RIMD: Dream #18
Reality in My Dreams
RIMD: Dream #18
"No. . ."
Kitang-kita ko kung paano dumiretso ang linya ng cardiac monitor ni Reywen. Sunud-sunod na tumulo ang luha ko.
"No. . ."
"Suzette!"
Kitang-kita ko rin kung paano umiyak ang Mama at Papa niya.
"No, Reywen." Sabi ko habang umiiling at umiiyak.
"Suzette!!!"
Tumingin sa akin ang Mama at Papa niya at base sa mga tingin nila, ako ang sinisisi nila sa pagkamatay ng nag-iisa na lang na anak nila.
"Kasalanan mo lahat 'to!" Umiling ako sa sinabi nila. "Ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang anak namin. Ikaw ang dahilan, dahil hindi mo siya pinakawalan!"
"NO!!!"
"Suzette, wake up!"
Napamulat ako ng mata nang marinig ko si Allaine na tinatawag ang pangalan ko. Kita ang pag-aalala sa mukha niya. Umupo ako at mabilis siyang niyakap at doon, umiyak ako ng umiyak. Nananaginip lang pala ako. Akala ko, totoo na.
"What happened?" Tanong niya habang hinahagod ang likod ko.
Wala akong nagawa kundi ang humagulgol habang paulit-ulit lumalabas sa bibig ko ang mga salitang. . .
"I'm sorry, Reywen. I'm sorry. I'm sorry."
Hindi. Hindi ito panaginip. Isa itong bangungot. Bangungot na kailanman ay hindi ko na aasamin pang balikan.
***
Simula nang dalhin ako ng Dream Catcher sa nakaraan at kasalukuyan ni Reywen, two weeks ago, gabi-gabi na akong nananaginip ng ganoong klaseng panaginip. Panaginip kung saan nakikita kong nawawala ng tuluyan sa akin si Reywen. Yung mga pangyayaring kinatatakutan kong mangyari, nangyayari sa panaginip ko.
Kung pwede lang huwag na lang matulog para di ko na ulit maranasan yung mga ganoong pangyayari kahit na sabihing panaginip lang iyon, ginawa ko na. Pero hindi ko rin naman pwedeng pabayaan ang totoong buhay ko dahil sa mga napapanaginipan ko.
Ang gulo.
Ang gulo ng buhay ko.
"Wala ka na bang gagawin kundi magmukmok na lang dyan? Palagi kang tulala. Suzette, napapabayaan mo na ang pag-aaral mo." Sabi sa akin ni Kevin noog kasabay namin siya ni Glezel at Bernard na mag-lunch. Kasama namin ngayon si Jerisha. Girlfriend ni Kevin.
"Oo nga, tol. Laging tutula." Kumento ni Bernard.
"Gago! Tulala. Katanda mong bulol." Singhal ni Glezel kaya natawa si Kevin at Jerisha.
Naiinis ako sa sarili ko dahil kahit na ang saya saya na ng usapan nila, hindi ko magawang maging masaya.
Naiinis rin ako dahil kung anong ikina-talino ko sa academics, yun namang ikina-tanga ko pagdating sa pagpapatakbo ng buhay ko.
Sino ba namang nasa matinong pag-iisip ang pababayaan ang pag-aaral dahil lang sa mga nakikita niya sa panaginip? Sinong matinong tao ang magmamahal sa taong sa panaginip niya lang nakilala?
Sino pa ba? Siyempre, si Suzette Duque.
Kahit naman pilitin ko yung sarili ko na huwag maniwala sa mga nangyayari sa panaginip ko, hindi ko magawa, eh. Nagkaroon kasi iyon ng malaking parte ng buhay ko. At masakit isipin na hindi totoo ang lahat ng iyon dahil doon, naranasan kong sumaya. Naranasan kong maging totoo sa sarili ko. Naranasan ko na mahalin ako ng totoo ng isang tao. Ang sakit isipin na hindi totoo ang lahat ng iyon dahil alam kong mali ang iniisip ko. Alam kong totoo ang lahat ng nangyayari doon. Kaya ang sakit paniwalain ang sarili ko na puro imahinasyon lang ang nandoon dahil ramdam kong totoo ang lahat. Ang nararamdaman ko, ang nakikita ko, ang nahahawakan ko, ang lugar na tinatapakan ko.
Ang. . .sakit.
Hanggang kailan ba ako magpaparaya? Hanggang kailan ako masasaktan dahil sa pagpaparaya sa mga taong mahal ko?
Akala ko, noong nag-break kami ni Kevin, iyon na ang pinaka masakit na pangyayari sa buhay ko, eh. Mas masakit pala yung kapag pinalaya mo yung taong mahal mo, na alam mong mahal na mahal ka rin. Isipin ko pa lang na palalayain ko na siya, nasasaktan na ako. Paano pa kaya kapag pinalaya ko na talaga siya?
Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa.
***
Pagkauwi ko galing sa school ay gabi na. Dinner time na dahil after ng class, hindi naman ako dumiretso sa bahay. Naisipan kong maglakad-lakad tutal mahangin naman. Palubog na rin ang araw nung mga oras na yun dahil quarter to six na. Nang makauwi ako ay past seven pm na. Naabutan ko si Papa at Allaine na nagdi-dinner na.
"Ginabi ka na, Suzette. Kain ka na ng dinner. Sumabay ka na sa amin." Sabi ni Papa. Ngumiti ako ng maliit sa kanya.
"Busog pa po ako, Pa." Sabi ko at dumiretso sa kwarto.
Malapit na ako sa kwarto ko ng marinig ko si Allaine na magsalita.
"Suzette has been suffering for I don't know what it is. Every 3a.m, nagigising ako dahil narinig ko siyang umiiyak at sumisigaw habang natutulog. Pakiramdam ko, binabangungot siya. Pero sobrang dalas. Every night, eh."
Hindi ko na hinintay ang sasabihin ni Papa dahil dumiretso na ako sa kwarto ko ay sinara ang pinto. Ayoko nang marinig ang pag-uusapan nila. Ayoko na. Nasasaktan ako sa tuwing naaalala ko ang mga bangungot na yon. Ginawa ko na lang lahat ng assignments at projects ko sa school kahit na matagal pa ang deadline noon.
May 30 minutes na siguro akong nakaupo sa study table ko at ginagawa ang mga assignments at projects nang may kumatok. Hindi ako nagsalita. Hindi naman naka-lock ang pintuan kaya kung gusto nilang pumasok, pwede naman silang pumasok.
Ilang saglit lang ay narinig ko na ang pag-"creek" ng pinto. Narinig ko ang magagaan na hakbang ng pumasok sa loob ng kwarto ko. Napatigil ako sa pagsusulat dahil alam kong hindi kay Allaine ang mga hakbang na iyon. Kay Papa.
Ngayon na lang ulit siya pumasok sa kwarto ko.
"Ang gaganda naman ng paintings ng anak ko." Sabi ni Papa. Alam ko na iniikot niya ngayon ang kwarto ko dahil tinitingnan niya isa-isa ang mga paintings na nakasabit sa wall. "Parehong-pareho talaga kayo ng Mama mo. Magaling magpinta."
Umupo siya sa tabi ko. Kinuha niya ang ballpen na hawak ko at itiniklop ang mga notebooks at libro na nasa table ko. Hinawakan niya ang kamay ko at iniharap ako sa kanya. Nakita ko na nakangiti siya sa akin. Nangilid ang luha ko nang makita ko ang napaka-purong ngiti ng lalaking kahit gaano kalaking pasakit ang ibinigay sa akin, mahal na mahal ko parin. Pinunasan niya ang luhang tumulo mula sa mga mata ko bago nagsalita.
"Hindi ko alam kung dapat pa ba akong tawaging Papa kung hindi ko naman alam yung mga nangyayari sa kaisa-isa kong anak. Hindi ko alam kung matatawag pa ba akong Papa kung kailanman, hindi ako nag-effort na iparamdam sayo ang pagmamahal ko."
Hindi ko na kayang pigilan pa ang mga luha ko kaya hinayaan ko na lang silang tumulo. Hawak lang ni Papa ang dalawang kamay ko na nasa lap ko.
"Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin noong mga panahong iniwan tayo ng Mama mo kaya nagawa kitang saktan. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at nagawa kong galusan ang nag-iisang Prinsesa ko na kailanman ay hindi ko hinayaang madapuan ng lamok noong bata ka pa."
Nakikita ko sa mga mata niyang nasasaktan siya. Na nahihirapan siya. Siguro dahil sa akin. Lagi naman, eh. Lagi na lang silang nasasaktan nang dahil sa akin.
"Kaya nung araw na hiniling mo sa akin na sana, patayin na lang kita para matapos na ang paghihirap mo, doon lang ako nagising. Doon lang namulat ang isipan ko na, bakit kita sinasaktan? Bakit kita binubugbog? Dahil hindi ko natanggap na iniwan tayo ng Mama mo? Dahil ikaw ang sinisisi ko kung bakit nawala ang anak namin ni Allaine at ngayon ay hindi na kami pwedeng magkaanak ulit? Hindi ko alam kung bakit ikaw ang sinisisi ko, eh alam ko naman na wala kang kasalanan. Eh, alam ko naman na ako ang may kasalanan ng lahat."
Nakita kong dahan-dahan na tumulo ang luha ni Papa sa pisngi niya kaya lalo akong nasaktan.
"Hindi ko matanggap na iniwan tayo ng Mama mo kaya sayo ko ibinuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko. Hindi man lang pumasok sa isip ko na, hindi lang naman ako ang nawalan ng asawa. Ikaw rin, nawalan ng Ina. Napaka-selfish ko kasi alam ko na ngang nawalan ka na ng Ina, hinayaan ko pa na madagdagan ang sakit na nararamdaman mo. Inilayo ko pa ang sarili ko sayo. Ipinaramdam ko pa sayo na wala ka na ring ama. Ipinaramdam ko pa sayo na nag-iisa ka. Ang sama kong ama. Hindi ako deserving na maging ama ng isang napaka-buting anak na tulad mo, Suzette. Kaya simula nang sabihin mo na sana, patayin na lang kita, umiwas ako na makita ka. Hindi kita binisita at madalas ay late akong umuuwi, dahil hiyang-hiya ako para sa sarili ko. Hiyang-hiya ako na nagawang hilingin ng sarili kong anak na patayin ko na siya, dahil sobrang nahihirapan na siya. At alam ko na ako rin ang dahilan noon. Alam kong walang kapatawaran ang sinasabi ko. Pero anak, mahal na mahal kita."
Niyakap ko siya agad oras na sabihin niya iyon. I hate it every time I saw him crying. I hate it because I know that the reason behind his tears was me. Masakit, eh. Sobra.
"I'm sorry, anak. Sana mapatawad mo ako."
Hindi na ako nagsalita dahil kuntento na ako sa posisyon namin ni Papa. Kuntento na akong yakap yakap namin ang isa't-isa. Matagal ko nang hindi nararamdaman ang yakap ng isang ama, kaya masayang-masaya ako na nararamdaman ko na ulit ito ngayon.
**
Bandang 10p.m, matutulog na sana ako nang makareceive ako ng text galing kay Kevin.
Kevin:
Yo! Gising ka pa, no? Bukas pa ilaw ng kwarto mo, eh.
To Kevin:
Yea. Paano mo nalaman?
Kevin:
I'm outside your house. Pwede ka pa bang lumabas? Ihahatid na lang ulit kita pauwi. =))
Madalas, bumibilis ang tibok ng puso ko kapag nagtetext sa akin si Kevin, lalo na noong mga panahon na kami pa. Simpleng Hi niya lang, tuwang-tuwa na ako. Pero ngayon, parang wala na lang.
Siguro nga, I completely get over him. I know that my love for him was still there. Pero yung pain na nararamdaman ko noon. . .ni katiting wala na.
____________
Author's Note:
Maaga ang uwian namin ngayon kaya naisipan kong mag-type ng update dito. Namimiss ko na kasi si Reywen, eh. :( Ang tagal na niyang wala sa syory na 'to. :( Pa-VIP daw kasi siya sabi ni Erica Joi Flores Biscocho. HAHAHA.
Sorry na. Natatawa ako sa mga kyot kong readers, eh. Kung pwede ko lang kayong ihug ng mahigpit. (づ ̄ ³ ̄)づ
Try kong magtype ng update today tapos ipopost ko rin agad pagkatapos ko, oks? Ayoko pa sanang matapos ang story na ito, pero malapit na, eh. Dream #19 na tayo next update. TT____________TT
Anyway, sana nag-enjoy kayo sa sabae na Chapter na 'to. Hahahahahaha.
-MarisolMariano ♡
(MarissRocks_)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top