Simula


YEAR 2035, a new variant of Covid-19 do exist. Sa daaan-daang variant na nag-exist sa mundong ito ay ito na yata ang may pinakamataas na fatality rate.  Punuan ang mga ospital, may mga pagkakataong may makikita ako na mga tao na bumabagsak na lamang ang katawan sa mga pampublikong lugar; nangingisay, walang tigil ang pag-ubo hanggang ang mga laway na tumatalsik mula rito ay nahahaluan na ng dugo.

Walang gustong lumapit kapag nangyayari ang bagay na iyon. Lahat ay takot na makuha ang sakit, lahat ay takot na mamatay.

Bilang isang tao na lumaki habang nangyayari ang pandemiyang ito, hindi na bago ang ganitong senaryo. Mag-la-lockdown, magluluwag muli sa mga tao, tataas ang mga cases, panibagong variant ang susulpot at magla-lockdown. This cycle repeats over and over again. Nakakapagod.

Putangina ng mga pulitikong ginawang negosyo ang sitwasyon ng mundo. Sana lang ay madala ninyo sa impyerno 'yang mga perang ninakaw ninyo. Ilang administrasyon na ang dumaan, ilang beses na nangakong sila ang tatapos ang pandemiyang ito. Congrats sa kanila, hindi ko na alam kung pang-ilang lockdown na ito.

Nakaupo ako sa harap ng TV habang nanonood ng balita, kumakain lang ako ng instant noodles na kakainit ko lamang habang nakataas ang dalawang paa ko sa couch. Hinigop ko ang noodles noong marinig ko ang balita.

"Tinatayang labing siyam na libo ang namatay ngayong araw. Patuloy na nananawagan ang mga ospital na huwag munang lumabas dahil mas mataas ang fatality rate ng Sierra variant. Ayon kay President Dela Fuente na kung patuloy na hindi makikiisa ang mga tao sa mga inilatag na health protocol ay asahan na tataas ang bilang ng mga namamatay sa mga susunod na araw."

"Tanginang sisihan 'yan, hindi na natapos." Reklamo ko at humigop ng sabaw ng noodles. "Gago ang init."

Ipinakita sa TV ang interview kay President Dela Fuente na halatang-halata na may script lang na binabasa. Bakit ba nanalo 'to?

Bumukas ang pinto ng bahay, pumasok si Mama na nakasuot ng PPE uniform habang dala-dala ang mga pinamili niyang mga groceries. Hinubad ni Mama ang suot niyang PPE at basang-basa ng pawis ang buo niyang damit. "Pasensiya ka na at na-late ako nang uwi, ang haba ng pila sa mall, nagkakaubusan na rin ng stock. May namatay ngang tatlong tao kanina sa SM Baliwag na bigla na lang nangisay. Kaya ikaw, huwag ka munang lalabas kahit diyan sa mga kalapit nating unit sa apartment. Kumain ka na, Drake?"

"Nag-noodles na lang ako." Tipid kong sagot.

"Magluluto na lang ako ng menudo, mabilis lang naman lutuin 'to." Sabi ni Mama habang pinupunasan ang kaniyang pawis. "Huwag ka munang lalapit sa akin hangga't hindi pa ako naliligo." Paalala niya.

"Busog na ako."  Ginawa kong ring ang basurahan sa kusina at saktong pumasok ang cup noodles dito na kakatapos ko lang maubos.

"Project: Hope ng ilang taong ginawa ng gobyerno, tapos na! Tinatayang mahigit dalawang daang libong kabataan ang nagrehistro para maging parte ng Project: Hope. Sa proyektong ito ay pipili ng isang libong kabataan ang gobyerno upang manirahan sa isla na tinatawag nilang New Manila. Tanging ang mga kabataang bakunado at walang sintomas ng kahit anong Covid-19 variant ang magiging parte nito." Papasok na dapat ako sa kuwarto ko noong marinig ko ang balita.

Itinuloy pala nila ang proyektong ito? They invested billion of peso para sa Project: Hope kaysa paigtingin ang pagresolba sa kumakalat na virus sa Pilipinas. Nasa bansa talaga ako na kung saan priority ng gobyerno ang walang kakuwenta-kuwentang bagay.

Project: Hope ang tawag nila sa proyekto na kung saan ginawa nilang isang malaking Manila ang buong Mindoro. Ang Mindoro kasi ay isa sa pinakamalaking isla sa bansa na kung saan hindi maaaring makapasok ang kung sino. Kung titingnan ang mapa ng Pilipinas ay parang isang isla ang Mindoro na nakagitna sa Pilipinas at nakabukod sa Luzon, Visayas, at Mindanao.

Taong 2026 ay pinaalis nila ang lahat ng tao na naninirahan dito. Nagkaroon naman sila ng relocation place para sa mga mawawalan ng tirahan—mga bahay na kaunting lindol lang ay babagsak na sa 'yo ang lahat ng bato. Isinailalim sa renovation ang buong Mindoro para gawing New Manila. Isa itong plano ng Gobyerno na kung hindi mapipigilan ang patuloy na pagtaas ng pagkamatay ay pipili sila ng isang libong kabataan na maninirahan sa New Manila na kung saan normal na mamumuhay. Sinasabing plano nila ito para hindi maubos ang mga Pilipino sa mundo.

"Kung ano-anong pakulo na naman ang ginawa ni President Dela Fuente. Ang sabihin niya, gumawa siya ng lugar para magiging ligtas ang mga anak niya kung sakaling pumalpak siya sa administrasyon niya." Reklamo ni Mama habang nag-iinit ng kawali. "Hindi ka naman nag-register sa bagay na iyan, Drake 'no?" tanong ni Mama.

Hindi ako nakasagot. Nag-register ako.

Hindi naman ako nag-fillup para makaalis sa sitwasyon namin. Sinagutan ko 'yong form kasi... uso. Usap-usapan sa social media, mga taong hina-hype ang proyekto, dahil na rin nag-register ang mga kaibigan ko ay nag-register na rin ako bilang pagsakay sa trip nila.

Sa Ilang daang libo na lumahok sa Project: Hope ay paniguradong hindi na man din ako mapipili. Mamamatay na lang ako na bilang sa sampung daliri na naiapak ko ang paa ko sa school. Tanginang online class 'yan, tingin ba talaga nila ay na-a-absorb ng mga estudyante ang mga tinuturo nila na nasa screen lang ang lahat ng lesson? Para nga lang kaming naglalaro sa ginagawa namin, eh.

"Drake?" Pag-ulit ni Mama.

"Bakit ako sasali diyan? Isang malaking circus na ang Pilipinas ngayon." Sagot ko at pumasok sa kuwarto.

Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama at pinagmasdan ang kisame. Iniisip ko kung kailan babalik muli sa normal ang lahat. Malabo. Mas mauuna pa ang world war 3 kaysa sa pagkatapos ng lockdown dito sa Pilipinas.

***

NOONG mga sumunod na araw, kapansin-pansin na ang malakas na pag-ubo ni Mama sa kaniyang kuwarto. Malalakas ang pag-ubo na ito na maging ang landlord nitong apartment na tinitirahan namin ay nagrereklamo na. Ang sinasabi kong dahilan ay inubo si Mama dahil sa trabaho niya bilang Team leader sa call center at gabi-gabing pagpupuyat dahil sa night shift.

"'Ma, ayos ka lang?" Kumatok ako sa pinto ng kaniyang kuwarto.

"Iwanan mo na lang 'yong pagkain diyan sa lapag." Sagot ni Mama sa akin at inilapag ko sa sahig ang Hotdog at Ham na niluto ko. Iyon lang ang kaya kong lutuin.

"'Ma, bubuksan ko na 'tong pinto, ilang araw ka nang  nakakulong diyan—"

"Positive ako." Sagot ni Mama sa akin at napatigil ako sa pagkatok. "Nahawa ako." Dugtong niya pa.

Namatay na si Papa noong nakaraang dalawang taon dahil sa sakit, lumakas ang kabog ng dibdib ko. Isang beses. Isang beses lang sa isang buwan lumalabas si Mama para mamili ng mga kailangan namin sa bahay. Kumpleto pa siya sa suot kapag lumalabas at parating nag-a-alcohol. Paano...

"In-email na sa akin ni Doctor Santiago ang resulta." Pumunta rito si Doctor Santiago noong isang araw para makipagkuwentuhan kay Mama. "Nahawa ako."

"P-Pero magiging maayos ka naman, 'di ba, 'Ma?" tanong ko habang nanginginig ang aking kamay. Ayokong maulit ang nangyari kay Papa.

"Mas maganda nang naka-isolate ako para hindi ka mahawa." Sagot ni Mama sa akin sa loob ng kaniyang kuwarto. "Lagyan mo rin ng tabing ang kuwarto ko para hindi ka mahawa. Huwag ka muna ring lumabas-labas. Sapat ang stock sa bahay para makakain ka."

Akmang bubuksan ko ang doorknob kaso ay naka-lock ito. "Huwag. Drake, magiging okay din si Mama." Sagot niya sa akin.

Umupo lamang ako sa couch, hinihintay ko ang sunod kong klase at nakabukas na ang aking laptop. Ilang minuto lamang ay may mga taong kumatok sa unit namin. "'Ma, may bisita ka ba?" Pasigaw kong tanong para marinig niya.

"Wala, 'Nak." Sagot ni Mama at sunod-sunod na ubo ang kaniyang pinakawalan.

"Si Manang Tere na naman 'to, baka naniningil." Bulong ko. Si Manang Tere ay ang landlord sa inuupahan naming unit.

Binuksan ko ang pinto at saulado ko na ang isasagot ko sa paniningil ni Manang Tere. "Manang Tere, sa katapusan na daw po magbabayad si Mama, delay ang saho—"

Napatigil ako sa sinasabi ko noong hindi si Manang Tere ang nakita ko sa labas. Tatlong tao na nakasuot ng PPE. May nagsumbong bas a mga kapitbahay namin. "A-Anong kailangan po ninyo?" tanong ko.

"Drake Sebastian De Guzman?" tanong noong babaeng nasa gitna habang may binabasang papel na sa tingin ko ay listahan ng mga pangalan.

"M-May kailangan po sila?" tanong ko.

"Congratulation, you are short-listed to be part of Project: Hope." Sagot niya sa masiglang tono at pumasok sila sa bahay ng walang paalam.

"T-Teka, trespassing po iyan!" sabi ko. "Hindi ako nag-register diyan!" Muli kong reklamo.

"It's clearly stated here though, Nag-register ka noong October 17, 2034. Isa ka sa masusuwerteng kabataan na napili para maging parte ng Project: Hope." Sunod-sunod na pag-ubo ang umalingawngaw mula sa kuwarto ni Mama.

Kinabahan ako.

"May sakit ang Mama mo?" tanong niya.

"Naka-isolate siya ngayon." Sagot ko. Wala naman ding mangyayari kapag nagsinungaling ako lalo na't mukhang medical staff ang dalawang kasama nitong babae na kausap ko.

"Gusto ko sanang makausap ang magulang mo patungkol sa bagay na ito. We will conduct Antigen Test to you para malaman kung positive ka rin." Seryosong sabi noong babae at mabilis akong hinawakan noong dalawang nurse.

Kumatok ang babae sa kuwarto ni Mama. "Hello, Miss De Guzman. I am Samantha Santos po from St. Luke Medical Hospital. I want to discuss something regarding with your son's registration to be part of Project: Hope."

Hinayaan ko na lang siya na pumasok sa kuwarto ni Mama, kampante siyang hindi siya mahahawa dahil mataas na kalidad ng PPE ang kaniyang suot. Ang mga nurse naman ay tinusok ang daliri ko para makuhanan ako ng dugo. "Mag-re-rely talaga kayo sa Antigen Test?" tanong ko sa kanila.

It has a false-negative result .Puwedeng may virus ako sa katawan ko pero hindi ipinapakita ng katawan ko.

"Ito ang pinakamabilis gawin ngayon." Sagot ng Nurse sa akin.

Ilang minuto na tumagal ang usapan nila Mama at noong babae. Nakaupo lang ako sa couch habang nag-i-scroll sa Tiktok ng mga memes.

"Anong resulta?" tanong agad noong babae na nagngangalang Sam.

"Negative." Sagot noong isang nurse.

"Well, Drake," may ipinakita siyang papel sa akin. "I got your Mom's consent para maging parte ka ng Project: Hope."

"Paano?!" sigaw ko at naglakad padabog papalapit sa kuwarto ni Mama. Mabilis akong pinigilan ng dalawang nurse.

"Huwag kang lumapit, hindi pa na-di-disinfect ang PPE ni Mrs. Sam." Sagot ng nurse sa akin.

"Ipinapaabot ng Mama mo ang sulat na ito sa 'yo. I managed to get her message for you. Just to let you know, malubha na ang sakit ng mama mo at puro dugo na ang punda ng kaniyang unan."

"H-Hindi..." Umiiling kong sabi habang namumuo ang luha ko. "Okay lang ang Mama ko." Sagot ko na may paninindigan.

"May mga kanin din na nakatapon sa gilid ng kaniyang higaan. Mukhang hindi niya kinain ang mga dinala mong pagkain sa kaniya." Sagot ni Mrs. Sam sa akin.

Binasa ko ang liham na iniabot ni Mama sa akin at napaiyak. She's just telling that she's also tired of everything... gusto na niyang sumunod kay Papa. Pero paano ko?

Sinabi niya rin sa sulat na ang Project: Hope daw ang magiging susi para makapamuhay ako ng normal. Sa lugar na kung saan hindi nila pinapayagan ang kahit sino na may sintomas ng sakit.

She wants me to be part of Project: Hope.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top