RIMD: Dream #24

Reality in My Dreams

RIMD: Dream #24

"Salamat talaga dito, Kuya. Ang ganda."

Di parin ako maka-move on sa regalong DSLR ni Kuya Archie sa akin nung birthday ko nung isang araw. Sobrang saya ko lang. Bukod kasi sa hilig ko sa pagluluto at pagpipinta, mahilig rin ako sa photography. You know. Art. Lahat sila halos related sa art. But I like painting more than anything else. Dun ko naibubuhos lahat ng sama ng loob ko eh.

"Di maka-move on. Tsk, tsk. Wala yun, Suzette. Wag mo na akong tawaging Kuya. Hindi bagay, eh." Reklamo niya. Tinawanan ko naman siya bago pinicture-an. Nagreklamo ulit siya. "Dapat talaga di kita niregaluhan niyan eh. Tsk, tsk, tsk."

"Wala nang bawian!" Sabi ko.

Umalis siya at sinabing bibili lang daw siya ng pagkain namin kaya naiwan ako mag-isa dito sa bench. Nasa park kasi kami. Wala siyang trabaho at ako naman, umabsent muna sa restaurant. Ako naman may-ari nun kaya okay lang kung kailan ko gustong umabsent. Salamat sa graduation gift ni Papa na puhunan para sa restaurant na pinangalanan kong Dreamland Restaurant. Dreamland Restobar naman ang balak naming itayo ni Kuya Archie kapag nakaipon na kami. Mahilig kasi sa bar eh. Tapos ako sa restau. Haha. Ako rin ang nagdesign ng restaurant ko, kaya ang ambiance niya, para ka talagang nasa dreamland. Refreshing daw kasi. Ang sarap daw sa pakiramdam.

It's been two years simula nang bumalik si Mama sa buhay ko at masasabi ko na. . .kumpleto na talaga ako, kung nandito lang si Reywen. Ang tagal ko na siyang hinihintay. Four years na, eh. Four years na akong naghihintay sa taong hindi naman ako sigurado kung babalik pa ba or magpapakita. Sa loob kasi ng apat na taon na yun, wala man lang clue kung saan ko siya makikita. Wala rin paramdam. Gusto ko nang sumuko, eh. Kung hindi ko lang siya mahal, matagal na akong sumuko.

Naglakad-lakad ako sa loob ng park at pini-picture-an ang view na makikita kong maganda. Luma na kasi yung camera na ibinigay sa akin noon ni Kevin, noong kami pa. Birthday ko rin yun. Luma na kaya di ko na ginagamit. Nasa bahay lang.

"Katagal naman nung tanda na yun." Mahinang sabi ko sa sarili ko. Pagkain lang kasi bibilhin, nag-abroad pa yata. Tss.

Matapos kong mag-picture ng paligid, binrowse ko ang mga nakuhanan ko. Napahinto ako nang makita ko ang isang litrato na nakuhanan ko sa gawing puno. May tao akong napicture-an at medyo malayo siya. Naglalakad siya at may suot na salamin. Nang makita ko ang litratong iyon, tumibok ng mabilis ang puso ko. Matapos ang apat na taon, ngayon ko na lang ulit naramdaman ito. Nangilid ang luha ko at inikot ko ang paningin ko sa paligid.

Alam kong nandito siya.

Nararamdaman ko kapag nandito siya. Nandito siya sa paligid. Hindi ako pwedeng magkamali dahil ganito ang nararamdaman ko sa tuwing magkasama kami. Nandito lang siya sa paligid, alam ko yun!

"Reywen!" Sigaw ko at tumakbo sa loob ng park para hanapin ko ang taong matagal ko nang hinahanap.

Pinagtinginan ako ng mga tao na nasa park nang sumigaw ako. Hindi ko sila pinansin. Alam ko na nagmumukha na akong tanga sa ginagawa ko pero wala akong pakialam! Kailangan ko siyang makita.

"Reywen! Alam kong nandito ka lang. Nararamdaman ko." Sabi ko sa sarili ko habang tumatakbo.

Pasado alas sinco na kaya kulay orange na ang kalangitan. Alam kong maya-maya ay didilim at mahihirapan ako lalo na hanapin siya kaya kailangan ko na siyang makita ngayon.

"Reywen!!!" Sigaw ko.

Sunud-sunod na tumulo ang luha ko nang maikot ko na ang buong park pero walang Reywen ang nagpakita sa akin. Tumigil ako sa pagtakbo at hinayaan na lang na tumulo ang luha ko. Napaupo ako sa sahig nang maramdaman ko na naman ang sakit ng iniwan; nang maramdaman ko na naman yung sakit na naramdaman ko, apat na taon na ang nakakaraan.

Maya-maya ay may naupo sa harap ko at nagsalita.

"Sabi ko sayo, wag kang aalis doon, di ba? Nawala ka na naman. Di ba sabi ko, babalik ako agad?"

Mabilis akong yumakap kay Kuya Archie nang makita ko siya. Niyakap niya ako pabalik at umiyak ako ng umiyak sa balikat niya. Tinapik-tapik niya ang likod ko na dahilan para lalo akong maiyak.

**

Nasa kwarto ko na ako at nakahiga pero nakatalikod sa taong nakaupo sa gilid ng higaan ko.

"Dalawang taon na simula nang magkakilala tayo, pero napatunayan ko lang na hindi mo pa pala ipinapakilala ang buong sarili mo sa akin. May mga bagay ka parin na hindi sinasabi sa akin. Huwag kang mahiya na magsabi sa akin. Tulad ng sabi mo. . .K-Kuya mo ako, di ba?" Sabi niya.

Hindi ko siya pinansin. Nanatili lang ako na nakahiga habang nakatalikod sa kanya. Ayoko pang makipag-usap sa kahit na sino ngayon.

"Basta kapag kailangan mo ng kausap. . .nandito lang ako. Good night, Suzette." Sabi niya at hinalikan ako sa noo.

Ilang saglit lang matapos niyang sabihin iyan ay narinig ko na ang pagbukas at pagsara ng pinto, hudyat na nakalabas na siya. Pumikit ako at tumakas ulit ang mga luha sa mga mata ko.

Ang sakit. . .kasi umasa na naman ako na makikita ko siya. Umasa na naman ako na ito na yunh tamang iras para sa amin. Hindi pa pala. . .

**

Isang linggo na ang nakalipas simula nang nangyati sa park, at simula noon, hindi na ulit ako bumalik sa masayahing ako. Palagi na lang akong umiiyak, palagi na lang akong nasasaktan. Palagi na lang akong umaasa na magkikita ulit kami. Palagi na lang. . .

Simula nang araw na yun, hindi ko na ulit binitawan ang tuyong bulaklak na ibinigay sa akin ni Reywen. Umaasa na magkikita kami at maipapaikita ko sa kanya ang bulaklak na ito. Nag-aalala na silang lahat sa akin dahil daw hindi na nila ako maintindihan. Hindi nila alam kung ano ang nangyayari sa akin at bakit ako nagkakaganun.

Isang gabi, hindi ako sumabay sa kanila na magdinner dahil makikita ko na naman ang mga mapanuring mata nila at ang mga paulit-ulit na tanong na hindi ko naman sinasagot dahil ayokong pag-usapan. Natatakot rin ako na baka hindi nila ako paniwalaan kapag sinabi ko sa kanila.

Past 11pm nang maisipan kong bumaba dahil nakaramdam ako ng gutom. Pagkababa ko, nakita ko na may nakahain nang pagkain doon at may nakasulat sa sticky note na nandoon:

Alam kong magugutom ka kaya pinaghanda kita ng pagkain. Iinut mo na lang sa microwave kung gusto mo. Sana maging okay ka na. Sana bumalik ka na sa dati, Suzette. Namimiss na agad kita. -Archie.

Hindi ko magawang ngumiti dahil nangingibabaw parin ang sakit dito sa puso ko, pero hindi ko naman maitatanggi na natouched ako sa ginawang ito ni Kuya Archie. Naupo ako doon at tiningnan ang pagkain na inihanda niya. Sunud-sunod na tumulo ang mga luha ko. Hindi ko na alam kung ano ang dahilan ng pag-iyak ko. Palagi na lang akong umiiyak. Kailan ba titigil yung sakit na nararamdaman ko? Kailan titigil sa pagluha ang mga mata ko?

**

Nandito ako ngayon sa garden sa likod ng restaurant ko. Palagi naman akong nandito, eh. Kapag kasi nasa garden ako na ito, nagiging masaya ako. Kahit papaano kasi, nakikita ko dito yung lugar na pinagkikitaan namin ni Reywen. Kahit papaano, napupunan ang pagkukulang sa puso ko. Nakaupo ako sa swing at iniuugoy ko ito ng kaunti. Hawak ko parin ang tuyong bulaklak.

Hinayaan ko na muna sila Bernard at Glezel sa restau.  Sila na muna bahala, tutal, business partners naman kaming tatlo kaya may karapatan kaming lahat. At isa pa, hindi ko pa kayang magtrabaho. Umaalis lang ako ng bahay dahil ayoko doon. Nararamdaman ko doon na mag-isa lang ako.

"Sabi ko na nga ba nandito ka na naman, eh."

Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Kevin doon. Hindi niya yata kasama si Jerisha ngayon? Ngumiti siya sa akin at naupo sa katabing swing na inuupuan ko. Tumingin siya sa akin.

"Malungkot ka na naman. Ayokong nakikita kang ganyan. Para tuloy ayoko nang makita yung taong dahilan kung bakit ka nagkakaganyan. Hindi ko pa man siya nakikilala ng lubos, nagagalit na ako sa kanya kasi nasasaktan ka na niya."

Napayuko ako at bumuhos na naman ang mga luha ko matapos kong marinig ang sinabi ni Kevin. Nasasaktan ako para kay Reywen, kasi may nagagalit sa kanya dahil sa akin. Ang babaw ko, pero ang sakit kasing marinig yan sa kaibigan mo.

"Alam kong masakit para sayo na marinig iyon, pero ayoko lang na nasasaktan ka. Nasasaktan ka dahil sa kanya. Nagiging miserable ka. Bakit kailangan mong gawing miserable ang buhay mo kung kaya mo namang mabuhay ng normal at masaya? Oo. Alam ko na nasasaktan ka sa mga nangyayari sayo, pero sana naman, isipin mo na may mga tao na nag-aalala sayo. Ako, alam ko kung anong nangyayari sayo at nagkakaganyan ka. Pero yung Mama mo, Papa mo, si Allaine, yung Kuya Ivan mo, at yung mga kaibigan mo. Isipin mo na lang kung ano ang nararamdaman nila kapag nakikita kang nagkakaganyan. Nasasaktan na kami Suzette, eh."

Gusto ko siyang patigilin sa pagsasalita pero hindi ko magawa. Tanging pag-iyak ko lang ang kaya kong gawin at nahihirapan na ako.

"Gusto kong magalit sa kanya, pero alam ko naman na hindi naman talaga siya ang may kasalanan ng lahat kung bakit ka nagkakaganyan, eh. Ikaw, Suzette. Ikaw ang may kasalanan ng lahat kung bakit ka nagkaka-ganyan. Ginagawa mong miserable ang sarili mo kahit na hindi dapat. Sinasaktan mo ang sarili mo dahil umaasa ka sa mga false hope mo. Suzette, hanggang kailan mo balak patayin ang sarili mo?"

"Tama na." Sabi ko, pero hindi nakinig si Kevin.

"Alam mo ba na parang paulit-ulit mo na lang pinapatay ang sarili mo? Mas malala pa 'to sa tuwing nagtatangka kang magpakamatay, eh. Sa ginagawa mo ngayon, lahat ng taong nasa paligid mo, pinapahirapan mo. Huwag ka namang selfish, Suzette. Isipin mo naman ang mararamdaman namin. Bakit hindi ka na lang mag-move on? Tutal, apat na taon na naman na ang nakakaraan, eh. Paano kung hindi pala siya ang talagang para sayo? Apat na taon na, eh. Sa tingin ko, sapat na yung panahon na yun para pahirapan mo ang sarili mo. Buksan mo naman ang puso mo para sa ibang tao. Huwag sa isang tao na hindi naman alam lahat ng pinagdadaanan mo."

"Tama na, Kevin! Please lang, tama na!" Sigaw ko.

"Alam mo, hindi ko na alam ang sasabihin ko sayo. Sa tingin ko, kailangan mo na talagang mag-isip. Sige. Kausapin mo na lang kami kapag okay ka na."

Matapos niyang sabihin yan, naglakad na siya paalis at iniwan akong mag-isa habang umiiyak. Tinakpan ko ang mukha ko at umiyak ng malakas.

Hindi niyo ko naiintindihan, eh. Kahit kailan, hindi niyo ako maiintindihan.

**

Sinunod ko silang lahat. Hinayaan ko ang sarili ko na mabuhay muli. Sinabi nila na kailangan kong maging masaya. Hindi ko kaya. Masyadong mahirap ang pinapagawa nila sa akin. Kaya kahit na nakikita nilang hindi ako umiiyak o kahit na nagta-trabaho ako sa restau, hindi naman nila nakikita na ngumingiti o tumatawa ako.

"Mas okay pa yata na makita ka ng umiiyak, hindi yung tinatago mo sa puso mo yung pag-iyak mo." Sabi ni Glezel sa akin. Hindi ako kumibo at ipinagpatuloy na lang ang paghihiwa sa sibuyas. "Ramdam ko ang pag-iyak ng puso mo, bespren. Wag mo nang pigilang umiyak. Sige na. Ako lang naman ang makakakita, eh. Wala pa naman yung iba."

Napatigil ako sa paghihiwa ng sibuyas nang marinig ko ang sinabi niya. Pero saglit lang yun dahil pinagpatuloy ko rin ang paghihiwa at nagsalita.

"Hindi naman ako naiiyak. Bakit ako iiyak?"

"Bakit nanginginig yung labi mo?"

Yun na siguro ang naging cue ko para hayaan ang luha ko na tumulo. Mga luhang ilang linggo kong pinigilan sa pagtulo. Mga sabik na sabik sa paglabas.

Masarap rin pala sa pakiramdam na mailabas mo lahat ng luha na matagal mong pinigilan.

**

Inaayos ko ngayon ang kwarto ko. May gusto akong hanapin, eh. Hinahanap ko yunh box ko na dinala ko galing sa dating bahay namin. Nung nag-high school kasi ako, napagdesisyunan ni Mama at Papa na lumipat ng bahay, which is, itong bahay na tinitirhan namin ngayon. Wala na nga ako halos matandaan sa pagkabata ko, eh. Hindi ko alam kung bakit.

Nang makita ko na ang box na hinahanap ko, kinuha ko na yun at binuksan. Unang tumambad sa akin ang mga drawing na nakalagay sa frame. Parang drawing ba ng bata. Krayola ang pinangkulay. Napahawak ako sa dibdib ko nang maalala ko yung panaginip ko kung saan unang beses kong makapunta sa treehouse ni Reywen. May ganito rin kasi doon eh. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Para akong kinakabahan sa mga makikita ko sa kahon na mahigit sampung taon ko nang hindi nabubuksan.

Inalis ko ang mga frame at ang sunod ko namang nakita ay ang mga stickers na hello kitty. Naalala ko naman yung bike. . .yung bike na sinakyan namin ni Reywen sa mundo ng panaginip. May isang sticker doon na nakapakat. At malakas ang kutob ko nung mga oras na yun na may malaking parte sa buhay ko ang sticker na yun.

Sunod kong nakita ay ang bote na may mga petals ng bulaklak sa loob. Mga natuyong petals ng bulaklak. Mga petals na katulad na katulad ng bulaklak na ibinigay sa akin ni Reywen noong unang pagkikita namin sa mundo ng panaginip.

Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko nang makita ko ang boteng iyon. Sunod na kinuha ko ay ang bote na may tatlong piraso ng bulaklak na katulad ng sa akin. Tuyo na rin.

Ang huli kong kinuha ay ang litrato ng dalawang bata na parehong nakatawa. Bakas ang saya sa mga mukha nila at halatang hindi sila aware na kinuhanan sila ng litrato nung mga oras na ito. Nanginginig ang kamay ko dahil alam na alam ko kung sino ang dalawang batang iyon.

Ang dalawang batang nasa litrato ay walang iba kundi ako. . .at si Reywen.

Oras na makita ko iyon, bumalik lahat ng alaala na alam kong matagal na nawala sa isipan ko.

Mahigpit ang hawak ko sa litratong iyon nang tumakbo ako palabas ng bahay. Tinawag ako ni Mama at Allaine pero hindi ko sila pinansin. Kailangan kong makita ang taong alam kong makakapagpuno ng lahat ng pagkukulang sa akin.

Kailangan. . .kailangan ko siyang makita. Alam kong nandoon lang siya. Madilim na at nanlalabo na rin ang mata ko dahil sa mga luha na kumawala sa mga mata ko. Naalala ko yung unang araw na nagkita kami. Yung totoong unang araw na nagkita kami noong mga bata pa kami, hindi yung sa panaginip.

*~

"Alis! Umalis ka sa dadaanan ko!" Sigaw ko sa asong galit na galit sa akin habang nakaharang sa dadaanan ko. Pero imbes na umalis ay lalo pa siyang nagalit kaya napatili ako ng malakas at napaupo.

Umiyak ako ng umiyak dahil ayokong tumakbo. Alam kong hahabulin niya lang ako at baka kagatin pa. Pero sa sitwasyong ito, sana pala tumakbo na lang ako. Kasi lumapit sa akin ang galit na galit na aso at handa na niya akong kainin. Malapit na malapit na siya sa akin kaya napatili lalo ako pero may narinig akong tumawag sa aso.

"Kuu." Pagtawag ng isang batang lalaki sa aso. Lumingon ang aso dito at nakita ko na parang naglaway ang aso nang makita ang hawak na bola ng batang lalaki. "Habulin mo 'to." Sabi ng batang lalaki bago ibinato sa malayo ang hawak na bola na hinabol naman ng aso.

Napatingin ako sa batang lalaki. Lumapit siya sa akin at naglahad ng kamay para tulungan akong tumayo. Hindi ko ito tinanggap. Imbes, umiyak ako lalo na siyang ikinagulat niya.

"W-Wag kang umiyak. Hindi kita sasaktan." Sabi niya sa akin.

Hindi naman yun ang dahilan ko kung bakit eh. Masaya lang ako na may taong nagligtas sa akin sa mga panahong akala ko, katapusan ko na.

*~

Sumakay ako sa bus na huminto sa tapat ko. Mahigpit parin ang hawak ko sa litrato ng dalawang bata na nababasa na ngayon ng luha ko.

Hindi. . .

Hindi pwedeng mangyari 'to.

*~

"Nagkita na naman tayo, batang takot sa aso."

Nakakunot ang noo ko nang makita ko ang bata na nakaupo sa upuan ko sa classroom namin.

"Anong ginagawa mo dito?" Masungit na tanong ko.

"Ang sungit mo naman, bata." Sabi niya at nakanguso pa na parang nalulungkot. "Lumipat ako ng school. Taga dito ako sa Pilipinas pero galing kami ng Canada tapos umuwi ulit kami dito sa Pilipinas kasi nagkakaroon ng snow storm doon. Dito na ako mag-aaral simula ngayon." Masayang sabi niya. Tumango lang ako bago siya nilampasan at naupo sa pinaka-likuran.

"Bakit ayaw mo akong kausapin? Sabi ko naman sayo di ba? Hindi kita sasaktan. Galit ka ba?" Tanong niya nang sinundan ako sa likuran.

"Wag mo nga akong kausapin."

"Bakit naman? Galit ka ba sa akin?"

Hindi ako nagsalita. Ayaw kong sumagot. Hindi naman ako galit eh, yun ang totoo. Nahihiya lang ako dahil nakita niyang umiiyak ako dahil lang sa aso. Nakita at narinig niya ang malakas na iyak ko dahil sa takot ko sa aso. Pero kahit na sinusungutan ko siya, akala ko iiwanan na niya talaga ako. Akala ko, ayaw na niyang maging kaibigan ako. Kasi lumabas siya ng classroom. Nalungkot ako kasi akala ko, nagalit na siya sa akin. Pero nagulat ako nang bumalik siya na may ngiti sa labi at may hawak na dilaw na bulaklak. Nilagay niya iyon sa tenga ko.

"Ayan. Ang ganda mo na, bata. Wag ka nang sumimangot para mas maganda ka. Ngiti ka."

Sa hindi malamang kadahilanan. . .ngumiti ako sa kanya.

"Maganda ka pala talaga eh, kahit walang bulaklak. Basta gusto ko, lagi kang nakangiti. Ayoko na makitang umiiyak ka, ah?"

*~

Napahagulgol ako sa loob ng bus nang maalala ko ang parteng iyon. Bakit. . .bakit ko nakalimutan ang napaka-gandang alaala na iyon?

Pinagtitinginan na ako ng mga tao sa loob ng bus dahil sa pag-iyak na ginagawa ko.

*~

"Wow. Ang ganda naman ng garden niyo. Ang laki pa." Sabi ko nang inimbitahan niya akong pumunta sa bahay nila, tutal di naman kalayuan sa bahay namin at hinatid naman ako ni Papa. "Ang gaganda pa ng bulaklak. Wow. Sobrang dami."

"My mom loves flowers and gardens. She organized it. Ang galing ng mommy ko, di ba?" Sabi niya.

"Oo!" Masayang sabi ko.

Napatingin ako sa isang malaking puno na nasa bandang dulo ng garden. May bahay sa itaas ng punong iyon. Bahay na maliit.

"Sinong nakatira doon?" Tanong ko.

"Ako."

"May sarili kang bahay?" Gulat na tanong ko.

"Oo. Ginawa mg Daddy ko nung 5 pa lang ako kasi palagi daw akong nakatago sa puno. Ang astig ng Dad ko, di ba?"

"Oo. Ang galing. Gusto ko rin magkaroon niyan!" Sabi ko.

"Pwede ka rin namang tumira sa treehouse ko kahit kailan mo gusto eh."

Napatingin ako sa kanya nang marinig iyon. Pero ngumiti lang siya at nag-iwas ng tingin saka ako inaya na pumunta sa loob ng treehouse niyang iyon. Tinulungan niya akong umakyat at nakita ko ang malinis at maayos na loob ng treehouse. Maliit pero kasya kami. May gitara din na puti ang nandoon.

"Marunong ka maggitara?" Tanong ko.

"Oo. Gusto mo tugtugan kita?" Tanong niya.

"Sige, sige."

Kinuha niya ang gitara at nagsimulang tumugtog ng pamilyar na kanta. Kumakanta rin siya at masasabi ko na maganda rin ang boses niya. Paminsan-minsan kapag alam ko ang lyrics ay sinasabayan ko siya sa pagkanta. Nang matapos niyang tugtugin iyon ay pumalakpak ako.

"Ang galing! Tumugtog ka ulit." Masayang sabi ko.

"O, sige. Anong gusto mo?" Tanong niya.

"Uhm. . .Weak!"

At tinugtog niya ulit yung kanta na hiniling ko. Ang galing niya. Para sa isang batang Grade four, ang bilis niya natutong maggitara. Nang matapos niya na ay nagtanong ulit ako.

"Bakit ang bata mo pa, sanay ka na maggitara?" Tanong ko sa kanya.

"Tinuruan ako ng Papa ko, pati nung Kuya ko dati. Magaling sila maggitara eh." Ngumiti siya sa akin bago nagsalita ulit. "Gusto mo ba turuan kita?" Tanong niya.

"Sige!" Masaya kong sabi.

*~

Yung araw na tinugtugan ako ni Reywen sa panaginip ko, yun yung araw na may dalawang bata na pumapasok sa isip ko pero hindi ko makita ang mga mukha.

Paanong. . .paanong nakalimutan ko ang isang napaka-gandang alaala? Gaano ako kasamang tao para makalimutan ko yung masasayang araw na yun kasama yung taong mahal ko?

Yun pala ang sinasabi sa akin ni Reywen ng paulit-ulit. Na. . .paano kung hindi niya ako iniwan, siya parin ba?

Ngayon alam ko na. Dahil simula pa lang bago ko makilala si Kevin na inakala kong unang tao na minahal ko, si Reywen na ang tunay na may-ari ng puso ko.

___________

Author's Note:

Umiiyak ako. :'(

MAY CONTINUATION PA PO ANG PAGBABALIK NG ALAALA NI SUZETTE OKAY? ;) SO. . .ABANGAN. HAHAHA. DI KO NA KINAKAYA ANG FEELS KAYA KAILANGANG PUTULIN. MASAKIT NA. UNIIYAK AKO EH. HAHAHA.

Anyway! Malapit na siyang matapos. Huhuhu. Marami pang mangyayari sa susunod na kabanata. Stay tuned dahil malapit na 'tong matapos. Hahahaha. Pero madaming-madami pang mangyayari. Madami pa talaga, as in! Dahil one night na sinimulan ko itong itype, may bagong twist akong naisip para sa story na 'to. Bwahaha!

Sigurado akong hindi lang ako ang luhaan ang puso kapag nalaman niyo yun. Mwahahahaha.

Anyway, as for Chapter 25, pag-iisipan ko kung kailan ko ipopost. Dami na kaagad ginagawa sa school eh. :/

Yun lang! Hahaha. Sorry kung delayed na naman ang update. Huhuhu. Sorry talaga. Sana mapatawad niyo pa ako. :'(

PS: Major Major Thank you sa high school friend ko na bestbunch ko na si Rochelle Mae Canosa na walang sawang sumusuporta sa stories na isinusulat ko. Hahaha. Di ko talaga ineexpect na binabasa niya ito. Nasurprise ako nang malaman ko nung magkatext kami kasi nanghingi siya ng update sa akin sa story na ito. Hahahahaha.  Ang saya lang, grabe. :">

Salamat sa lahat ng sumusuporta sa story na ito! Sana ay manatili sa puso at isip niyo ang istoryang ito. Wag niyo silang kalilimutan, ah? Thankies. :*

-MarisolMariano
(@MarissRocks_)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top