RIMD: Dream #2:
RIMD: Dream #2:
These past few weeks, nagiging cold sa akin si Kevin. Hindi ko alam kung bakit. Simula nung inihatid niya ako sa bahay, naging cold na siya sa akin.
Bakit kaya?
Gusto kong itanong sa kanya ng diretsahan pero sa tuwing itatanong ko 'yun, ngiti lang ang isinasagot niya sa akin sabay pat sa ulo ko at sasabihin na, akala mo lang 'yun.
Naguguluhan na ako. Kahit kailan, hindi pa kami nag-away ng matindi kaya ayokong mag-away kami ngayon, lalo na't malapit na ang 26th monthsary namin. 2 years and 2 months.
"Kevin. . ." tawag ko sa kanya sabay yakap sa bewang niya at ipinatong ang ulo ko sa dibdib niya. Hinawakan niya ang kamay ko.
"Hmm?"
Nandito kami sa sala ng bahay nila. Wala dito ang parents niya. May business trip daw. Legal kami kaya wala namang dapat ipag-alala. At wala naman kaming gagawin na masama. May galang sa akin si Kevin kaya alam kong hindi niya magagawa 'yun.
"May problema ka ba? Bakit ang cold mo?" tanong ko.
"Wala." sagot niya habang nakatuon lang ang atensiyon sa screen ng TV.
"Yung totoo, babe." pamimilit ko.
Mahabang katahimikan ang nagdaan sa aming dalawa. Walang nagsasalita at wala ding gumagalaw. Kung ano 'yung posisyon namin kanina, ganun parin yung posisyon namin hanggang ngayon.
"Naaalala mo ba 'yung unang araw na nagkakilala tayo?" tanong niya.
"Uh, huh?"
"Gabi noon. Nasa tulay ka, naglalakad at parang wala sa sarili. Umiiyak ka rin noon..."
Bigla ko tuloy naalala ang mga sumunod na parte ng masasakit na alaala ko sa nakaraan…
***
"Papa, ang tanda niyo na para gawin pa 'yan! Mahiya naman kayo sa mga nakakakita sa inyo!" bulyaw ko sa ama ko.
Simula ng iwan kami ni Mama, tuwing gabi, iba't-ibang babae ang dinadala niya sa bahay namin. Mga babaeng nangingintad sa make-up ang mukha. Nangangapal ang balad sa mukha dahil sa kapal ng foundation. Sa pananamit palang nila na kulang na kulang sa tela at sa suot nilang makakapal na make-up, alam mo na kung ano ang trabaho nila.
"Huwag mo akong pakikialaman. Buhay ko 'to."
Right. It's your life. Wala naman akong pakialam, actually. Nahihiya lang ako para sa sarili ko. Simula nang makita ko ang lahat ng ginawa mo kay Mama noong iniwan nito kami, kinamuhian ko na ang sarili kong ama.
Ilang sandali pa, dumiretso na sila sa taas, sa kwarto ni Papa. Napabuntong-hininga nalang ako. Hindi na ako magtataka kung isang araw mabalitaan kong marami akong kapatid sa labas. Sa dami ba naman ng babaeng iniuwi niya sa bahay, at idiniretso sa kwarto, imposibleng walang nangyayari sa kanila. Lalong imposible na nagba-bato bato pik lang sila doon.
--x
3 months later, may babaeng pumunta sa bahay. Hawak niya ang tiyan niya at hinahanap si Papa.
"Wala dito ang taong 'yun. Hindi ko nga alam kung dito pa nakatira 'yun, eh." walang emosyon kong sabi.
Ang bigat ng pakiramdam ko. Wala akong kaibigan na masabihan. Wala akong kaibigan na masandalan sa mga oras na ganito. Ang hirap palang mag-isa. Bigla ko tuloy namiss si Mama. Sana bumalik na siya para kuhanin ako. Halos wala akong makasama sa napaka-laking bahayna ito. Kung meron man, isang lalaking walang ibang ginagawa kundi ang makipag-talik sa mga babae niya at lampasan ako na parang hindi ako kilala. Sobrang dalang ng mga oras na kausapin niya ako. Feeling ko, hindi rin ako nag-eexist sa mundo. Tumulo nalang ang mga luha ko nang marealize na mag-isa lang pala akong kumakain ng hapunan sa napaka-habang table sa dining area namin.
--x
Kinabukasan, pag-uwi ko galing sa school, nakita ko na naman ang babae doon. Nakaupo siya sa couch at pinag-lalaruan ang mga daliri. Bakas din ang kaba sa kanya.
"Andito na ba 'yung taong hinahanap mo?" tanong ko sa kanya patungkol kay Papa. Halata namang nagulat siya nang magsalita ako.
"O-oo. N-nasa kwarto lang siya. Nagbibihis." sabi niya ngunit naka-iwas ang kanyang tingin sa akin. Malakas ang kutob ko na hindi siya nagsasabi ng totoo.
Mabilis kong tinungo ang second floor at pinuntahan ang kwarto ni Papa. Binuksan ko ang pintuan ng walang takot at nagulat ako sa nakita ko, kahit na alam kong hindi na dapat ako magulat.
May bagong babae na naman sa kwarto ni Papa na kasama niyang ginagawa ang bagay na 'yon. Hindi nila yata napansin na binuksan ko ang pinto dahil patuloy parin sila sa ginagawa nila at sa pag-halik ni Papa sa iba't-ibang parte ng hubad na katawan ng babaeng 'to.
"Papa, may naghahanap sayo sa baba." matapang kong sabi.
Halata namang nagulat silang dalawa nang magsalita ako.
"Jesus, Suzette. Kumatok ka nga sa susunod! Punyeta." sabi niya at pumatong ulit sa babae at ipinagpatuloy ang naudlot nilang pagtatalik.
Shit. What is happening to my father? He's 35 and he's acting like he's 18. Wala naman kasi sa itsura ni Papa na 35 na siya. Mukha lang siyang early 20's kaya siguro pinapatulan parin siya ng napaka-raming babae ngayon.
Bumaba ako at hinarap ko ang babaeng kanina pa naghihintay sa ama kong walang kwenta.
"Umuwi ka na. Wala kang mapapala sa taong 'yun. Pariwara na. Hindi mo na mapapakinabangan 'yon." malamig kong sabi.
Marahan siyang umiling ng ilang beses at nakita ko ang mga luhang tumulo mula sa kanyang mga mata. Sayang ang ganda niya. Pinatulan niya 'yung ama ko. Nagpadala siya sa init ng katawan. I sighed.
"Hindi pwede. Kailangan na niyang malaman 'to." giit niya.
Mahigpit ang hawak niya sa tiyan niya na parang may napaka-importanteng bagay na dapat niyang ingatan. Nanlaki ang mga mata ko sa napagtanto ko.
"D-don't tell me. . .y-you're--"
"Yes, I am. I'm pregnant. And your father is the father of my baby, too. Please tell him that I badly need to talk to him."
Halos nagmamakaawa na siya nang sinasabi niya 'yan dahil nakahawak siya sa dalawang braso ko at umaagos ang luha niya. Magsasalita palang ako nang may marinig kaming footsteps sa hagdan. Napalingon kaming pareho doon.
"Ano na namang kailangan mo, Allaine? Pera?" malamig na sabi ni Papa sa kanya.
Allaine? Parang narinig ko na ang pangalang 'to. Actually, hindi ko pa nakitang dinala ni Papa 'yung babae na 'to dito sa bahay. Nagulat ako nang maalala ko na kapag may tawag siya from office, sinasabi niya ang pangalang Allaine. Hindi kaya ito ang secretary niya? At hindi kaya. . .doon nila 'yon ginawa? Napa-iling ako sa naisip ko. Geez. What the hell am I thinking?
"No, Allan. Hindi ko kailangan ng pera mo. Kailangan ko lang sabihin sayo na buntis ako. At ikaw ang ama nito." tumutulo parin ang luha ni Allaine habang sinasabi 'yon.
Bakas sa mukha niya na nagulat siya sa sinabi ni Allaine. Mabilis na lumapit si Papa kay Allaine. Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat. Buong akala ko ay sasaktan na siya ni Papa. Nagkamali ako.
"T-Talaga? M-magiging Daddy na ulit ako?" masaya at hindi makapaniwalang sabi ni Papa sa babae.
Nagulat ako sa inasta ni Papa. Hindi ko alam kung mahal niya 'yung babae pero malinaw sa boses at reaksiyon ni Papa na kahit hindi niya pa nakikita ang anak niya sa babaeng ito, mahal na mahal na niya 'yun.
--x
Simula nung araw na 'yon, lalo akong naitchapwera sa bahay. Doon na tumira sa Allaine sa amin dahil nga ama ng dinadala niya si Papa. Mabait naman siya. Pero hindi ko maiwasan 'yung mainis sa kanya at sa baby na dinadala niya dahil simula nung dumating sila sa buhay namin ni Papa, lalo akong nawala sa eksena. Lalo akong hindi napansin ni Papa.
Palaging matataas ang exams ko dahil gusto kong ipakita kay Papa na magaling ako, na dapat maging proud siya sa akin. Pero palagi niya akong nilalampasan para puntahan ang malaki ang tiyan na si Allaine sa tuwing sasalubungin ko siya sa pinto galing trabaho.
Nagbago na si Papa. Hindi na ulit siya nambabae simula nang malaman niyang magkakaanak na ulit siya. Nainis na naman ako. Kahit kailan, hindi nagbago si Papa kahit na ilang beses ko nang sinasabi sa kanya 'yun.
May halaga pa ba ako sa buhay ni Papa?
Isang araw, noong inaantay ko si Papa dahil may maganda akong balita sa kanya. Nakaupo ako sa couch at excited na makita si Papa habang si Allaine naman ay nagluluto sa kusina.
Gusto kong sabihin kay Papa na sa darating na pagtatapos ng Sophomore year ko, second honor ako. Gusto kong sabihin sa kanya na sana, samahan niya akong umakyat sa entablado sa nalalapit na recognition. Pero I doubt if he'll do.
"Second? You're not the best. Bakit magsasayang pa ako ng effort na samahan kang umakyat sa stage kung hindi naman ikaw ang first?" sabi ni Papa sa akin nang sinabi ko na sa kanya. Pumunta siya sa kusina at niyakap mula sa likod si Allaine at hinalikan ito ng mabilis. Hinawakan ni Papa ang tiyan ni Allaine na malaki na. 5 months na kasi. "Sigurado ako na kapag lumabas na ang baby natin sa sinapupunan mo, siya ang first honor palagi."
And now he's comparing me to his not yet born baby. That was really insulting.
"Papa naman! I'm doing my best for you to be proud of me but you keep on ignoring me. What did I do to you?" tanong ko habang tumutulo ang mga luha.
"You didn't do anything, Suzette." sabi niya at nilampasan na naman ako.
Pumunta na siya sa taas sa kwarto niya habang ako, naiwan akong nakatayo at umiiyak doon. Lumapit sa akin si Allaine at pinunasan ang luha ko.
"Don't worry. Ako ang sasama sayong umakyat sa stage para kuhanin 'yung award mo sa school, huh?" sabi niya.
Nagulat siya nang tinabig ko ang kamay niyang nakahawak sa pisngi ko. Ang tagal ko nang kinimkim ito. Ngayon ko na siguro ilalabas.
"Alam mo, nang dahil sayo, nawalan na lalo ng oras at panahon sa akin si Papa. Simula nang dumating kayo sa buhay namin, wala na siyang ibang sinabi kundi, Allaine, Allaine, Allaine! Allaine and the baby, Allaine and the future, Allaine and the fucking everything. Simula nang dumating ka at ang batang 'yan," sabi ko sabay turo sa tiyan niyang malaki na. "Nawala na si Suzette."
Nakita kong tumulo ang luha niya.
"Araw-araw akong nagpapaka-pagod sa pag-aaral para bumalik ang atensiyon na nawala sa akin ni Papa. Araw-araw kong hinihiling na sana, ako naman ang mapansin ni Papa, na sana maging proud siya sa akin dahil magaling ako at palagi akong kasama sa honors. Pero ano? Wala. Ang palaging sinasabi, Allaine. Allaine and the fucking baby!"
Sinampal niya ako ng malakas nang marinig ang huli kong sinabi.
"Suzette, I didn't do anything bad towards you. Nagsumikap akong kuhanin ang mailap mong loob. Hindi ako naging bitch sayo. Kaya wala kang maisusumbat sa akin." giit niya.
"Alam ko. Pero kung hindi ka lang rin naman nakipag-landian sa Papa ko, de sana wala kang naririnig sa akin ngayon. Kung hindi ka lang naman pumayag na makipag-sex sa Papa ko, de sana wala akong pino-problemang not yet born baby ngayon! The fuck that baby. Sana, mamatay nalang siya!"
"Suzette! Watch your mouth!"
Nagulat ako sa sigaw ni Papa sa staircase. Natakot na naman ako sa itsurang ibinigay niya sa akin. 'Yung mukha niya ngayon, parang 'yung araw na sinaktan niya ang Mama ko.
Lumapit siya sa akin at hinawakan ng napaka-higpit ang dalawang pisngi ko gamit ang isang kamay niya.
"Allan! Nasasaktan 'yung bata!" sigaw ni Allaine.
"Ano 'yung huling sinabi mo?" tanong niya.
Hindi ako nagsalita. Nakatingin lang ako sa mga mata niyang galit na nakatingin sa akin. Tumutulo ang luha ko dahil sa sakit, sa takot, at sa sama ng loob.
"Did you just say that the baby must die?" tanong pa ni Papa. Hindi ulit ako kumibo. Naramdaman ko nalang na lumapat ang malapad niyang palad sa pisngi ko.
"Allan, tama na!" sigaw ni Allaine. Napa-hawak siya sa tiyan niya. Nasaktan siguro noong sumigaw siya.
"Sa susunod na maririnig ko 'yan sayo, sisiguraduhin kong hindi mo na maibubuka ang mga bibig mo." sabi ni Papa at itinulak ako ng malakas, dahilan para mapahiga ako sa sahig.
Umalis na ulit si Papa at papaakyat na sa taas ulit. Si Allaine naman ay tinulungan akong tumayo, pero siguro, dahil na rin sa sobrang galit ko, itinulak ko siya ng malakas at tumakbo ako palabas ng bahay.
Hindi pa man ako tuluyang nakakalabas ay narinig ko na ang malakas na daing ni Allaine. Napalingon ako doon at nakita kong umiiyak si Allaine habang umaagos ang dugo sa binti niya. Nanlamig ako sa nakita ko
"A-Allaine. . ."
Narinig ko ang mga nanginginig na boses ni Papa. Nakita ko na pumunta siya kay Allaine.
Binuhat niya ito at mabilis na dinala sa ospital. Hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin. Nung araw na 'yun, naramdaman ko na. . .wala na. Lalong nawala si Papa dahil sa kagagawan ko.
Kinagabihan, bandang alas-diyes, noong umuwi si Papa, nalaman ko nalang na nakunan nga si Allaine. They lost the baby. . .and that's because of me. I heard him crying inside his room. Napatakip ako ng bibig dahil noon ko nalang ulit narinig si Papa. Last time na narinig ko siyang umiyak, noong iniwan kami ni Mama. And that was almost a year ago.
Lumabas ako ng bahay na umiiyak. Yakap-yakap ang sarili ko dahil sa lamig ng hangin. Iyak ako ng iyak dahil hindi ako makapaniwalang nakapatay ako ng walang kamuwang-muwang na bata.
Takot na takot ako sa ideya na baka ipakulong ako ng sarili kong ama dahil sa nagawa ko. Hindi ko sinasadya. Sobrang nagalit lang ako dahil para akong buhay pero invisible. Walang pumapansin. Parang hangin.
Hindi ko namalayan na nasa tulay na pala ako at naglalakad habang iyak ng iyak. Hindi ko agad narealize na ganun na pala kahaba ang nalakad ko. Maraming sasakyan ang nagdadaan. Pero hindi ko alam kung bakit hindi ako natatakot na masagasaan. Siguro, dahil iniisip at hinihiling ko nalang na sana. . .mamatay nalang ako.
"Mama," sabi ko. Huminto ako sa paglalakad at tumingin sa ilog sa ilalim ng tulay. "Mama, takot na takot po ako."
Walang tigil sa pagtulo ang luha ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Mag-isa lang ako. Wala akong kaibigan na masandalan. Wala akong kapatid na mapagsabihan. At wala akong ina na mayayakap sa ganitong sitwasyon.
"Mama, sana sumama nalang ako sa inyo. Miss na miss na kita. Sana, hindi nalang ako nagmatigas noon. I'm sorry. I'm sorry, Mama."
Napahagulgol na ako. Bigla kong naalala si Papa kanina. Umiiyak siya. Sobrang sakit para sa akin na malamang nasasaktan siya. Noong unang beses na narinig ko siyang umiyak, 'yun ay nung nag-agaw buhay ako dahil na-dengue ako nung bata ako. Naririnig ko siyang umiyak nun nang nagising ako at hindi nila alam 'yun.
Nung pangalawa ay iniwan siya ni Mama. Malaki rin ang involvement ko dito dahil. . .hindi ko rin alam. Basta alam kong malaki ang involvement ko dito.
At pangatlo. . .'yung kanina. Nung nawala ang baby nila dahil sa akin.
Napahagulgol ako lalo sa narealize ko. Puro pala ako ang nagdudulot ng sakit sa kanya. . .sa kanila. Siguro, kung mawawala ako sa mundong ito, hindi na siya masasaktan.
"Papa, I'm sorry. Mahal po kita. Sorry po. Hindi ko sinasadya. Mama, kung nasaan ka ngayon, sana masaya ka na. Sana wag ka nang malungkot, at sana, makalimutan mo na 'yung mga ginawa sayo ni Papa."
Tumuntong ako sa gilid ng tulay. Biglang humangin ng malakas. Natakot ako. Kung mamamatay ba ako ngayon dito, may iiyak kaya sa akin? Kung mamamatay ako ngayon dito, may malulungkot kaya sa pagkawala ko?
Siyempre, wala. Wala nga akong kaibigan kahit isa eh.
Napangiti ako at pumikit. Ang saya daw mabuhay. Hindi ko maramdaman 'yung saya na sinasabi nila. Siguro, dapat na akong mamatay ngayon para matigil na lahat ng sakit na nararamdaman nila. Para hindi ko na ulit sila masaktan.
"I'm sorry. I'm sorry." paulit-ulit kong sinasabi habang nakapikit.
"Miss!"
May naririnig akong sumisigaw sa malayo pero hindi ko nalang pinansin dahil hindi naman ako ang tinatawag nun. Imposible dahil wala naming pakialam ang mga tao sa akin. Simula nang iwan ako ni Mama at nang magbago sa akin si Papa, wala na. Wala nang may pakialam sa akin. Bumuntong-hininga ako bago tumalon sa tulay habang nakapikit ng mariin ang mga mata.
I'm sorry.
"Miss!"
***
When I jumped to death, he saved me. I asked him to let go of me but he didn't. He just told me that he will never let go of me no matter what.
I heard my heart beats fast that time. Simula noong araw na iniligtas niya ako, naging masaya ako kahit papaano. He gave me a new life to live happily. He told me too, that I didn't have to worry because no matter what happens, he'll always stay by my side.
When he told me that he will never let me go no matter what happens in that life and death situation, I kept it in my heart forever. Hanggang ngayon, pinanghahawakan ko parin 'yun.
Kasi ngayon, ang alam ko lang, kapag binitawan niya ako sa relasyong ito, kahit na hindi ako tumalon sa tulay, alam ko na mamamatay ako.
I gave him all of my heart. I gave him my all. Uh, not the 'all' that everyone's thinking, but all the love I have from myself. Siya lang ang pinagbigyan ko ng buong-buong pagmamahal ko. Wala akong itinira sa sarili ko. I love him so dearly that I will do everything for him wag niya lang akong iwan.
Pero sa nararamdaman ko ngayon, unti-unti na siyang bumibitaw sa mahigpit na kapit niya sa akin.
___________
Author's Note:
Hi! Sana nag-eenjoy kayo sa mabigat na emotion ng story na ito. :D Ako kasi, nag-eenjoy eh. Hahahahaha. :D So, pansin niyo naman, puro tayo flashbacks, 'di ba? Kunwari, If I Stay ito. :D De, joke langs. :3 De, ayun. Ipapakita ko lang sa story na 'to kung paano nagkakilala si Kevin at Suzette. Kung bakit nagkaganun si Suzette at bakit siya isang suicidal using flashbacks. :D
Next chapter, flashback ulit, ah? Yun naman ay kung ano ang nangyari kay Suzette at Kevin after ng suicide part. Tsaka kung paano at bakit naging sila. :) I assume that you'll hate Suzette after Dream #1. Hahahahaha. :D Pero hindi naman siguro. :D
So, ayun. Salamat sa pagbabasa. :D Sana ay nag-enjoy kayo. ♥
-MarisolMariano
(@MarissRocks_)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top