RIMD: Dream #12

Reality in My Dreams

RIMD: Dream #12:

"Tree house?"

Nagulat ako nang may narinig akong magsalita sa likod ko. Paglingon ko, nakita ko siya. . .

"Kevin. . ." hindi ko siya matingnan ng mabuti dahil alam ko sa sarili ko na. . .meron parin. "A-anong ginagawa mo dito?"

"Dinadalaw ka lang. Next next week, pasukan na naman, eh. Busy na naman tayo." Umupo siya sa tabi ko at pinanood ako sa pagpi-pinta. Medyo distracted pa naman ako dahil nandito siya. "Ang ganda mo naman palang magpinta. Bakit hindi ko alam yan?"

Ipinagpatuloy ko na ang pagpi-pinta bago sumagot sa tanong niya.

"Dahil kahit kailan, hindi mo naman sinubukang alamin ang buong pagkatao ko." Ramdam ko na nabigla siya sa isinagot ko kaya dinagdagan ko pa. Baka kasi sabihin niyang sinusumbatan ko siya. "Pero okay na naman na sa akin yun, Kevin. Wag ka nang mag-alala or maguilty. Tanggap ko na ang lahat.At unti-unti na akong nakaka-move on. Salamat."

Totoo ang huling sinabi ko sa kanya. Unti-unti na akong nakakalimot sa sakit ng nakaraan namin, pero yung pagmamahal ko sa kanya, hindi parin nagbabago. At kailanman, hindi na magbabago.

"Pero gusto ko parin mag-sorry." Tinawanan ko siya at siya rin ay natawa na lang rin. Tumayo siya at tiningnan ang mga paintings na nasa wall ko at naka-sabit. Ipinag-patuloy ko na ang pagpi-pinta.

Ito na ang pangalawang painting ko para sa linggong ito. Una kong ipininta ay nung magka-hawak kamay kaming dalawa ni Reywen habang naglalakad sa gitna ng napaka-raming dilaw na bulaklak, katulad ng bulaklak na una niyang ibinigay sa amin. Kung ano ang suot ko noon, ganoon rin ang nasa painting ko. At kung gaano ako kasaya nung araw na yun, ganoon rin kasaya ang mukha ko sa painting ko.

Ang ipinipinta ko ngayon ay ang tree house na pinuntahan namin ni Reywen. Simple ang lugar pero payapa. Kita rin sa dalawang taong nandoon na masaya silang dalawa. Pero hanggang ngayon. . .

"Bakit walang mukha?"

. . .hanggang ngayon, wala paring mukha ang lalaki sa paintings ko.

"Hmm, hindi ko alam, eh." sabi ko sabay shrug ng balikat. Nakatingin siya sa ikalawang painting na ipininta ko. Yung araw na nakasakay kaming dalawa ni Reywen sa bike at masayang nag-iikot sa gitna ng napaka-raming bulaklak, kasama ang mga nagliliparan na mga paru-paro.

"Paanong hindi mo alam?"

"Hindi ko alam kung ano ang itsura niya."

Mahabang katahimikan ang namagitan sa amin. Siguro'y napapaisip siya sa mga sinasabi ko sa kanya. Ilang sandali pa, nagsalita na ulit siya.

"Ikaw ang nasa paintings mo, di ba?" bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko iyon. "Magkamukha eh. Mas masaya lang ang babaeng nasa paintings mo. Pansin sa mga ngiti niya na masaya siya."

Hindi ako sumagot. Hindi ko na rin naituloy ang ipinipinta ko dahil kinakabahan ako sa mga sinasabi ni Kevin. Magsasalita na sana ako para pigilan siya pero naunahan niya ako.

"Kung ikaw ang babae. . .sino ang lalaki? Bakit hindi mo maipinta ang mukha niya? Mukha kang masaya sa paintings mo pero bakit. . .bakit hindi mo maipinta ang mukha ng lalaking kasama mo? Sino ba siya?"

Hindi ko alam kung bakit hindi ko kayang sagutin ang tanong ni Kevin. Dahil siguro. . .alam ko na once na ipaliwanag ko sa kanya ang lahat, may posibilidad na hindi niya ako paniwalaan, or dahil ayaw kong malaman niya na. . .may iba akong nararamdaman para sa lalaking iyon. Lumapit siya sa akin at ginulo ang buhok ko.

"Ipagpa-tuloy mo na ang ginagawa mo. Sorry kung nadistract ka ng kagwapuhan ko."

Nakahinga ako ng maluwag at napa-irap at the same time sa sinabi niya. Pumunta na siya sa pintuan at binuksan ito. Paalis na sana siyia nang marinig ko ulit siyang magsalita.

"Masaya akong makita na nagmamahal ka ulit ng iba bukod sa akin. . .Suzette."

Matapos niyang sabihin iyon ay tuluyan na siyang lumabas ng kwarto ko. At ako naman, ipinag-patuloy ang pagpipinta ko kahit na hindi ko maialis sa isip ko ang sinabi ni Kevin.

Posible nga kayang. . .in love ako sa lalaki sa panaginip ko?

**

"SUZETTE!!!"

Nagising ako sa lakas ng boses ni Glezel na narinig ko sa kwarto ko. Argh. Napuyat ako! Di kaya niya alam iyon? Anong oras ko nang natapos ang painting ko kaninang madaling-araw tapos ang aga niya pang manggi-gising. Tsk.

"Gumising ka na! Miss na miss kaya kita. Bilis. May pupuntahan tayo!"

Kahit na inis na inis ay bumangon na rin ako, tutal mukhang gagala kami. Maragal-tagal na rin ang panahon simula nang huli kaming nagshopping ni Glezel. Medyo namimiss ko rin naman ang best friend ko.

"Oh, siya. Sige na. Gagayak lang ako. Ang ingay-ingay mo. Tsk."

"Yehey!" Masayang sabi ni Glezel.

Napailing na lang ako sabay tawa bago pumunta sa CR para maligo.

**

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko.

Nasa van na kami ngayon nila Glezel at sinabi sa driver na diretso na daw kami.

"Sa SM."

Akala ko naman kung saan. Sa SM lang pala.

"Pero hindi lang naman yun ang pupuntahan natin. May bibilhin lang tayo doon tapos diretso na talaga tayo sa talagang pupuntahan natin."

Hmm. Saan kaya kami pupunta?

Nang makarating kami sa mall, dumiretso kami sa supermarket. Bumili siya ng mga pagkain at kung ano-ano bago kami lumabas ng mall at sumakay ulit sa sasakyan.Medyo nakakapagod, ah?

"Sorry, bespren. Alam kong pagod ka na. Pero sigurado akong mawawala ang pagod mo kapag nakita mo na ang pupuntahan natin."

Naguguluhan man ay hindi na ako kumibo. Tumingin na lang ako sa daan at nagpasak ng earphone sa tenga.

**

"Andito na tayo!" Masayang sabi ni Glezel pagka-baba namin ng sasakyan. Tiningnan ko ang pangalan ng lugar na ito na matagal ko nang hindi napupuntahan simula nang iwan kami ni Mama.

"Hope, Faith and Love Orphanage."

Naluha ako nang makita ang bahay-ampunan sa probinsiya na madalas naming tinutulungan ni Mama at Papa noon. Noong masaya pa kaming magkakasama, bago pa mangyari ang lahat.

"Madalas mo itong makwento sa akin. Then, last week, naisip ko na hanapin sa internet ang bahay-ampunan na ito at nang makita ko ang address, hindi naman pala ganoon kalayo kaya ayan. Sana napasaya kita ngayon, bespren. Alam kong nalulungkot ka ngayon pero bilang best friend mo, sana napasaya kita."

Hindi man ako sweet na kaibigan para kay Glezel, niyakap ko siya at hindi ko na napigilan ang sarili ko na maluha.

"Thank you, Glezel. Thank you." bulong ko sa kanya. Naramdaman kong tinapik niya ang likod ko.

"Wala yun." Kumalas siya sa yakap at ngumiti sa akin. "Tara na?"

Tinulungan kami ni Manong Cesar, driver nila Glezel, na ilabas ang mga pinamiling pagkain na nasa compartment. Pagkapasok namin sa loob ng bahay-ampunan, nakita ko ang masayang mukha ni Sister Ella, Sister Gwen at Sister Joan. Matagal ko silang hindi nakita kaya naman masayang-masaya ako ngayon na nakita ko ulit sila.

"Suzette!" masayang tawag nila sa akin. Isa-isa ko silang niyakap at paulit-ulit silang nagpasalamat dahil bumalikako.

"Buti naman at bumalik ka. Halos apat na taon na ang nakakalipas nang huli kayong pumunta dito ng Mama at Papa mo. Nalungkot nga kami dahil naisip namin na baka nagsawa na kayo sa pagtulong sa amin at sa mga batang nandirito." paliwanag ni Sister Gwen.

"Sister, hindi po maaaring mangyari iyon. Kahit kailan po, hindi ako magsasawa na tulungan kayo at ang mga batang nandirito."

"Ay, alam naman namin iyon. Pero nalulungkot lang talaga kami na hindi ka na dumalaw ulit dito. Pasensiya ka na, ah?" sabi ni Sister Ella.

"Okay lang po iyon." masaya kong sabi.

"Anyway, nasaan ang Mama at Papa mo?" tanong ni Sister Joan.

Napatigil ako. Tumingin ako kay Glezel at kita ko sa kanya na hindi niya rin nagustuhan ang tanong ni Sister Joan. Pero alam ko naman na wala siyang alam sa nangyari kaya ngumiti na lang ako at ipinakilala si Glezel sa kanila.

"Sisters, ito nga po pala si Glezel Granito. Best friend ko. Siya po ang tumulong sa akin para makabalik dito. At nandito po kami para tumulong ulit sa inyo." nakangiti kong sabi.

"Napaka-gandang bata mo, hija." nakangiting sabi ni Sister Ella.

"Naku, salamat ho, Sister."

"Walang anuman." nakangiting sagot nito.

"Oh, siya. Tara na sa loob. Sigurado akong matutuwa ang mga bata kapag nakita nila kayo." sabi ni Sister Joan sa amin at pumasok kami sa loob. Habang naglalakad kami dala ang mga pagkain na pinamili namin ni Glezel, nagsalita si Sister Gwen.

"Alam mo ba noon, Suzette. Noong hindi na kayo ulit nagpunta dito, nalimitahan ang budget para sa mga bata. Hindi na rin namin alam kung paano makaka-raos noong minsan. Laking pasasalamat namin na makalipas ang apat na buwan noong huling dalaw niyo dito ay may isang lalaki ang pumunta dito at tumulong sa amin." pagku-kwento ni Sister Gwen.

"Mabuti naman po kung ganoon." kumento ko.

"Oo. Tamang-tama nga at nandito siya ngayon, eh. Kasama si Sister Catherine at ang iba pang madre dito." bumaling siya kay Glezel na nasa tabi ko. "Glezel, hija. May ipapakilala ako sa inyo mamaya."

"Sige ho, Sister."

Tumango si Sister Gwen bago naunang maglakad at sumabay kay Sister Ella at sister Joan.

"Sino kaya yun?" tanong ni Glezel sa akin.

"Ewan ko. Lalaki daw, eh."

"Hmm. . .sana gwapo."

Natawa na lang ako bago tuluyang makapasok at sumalubong sa amin ang napaka-raming bata na pinag-kaitan ng pagkakataon na magkaroon ng pamilya.

"Ate Suzette!!!" sabay-sabay na sigaw ng mga bata bago yumakap sa akin ang lahat.

"Hello, mga bata. Na-miss ko kayo!" sabi ko sa kanila. Umayos sila ng tayo at kita ko sa mga mata at mga ngiti nilang masaya sila. "May ipapakilala ako sa inyo." sabi ko pa. Para silang naguluhan bago tumingin sa tabi kong si Glezel. "Ito ang Ate Glezel niyo. Siya ang best friend ko, at simula ngayon, kaibigan niyo na rin siya."

"Yehey!!!" masayang sabi ng mga bata bago lumapit kay Glezel at nagtanong ng kung anu-ano.

"Hi, Ate. Ang cute niyo po." sabi ni Kurt.

"Talaga? Salamat. Cute ka rin naman, eh." sabi ni Glezel tapos pinisil ng mahina ang pisngi nito. Natawa naman ako nang makita na namumula ang pisngi ni Kurt.

"Ate Cute. Ako po si Lyza."

"Hello po, Ate. Saan ka po nakatira?"

"Ate, may cellphone ka po?"

"Ate, bakit ang cute mo po?"

"Ate, may boyfriend ka na po?"

Natatawa na ako dito mag-isa dahil sa kakulitan ng mga bata nang mapatigil kaming lahat dahil may lalaking nagsalita.

"Meron."

Napatingin kaming lahat sa lalaking nagsalita sa likod ni Glezel. Nakita namin ang isang matangkad na lalaki at. . .gwapo. Medyo chinito. Hindi ganoon kaputi. Moreno. Hindi macho, pero hindi naman mapayat. Masasabi kong. . .siya ang dream guy ng best friend ko.

"Huh? Sino ka naman?" patay-malisyang tanong ni Glezel.

"Ahm, siya nga pala," nagsalita si Sister Joan sa tabi nung lalaki. "Ito nga pala si Mr. Bernard Gamboa. Ang kinukwento ko sa inyo kanina na tumutulong rin sa amin para sa mga bata."

Napatingin ako kay Glezel nang marinig ang pangalan ng lalaking nasa harap namin ngayon. Kita ko ang pamumula ng pisngi niya dahil nakangiti sa kanya ang gwapong lalaki na nasa harap namin.

"Namumula ka. Crush mo na ako niyan?" Nakangising sabi ng lalaki.

Toinks.

Numero unong hater si Gezel ng mga lalaking mahahangin.

"Ang kapal ng mukha, oh? Puro kalyo. Tss. Ang taas naman ng self-confidence mo, Mister para sabihin 'yan. Baka di mo alam na mataas ang standards ko pagdating sa lalaking magugustuhan ko?" Mataray na sabi ni Glezel. Lalong ngumisi ang lalaki sa harap namin at humalukipkip.

"Alam mo kasi Misis," nanlaki pareho ang mata namin ni Glezel sa itinawag sa kanya nito. "Mataas rin naman ang standards ko sa babae. Pasok ka naman sa standards ko," nakita kong lalong namula ang mukha ni Glezel. "May class naman akong lalaki. Gwapo, mayaman, matalino, maka-Diyoa, relihiyoso, matulungin, at higit sa lahat--" hindi na natapos ng lalaki ang sasabihin dahil pinutol na siya ni Glezel.

"At higit sa lahat? Mahangin."

"Tama!"

Laglag ang panga ko, pati ng mga madre na kasama ko sa naging palitan ng salita ng dalawang ito.

"Bueno, bueno. Tama na ang asaran. Simulan na lang natin ang dapat na gawin natin." Nakangiting sabi ni Sister Joan bago namin inayos ang mga pagkain sa isang table at pinapila ang mga bata.

**

Natapos na ang pagbibigay namin ng pagkain sa mga bata. Pasakay na kami sa sasakyan nang may tumawag mula sa di kalayuan.

"Misis!" Napalingon kaming dalawa ni Glezel sa sumigaw. Nakita namin ang gwapong lalaki na nasa driver's seat. "See you again."

Napairap si Glezel sa lalaki bago padabog na sumakay sa sasakyan niya. Tumatawa naman ako bago sumunod sa kanya. Habang nasa byahe, tawa ako ng tawa kaya nainis na sa akin si Glezel.

"Ano bang nakakatawa?" Naiiritang tanong niya.

"Ikaw." Tumatawa kong sagot.

"Natatawa ka dahil binubully ako ng mahanging gago na yon?" Naka-kunot ang noo na tanong niya sa tono na parang hindi makapaniwala.

"Hindi. Natatawa ako, kasi kahit galit na galit ka sa kanya, kita ko parin na distracted ka sa ohysical appearance niya dahil siya ang ideal guy mo. Well. . .except sa mahangin siya."

Inirapan na lang ako ni Glezel pero kita ko naman sa kanya na hindi naman talaga siya galit sa lalaki dahil sapang-aasar nito sa kanya. Ginagamit niya lang siguro iyon para hindi mahalata nito na may crush na siya dito. Uhm. . .well. . .

"Crush mo?" Tanong ko.

"Dahek?!?! Hindi no!"

Lalo akong natawa dahil lalo ko lang napatunayan na tama ako. Humupa na rin naman ang tawa ko at pagka-inis niya. Mahabang katahimikan ang pumagitan sa aming dalawa bago ko naisipan na tanungin siya sa isang bagay na alan kong hindi niya pa nararanasan.

"Glezel. . .bakit hindi ka pa nagkaka-boyfriend kahit isang beses? Madami namang may crush sayo, ah?"

Hindi kaagad siya sumagot. Ilang sandali pa ay humugot siya ng malalim na buntong-hininga bago sumagot.

"Ewan ko. Siguro. . .may mga bagay talaga na kahit gaano katagal ng nangyari, kahit gaano katagal na ang panahon na lumipas, may mga bagay na kailanman hindi mawawala, at kailanman, hindi kukupas."

Nap-isip ako sa sinagot sa akin ni Glezel. Anong ibig sabihin niya? Na-broken hearted din ba siya noon at hanggang ngayon, hindi parin siya nakaka-move on?

Magtatanong sana ulit ako pero nakita ko na tumingin sa labas ng bintana at pumikit.

Ano kaya ang nakaraan ng best friend ko na hindi ko alam?

_______________

Author's Note:

Yeah! Update! Yeah! :DDDDD

Pagkauwi ko sa Nueva Ecija dapat ipo-post 'to, eh. Kaso ang tagal na akong di na naman nakaka-update dito. :( Nagpromise pa naman ako na dadalasan ko na ang update dito ngayong tapos na ang HPIB. :(((

Sorry, guys. >:(

Writing this story is very hard for me kahit na alam ko na naman na ang magiging takbo ng story na ito. Gusto ko kasi na ma-feel niyo yung pagka-fantasy niya kaya it really takes time para isulat 'to.

Sorry dahil wala tayo ngayon sa mundo ng panaginip. Bigyan natin ng break ang mag-ex at mag-best friend. Hahaha. Sorry. Medyo lame ang update ko ngayon. Sumasakit ulo ko, eh. Kata-type ko lang niyan :3

Nandito parin ako sa San Simon, Pampanga at ang hirap parin makasagap ng internet. Pinilit ko lang na ipost ang chapter na 'to ngayon dahil gusto kong tuparin ang promise ko sa inyo na magiging madalas na ang update nito.

So, ayun. Pagpasensiyahan niyo na at ito lang ang kinaya ng powers ko.

Basta! Kakayanin ko para sa inyo, mga dreamers.

Love ko kayo! :* Sorry again.

Sana magustuhan niyo ang sabaw na chapter na ito. :D

PS: Yung painting ni Suzette na magkahawak sila ng kamay habang naglalakad sa gitna ng napaka-raming dilaw na bulaklak,nasa multimedia section. Yun din po ang new book cover ng ating story. :) Galing lang yan sa google, ah? :D

-MarisolMariano ❤
(@MarissRocks_)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top