RIMD: Dream #11

Reality in My Dreams

RIMD: Dream #11:

It's been a month.

It's been a month simula nung nakita ulit ako ni Kevin sa tulay at nung binigyan niya ng linaw ang isip ko.

Nung gabi din na iyon, napanaginipan ko ang lugar na matagal ko nang inaasam na mapuntahan ulit. . . Sa lugar ng panaginip.

Masaya ako noong napunta ako doon, pero ang masakit. . .wala siya doon. Walang Reywen Javier ang nandoon para salubungin ako.

Noong una, akala ko hindi ko na kakayanin pa. Akala ko, magsu-suicide na naman ako dahil sa sakit na nararandaman ko. Pero naging matatag ako. Nagpaka-tatag ako para sa mga taong umaasa sa akin na kakayanin kong mabuhay, kahit hindi para sa kanila. Kahit para na lang sa sarili ko.

"Bakit hindi mo ipinta?" Naalala kong tanong sa akin ni Glezel two weeks ago noong dinalaw niya ako dito.

"Ha?"

"Kung ano yung pino-problema mo na hindi mo masabi sa amin. Marunong kang magpinta, di ba? Kung hindi mo mai-express ang problema mo through words, iexpress mo na lang through paintings. Baka sakaling maintindihan ka namin. Mahirap kasing kumapa sa dilim. Mahirap manghula. Hindi namin alam kung anong iniisip mo at nagkaka-ganyan ka. Kaya, try mo mag-paint."

Nung sinabi ni Glezel sa akin yon, napaisip ako. Ilang linggo kong pinag-isipan kung gagawin ko ba ulit ang pagpi-pinta. Matagal ko nang kinalimutan yon, eh. Simula nung umalis si Mama, kinalimutan ko na ang tungkol sa pagpipinta. Siya kasi ang nagturo sa akin noon. At ngayong wala na siya, parang nawalan na rin ako ng ganang magpinta.

Pero heto ako ngayon. Nakatingin sa kahon na pinaglalagyan ko ng mga gamit ko sa pagpipinta. Kinuha ko iyon at nilabas. Inayos ko ito at nagsimulang magpinta. Inalala ang bawat detalye ng lugar kung saan matagal ko nang inaasam na magpuntang muli.

**

"Marunong kang magpinta?"

Napatingin ako sa pumasok sa kwarto ko, at nakita ko doon si Allaine na may dalang tray na may lamang pagkain.

"Dinner mo. Gabi na kasi, eh. Di ka pa lumalabas kaya dinalhan na kita ng pagkain." Sabi niya nang hindi ako sumagot sa tanong niya. Inilapag niya ang pagkain sa gilid ko.

"Ang ganda naman." Kumento ko.

Ang ipinipinta ko ngayon ay yung lugar kung saan una kong nakita si Reywen. Nakaupo ako sa swing at umiiyak. May balon sa painting ko. Kita mo parin doon ang napaka-gandang garden kahit na sa painting ko ay madilim dahil madilim rin naman noong nangyari iyon. Ang puno sa tabi ng balon na may nakaukit na RJ at ang lalaking nakatalikod sa painting ko habang nakaluhod at inilagay ang dilaw na bulaklak sa tenga ko.

"Salamat." Sagot ko bago ipinagpatuloy ang pinipinta ko.

Halos nangangalahati pa lang ako sa pinipinta ko dahil sa tuwing nagbabalik-tanaw ako sa mga nangyari noon, napapatigil ako sa pagpipinta at napapangiti dahil ang sarap balikan ng masasayang araw na iyon.

"Saan nanggaling yung idea na yan? Yung ipinipinta mo? Ang ganda ng pininta mong lugar. Totoo kaya yan?" Tanong pa ni Allain.

"Kung may katotohanan sa likod ng panaginip, maaaring totoo rin ang lugar na yan."

Hindi na ulit sumagot si Allaine matapos kong sabihin iyon. Marahil hindi niya ako nagets o tinamad na siyang panoorin ako.

Alas-quatro na ng umaga nang mayari ko ang painting na iyon. Hindi ako natulog hangga't hindi ko natatapos. At ngayon namang natapos ko na, naiyak ako dahil sa sayang nararamdaman ng puso ko. Ang ganda parin ng pagkaka-pinta ko dito. Ang ganda. At ang sarap pa sa pakiramdam dahil hindi ko parin nakakalimutan bawat detalye ng lugat na iyon noong unang beses kaming magkita. Isinabit ko ito sa pader ng kwarto ko nang matuyo na ito. Bumalik ako sa pagtulog at umasang babalik ulit ako sa lugar na iyon.

**

Dalawang linggo na ang nakakaraan simula nang magpasukan na ulit. Hindi na ako nakarating ulit sa lugar na inaasam ko at unti-unti ko nang natatanggap iyon.

Nagpinta ulit ako noong isang linggo. Yun naman ay yung isang beses na pinasakay ako ni Reywen sa bike at ipinasyal niya ako sa lugar na punung-puno ng bulaklak. Kita ang masayang ngiti sa mukha ko noon, pero si Reywen. . .

"Ay? Ba't walang mukha yung lalaki?" Tanong ni Glezel sa akin nang makita niya ang bagong painting ko.

"Di ko alam, eh. Di ko alam kung ano ang itsura niya." Sagot ko.

"Weird naman. Pero ang ganda, ah? Pwede mong ilagay ito sa museum kapag nasali ka sa exhibit. Pwede mong isali. Sayang naman, oh. Ang gaganda." Suhestiyon ni Glezel. Mabilis namaj akong umiling.

"Ayoko."

"Huh? Ba't naman?"

"Gusto ko. . .Gusto ko, ako at ang malalapit na tao lang sa akin ang makakakita ng paintings ko. Lalo na itong dalawang ito." Sabi ko sabay turo sa dalawang paintings ko kung saan ipininta ko ang napaka-gandang lugar ng panaginip.

"Hmm. Arte mo, friend. Pero sabagay. Naiintindihan naman kita."

Si Allaine at Glezel pa lang ang nakakakita ng mga paintings ko na ito. Hindi nakita ito ni Papa dahil hindi naman siya pumupunta sa kwarto ko para kumustahin ako at dalhan ako ng pagkain. Si Kevin, sa labas lang kami nagkikita or sa school. Di na siya ulit pumunta dito sa bahay lalo na sa kwarto ko.

Nagre-review ako ngayon dahil may quiz kami sa Math. Hindi ko alam kung bakit ang aga-aga pa, antok na antok na ako. Parang hinihila ako ng higaan ko na matulog. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko. Huli na nang malaman ko, nakatulog na pala ko.

*~*~

Pagmulat ng mata ko ay tumibok ng napaka-bilis ang puso ko nang makita ang napaka-pamilyar at napaka-gandang lugar na ito. Inikot ko ang paningin ko para hanapin ang taong matagal ko nang inaantay.

"Suzette. . ."

Napalingon ako sa likod ko at nakita ko doon ang nakangiting mukha ng taong iyon. Napangiti ako at nangilid ang luha ko.

"Reywen!" Pagtawag ko sa kanya bago ako tumakbo palapit sa kanya at niyakap siya. Hindi ko na napigilang umiyak. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya at ang pagyakap niya sa akin pabalik.

"Saan ka ba nanggaling?! Ang tagal kitang hinintay." Sabi ko habang nakayakap sa kanya.

Kumalas siya sa yakap at hinawakan ang mukha ko. Pinunasan niya ang mga luha ko gamit ang thumb finger niya.

"I'm sorry. May mga bagay lang talaga na minsan, hindi mo na kailangang malaman. Pero ang mahalaga ngayon, nandito na ulit ako." Paliwanag niya.

Naguguluhan man ay ngumiti ako sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko at pinag-salikop ang mga daliri at naglakad kami papunta sa isang garden na napupuno ng dilaw na bulaklak tulad ng ibinigay niya sa akin. Ngayon ko lang nakita 'to, ah?

"Ang ganda." Nakangiti kong sabi. Napatingin ako sa kanya at nakita kong nakatingin siya sa akin.

Ipinatong ko ang ulo ko sa balikat niya at nagpatuloy kami sa paglalakad.

"Alam mo, ang saya ko." Biglang sabi niya.

"Hmm? Bakit?" Tanong ko. Hindi ko inaalis ang pagkaka-patong ng ulo ko sa balikat niya.

"Dahil sayo. Dahil magkasama na ulit tayo." Sagot niya.

"Ako rin naman, eh. Sana nakaka-sama rin kita sa totoong buhay. Sana, hindi lang dito sa lugar ng panaginip. Sana, sa totoong buhay rin kung saan kaya rin kitang ipagmalaki sa lahat ng tao." Paliwanag ko. Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako.

"Balang-araw, Suzette."

Hinawakan niya ang mukha ko at inilapit niya ang mukha niya sa akin. Napa-pikit ako nang maramdaman na lumapit ang labi niya sa akin.

Pakiramdam ko ay sumabog ang dibdib ko sa sayang naramdaman ko nang hinalikan niya ako. Pakiramdam ko, naramdaman ko na ito, ilang taon na ang nakakaraan. Pakiramdam ko, naramdaman ko na rin ito sa kanya. Hindi ko lang alam kung paano.

Kumalas siya sa halik. Dumilat ako. Ngumiti siya sa akin.

"Tara. Samahan mo ako. May pupuntahan tayo."

Pinag-salikop niyang muli ang mga daliri namin at tumakbo ng mabilis. Ang sayang tumakbo kasama ang taong gusto mong kasama araw-araw lalo na't magkahawak pa ang mga kamay niyo. Matapos ang ilang minuto ng pagtakbo namin, tumigil kami sa isang malaking puno ng narra na may treehouse sa itaas.

Tinitigan ko nang maigi ang puno dahil sobrang pamilyar nito. Alam kong maraming puno ang katulad nito, pero iba 'to, eh. Parang may malaking bahagi ng pagkatao ko ito, ang punong ito.

Napatingin ako sa medyo ibabang parte ng puno. May nakaukit doon na Reywen ❤ Suzette na parang matagal na panahon nang isinulat. Hindi ko alam kung bakit gulong-gulo ako. Hindi ko alam kung bakit napaka-pamilyar ng lugar na ito.

"May. . .naaalala ka ba?" Tanong ni Reywen. Hindi ako tumingin. Sumagot lang ako habang nakatingin sa treehouse.

"Wala akong maalala. Pero bakit parang napaka-pamilyar nito? Nitong lugar na ito?"

Gusto kong umiyak dahil gusto kong maintindihan ang lahat. Kung bakit pakiramdam ko, malaking bahagi ng pagkatao ko ang lugar na ito.

"Reywen--"

"Umakyat ka na, Suzette. May ipapakita ako sayo." Sabi niya.

"Pero--"

"Tutulungan kita. Huwag kang matakot. Kung sakaling mahulog ka, nandito ako sa ibaba para saluhin ka."

Napatingin ako sa puno. Hindi siya ganoon kataas kung aakyatin ko. Pero alam kong masakit kung mahuhulog ako. Pero dahil sa sinabi ni Reywen, nagkaroon ako ng lakas ng loob.

Umakyat ako ng puno. Mahirap. Pero kinaya ko. Pagkarating ko sa itaas, nagulat ako sa nakita ko. May mga picture frames na nakasabit doon. Table ma gawa sa kahoy. May luto-lutuan na laruan, may maliit na unan na kulay blue at pink, at may mga stuff toys. Bakas sa mga kagamitan doon na niluma na ito ng panahon. Ang picture frames na ang nakalagay ay drawing ng mga bata, puno alikabok na. Puro alikabok na ang mga kagamitan sa treehouse na ito pati ang mga stuff toys ay puro alikabok na rin.

"Treehouse ko ito. Ginawa ng Papa ko noong 5 years old ako." Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko doon si Reywen na diretso lang ang tingin sa isang picture frame na ang nakalagay ay drawing na dalawang batang magka-hawak ang mga kamay.

"Ginawa ito ng Papa ko dahil madalas daw akong magtago sa itaas ng puno. Madalas daw akong umakyat ng puno kaya madidisgrasya ako. Sa treehouse rin na ito, naging masaya ako kasama ang isang bata na hanggang ngayon, laman parin ng puso ko."

Naramdaman kong lumapit siya sa akin at niyakap ako mula sa likod. Malakas na malakas ang tibok ng puso ko dahil sa ginawa niyang pagyakap sa akin. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing malapit siya sa akin, bumibilis ang tibok ng puso ko. Na parang ayoko na siyang mawala sa tabi ko.

"Suzette. . .mahal kita."

Matapos niyang ibulong sa akin ang mga salitang iyon, nasilaw na naman ako dahil may sumabog na namang liwanag. At pagka-gising ko, hindi parin tumitigil ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

*~*~

Inalala ko ang bawal detalye ng panaginip ko. Umaasa na magkakaroon na ng mukha ang lalaki sa painting ko. Lahat naaalala ko ang lahat. Pero ang mukha niya, nananatiling malabo sa isipan ko.

Buong linggo, hindi nawala sa isip ko ang panaginip kong iyon. Iba iyon sa lahat. Ang mga dilaw na bulaklak, ang treehouse, ang ukit ng pangalan ko at pangalan niya sa treehouse, ang. . .ang halik. Malinaw. Malinaw sa akin ang lahat. Pati ang bilis ng tibok ng puso ko, naaalala ko parin.

Pero ang mukha niya, kailan magiging malinaw sa isip ko sa tuwing gigising ako sa umaga? Kailan magkakaroon ng mukha ang lalaki sa paintings ko?

At kailan magiging malinaw sa akin ang lahat? Naguguluhan ako. Bakit napaka-pamilyar sa akin ng huling panaginip kong iyon? Bakit pakiramdam ko. . .napuntahan ko na ang lugar na iyon, ilang tao  na ang nakakaraan?

Gusto kong magkaroon ng sagot ang katanungan sa isip ko. Pero hindi ko alam kung paano.

_____________

Author's Note:

Hellooooo!!! Sorry for the very looooooooooong wait para sa mga nagbabasa pa nito (kung meron man). :D Naging busy lang these past month kaya ngayon lang naka-update. Sorry talaga. :(((( Sana mabawi ng update na ito ang paghihintay niyo ng matagal. :"> Sana kiligin rin kayo tulad ko. Hihihi. <3

Hindi ko alam kung hanggang anong chapter 'to. Pero baka hanggang Chapter 20 lang. Sabi ko naman sa inyo, Novella lang ito. Haha. Wag kayong mag-alala. Sa nalalabing-9 Chapters, marami pang mangyayari at marami pang revelations. Malay niyo, gawin ko pang 30, di ba? :D Pero di aabot ng Chapter 30 ito dahil maikli lang talaga siya. 25, pwede pa.

Ayun. :)

Sana magustuhan niyo. Hihi. Share your thoughts, guys. Hindi nakakamatay. :DDDDDD

-MarisolMariano ❤
(@MarissRocks_)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top