RIMD: Dream #23
Reality in My Dreams
RIMD: Dream #23
"So. . .are you ready?"
"I've never been this ready, Kevin. Kinakabahan ako." Sabi ko sa kabilang linya.
"Kaya mo yan! Nandito lang kami ni Jerisha para suportahan ka. Nandito lang kaming lahat para sayo. Nandito na kami sa event kaya pumunta ka na." Sabi ni Kevin.
"Oo. Pupunta na."
"Sige, ingat. Hintayin ka namin dito. Good luck, and congrats!" Natawa na lang ako at nagpasalamat.
Pinatay ko na ang tawag matapos naming mag-usap ni Kevin. Humarap ako sa salamin at inayos ang sarili ko. Excited na ako. . .pero kinakabahan talaga ako. Bumaba na ako at nakita ko na nandoon na sa living room si Allaine at Papa. Naghihintay sa akin. Nang makita ako ni Papa ay lumapit siya sa akin at ngumiti.
"Proud na proud ako sayo, anak. Wala man lahat ng karangalan na mayroon ka ngayon, gusto ko lang malaman mo na proud na proud ako sayo. Na ang swerte ko dahil nagkaroon ako ng anak na katulad mo."
Ngumiti ako kasabay ng pagtulo ng luha ko. Niyakap ako ni Papa ng mahigpit habang ako naman ay paulit-ulit na nagpapasalamat sa kanya. Niyakap rin ako ni Allaine at sinabihan ako ng congrats. Matapos noon ay pumunta na kami sa school para sa gaganaping graduation namin.
**
"Hi." Bati sa akin ni Ivan nang makita niya ako sa school.
"H-Hi din." Awkward na bati ko pabalik.
"Congrats, Suzette. You deserve everything you have now." Ngumiti ako sa kanya.
"Salamat, ah?" Sabi ko sa kanya. Nangilid ang luha ko dahil naaalala ko na naman yung araw na sinaktan ko siya. "Tsaka sorry kasi. . .kasi nasaktan kita. Sorry kasi hindi ako qng babaeng para sayo. Sorry dahil hindi ko kayang suklian ang pagmamahal mo. Gusto kita. Gusto kitang mahalin. Pero hindi ko kaya eh."
Lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Hindi ko na napigilan ang luha ko sa pagtulo dahil sa yakap niya. Namiss ko ang yakap ng taong nagmamahal sa akin. Sobrang miss ko na. Lalo na yung yakap ng taong mahal ako, na mahal na mahal ko rin.
"Huwag kang magsorry. Wala kang kasalanan. Tanggap ko naman na lahat. Nagmu-move on na ako para sayo kasi. . .mahal na mahal kita. Kaya pinakawalan kita kaagad dahil alam ko na hindi ka magiging masaya sa akin. Alam kong. . .siya parin. Basta ang maipapangako ko lang sayo. . .mananatili akong kaibigan mo, hanggang sa bumalik na siya sa buhay mo." Mahabang sabi ni Ivan. Sobra akong nagpasalamat sa kanya na tinawanan na lang niya ako dahil paulit-ulit na daw ako.
Inayos ko na ang sarili ko dahil natanggal yung ibang make up ko nung umiyak ako. Maya-maya, narinig ko na ang boses ni Glezel.
"Bespren!" Pagkalingon ko sa tumawag, nakita ko si Glezel na kaholding hands si Bernard. Mapangiti ako ng malawak.
Aww. Sweet.
"Tara na. Martsa na tayo!"
Pumila na kami sa kanya-kanya naming pila at nagsimula na kaming mag-martsa. Nagsimula na ang ceremony. Hindi ko itatanggi na inaantok ako sa dami ng speeches, pero hindi ko rin maitatanggi na naeexcite ako, kasi malapit na akong mag-speech.
Hanggang sa tinawag na ang pangalan ko para umakyat sa entablado.
"A pleasant evening to all of you." Panimula ko.
Inikot ko ang paningin ko sa dagat ng tao na nanonood ng graduation namin. Nakita ko si Kevin kasama si Jerisha, si Papa at Allaine, ang mga kaklase ko at mga mag-aaral dito, ang mga magulang nila, nandito sila at nakatingin sa akin. Pero may dalawang tao akong inaasahan na sana, nandito rin. Na sana, sinusuportahan ako sa mga achievements ko sa buhay.
Si Mama. . .at si Reywen.
Ngumiti ako sa lahat para mapigilan ang luha bago ko itinuloy ang speech ko na hindi ko na matandaan ang mga dapat na sabihin ko.
"Marami tayong pangarap sa buhay. Marami tayong gustong makamit, mga bagay na gusto nating makuha, mga trabaho na gusto nating maging trabaho. Para matupad natin ang lahat ng iyon, sinimulan natin sa pag-aaral. Nag-aral tayo sa eskwelahang ito dahil may pangarap tayo sa buhay. Kasi ayaw natin na maging tambay habang buhay. Gusto natin na balang-araw, mababayaran natin lahat ng paghihirap ng mga magulang natin para makapag-aral tayo, para maibigay ang mga pangangailangan at mga kagustuhan natin sa buhay. At bilang panimula sa pagpapasalamat sa lahat ng paghihirap nila, nandito taypng lahat para tunghayan ang ating matagumpay na pagtatapos sa kolehiyo."
Lahat ng mga mata. . .nakatingin sa akin. Lahat ng mga tenga. . .nakikinig sa akin. Tahimik ang lahat. Ako lang ang nagsasalita. Kaya bahagyang ingay at pagkakamali lang ang magawa ko, mapapansin kaagad yun. Kinakabahan ako kasi iba na yung sperch na sinasabi ko sa speech na ipinasa ko noon. Kinakabahan ako, kasi baka magkamali ako.
"Ang mga magulang natin, hindi perpekto yan. Lahat ng tao, may mga pagkakamali na nagagawa sa buhay." Tumingin ako kay Papa at ngumiti. "Minsan. . .nasasaktan tayo ng mga magulang natin kahit wala tayong nagagawa. Bakit? Kasi nasasaktan sila. Kasi iniwan sila. Kasi. . .akala nila, mag-isa na lang sila. We get angy on them. We loathe them. Pero kahit na anong suklam ang maramdaman mo sa kanila, sa mga magulang mo na sinaktan ka in all aspects, there's still part in your heart na nagpapasalamat ka sa kanila dahil sila ang dahilan kung bakit ka nabuhay sa mundong ito; dahil despite of all the pain they've caused to you, ibinibigay parin nila lahat ng pangangailangan mo sa buhay. Ibinibigay parin nila ang mga kagustuhan mo. So, why loathe them, right? Lahat ng tao, nagkakamali. Kaya bakit hindi tayo magpapatawad?"
Tumingin ulit ako kay Papa at ngumiti.
"I have the best father ever despite of all the pain he had caused to me."
Pinunasan ko ang luha na nakatakas sa mga mata ko gamit ang panyo na hawak ko. Nakita ko na umiiyak na rin si Papa pero nakangiti parin siya sa akin.
"We tend to hate the persons who leeaves us. Why hate them? May mga sarili silang buhay na kailangang galawan. At kaya nakakaramdam tayo ng galit, kasi selfish tayo. Gusto natin, habang buhay na sila sa buhay natin, eh may sarili silang buhay na dapat bigyan ng kulay. Hindi lang sa atin umiikot ang mundo nila. Maybe, tapos na ang role nila sa buhay natin kaya umalis na sila, di ba? So to those persons na nandito at iniwan ng taong importante sa kanila. . .let us forgive them. After all, wala namang magandang maidudulot ang galit, di ba? It will just make us the worst person we could ever be. So. . .let's just forgive them. And when they come back to our life, let's welcome them. Embrace them. Love them."
Mama. . .
Mama, kailan ka babalik? Hindi naman ako galit eh. Sana. . .sana bumalik ka na.
"Dreams. Sabi nila, follow your dreams. How? Should I go to bed and sleep again?" They laughed. "Kidding aside, how can I follow my dreams? How can we follow our dreams? Through passion and love for it."
Dreams. . .
"Minsan, nananaginip tayo ng isang misteryosong senaryo kung saan, mapupunta tayo sa ibang lugar, di ba? Sa lugar na puno ng misteryo. Minsan nga, may mga makikilala pa tayo sa panaginip na yon, eh. Well, I'm not saying na. . .we should live in the dreamland kasi nandoon yung excitement. Kasi may thrill. The truth is, every time na nananaginip tayo, may mga bagay tayo na marerealize after. Dreams. All the illusions and imaginations are there. Pwedeng mangyati sa dreams lahat ng gusto at ayaw mo. Pero the point is. . .you don't have to live in dreamland just to follow your dreams, or just because the things we want to happen in our lives can happen in dreamland. The first step to follow your dream, is to wake up from fantasies. You will never have your dreams if you kept on living from your fantasies. Next is move on and the last thing to do is make your dreams do come true by putting efforts, passion and love. After all, you will never do something if you don't love it."
Nagpalakpakan silang lahat kahit na hindi pa ako tapos sa speech ko kaya napangiti ako lalo.
"So, thank you to our professors who helped us in making our dreams do come true. Thank you for the friends who never left us in our most vulnerable situation. Thank you to everyone who believed that we can make it. Once again, thank you and congratulations to all of us!"
Nagtayuan silang lahat kasabay ng masigabong palakpakan at mga sigawan. Bago ako bumaba ng entablado ay niyakap pa ako ng mga professors na nandoon at nagpapasalamat dahil sa speech na ibinigay ko. Sinabi nila na hindi lang ako basta nag-speech kundi nagbigay rin ako ng aral para sa lahat. Na binigyan ko ng lessons ang mga katulad kong graduates para sa bagong buhay na gagalawan namin.
Napapangiwi ma lang ako dahil ang sabaw ng speech ko. Tsk.
**
Matapos ang graduatiom ceremony ay nag-picture taking na. Nakipag-picture sa akin ang mga profs, classmates, batchmtes na di ko naman kilala, at mga kaibigan ko
"Congrats, Suzette." Sabi sa akin ni Jerisha.
"Salamat."
"Ang ganda ng speech mo, ah? Lalim ng hugot, ah?" Natatawa-tawa niyang sabi. Natawa na rin ako.
"Hindi naman masyado."
Busy si Glezel at Bernard pati iba naming friends at classmates sa photobooth. Pupunta na sana ako doon pero tinawag ako ni Papa.
"Suzette, anak."
"Oh, Papa." Sabi ko.
"Sumama ka sakin. May ipapakilala ako sayo."
Uhm. . .hindi naman siguro ako nirereto ni Papa sa kung sino, di ba? Sumunod na lang ako sa kanya sa labas. Pumunta siya doon sa parte ng may mga nakatayong dalawang lalaki at isang babae na nakatalikod aa amin. Pero may nakaupo sa harap nila. Hindi ko lang makita ang mukha dahil natatakpan nila.
Tinawag ni Papa yung taong yun. Itinuro niya ako. Ilang saglit pa ay umalis na sila sa harap ng taong nakaupo. Nakita ko na naka-wheel chair pala siya. At para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita ko ang mukha ng taong nakaupo sa wheel chair. Mabilis na tumulo ang luha ko nang makita ko ang ngiti ng babaeng ang tagal ko nang hinintay na makitang muli. Itinutulak ng isang lalaki na kasing edad ni Papa ang wheel chair niya palapit sa akin.
Si Mama.
Nakatingin lang ako sa kanya the whole time na palapit sa akin ang wheel chair na inuupuan niya. Nang huminto ito sa harap ko ay umupo ako para magkapantay na kami.
"M-Mama. . ." Sabi ko na parang hindi makapaniwala. Nanginginig ang kamay ko.
"Anak. . ."
Mabilis na tumulo ng sunud-sunod ang luha mga luha ko nang marinig ko ulit ang boses niya na tinatawag ako. Nakita ko na umiiyak na rin siya. Hinawakan niya ang mukha ko at nagsalitang muli.
"Suzette, anak. . ."
Mabilis ko siyang niyakap ng mahigpit at humagulgol dahil sa sobrang pagka-miss ko sa kanya. Ang tagal kong hinintay ang pagbabalik niya. Ang tagal kong hinintay na mayakap, makausap at marinig ang boses niya. At ngayong nandito na siya sa harap ko at yakap-yakap ako. . .nag-uumapaw sa saya ang puso ko.
"Mama. . .ang tagal kitang hinintay, Ma." Sabi ko.
"I'm sorry, anak. I'm sorry." Sabi niya habang yakap ako ng mahigpit.
"Okay lang po, Mama. Okay lang po. Ang mahalaga, nandito na po kayo."
Matapos ng mini-reunion namin ay umuwi na kami. Kausap ko ngayon ang isang lalaki na matanda sa akin ng tatlong taon. Ito daw ang panganay na anak ng asawa ni Mama. Yung sinasabi ni Papa na lalaki ni Mama noon. Nakapag-usap na kami kanina pa at wala naman kaming sama ng loob sa isa't-isa. Archie ang pangalan niya.
"Bakit nagkaganun si Mama? Bakit hindi na siya makalakad?"
Kanina ko pa gustong itanong sa kanya yun pero ngayon lang ako nakahanap ng pagkakataon. Natutulog na si Mama sa guest room at yung kapatid ni Mama. Kasama ko ngayon si Archie sa garden. Nagkakape at nagku-kwentuhan.
"Nung araw na pumunta siya sa bahay noon, yun yung unang araw na nakaramdam ako ng awa sa kanya. Noon kasi, galit pa ako sa Mama mo dahil pakiramdam ko, niloko nila ang Mama ko. Two years after mamatay ng Mama ko, ipinakilala siya sa akin ni Papa bilang stepmother ko. Nagalit ako noon dahil alam kong nagchi-cheat sila sa Papa mo. Pero nung araw na nakita kong umiiyak siya kay Papa at hindi makausap ng maayos. . .doon ako nakaramdam ng awa sa kanya. Yung araw na yun, yun yung araw na iniwan kayo ng Mama mo."
Yun yung araw na. . .ginahasa siya ni Papa dahil ayaw nito na paalisin siya sa buhay namin.
"Unti-unti ko siyang natanggap. Hanggang sa naging maayos na ang lahat sa amin. Ikinukwento ka niya sa akin palagi. Kung gaano ka katalino at kagaling magpinta. Kung gaano ka kaganda at responsableng anak para sa kanya. Pero isang araw, nagpasama siya sa amin ni Papa na bisitahin ka ng palihim. At doon, nakita namin kung paano ka saktan ng Papa mo. Galit na galit siya sa Papa mo dahil noon, kahit kailan hindi ka niya pinagbuhatan ng kamay. Pero mas galit siya sa sarili niya dahil pakiramdam niya, napaka-makasarili niya para iwanan ka. Galit na galit siya sa sarili niya dahil noong araw na umalis siya sa inyo, hindi ka man lang niya tinapunan ng tingin. At nung nakita ka niya na nagdurusa sa kamay ng Papa mo, napagpasyahan niyang kuhanin ka doon. Gusto niyang kuhanin ka sa Papa mo pero ayaw siyang payagan ni Papa dahil alam niyang magkakagulo oras na magkita ang Mama at Papa mo."
Bumuntong-hininga siya bago nagpatuloy sa pagku-kwento ng nakaraan ni Mama na wala ako.
"Pero nagpumilit siya. Kahit madaling-araw na noon, nag-aaway sila ni Papa dahil gusto ka niya talagang kuhanin sa Papa mo. Sumakay ang Mama mo sa kotse ni Papa. Pero sumakay rin si Papa. Nag-aaway yata sila habang nagdi-drive ng mabilis ang Mama mo hanggang sa maaksidente sila. . .at namatay ang Papa ko."
Nanlaki ang mata ko nang malamab na namatay ang Papa niya. At ang dahilan ng lahat ng iyon ay ako.
"Nag-agaw buhay ang Mama mo noon. Pero napagaling siya ng mga doctor. Yun nga lang, hindi na siya kailanman makakalakad. Hindi na makuha ng therapy eh. At yung Papa ko, hindi na nakayanan. Galit na galit ang Mama mo sa sarili niya nang mawala ang Papa ko. Sinisi niya ulit ang sarili niya. Ang tanging nagpapasaya na lang sa Mama mo ay ang kapatid mo na nasa America ngayon na nag-aaral, at yung litrato mo na nasa wallet niya. Yun lang ang naging dahilan niya para mabuhay. Gusto kong magalit sa kanya dahil nawala ang Papa ko, pero alam ko na marami na siyang pinagdadaanang hirap sa buhay. At wala na akong balak pa na dagdagan iyon. Kaya naman tinulungan ko na lang siya na makabangong muli. Hanggang sa nahanap kami ng Papa mo nitong nakaraang Linggo. Akala ko, manggugulo na naman siya. Pero hindi. Tanggap na niya lahat ng nangyari. At ang tanging hiling niya lang sa amin ay ang magkita kayo ng Mama mo sa araw ng graduation mo. At ito kami ngayon. Masaya kami para sayo, Suzette."
Ngumiti ako sa kanya bilang tugon. Nalulungkot ako dahil may isang taong nawala dahil sa akin. Nasasaktan ako na talagang may kailangang mamatay dahil sa akin. Pero hindi ko na masyadong inisip ang problemang iyon.
Mas mahalaga sa akin ngayon na nandito na ulit si Mama. At masaya akong malaman na may kapatid pala ako. Hindi ko man alam ang buong kwento kung bakit nagkaroon ng dahilan para maghiwalay si Mama at Papa, hindi ko na rin inalam. Hindi naman lahat kailangan kong malaman, eh.
Masaya na ako ngayon. Kaya lang, may kulang parin, eh.
Reywen. . .kailan ka ba nagpapakita sa akin?
Kailan mo balak tuparin ang pangako mo sa akin na babalik ka? Ikaw na lang ang kulang sa buhay ko. Wag mo na sanag patagalin pa ang pagbalik mo kasi. . .miss na miss na talaga kita, eh.
__________
Author's Note:
Grabe. Ang sabaw ng speech ni Suzette. Hahaha! Sorry na. Hindi ko talent ang mga ganyan eh. :/ Feeling ko rin, sabaw itong chapter na to kahit na medyo mahaba. Hahaha.
Anyway, malapit na siyang matapos!!! Waaah! Parang ayoko pa. Huhuhu. Pero kailangan. Busy na ako, eh. At ang tagal na nito. November pa to nung sinimulan ko pero hanggang ngayon, sinusulat ko parin. :D Kailangan na natin mag-make way para sa new story natin. :)
Sana nag-enjoy kayo! :*
-MarisolMariano
(@MarissRocks_)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top