RIMD: Dream #1

RIMD: Dream #1

"Zette! Andyan na 'yung sundo mo!" sigaw ng best friend ko na si Glezel, dahilan para mapalingon ako dito.

Nandito kami sa classroom ngayon. Kanina pa tapos ang klase pero nandito parin kaming ilan sa mga magka-kaklase dahil umuulan pa. 'Yung iba, nakauwi na dahil may payong naman silang dala. Ako, may hinihintay. Kinuha ko ang salamin at suklay ko sa bag ko at nagsimulang mag-ayos.

"Zette, ano ba 'yan. Maganda ka na sa paningin ng boyfriend mo kahit 'wag ka nang mag-ayos." sabi pa ni Glezel sa akin.

"Ayoko kasing magsawa siya sa akin dahil sa pagiging sobrang plain ko." sagot ko.

"Hindi siya mag-sasawa sayo dahil mahal ka nun. Imagine, sa loob ng two years na magkasama kayo, kung mag-sasawa siya sayo, matagal na sanang nangyari 'yon, 'di ba?" giit niya.

Haaay, nako. Ang best friend ko talaga, may mailusot lang eh.

"Haha. Oo na. Oh, siya. Sige, aalis na ako, ah? Mauna na ako sayo. Ba-bye, best friend!" sabi ko bago lumabas ng classroom.

Pag-labas ko ng classroom, isang gwapong nilalang na nakangiti at may hawak na payong ang bumungad sakin. Ngumiti rin ako sa kanya.

"Tara na?" tanong ko. Tumango siya sakin.

Habang naglalakad kami pauwi sa ilalim ng payong na hawak niya, nagku-kwentuhan lang kami. Kinu-kwento ko sa kanya kung ano 'yung mga nangyari sakin ngayong araw na 'to. Ganun rin siya. Hindi kami magkaklase dahil first year college palang ako at siya naman ay second year na. Ahead talaga siya ng isang taon sakin dahil 17 palang ako tapos siya naman ay 18 na. IT ang course niya. HRM naman ako.

"Alam mo babe, pinagku-kwentuhan ka ng mga kaklase ko. Sabi nila, ang gwapo mo daw at crush ka daw nila. Nakakainis kasi alam naman nila na tayo tapos ipinaparinig pa nila sakin 'yun." reklamo ko. Tumawa naman siya.

"Haha. Huwag mo na silang pansinin, babe." sagot niya tapos hinawakan niya ang kamay ko.

Napangiti nalang ako dahil sa kilig na naramdaman ko. Kahit na dalawang taon na kami, hindi parin nawawala 'yung kilig sa tuwing gagawin niya 'yun. Malaki parin ang epekto niya sa akin.

"Alam mo, Kevin, mahal na mahal kita. Hindi ko siguro alam ang gagawin ko sa buhay ko kapag nawala ka sa akin." sabi ko nang hawakan niya ang kamay ko.

Tumingin naman siya sa akin nang marinig niya 'yun.

"Bakit mo naman nasabi 'yan? Bakit mo iniisip na mawawala ako sayo? " sabi niya.

Huminto kami sa paglalakad nang nasa tapat na kami ng bahay namin.

"Hindi ko alam. Basta 'wag mo akong iiwan, ah? Mamamatay ako kapag nawala ka sakin."

Ngumiti siya ng maliit sakin dahil sa sinabi ko. Alam kong hindi niya nagugustuhan kapag sinasabi ko na mamamatay ako kapag nawala siya. Pero 'yun kasi ang totoo. Minsan ko nang ginawa 'yun dahil sa problema ko, pero napigilan niya ako.

"Alam mo namang hindi kita hahayaan na gawin mo 'yan, 'di ba? Wag mo nang sasabihin 'yan, Suzette. Di ako mawawala sayo." sabi niya. Ngumiti ako at hinawakan ko ang mukha niya.

"Sorry. Mahal na mahal lang kita. Huwag mo akong iiwan, ah? Okay lang na iwanan ako ng lahat ng tao sa paligid ko. Pero hindi ko kakayanin kapag ikaw ang nang-iwan sa akin."

Ngumiti siya matapos marinig ang mga sinabi ko bago yumuko para halikan ako. Ilang sandali pa, naramdaman ko nalang na nababasa na kami ng ulan pero wala akong pakialam.

Masaya ako dahil hinahalikan ako ng taong mas mahal ko pa sa sarili kong buhay habang umuulan.

--x

Nandito na ako sa kwarto ko at ready na para matulog, pero may naalala na naman ako sa nakaraan ko. Sa tuwing naaalala ko ang mga masasakit na pinagdaanan ko nung mga panahon na mag-isa palang ako sa buhay ko, hindi ko maiwasan na magalit, masaktan at maiyak. Dahil sa tuwing naaalala ko 'yung mga magulang ko na walang ibang ginawa kundi ang bigyan ako ng sama ng loob, nanggagalaiti ako sa galit...

***

"Suzette, anak. . ." tawag sa akin ng Mama ko. Ginising niya ako kahit na madaling-araw na.

 

"Po, Mama?" sabi ko nang inaantok pa.

 

"Umalis na tayo dito."

 

Nagulat ako nang marinig ko na parang umiiyak si Mama. At nang tinitigan ko siya, nakita ko ang mga sugat at pasa sa mukha niya. Pati ang luhang umaagos sa pisngi niya.

 

"Mama, bakit ka umiiyak?!" tanong ko.

 

"Shh. Baka marinig ka ng Papa mo," sabi niya. Niyakap niya ako. "Anak. . .I'm sorry. I'm sorry sa lahat. Sorry kung hindi ako naging mabuting ina sayo. Patawarin mo ako."

 

Hindi ko alam kung ano ang sinasabi ni Mama noong mga panahong 'yon pero naramdaman ko nalang na tumulo na rin ang mga luha ko. Sa edad na 14, inosente pa ako sa ibang bagay. Pero akala ko lang pala 'yun.

 

Tumayo si Mama at kinuha ang maleta ko sa ilalim ng higaan ko. Binuksan niya ang closet ko at inilagay doon ang mga damit ko.

 

"Mama, saan po tayo pupunta?" tanong ko.

 

"A-aalis na tayo, anak. Hindi ko na kayang makasama pa ang Papa mo sa iisang bubong. Isasama na kita, anak. Aalis tayo. Aalis tayo ng bansa at iiwan natin ang Papa mo. Ayokong. . .ayokong gawin niya rin sayo ang ginawa sa akin ng Papa mo."

 

Nanginginig siya habang inilalagay ang mga damit ko sa maleta at nagsasalita. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Bakit nagkakaganyan si Mama?

 

"Mama! Hindi ko iiwan si Papa dito!" sabi ko.

 

Lumingon siya sa akin. Pumunta siya sa akin at hinawakan ako sa dalawang balikat.

 

"Hindi pwede. Iiwan na natin ang Papa mo. Hindi ko na kaya ang mga ginagawa niya sa akin." giit niya.

 

"Ma! Kung gusto mong umalis, ikaw nalang. Hindi ko pwedeng iwan si Papa dito! Ayoko--"

 

Hindi ko pa natatapos ang mga sasabihin ko nang bigla niya akong sinampal ng malakas.

 

"Suzette! Makinig ka! Ang Papa mo, ay hindi na katulad ng dati! Ang Papa mo, nagbago na! Maniwala ka, sasaktan ka lang niya!" sabi niya.

 

"Pero. . ."

 

"Anak, mamaya ko nalang ipapaliwanag sayo ang lahat. Ang importante, mailayo kita sa ama mo."

 

Pagkasabi niya niyan, isinara na niya ang maleta ko at hinawakan ako ng mahigpit sa kamay. Dahan-dahan kaming naglakad pababa ng bahay.

 

"Mama—"

 

"Shh!"

 

Naglakad na ulit kami pero bago pa kami makapunta sa pintuan, biglang bumukas ang ilaw. Nanigas kami ni Mama sa kinatatayuan namin.

 

"Sabi ko na nga ba at pinaplano niyo ang iwan ako eh." matigas na sabi ni Papa.

 

"Papa. . ."

 

"Suzette, anak. . ."

 

Bakas sa boses niya na lasing siya. Lumingon ako sa kanya at nakita kong may hawak siyang bote ng alak. Ininom niya ito.

 

"Allan, tumigil ka na! Hayaan mo na kami ng anak mo na iwan ka!" pasigaw na sabi ni Mama.

 

"Christine, hindi ko alam kung baliw ka na ba. Bakit ko kayo hahayaan na iwan ako? Para maging malungkot habang-buhay? Para hayaan kayong pumunta sa lalaki mo?! Sa ibang pamilya mo?! Tapos isasama mo pa ang anak ko!"

 

Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko. Si. . .Mama? May. . .may ibang pamilya? Paanong. . .

 

"Anak, mag-magpapaliwanag ako." sabi ni Mama nang humarap siya sa akin habang hawak-hawak ang balikat ko.

 

"Suzette, wag kang maniniwala sa kahit na anong paliwanag ng wala mong kwentang ina! Niloko niya tayo! May iba siyang pamilya. May kapatid ka sa labas!" sabi ni Papa.

 

Nabibingi ako sa mga naririnig ko. Hindi ako makapaniwala na magagawa nila sa akin 'to. Ilang sandali pa, naramdaman ko nalang na umagos na ang luha sa mga mata ko.

 

"Suzette, anak," lumuhod na si Mama sa harap ko. "Hayaan mo akong magpaliwanag. I'm sorry, anak. I'm sorry."

 

Kaya ba. . .kaya ba siya nagso-sorry sa akin kanina? Dahil nilihim niya sakin na may iba siyang pamilya?

 

"Mama. . ."

 

Nagulat ako ng biglang hinila ni Papa ang buhok ni Mama dahilan para mapalayo siya sa akin.

 

"Mama!"

 

"Hindi mo ako pwedeng iwanan ng basta nalang, Christine!" sigaw ni Papa bago sinampal ng napaka-lakas si Mama.

 

"Mama!" malakas na pagtawag ko dito.

 

"Anak!" pagtawag naman ni Mama sa akin.

 

Hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko. Para akong naestatwa dito habang pinapanood si Papa na bugbugin si Mama. Iyak lang ako ng iyak na parang bata.

 

"Tama na, Allan! Nasasaktan ako!" sigaw ni Mama habang sinasampal siya ng sobrang lakas ni Papa.

 

Ilang sandali pa, hinila ni Papa si Mama papunta sa hagdanan at sapilitan na pinaakyat.

 

"Allan! Tama na!" sigaw ni Mama habang pilit siyang pina-aakyat ni Papa.

 

Sinundan ko silang dalawa. Pinapasok ni Papa si Mama sa kwarto niya at ibinato sa higaan si Mama.

 

"Papa, tama na! Wag niyo nang saktan si Mama." malakas na sabi ko, pero hindi niya ako pinansin. Si Mama naman, nakatingin lang sa akin habang humahagulgol.

 

Sinaktan ulit ni Papa si Mama. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Pakiramdam ko, napaka-walang kwenta ko.

 

"Hindi niyo ako pwedeng iwan, Christine! Hindi ako papayag!" sigaw ni Papa tapos ay sinaktan na naman si Mama.

 

"Hindi na kita mahal, Allan! Tigilan mo na ako!" sigaw ni Mama habang humahagulgol na nakapag-pahinto kay Papa.

 

Hindi. . .hindi na mahal ni Mama si Papa?

 

"A-anong sabi mo?" tanong ni Papa.

 

"Hindi na kita mahal. Hayaan mo na ako, nagmamakaawa ako sayo. Hayaan mo na kaming lumayo ng anak ko. Hayaan mo na kaming maging masaya!"

 

Nakita ko na tumulo ang luha ni Papa sa mga narinig kay Mama. Ilang sandali pa, nagulat ako nang pumatong si Papa kay Mama.

 

"A-Allan. . .a-anong ginagawa mo?!" natatakot na sabi ni Mama.

 

"Hindi kita hahayaang sumaya nalang ng basta-basta!"

 

Matapos sabihin ni Papa 'yan, sapilitan niyang hinalikan si Mama habang nagpu-pumiglas at sumisigaw. Humihingi ng tulong.

 

Ilang sandali pa ay sapilitan din na hinubaran ni Papa si Mama habang si Mama ay nakatingin sa akin na parang humihingi ng tulong.

 

Pero ako. . .wala akong nagawa. Wala akong nagawa kundi ang manatiling nakatayo doon habang walang humpay sa pagtulo ang luha ko at panoorin na ginagahasa ng ama ko ang nanay ko.

 

--x

 

Ilang oras na ang nakalipas. Malapit nang sumikat ang araw. Nakaupo lang ako sa gilid ng kwarto nila at yakap-yakap ang sarili ko sa takot. Si Papa at si Mama, nasa higaan at natutulog. Ilang sandali pa, bumangon si Mama. Nakita ko ang hubad niyang katawan. Isinuot niya ang mga damit niya na tinanggal kanina ni Papa. Bakas sa mukha niya ang mga sugat at pasa na natamo niya mula kay Papa.

 

"Mama!" tawag ko sa kanya.

 

Tiningnan niya lang ako ng walang emosyon tapos ay lumabas na ngkwarto.Sinundan ko siya. Paulit-ulit ko siyang tinawag pero parang wala siyang narinig.

 

"Mama! 'Wag mo akong iwan!"

 

Huminto saglit si Mama sa paglalakad. Niyakap ko siya mula sa likod niya. Hindi siya gumalaw. Pumunta ako sa harap niya at nakitang nakatingin lang siya sa malayo habang tumutulo ang mga luha. Pati ako ay naiyak na rin sa nakita. Niyakap ko siya.

 

"Mama, I'm sorry. Hindi ko sinasadya."

 

Hindi ko sinasadyang sabihin sayo na iwan mo nalang ako dito. Hindi ko sinasadyang sabihin sayo na, kung gusto mong umalis, ikaw nalang. Inidolo ko si Papa, alam mo 'yan. Pero matapos ang lahat ng nakita ko, naglaho ang lahat ng paghanga kong 'yun. Gusto kong sabihin sa kanya ang lahat ng ito, pero hindi ko magawa. Iyak at hikbi lang ang lumalabas sa bibig ko.

 

Hindi na ulit nagsalita pa si Mama. Tinanggal niya lang ang pagkakayakap ko sa kanya at nagsimula nang maglakad ng mabilis palabas ng bahay.

 

Hinabol ko siya ng hinabol. Tumakbo ako ng tumakbo para mahabol lang si Mama pero nang madapa ako, nawalan na akong ng pag-asa na mahahabol ko pa siya.

 

***

Nung araw na 'yan. . .'yung araw na naalala ko, 3 years ago, 'yan 'yung araw na nawalan ako ng Nanay.

At hanggang ngayon, sa tuwing naaalala ko ang ilan sa mga masasakit na pangyayari sa buhay ko, hindi ko parin mapigilan ang maiyak dahil sa sakit.

Sa pagpikit ko, tumulo ang mga luha na sanhi ng mapait na nakaraan. Hindi lang 'yan. Hindi lang 'yan ang masakit na naranasan ko nung mga panahong 'yun. . .hindi lang yan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top