RIMD: Dream #22
Reality in My Dreams
RIMD: Dream #22
Lumipas ang panahon, kahit papaano ay naging maayos ako. Hindi ko na madalas iniisip ang mga nakaraan na nakakapag-pasakit sa akin. Hindi ko na hinahayaan na kainin ng nakaraan ang kasalukuyan ko. At yun ay sa tulong ng mga kaibigan ko. . .at ni Ivan.
Nung araw na magpakilala siya sa akin, lumipas ang mga araw, nalaman ko na sa kanya pala galing ang dilaw na rosas na noon ay inakala kong galing kay Reywen. Siya rin yung taong nagtetext sa akin na hindi ko naman kilala.
Lumilas ang ilang buwan matapos ang araw na nagkakilala kami, inamin niyang mahal niya ako. Niligawan niya ako. Hindi ako pumayag noong una dahil hindi pa ako handa sa mga ganoong bagay, pero ayaw niyang magpapigil. Masaya ako sa tuwing kasama ko si Ivan. Masayang-masaya. Pero iba parin ang saya ko kapag yung taong mahal ko talaga ang kasama ko.
"Nakagawa ka na ng speech mo, bespren?" Tanong sa akin ni Glezel. Tumango ako at ibinigay sa kanya ang speech na ginawa ko.
Si Glezel at si Bernard, mag-boyfriend na, kahapon lang. Nakakatuwa lang yung nangyari kahapon kung paano naging sila...
***
"Bakit ang tagal nang hindi nagpaparamdam ni Bernard?" Tanong sa akin ni Glezel. Ngumisi ako sa kanya.
"Miss mo na?" Inirapan niya lang ako.
"Kung siya lang ang mamimiss ko, hindi na lang. Bahala siya sa buhay niyang makipag-landian sa mga hitad niyang babae." Naiinis na sabi ni Glezel. Natawa naman ako.
"Hindi halata na nagseselos ka, Zel. Push mo yan." Natatawa-tawa kong sabi.
"Tumigil ka. Wag mong sabihing may masugid kang manliligaw. Tss. Wala kasing kwenta iyang si Bernard. May paligaw-ligaw pang nalalaman. Di rin naman pala tatagal. Tss." Reklamo niya bago niligpit ang mga gamit namin. "Tara na. Umuwi na tayo."
Napailing ako habang nakangisi. Kaarte kasi ni Bernard. Nagpapamiss pa kay Glezel. Sabagay. Ang tagal na rin niyang nanliligaw, eh. Maybe it's time na si Glezel naman ang magparamdam ng totoong nararamdaman niya para kay Bernard. Halata naman na sa kanya. Dine-deny niya pa. Tss.
Habang naglalakad kami sa hallway, nakita namin ni Glezel si Bernard na may kasamang babaeng maiksi ang palda, mahaba ang buhok na may kulay sa dulo, maputi. . .at maganda. Nakahawak si Bernard sa bewang ng babae habang may kausap sila. Nakatalikod sila sa amin kaya di nila kami nakikita.
"Ganda ng kasama ni Bernard, no?" Pang-aasar ko kay Glezel. Kita ko ang masamang tingin ni Glezel sa kanila.
"Tss. Maputi lang siya. Ang landi landi ng itsura. Mukhang prostitute. Kadiri naman yung mga babaeng type ni Bernard. Hindi ako makapaniwala na pumayag akong manligaw sa akin yang hayop na yan. Nakaka-paksyet."
Gusto ko nang humagalpak ng tawa sa mga pinagsasabi ni Glezel. Bakas na bakas talaga sa mukha niya ang pagseselos. Hahaha!
"Papayag ka ba na ginaganyan ka lang ni Bernard? Naku, kung ako sayo, uumbagin ko dalawa na yan." Pangga-gatong ko sa kanya.
"Sino naman nagsabi sayo na papayag ako ng ginagago ako?" Seryosong sabi niya. Tumingin siya sa akin at ibinigay sa akin yung mga gamit na dala niya. "Pakihawakan saglit, Suzette. May uupakan lang akong garapata."
Mabilis siyang nagmartsa papunta sa dalawang nakatalikod sa amin. Sumunod naman ako kay Glezel. Nakita ko na iniharap ni Glezel si Bernard sa kanya at sinuntok ng malakas sa ilong. Nalaglag ang panga ko sa ginawa ni Glezel at kitang-kita ko sa mukha ni Bernard ang gulat. Nakuha kaagad ni Glezel ang atensiyon ng maraming estudyante malapit sa akin. Dumugo ang ilong ni Bernard.
"What the fck?!" Sigaw ni Bernard.
"Watdapak watdapak ka dyan. Manahimik ka. Hindi pa ako tapos sayo!" Bulyaw ni Glezel. Natahimik ang mga barkada ni Bernard at bakas ang inis sa mukha ng babaeng kasama ni Bernard. "Ang kapal rin ng mukha mo, no? Ang kapal ng mukha mong ligawan ako tapos makikita kitang nakikipaglandian sa pangit na 'to?!" Sifae ni Glezel sabay turo sa babae.
"What do you called me?! Ugly?!" Hindi makapaniwalang sabi nung babae habang nakaturo sa sarili.
"Manahimi ka. Hindi kita kinakausap. Mukha kang pulgas!"
Natawa naman ako doon. Nakita ko naman na nagpipigil na rin ng tawa si Bernard at yung babae naman ay nag-walkout na sa sobrang inis.
"Tumigil ka ng katatawa mo dyan, Bernard. Hindi ako nagpapatawa. Napaka-gago mo! Sabi mo, mahal mo ako? Bakit...bakit ka nakikipag-landian sa iba?" Nawala ang ngiti sa labi ko nang matinig ko ang basag na boses ni Glezel. Sumeryoso na rin ang mukha ni Bernard.
"Wala ka namang pakialam, di ba? Kahit paulit-ulit kong iparamdam sayong mahal kita, wala ka namang pakialam, eh." Simpleng sagot ni Bernard. Sinuntok ulit siya ni Glezel. "Aray! Ano ba?!"
"Gago ka ba talaga?! Akala mo ba wala akong pakialam sa tuwing mag-eeffort kang pasayahin ako? Akala mo ba, hindi ko naaappreciate lahat ng ginagawa mo sa akin? Gago ka pala talaga, eh! Hindi mo lang alam pero simula nang dumating ka sa buhay ko, hindi na ako makatulog. Kasi hindi ka na nawala sa isip ko. Nang dahil sayo, natuto akong ngumiti kahit mag-isa lang ako. Pakiramdam ko, nababaliw na ako kapag naaalala kita kasi napapangiti ako mag-isa. Tapos sasabihin mo, wala akong pakialam?"
Kinikilig naman ako. Ang sweet naman ng best friend ko. Grabe. Noon pa lang, alam na namin ni Bernard na mahal rin naman siya ni Glezel. Nagpaalam sa akin si Bernard na magpapamiss siya kay Glezel para nang sa ganun ay umamin na ito. And the mission accomplished! Hindi nakapagsalita si Bernard kaya nagsalita na ulit si Glezel kahit na iyak na siya ng iyak.
"Ayoko na kasing masaktan kaya ipinaramdam ko sayo na wala akong pakialam sayo. Natatakot na akong maulit yung nangyari dati kaya itinago ko sa sarili yung totoong nararamdaman ko para sayo. Kaso, mukhang nangyari ulit eh. Malas siguro talaga ako. Ang arte ko kasi. Pinapatagal ko pa, eh mutual na naman na. Naulit lang yung dati. Pinaasa na naman ako. At ako namang si tanga, umasa. Gago mo. Alam mo, nagpapasalamat ako na malapit na ang graduation natin nang nalaman kong ginagago mo lang ako. Kasi hindi na kita makikita ulit. Sige. Huwag ka nang magpapakita sa akin, Bernard. Hindi ko na sasabihing mahal kita kasi alam kong kahit hindi ko na yun sabihin, naiparamdam na ng diwara ko yan ngayon. Magpakasaya ka sa mga kalandian mo. Bye!"
Tumalikod si Glezel kay Bernard at naglakad palayo dito. Mabilis naman na hinila ni Bernard si Glezel sa braso at iniharap sa kanya. Hinawakan ni Bernard sa mukha si Glezel.
"M-Mahal mo ako?" Tanong ni Bernard na hibdi makapaniwala.
"Gago ka ba? Bakit tinatanong mo pa yan, eh sinabi ko na lahat ng nararamdaman ko? Bobo!" Sigaw ni Glezel.
"Sabihin mo, please."
"Ayoko! Hindi mo na ako mahal, eh. Nakikipaglandian ka na sa iba. Doon ka na sa mga babae mo, kadiri ka!" Bulyaw ni Glezel.
"Mahal kita! Ginawa ko lang yun kasi ang tagal mong umain. Inip na inip na ako kaya nagpamiss ako sayo. Pinagselos kita para maamin mong mahal mo rin ako."
Tinanggal ni Glezel ang pagkakahawak ni Bernard sa mukha niya at tinuhod ang tiyan nito. Napa-aray ng malakas si Bernard.
"Eh gago ka pala talaga no?! Pinaglaruan mo lang pala akong hayop ka tapos gusto mong sabihin ko sayo ngayon na mahal kita?!"
"Sabihin mo na kasing mahal mo ako."
"Oo na! Mahal kita. Tangina. Ang kulit, ha?! Dyan ka na nga!"
Tapos tumakbo na si Glezel paalis, pero hindi naman siya nakalayo kasi hinila ulit siya ni Bernard at hinalikan.
Nagpalakpakan ang mga tao at nagsigawan. Masayang-masaya ako para sa best friend ko. Kasi natagpuan na niya ang taong magmamahal sa kanya ng totoo hanggang dulo.
***
"Tumigil ka ng kakangiti mo dyan, Zet. Pupunitin ko to." Sabi ni Glezel patungkol sa papel na hawak niya na pinagsulatan ko ng speech ko.
Alam na niya kasi na kapag ngumingiti ako mag-isa, ibig sabihin nun ay naalala ko na naman yung nangyari kahapon.
"Ang landi niyo kasi kahapon ng boyp--"
"Stop! Wag mo nang ituloy yung word na yan. Nandidiri ako." Pagpipigil sa akin ni Glezel. Nakita ko naman na nakangisi si Bernard na nasa likod niya.
"Hahaha. Kaarte mo. Andyan na yung "bodyguard" mo. Haha!" Hindi daw niya kasi boyfriend si Bernard. Bodyguard daw. Pfft.
"Oh? Andyan ka na pala? Di ka naman nagsasalita."
"Busy ka pa kasing magdiwara. Tss. Tara na. Iuuwi na kita." Sabi ni Bernard at kinuha ang mga gamit ni Glezel. Sinapak naman siya nito. "Napaka-sadista talaga. Pasalamat ka mahal kita." Namula naman si Glezel don.
"Tumahimik ka at baka sampalin kita ng walang lubay dyan."
Tawa ng tawa si Bernard habang paalis sila ni Glezel. Napapangiti ako kasi masaya na silang dalawa, eh. Masaya rin naman sila Kevin at Jerisha, kaso naka-graduate na sila kaya di na kami gaanong nagkikita. Busy na sila sa work nila kaya ayun. Kami, next month graduation na. Ganap na kaming mga chef after nun. Ang sarap lang sa pakiramdam.
Yung speech na ginawa ko, para sa graduation yun dahil Magna Cum Laude ako. Proud na proud sa akin ang Papa ko dahil doon at halos maiyak pa siya sa harap ko. Hindi man ako Suma Cum Laude, at least nagawa kong makasama sa mga may mataas na karangalan.
Sabi nga rin ni Papa, okay lang sa kanya kahit wala akong award. Proud parin siya dahil anak niya ako.
Inaantay ko ngayon si Ivan dahil nangako ako sa kanya na sabay kaming uuwi ngayon. May mga dapat pa kasi akong sabihin sa kanya na kailangan na niyang marinig.
"Hi, Miss." Nakangiting bati sa akin ni Ivan nang dumating na siya. Nagbeso siya sa akin bago kinuha ang mga gamit ko.
"Sorry kung natagalan, ah?" Sabi niya. Ngumiti ako.
"Okay lang. Kasama ko naman kanina si Glezel, eh."
Nagkwentuhan kami habang naglalakad kami pauwi. Kinwento ko sa kanya yung mga nangyari sa akin nitong mga nakaraang araw at ganoon rin siya. Hindi na kasi kami gaanong nagkikita dahil busy ako sa pag-aayos ng mga papel ko para sa graduation at sa pagkuha sa akin ng mga kumpanya ng restaurant para magtrabaho ako sa kanila. Hindi ko na nga alam kung anong offer ang tatanggapin ko dahil parehong malalaking kumpanya ang nag-aalok sa akin. Naguguluhan na ako.
Nang nasa tapat na kami ng bahay ko, nagpaalam na siya.
"O, sige. Kita na lang ulit tayo bukas, ah?" Sabi niya. Ngumiti ako.
"Uhm, Ivan..."
"Hmm?"
"I want to be honest with you."
Hindi siya sumagot matapos nun. Nalita ko sa mga mata niyang alam na niya ang sasabihin ko kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita.
"Mabuti kang tao. Masaya kang kasama. Gwapo ka at totoo kang magmahal. Pero Ivan. . .hindi ko deserve ang lalaking katulad mo. Hindi ako ang babaeng para sayo. I'm sorry. Ayoko nang patagalin pa. Sinubukan ko namang suklian ang pagmamahal mo pero. . .hindi ko kaya eh."
Tumulo ang luha ko nang makita ko na yumuko siya. Yung linya kong ito, ginamit na rin sa akin ni Kevin ito. Ngayon alam ko na kung ano ang pakiramdam na tanggihan mo ang pagmamahal ng isang tao dahil may mahal kang iba.
"Siya parin, di ba?" Tanong ni Ivan sa akin.
Alam ni Ivan ang nangyari sa akin nung nakaraan. Yung lalaki sa panaginip ko. Yung bulaklak na hinanap ko sa basurahan, alam niya lahat yun. Ikinwento ko sa kanya, at pinakinggan niya ako. Isa siya sa mga taong kahit gaano ka-weird ang mga nangyayari sa buhay ko, pinakikinggan at pinaniniwalaan niya lahat. Naging sandalan ko siya nung mga araw na miserable pa ako. Tinulungan niya akong makabangon muli kaya naman masakit para sa akin ang gawin ito.
"Oo, eh. I'm sorry."
Tumingin siya sa akin at ngumiti. Pinat niya ang ulo ko.
"Wag kang magsorry. Hindi mo kasalanan na hindi ako kayang mahalin ng puso mo."
Nasasaktan ako dahil nakikita ko na nasasaktan siya dahil sa akin. Ayoko ng ganito.
"Sige. Uwi na ako. At. . .congrats pala. Good luck sa career mo. Masaya ako para sayo."
Naglakad na siya paalis habang nakapamulsa ang mga kamay niya at nakayuko siya.
Ngumiti ako sa kanya kahit na alam kong hindi na naman niya iyon makikita dahil likod na lang niya ang nakaharap sa akin.
"Salamat, Ivan."
**
Pumasok ako sa kwarto ko at bumungad muli sa akin ang mga paintings ko na nasa pader. Yan ang mga patunay na, hindi lang ilusyon ang lahat ng nasa panaginip ko. Na totoo lahat iyon.
Kinuha ko ang bulaklak na tuyo sa ibabaw ng tukador. Sobrang sira na siya pero hindi ko parin siya tinatapon. Umaasa parin ako na balang-araw, magkikita kami ni Reywen at ipapakita ko sa kanya na ang bulaklak na ibinigay niya sa akin ay itinabi ko hanggang ngayon.
Nasasaktan lang ako na halos dalawang taon na akong naghihintay, pero hindi parin siya dumarating.
"Sana, magkita na tayo, Reywen. Sana makita na kita. Kasi. . .miss na miss na kita, eh."
Tumulo ang luha ko sa bulaklak kaya't nabasa ito. Hindi tulad ng dati na nung unti-unti pa lang itong nasisira, nabuong muli nang tumulo ang luha ko dito. Ngayon kasi, wala namang nagbago.
Siguro nga, nawala na ng tuluyan ang magic sa buhay ko. Nawala na ang magic sa buhay ko na si Reywen mismo ang naglagay.
___________
Author's Note;
Hindi ko sasabihin kung ilang chapter na lang ang natitira pero malapit na talaga siyang matapos! :D
Pero may revelations pang magaganap sa nalalabing chapter na iyon kaya wag kayong ano dyan. Hahahahaha.
Salamat sa mga nananatiling nagbabasa ng story na ito. Sana ay suportahan niyo siya hanggang dulo! :)))
Suportahan niyo rin po ang: A BEST FRIEND'S RULE. Isinusulat ko na rin po siya ngayon at may mga chapters na po akong naipost. :) Marami po akong kanta na gagamitin doon kaya sigurado ako na mag-eenjoy kayo. ^_____^
Salamaaaaat! :*
-MarisolMariano
(@MarissRocks_)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top