RIMD: Dream #19
Reality in My Dreams
RIMD: Dream #19
Dahan-dahan akong lumabas ng bahay. Hinubad ko pa ang suot kong tsinelas para masigurong hindi ako makagagawa ng ingay. Pagkalabas ko ng bahay, nakita ko si Kevin na nakatayo sa labas. Ngumiti siya sa akin. Ngumiti rin ako sa kanya. Dahan-dahan kong isinarado ang gate at naglakad palapit sa kanya.
"Kamusta?" Tanong niya. Nag-shrug na lang ako ng balikat. Naglakad-lakad na kami palayo sa bahay namin.
"Anong naisip mo at inaya mo akong lumabas ng ganitong oras?" Tanong ko.
"Masarap maglibot kapag ganitong oras. Hindi mainit tsaka hindi matao. Tsaka napapansin ko kasi nitong mga nakaraang araw na parang may problema ka, eh. Baka lang makatulong ako na mabawasan kahit papaano yung problema mo. Alam mo na. Gwapo kasama mo."
Natawa ako at napairap sa kanya bago sinuntok siya sa braso.
"Yabang mo talaga kahit kailan. Paksyet ka." Natatawa-tawa kong sabi.
"Kidding aside, mukhang mas okay ka na ngayon kesa kanina." Sabi niya. Ngumiti ulit ako.
"Okay na kami ni Papa, eh. Nagkausap na kami kanina. Ipinaliwanag na niya sa akin lahat. Mas naiintindihan ko na ang lahat ngayon. Siguro, masyado niya lang minahal si Mama kaya sobra siyang nasaktan nung iniwan niya kami. Naiintindihan ko naman, eh. Ang ikina-sama lang ng loob ko noon, bakit hindi man lang niya naisip na. . .nawalan rin naman ako ng ina, di ba? Pero okay na sa akin. Masaya ako na maayos na kami. Umaasa parin ako na magkikita kami ni Mama. Alam kong babalikan niya ako. Kahit gaano kataga, hihintayin ko siya. Ang hinihiling ko na lang ngayon, sana maging maayos na lahat ng nagpapagulo sa buhay ko. Masyado na kasing maraming problema meron ako, eh. Iniisip ko nga, ano bang kasalanan ko para maranasan 'to lahat? Bakit pakiramdam ko, pinaparusahan Niya ako?"
Hindi ko kaagad namalayan na umiiyak na pala ako habang nagsasalita. Nalaman ko na lang nung huminto sa paglalakad si Kevin at pinunasan ang pisngi ko.
"Kevin. . .hanggang kailan ako magpaparaya? Hanggang kailan ako magsasakripisyo ng mga taong mahal ko? Hanggang kailan ko isasakripisyo ang sarili kong kaligayahan para maging maayos lang ang lahat? Sobrang masakit na kasi dito." Sabi ko tapos itinapat ang kamay ko sa kaliwang dibdib ko. "Sobrang sakit, pakiramdam ko, mamamatay na ako."
Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako para yakapin. Nakatapat lang ang tenga ko sa dibdib niya at rinig ko ang mahinahong tibok ng puso niya. Nakahawak ang isang kamay niya sa ulo ko at ang isa naman ay nasa baywang ko.
"Alam mo, Suzette, habang nabubuhay ka, hindi matatapos ang pagsasakripisyo mo. Sa bawat pagsubok sa buhay, para maging maayos ang lahat, kailangan may magsakripisyo."
"At kailangan laging ako?" Giit ko. Kumalas ako sa yakap. "Pero unfair eh. Unfair na. Bakit kung kailan masaya na ako, tsaka ko kailangang isakripisyo yung tao o bagay na dahilan ng kasiyahan ko? Kevin, ayoko nang magparaya. Gusto ko nang maging selfish kahit ngayon lang. Mahal ko yung taong sinasabi niyo na isakripisyo ko para maging maayos ang lahat, eh. Isinakripisyo na nga kita, eh. Bakit kailangan pati siya?"
Umiyak ako ng umiyak matapos kong sabihin iyon. Takip-takip ko ang mukha ko gamit ang dalawang kamay ko habang umiiyak. Hindi nagsalita si Kevin. Ilang saglit akong humahagulgol at tahimik si Kevin bago siya nagsalita.
"Sino ba ang mahal mo? Sabihin mo na sa akin lahat lahat ng nangyayari sayo. Hinding hindi kita huhusgahan."
"Hindi mo ako paniniwalaan." Giit ko.
"Maniniwala ako. Pangako "
'Yon na siguro ang naging cue ko para sabihin ang lahat sa kanya.
"I am experiencing a lucid dreaming." Bakas sa mukha niya na naguguluhan siya sa sinabi ko kaya ipinagpatuloy ko na ang sinasabi ko.
"Bakit sabi nila, kapag naglu-lucid dreaming ka, mako-kontrol mo daw yung panaginip mo. Bakit sa akin, iba? Bakit ako. . .bakit ako ang kinokontrol ng panaginip ko? Bakit kinokontrol ng panaginip ko ang buhay ko?
"Noong araw na nakipag-break ka sa akin, noong gabing iyon, doon nagsimula ang lahat. Sa panaginip ko, nakapunta ako sa isang lugar na napaka-ganda. Sa panaginip ko, nakaupo ako sa swing at umiiyak dahil nakipag-break ka sa akin. Hanggang sa may lalaking lumabas mula sa likod ng malaking puno. Lumuhod siya sa harap ko at nilagyan ako ng bulaklak sa tainga. Doon ko nakilala yung taong binigyan ako ng ikalawang pagkakataon para magmahal muli. Doon ko nakilala si Reywen. Yung taong kahit na hindi ko maalala kung ano ang itsura niya sa tuwing gigising ako, siya yung taong nagturo sa akin kung paano magmahal muli pagkatapos mong masaktan ng sobra sa isang taong minahal mo ng sobra."
I don't know if it sounds harsh to him pero wala akong ibig sabihin doon. Naka-move on na ako sa kanya at para sa akin, nakaraan na yun.
"Every time I am with him, it feels nostalgic. Yung pakiramdam na parang. . .parang nangyari na lahat. Yung parang naramdaman mo na yung saya na yun sa iisang tao lang din. Siya yung nagbigay ng magic sa buhay ko. Yung kahit na sa mundo ng panaginip lang kami nagkikita, okay lang sa akin. Kahit saan kami magkita, okay lang sa akin. Basta kasama ko siya, okay lang lahat. Masaya naman ako, eh. Kahit pakiramdam mo, mali yung ginagawa niyong pagkikita sa panaginip, iaalis mo na sa isip mo yun kasi mas importante para sayo na kasama mo siya. Kasi kapag kasama mo siya, pakiramdam mo lahat ng mali, magiging tama.
"Pero dumating yung araw na kailangan ko na pala siyang bitawan. Kailangan ko na siyang pakawalan. Kailangan ko na siyang palayain. . .kasi mamamatay siya kapag hindi ko ginawa iyon."
Kita ko ang gulat sa mukha niya nang sinabi ko iyon. Noong sinabi ko ang huling linya.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong niya.
"Isang gabi bago ako matulog, hiniling ko na sana malaman ko ang istorya sa likod ng pagkikita namin ni Reywen sa panaginip. Nung mga araw na yon, hindi na nagpapakita sa akin si Reywen dahil inakala niyang ikaw parin ang laman ng puso ko. Inakala niyang mas pinipili kita kaysa sa kanya. Nung araw na hiniling kong sana malaman ko ang istorya ng paglu-lucid dreaming ko, pinakinggan ng dream catcher ang kahilingan ko. At doon ko nalaman na he's in comatose for two years. Hindi siya kaagad gumising dahil hinahanap niya ang taong magpapaligaya sa kanya. Hanggang sa. . .hanggang sa nakita niya ako sa lugar ng panaginip. At dahil sa akin, ayaw na niyang gumising. Dahil sa akin, pwede siyang huwag magising habang-buhay. Kapag hindi ko siya pinakawalan. . .tuluyan na siyang mawawala sa akin."
Hindi ko mapigilan ang sarili ko na masaktan dahil sa tuwing iniisip ko na mangyayari na iyon. Ang sakit. Naipit na naman ako sa sitwasyong hindi ko kayang bumitaw.
"Bakit hindi mo pa siya pakawalan kung ganoon?"
Automatic na napatingin ako sa kanya nang sabihin niya iyon.
"Anong. . .anong sinabi mo?"
"Siya. Yung. . .si Reywen. Bakit hindi mo pa siya pakawalan?"
"Pakawalan? Hindi, Kevin. Hindi ko na kayang magparaya pa ulit. Sobra-sobra na ang isinakripisyo ko para lang mabuhay ng masaya. Hindi na ulit ako magsasakripisyo." Giit ko at ipinagpatuloy na ang paglalakad.
"Ang tagal mo nang nagsasaripisyo. Ngayon ka pa ba susuko?"
Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang sinabi niya.
"Maaatim mo bang mag-hold on sa isang tao na alam mong mawawala sayo habang buhay kapag hindi mo binitawan?"
Lumingon ako sa kanya at nagsalita.
"Hindi mo kasi ako naiintindihan, Kevin, eh! Hindi mo naiintindihan na kapag binitiwan ko siya ngayon. . .maaaring hindi na kami magkita kahit kailan. At ayokong mangyari iyon, Kevin. Ayoko nang mawala sa akin si Reywen. Hindi ko na kakayanin pa." Malakas na sabi ko sa kanya.
"Suzette, hindi mo ba alam na kahit anong mangyari, kahit anong gawin mo, kahit na mag-hold on o mag-let go ka, mawawala rin siya sayo. Kapag pinakawalan mo siya, mawawala siya sayo ngayon. Pero may possibility na magkita kayo sa hinaharap. Malay natin, baka kayong dalawa pala ang itinadhana. O kaya naman,kapag patuloy kang nag-hold on sa kanya, maaaring hindi siya mawala sayo agad, pero kapag dumating ang oras na kinatatakutan mo, ang pagkawala ng tuluyan niya sayo, hinding-hindi na ulit kayo magkikita kailanman. Suzette, hindi pa ito ang tamang panahon para sa inyong dalawa. Ano bang mas gusto mong mangyari, pakawalan mo siya ngayon at may posibilidad na magkita kayo sa tamang panahon, o mag-hold on ka sa kanya at kapag dumating na ang oras niya, hindi na ulit kayo magkikita kahit kailan. Anong gusto mo, Suzette? Mag-hold on at habang buhay na magdusa o magparaya at hintayin ang tamang panahon para sa inyong dalawa?"
Sa mahabang sinabi ni Kevin, isa lang ang napagtanto ko. Tama siya. Kahit na anong piliin ko, kahit na anong gawin ko, mawawala at mawawala rin sa akin si Reywen dahil hindi ito ang tamang panahon at lugar para sa aming dalawa.
"Hanggang kailan ba ako maghihintay, Kevin? Hanggang kailan ba ako magpaparaya at magsasakripisyo? Ano ba talaga ang plano Niya para sa akin? Habang buhay na ba akong ganito? Huh?" Sunud-sunod na tanong ko habang sunud-sunod din na tumutulo ang mga luha ko.
Lumapit sa akin si Kevin at pinunasan ang luha ko. Inilagay niya sa likod ng tenga ko ang mga buhok ko na hinangin.
"Bata ka pa, Suzette. Marami pang pwedeng mangyari sa buhay mo. Marami ka pang challenges na haharapin at marami ka pang blessings na tatanggapin. Basta palagi mo lang tatandaan na ang taong maraming isinakripisyo para maging maayos ang lahat, marami ring dadating na reward para sa kanya. Kaya huwag kang mapagod na magsakripisyo, dahil hindi Siya napapagod na gabayan ka sa mga pagsubok na kinakaharap mo."
***
Almost 12a.m na nang ihatid ako ni Kevin pabalik dito sa bahay dahil niyaya niya pa akong kumain ng lugaw dahil daw nagutom siya dahil sa pagpapatahan sa akin. Napangiti naman ako nang makita ang kainan na yun. Doon kasi kami kumakain dati ni Kevin noong boyfriend ko pa siya. Naalala ko lang.
Nandito na ako sa kwarto ko at nakatitig sa bulaklak na unti-unti nang nalalanta. Ito yung bulaklak na ibinigay sa akin noon ni Reywen. Nakakatawa lang na ilang buwan na ang nakakaraan pero buo patin siya. 'Yun nga lang, unti-unti na siyang nalalanta. Unti-unti nang nagiging brown ang gilid ng petals ng bulaklak. Nasisira na siya.
Humiga ako sa bed ko at ipinikit ang mga mata dahil masyado nang late para manatili akong gising. Maaga pa naman ang pasok ko bukas.
*~*~
[A/N: Please play Empty by The Click Five while reading this part. The lyrics has nothing to do with the chapter so. . .just listen and feel the emotions, okay? :) Thanks.]
Nakita ko na nasa lugar na ulit ako ng panaginip pero bakit pakirandam ko, hindi ako totoo? Bakit iba yung nararamdaman ko?
♪♫♪ Tried to take a picture
Of love
Didn't think I'd miss her
That much
I want to fill this new frame
But its empty. ♪♫♪
Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa bench. Maglalakad na sana ako paalis doon para hanapin ulit si Reywen pero paglingon ko, nakita ko siyang nakatayo doon. Lalapitan ko na sana siya pero napatigil ako nang maramdaman kong may kakaiba sa kanya.
♪♫♪ Tried to write a letter
In ink
Its been getting better
I think
I got a piece of paper
But its empty
Its empty ♪♫♪
"R-Reywen. . ."
Walang emosyon ang mga mata niya. Natatakot ako sa mga mata niya. Pakiramdam ko, hindi siya yung Reywen na minahal ko.
"Reywen. . ."
♪♫♪ Maybe we're trying
Trying too hard
Maybe we're torn apart
Maybe the timing
Is beating our hearts
We're empty ♪♫♪
Umiling siya at kita ko sa mukha niya ang pagkadismaya. Umiling siya na parang sobra siyang disappointed sa akin. At nasasaktan ako ng sobra dahil doon.
"R-Reywen. . . Reywen, anong nangyari?" Tanong ko ngunit hindi siya agad sumagot. Tumingin lang siya sa akin ng matagal bago nagsalita.
♪♫♪ And I've even wondered
If we
Should be getting under
These sheets
We could lie in this bed
But its empty
Its empty ♪♫♪
Para akong nabingi sa sinabi niya. Pakawalan. . .anong. . .anong ibig niyang sabihin?
"Reywen. . .nagbibiro ka ba?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Umiling lang siya bilang sagot. Umagos ang luha ko sa sinabi at ginawa niya.
"Reywen, alam mong hindi ko magagawa yan. Mahal kita. At hindi kita pakakawalan. Ayoko na eh. Ayoko nang magparaya dahil pagod na ako. Pagod na pagod na ak--"
"Pagod na rin ako, Suzette. Kaya huwag ka nang maging makasarili at pakawalan mo na ako."
♪♫♪ Maybe we're trying
Trying too hard
Maybe we're torn apart
Maybe the timing
Is beating our hearts
We're empty ♪♫♪
Hindi ako makapaniwala. Hindi ito ang taong minahal ko sa mundo ng panaginip. Hindi ito ang Reywen Javier na ipinaglalaban ko ngayon.
"Buong buhay ko, wala akong ginawa kundi ang magparaya para maging maays ang takbo ng buhay ko. Please, Reywen. Nagmamakaawa ako. Huwag mo namang hilinging pakawalan kita dahil hindi ko na alam kung kakayanin ko pa." Halos pagmamakaawa kong sabi sa kanya.
Hindi ulit siya sumagot. Sa halip, tinalikuran niya ako at humakbang palayo sa akin. Hinabol ko siya at hinawakan ko siya sa braso para pigilan.
"No! No, Reywen, please. Please, don't do this to me, please."
Hindi ulit siya sumagot. Ang huling ginawa niya ay ang nagpawasak sa puso kong matagal nang winasak ng mga pagsubok. Kinalas niya ang pagkakahawak ko sa braso niya at walang tingin-tingin na naglakad palayo sa akin.
♪♫Maybe we're trying
Trying too hard
Maybe we're torn apart
Maybe the timing
Is beating our hearts
We're empty ♪♫♪
Hindi ko na nagawang humabol pa. Sobrang sakit lang ng ginawa niya na parang kinuha niya ang pinaka-mahalagang bagay sa akin. Ang sakit. Sobrang sakit. Nanatili lang akong nakatayo at nakatingin sa likod niyang naglalakad palayo sa akin hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa paningin ko.
"REYWEN!!!"
♪♫♪ We're empty
We're empty ♪♫♪
____________
Author's Note:
So. . .what can you say about this chapter? Ang ganda ng kanta, di ba? :)
Hello, guys! Sorry kung nadelay ng ilang oras ng update na ito. Sabi ko, hapon or gabi ko ipopost ito eh. Jusq, madaling-araw na. Huhuhu. Sorry. :3
Masyado kasi akong nainspire sa kasal ni Paul at Toni. Nakalimutan ko pang ipost ito dahil masyado akong preoccupied sa kanila. Ugh! :"> Pinatunayan lang nilang dalawa na True Love Really Waits. ❤
Kaya kayo mga bata, wag magmamadali, ah? May tamang panahon para dyan. Wag munang magbo-boyfriend. Aral muna. :D Soon, mahahanap rin natin yung sarili nating Paul Soriano. Maybe not as good as him but at least, we were perfect together. Dibuuh? Hahaha.
Drama ko. Hahaha! Ang totoo niyan, kumakain ako. Nagutom ako kaiiyak dahil kay Alex. Nakakaiyak, eh. I perfectly understand her.
Anyway, thank you for reading! :D
PS: Thank you, Ririe Soliman for the lyrics. Ayaw talagang gumana ng Chrome ko kanina. Huhuhu. Bwisit. Kinain pa load ko. :/ Thank you talagaaaaa. :* At sana mabasa mo itong author's note ko at pasasalamat sa pagsearch mo sa lyrics :D
-MarisolMariano ❤
(@MarissRocks_)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top