit lang ako. Pinulot ko ang tuyong bulaklak na nabitawan ni Reywen at ipinatong ko sa bench na inuupuan niya palagi bago umalis ng tuluyan sa lugar na iyon.

Ayokong nakikita na nasasaktan ka. Huwag kang mag-alala, Reywen. Iyon na ang huling beses na makikita mo ako. Iyon na ang huling beses na lalapitan kita. Kasi, suko na ako.

Isa lang ang narealize ko sa lahat ng pagsubok na nagdaan sa buhay ko.

Kahit na maghintay ka ng napaka-tagal na panahon sa isang tao, walang mangyayari lalo na kung ipinagtagpo lang kayo, at hindi itinadhana.

Isa lang ang hiling ko ngayon. Sana. . .sana maalala mo na ang lahat. Kasi ang sakit palang makalimutan. Pero alam ko naman na darating ang araw at maaalala mo rin ako. At kapag dumating ang araw na yun, sana makita mo na masaya na ako. Na sa wakas, masaya na ang taong minsang minahal mo.

_______________

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top