RIMD: Dream #13

Reality in My Dreams

RIMD: Dream #13

*~*~

Napangiti ako nang makita ko ang lugar na ito. Makikita ko na naman ang taong nagpapatibok ng mabilis sa puso ko.

"Hi."

Napalingon ako sa likod ko nang may magsalita. Nakita kong nakangiti siya at sumilay ang malalim na dimples niya sa dalawang pisngi. Lalo akong napangiti.

"H-Hi."

Humakbang siya papalapit sa akin at naglahad ng kamay. Inabot ko ang kamay ko sa kanya. Pinag-salikop niya ang mga daliri namin at sabay kaming naglakad-lakad.

Habang naglalakad ay kinu-kwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari sa akin ngayong araw. Yung kay Kevin, yung sa orphanage, yung kay Glezel at Bernard, yung. . .mystery sa sinabi ni Glezel sa akin.

"Sa tingin mo, anong ibig sabihin ng sinabi ni Glezel? Sa tingin mo. . .bakit parang nasaktan si Glezel habang sinasabi niya sakin yon?"

"Hmm. . ." Lalong humigpit ang yung pagkaka-hawak niya sa kamay ko. "Baka may past love siya? Baka, nasaktan na siya ng sobra? Ikaw? Ano sa tingin mo?" Tanong niya pabalik sa akin.

"Well, feeling ko rin ganun, eh. Pero hindi pa siya nagkaka-boyfriend, eh. We were best friends simula nung 4th year high school. Simula nung nag-transfer siya sa school namin. Nalilito ako."

"Haaay. Wag mo nang isipin yun. Ang importante, nandito ka at magkasama tayo."

Napangiti ako nang hinalikan niya ako sa ulo.

Nagpunta ulit kami sa treehouse at nagulat ako nang makita ko na may gitara doon. Kulay puting-puti ito, pero bakas ang pagkaluma dito. Parang matagal nang hindi nagagamit itong gitara na 'to. At parang. . .parang napaka-pamilyar na naman ng bagay na ito.

Naupo ako sa sahig habang siya naman ay kinuha ang gitara at naupo sa sahig, sa harap ko. Nagsimula na siyang tumugtog.

♪♫♪ Natupad din ang aking pangarap
Na ipagtapat sayo
Ibubulong ko na lang sa alapaap,
Ang sigaw ng damdamin ko. ♪♫♪

♪♫♪ Sulyapan mo lang sana ang langit
Baka sakaling marinig ng puso mo
Ang tinig ko. ♪♫♪

Lumakas na naman ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang boses niyang kumakanta habang kinakalabit ang gitara. Parang. . .parang napaka-pamilyar ng eksenang ito.

♪♫♪ Maalala mo sana ako
Dahil noon pa man,
Sayo lang, nakalaan ang pag-ibig ko.
Bawat sandali na ikaw ay kasama
Para bang di na tayo muling magkikita. ♪♫♪

♪♫♪ Kaya ngayon, aaminin ko sayo,
Na mahal na mahal kita.
Maalala mo. . .sana. ♪♫♪

Sa tuwing pinapakinggan ko ang boses niya at tinitingnan ko ang mukha niyang seryoso habang naggi-gitara, parang. . .parang may pumapasok sa isip ko na dalawang bata. Isang bata at isang lalaki. Yung ganito rin. Kumakanta habang naggi-gitara ang lalaki at ang babae naman ay nakikinig lamang. Pero hindi ko makita ang mga mukha nila. Sobrang pamilyar.

♪♫♪ Naitago ko pa ang lahat
Ng iyong mga liham.
unang ngiti't mga yakap mo'y
Di naaalis, sa aking isipan ♪♫♪

♪♫♪ Tutugtog ako ng gitara
Baka sakaling, sumagi sa isip mo
Ang mga pangako. ♪♫♪

**

"Ang galing!" Sabi ng batang babae sa aking alaala. "Tumugtog ka ulit!"

"O, sige. Ano yung gusto mo?" Tanong ng batang lalaki.

"Uhm. . .weak."

At tumugtog ulit ng gitara ang batang lalaki saka kumanta.

**

♪♫♪ Maalala mo sana ako
Dahil noon pa man, sayo lang nakalaan ang pag-ibig ko.
Bawat sandali na ikaw ay kasama
Para bang di na tayo muling magkikita ♪♫♪

♪♫♪ Kaya ngayon, aaminin ko sayo
Na mahal na mahal kita.
Maalala mo. . .sana. ♪♫♪

**

"Bakit ang bata mo pa, sanay ka na maggitara?" Tanong ng batang babae sa isip ko.

"Tinuruan ako ng Papa ko. Magaling siyang mag-gitara, eh." Sagot naman ng batang lalaki. "Gusto mo bang turuan kita?"

"Sige!"

**

♪♫♪ Maalala mo sana ako
Dahil noon pa man, sayo lang nakalaan ang oag-ibig ko
Bawat sandali na ikaw ay kasama
Para bang di na tayo muling magkikita. ♪♫♪

♪♫♪ Kaya ngayon, aaminin na sayo
Na mahal na mahal kita.
Naalala mo. . .sana. ♪♫♪

Hindi ko maintindihan kung bakit ako umiiyak dahil sa dalawang bata na pumasok sa isip ko. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako habang inaalala ko ang mga bagay na iyon. At hindi ko maintindihan kung bakit sila pumasok sa isip ko. Hindi ko makita ang mga mukha nila. Para bang si Reywen. Hindi ko maalala ang mukha sa tuwing gigising ako sa umaga.

♪♫♪ Kaya ngayon, aaminin na sayo
Na mahal na mahal kita
Na mahal na mahal kita
Maalala mo. . .sana. ♪♫♪

Tinapos ni Reywen ang kanta at tumingin sa akin. Inilagay niya sa gilid niya ang gitara at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang mukha ko at pinunasan ang mga luha na dumadaloy sa pisngi ko.

Sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa, natitigan ko ang mga mata niyang sobrang itim at ang nunal sa ilalim ng mata niya. Napaka-pamilyar. Sumasakit ang ulo ko. Ang sakit. Ang sakit ng ulo ko pero hindi ko ipinakita sa kanya.

Nakita kong ngumiti siya sa akin bago nagsalita habang diretsong nakatitig sa mga mata ko.

"Nung sinabi ko sayo noon na mahal kita, seryoso ako. Suzette, mahal na mahal kita. Maalala mo na sana ang lahat."

Right after he said that, he leaned foward and kissed my lips slowly and gently.

Napa-pikit ako sa naramdaman kong halo-halo. Sobrang sakit ng ulo, sobrang bilis ng tibok ng puso, at sobrang saya dahil sa ginawa niya. Pero higit sa lahat, napapikit ako dahil sa silaw na para bang sumabog kami at naglabas ng napaka-lakas na ilaw.

*~*~

At ngayong nagmulat ang mga mata ko, nandito na ako sa kwarto. Naalala ko ang bawat salitang binitawan ni Reywen. Ang kanta. Ang. . .halik.

Ngayon lang ako nakaramdam ng takot.

Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganitong doubt.

Dahil sa mga salitang iyon, dahil sa mga kanta, at dahil sa. . .halik, natakot ako sa isang bagay na pwedeng mangyari.

Natatakot na akong magmahal muli.

***

"Posible bang magmahal ng isang tao na never mo pang nakita ever since?" Tanong ko kay Glezel nang makarating ako sa classroom namin. Maaga pa kaya 'di pa nagsisimula ang klase. At first day pa lang naman kaya hindi pa regular.

"Seryoso ka sa tanong mo?" Naka-kunot ang noo na tanong ni Glezel. "I mean, sino naman yung taong yan?"

"Ewan ko. Sa tuwing gigising ako, ang saya-saya ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Basta. Alam mo na yun." Paliwanag ko.

"Alam mo, Suzette, hindi naman imposible 'yang sinasabi mo. May mga instances kasi na mainlove ka sa taong nakakausap mo kahit hindi mo alam ang itsura niya. Kung napapasaya ka niya, kung naiinspire ka niya, kung. . .kung hindi siya nawawala sa isip mo, hindi imposibleng mainlove ka sa taong sinasabi mo."

Napatahimik ako sa mga sinabi ni Glezel. Tinamaan ako kasi. . .nararamdaman ko ang lahat ng iyon sa taong kahit kailan, hindi ko nakita sa totoong buhay. Nararamdaman ko yun sa taong sa panaginip ko lang nakilala. Nararamdaman ko yun sa taong hindi ko matandaan ang itsura sa tuwing gigising ako sa umaga.

At natatakot ako sa nararamdaman kong ito.

Hindi ko na ulit kinausap si Glezel hanggang sa magsimula ang klase at dumating ang prof.

"Good morning, class."

"Good morning, Mr. De Asis." Bati namin pabalik.

"Today is your first day of being a Sophomore student. And today, let's welcome your new classmate."

Nagsimula nang magbulungan ang mga kaklase ko. Pinag-uusapan kung sino kaya iyon. Na sana daw ay lalaki at gwapo. Na sana daw ay babae at sexy.

Haaay, nako.

"Good morning, everyone."

Nagpanting ang tenga ko nang marinig ko ang boses ng lalaking iyon. Napalingon ako kay Glezel at nakitang nakakunot na ang noo niya habang nakatingin ng masama sa bago naming kaklase. Nakita ko na nakatingin rin ito sa kanya at nakangisi.

"I'm Bernard Gamboa. 18 years old and I want to be friends with all of you."

Nagsigawan at nagpalakpakan ang mga kaklase namin, especially girls, matapos magpakilala ni Bernard. Pinaupo na siya ng prof namin sa bakanteng upuan sa likuran ni Glezel.

"Bwisit. Namumwisit ba 'tong mokong na 'to?" Naiinis na bulong niya sakin.

"May sinasabi ka, Misis?" Sabi nung lalaking nasa likuran niya na si Bernard.

"Wala. Tsk, ikaw talaga. Chismoso ka. Bakla ka no?" Bulyaw ni Glezel sa kanya.

"Ako? Bakla? Baka gusto mong patunayan ko sayo ang pagka-lalaki ko?"

"Kadiri. Hindi ko papangarapin. Tss." Pagkasabi niyan ni Glezel, tinalikuran na niya si Bernard at dumukmo sa desk niya.

Napatingin naman ako kay Bernard. Nag-shrug lang siya ng balikat at ngumisi.

Napangiti na lang rin ako. Ako lang ba ang kinikilig sa bangayan nilang dalawa?

**

Sa tuwing sasapit ang gabi, natatakot akong matulog dahil natatakot akong bumalik sa lugar ng panaginip. Halos hindi na ako natutulog dahil sa bawat oras ay gumigising ako para maiwasan na mapunta ako sa lufar ng panaginip. Alam ko na gustong-gusto ko ang bumalik sa lugar na iyon. Iyon ang lugar na kailanman ay hinding hindi ko pagsasawaan. Pero dahil sa mga nangyayari ngayon, natatakot na akong bumalik. Natatakot ako na baka. . .baka sabihin niya ulit iyon.

Natatakot ako na baka may makita na naman akong mga bagay na pamilyar sa akin pero hindi ko matandaan kung saan at paano ko nakita iyon.

Natatakot ako na baka totoo nga ang mga sinabi ni Glezel noon, na hindi imposible ang mainlove ako sa taong never ko pang nakita sa totoong buhay ever since.

At natatakot akong baka masaktan ako ulit.

Kaya sa tuwing papasok ako sa eskwelahan, mukha akong zombie sa laki ng eyebags ko. Habang naglalakad ako sa hallway ng school, may biglang umakbay sa akin. Pagtingin ko, si Kevin pala. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko.

"Good morning! Laki ng eyebags natin, ah?" Nakangising sabi niya.

"Di ako nakakatulog. Ilang araw na." Nagbuntong-hininga ako.

"Bakit?"

"Natatakot ako, eh."

"Ha?" Naguguluhan na sabi niya kaya ngumiti lang ako at nag-shrug ng balikat sa kanya.

"Basta."

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako patakbo. Naguguluhan naman ako dahil hindi ko alam kung saan kami pupunta.

"Saan mo ko dadalhin?"

"Sa cafeteria."

Napangiti na lang ako at hinayaan siyang hilahin ako. Pagkarating namin sa cafeteria, pinaupo niya ako at pumunta siya sa tindahan ng mga coffee and milk na nakalagay sa lalagyan ng parang chuckie. Pagbalik niya, may dala siyang dalawang coffee. Ibinigay niya ang isa sa akin at itinusok naman niya yung straw nung sa kanya bago hinigop ito. Ako, tiningnan ko lang yung coffee na ibinigay niya sa akin.

"Inumin mo yan para hindi ka makatulog sa klase. Tapos mamaya, pag-uwi mo, tsaka matulog ng matulog, tutal sabado naman bukas. Walang pasok,"

Hanggang ngayon, hindi ko parin maiwasan na kiligin dahil sa care na ipinapakita niya sa akin.

"Thanks." Sabi ko bago itinusok ang straw sa lalagyan at hinigop ito. Napangiwi naman ako sa lasa ng kape dahil mapait pero masarap naman.

"Wala yun."

***

Nagsimula na ang klase at hindi nga ako gaanong nakaramdam ng antok dahil sa pinainom sa akin ni Kevin. Nandito na kami ngayon sa Baking Class namin. Pair by pair daw sa pagbi-bake ng cookies. Sasabihin ko sanang si Glezel na lang ang partner ko pero hinila na siya ni Bernard palayo sa akin.

"Ano ba?! Tsk. Ayaw ko sayo, argh!" Bulyaw ni Glezel habang tinatanggal ang pagkaka-akbay sa kanya ni Bernard.

"Ang arte. Gwapo na nga itong kapartner mo, eh."

"Tsk, ang kapal mo talaga. Tss."

Natawa na lang ako. Ang kapartner ko ngayon ay yung classmate kong babae na si Mia. Siya ang malapit sa akin, eh. Kaya siya na lang kinuha ko. Buti na lang at wala pa siyang kapartner, kundi, loner ako.

Habang nagmo-mold ako ng dough, pinapanood ko si Bernard at Glezel na nag-aasaran habang nagbi-bake sila.

"Lumayo ka nga sa akin. Hindi mo alam 'to." Bulyaw ni Glezel kay Bernard.

"Ang yabang! Mas marunong pa nga ako sayo, eh!"

"Mas mayabang ka! Isilid kaya kita sa microwave oven at ikaw ang ibake ko sa loob?"

Natatawa na lang ako sa kanila. Ilang sandali lang, nakarinig kami ng pumutok sa gawi nila Glezel. Nailagay pala nila yung mangkok na maliit sa loob tapos nag-over heat. Ayun. Pumutok. Pinagalitan sila ng prof namin tapos pinaalis sila.

Galit na galit si Glezel sa kapartner habang tinatanggal nito ang apron. Napapa-iling na lang ako at natatawa sa kanilang dalawa.

Nang matapos ang isang oras ng pagbi-bake namin, minarkahan na ang mga ginawa namin. Chocolate chip cookies ang sa amin at sa amin rin ang pinaka-mataas ang grades dahil perfect ang pagkakagawa namin ni Mia.

Nang mag-uwian na ay hindi ko na nakita si Glezel.

"Bye, Suzette." Sabi ni Mia bago sumakay sa sasakyan.

"Bye din. Ingat."

Naglakad na ako pauwi dala ang box ng cookies na ginawa namin. Pero nang nasa tapat na ako ng bahay namin, nakaramdam ako ng sobrang hilo at pagka-antok. Pakiramdam ko ay sumasara ang pandinig ko at wala na akong makita. Naramdaman ko na lang na bumagsak ako sa sahig at napunta ako sa lugar na kinatatakutan kong puntahan at balikan ulit.

_____________

Author's Note:

Hello! Hello! Hello! :D Na-late na naman ang update. Hahahaha. Sorry na. Alam niyo naman na busy ako eh. :(

Anywaysxz, inaasikaso ko kasi ang self-publishing ng His Boyish Bestfriend kaya ayan. Matagal ko nang naitype ang kalahati ng chapter na ito pero ngayon ko lang natapos.

Ayun. Sorry ulit dahil maikli lang ang update ko. :( Pagtiyagaan niyo na, ah? Hahahah.

Try ko gumawa ng update, as soon as possible. :*

Kain tayong mangga! :D

-MarisolMariano ❤
(@MarissRocks_)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top