Kabanata 6

KABANATA ANIM

"DRAKE, tumabi ka diyan!" Malakas na sigaw ang aking narinig mula kay Raver. May hawak siyang fire extinguisher at sinimulang apulahin ang apoy. "This is not enough, tulong!" She shouted again.

Bumalik ako sa aking huwisyo, everything here now is Chaos. Dali-dali kong hinatak ang walang buhay ni Dustin palayo sa nasusunod na establisyimento. Kumapit sa akin ang bakas ng kaniyang dugo. Someone died.

May grupo ng kalalakihan na tumulong kay Raver para mapatay ang apoy. Nanginginig ang kamay ko habang pinagmamasdan ang buong paligid. Kabi-kabilang mga tao ang nagtatakbuhan sa panic, they are all holding foods na kinuha nila sa mga groceries. May ibang natatapakan, may ibang nag-aagawan sa pagkain. At isa pa, may isang namatay sa amin.

We all thought that New Manila will be our escape on our fucked up society... but no. This is just another form of hell. A thousand of teens trap in an island with limited food and resources. Sa tingin ba nila ay makaka-survive kami sa ganitong klaseng sitwasyon? Mas malala pa ang nangyayari ngayon sa loob ng isla kaysa sa pandemic mismo na kinakaharap ng bansa.

Unti-unti akong nakaramdam ng butil-butil na tubig na tumatama sa aking balat– umuulan. That will be helpful dahil mas mapabibilis ang pagpatay sa apoy at maiiwasan na kumalat ito sa katabingga bahay at establisyimento.

"W-Who killed Dustin?" Biglang lumapit si Joanna habang may luhang namumuo sa kaniyang mata. "Nakita ko ba kung sino ang pumatay sa kaniya?"

"I..." saglit akong napatigil at pinagmasdan ang walang buhay na katawan ni Dustin. Ang patak-patak na ulan kanina'y unti-unting lumakas hanggang sa maging isang malakas na ulan. "I don't know."

Naging isang babala sa amin ang pagkamatay ni Dustin na hindi na kami ligtas sa lugar na ito.

Pumasok kami sa katabing establisyimento para magpatila ng ilan. Tinakpan ni Ryan (isa sa mga tumulong na umapila ng apoy) ng puting tela ang walang buhay na katawan ni Dustin.

Kasama namin dito sina Joanna, Raver, Lexie, Jerome, Ryan, Steve, at Luna. Pinagmamasdan ko lang ang ulan sa labas at maging ang malalakas na kidlat na dala nito. "We need to contact the Government as soon as possible, hindi na tayo ligtas dito." sabi ni Joanna. "May mamamatay tao tayong kasama."

Raver chuckled. "The government? The fuck! Umaasa pa rin kayo doon? It's been three days already noong mangyari ang pagkasira ng tulay. Is there someone out there check us here kung may nasaktan sa atin? Wala. Is there anyone out there who came here by the means of other transportation to give us supplies? Wala."

Tumayo siya at naglakad-lakad at ngumisi sa amin. "Pinabayaan na nila tayo. This experimentation? This is fucked up. Tayo-tayo na lang din ang magtutulungan para makaligtas tayo rito."

"The government will come. Hindi kami pababayaan ng mga magulang namin." Depensa ni Joanna. She came from wealthy family na may kapit sa gobyerno kung kaya't tiwala siya rito.

"The Government will not come." Sabi ni Raver ng mas may diin. "Dustin died because they abandoned us."

"Tumigil na kayo." Biglang sabi ni Luna. "Imbes na pagtalunan natin 'yan, kailangan ay mag-isip tayo ng paraan kung paano mapapahupa ang takot ng iba pang kabataan na nandito sa New Manila. Dustin's death caused panic."

Napaupo ako sa sahig. "We should give Dustin a proper burial tomorrow."

***

NAGISING ako sa pagtama ng sinag ng araw sa aking mata. Akala ko ay panaginip pang ang nangyari kagabi pero noong makita ako ang bahid ng dugo sa aking damit at maging ang putik dahil sa pag-ulan ay nabalik ako sa katotohanan na totoo ang nangyaring pagkamatay ni Dustin.

"Gising ka na?" Biglang may narinig akong boses na nakaupo sa isang stool– si Luna. "Umalis na sina Joanna. Hindi ka na namin ginising dahil mukhang pagod na pagod ka kagabi."

Napatingin ako sa paligid. "Nasaan ang bangkay ni Dustin?"

"Dinala nila Joanna sa bakanteng lote malapit sa simbahan. Naghuhukay sila para sa malilibingan ni Dustin. They will give him a proper burial there." Paliwanag niya sa akin. Dahan-dahan akong tumayo at lumabas ng establisyimento.

Mabilis na sumunod sa akin si Luna. Ramdam ko ang pagiging kakaiba ng atmosphere sa buong paligid. Ang saya na naramdaman namin sa unang pagpunta rito sa New Manila ay napalitan ng takot. Wala na masyadong nasa labas ng kalsadq at mukhang ang karamihan ay nanatili na sa kani-kanilang bahay. Magulo rin ang buong lugar dahil sa nangyari kagabi.

"Are you sure that you are okay? Dustin's death seems traumatized you." Luna said.

"Luna, may namatay sa atin at isa sa atin ang pumatay. Hindi lang ako na-trauma dahil ako ang unang nakakita ng bangkay ni Dustin. Natatakot ako na baka mamatay tayo isa-isa rito." Pag-amin ko.

"Dadating ang tulong sa atin–"

Napatigil ako sa paglalakad at napabaling ang tingin ko sa kaniya. "Walang dadating na tulong sa atin. 'Yong nangyaring pagsabog at pagkawasak ng tulay? If this project really matter to our Government, they will urgently fix that. Pero hindi. Pinabayaan na nila tayo rito Luna."

"Hindi nga tayo mamamatay sa virus. Mamamatay naman tayo sa gutom at sa isang mamamatay tao rito sa New Manila." Dugtong ko pa.

She's from a wealthy family, lumaki siya na mabilis na nasosolusyunan ang mga problema niya. Hindi ko siya masisisi kung bakit may tiwala siya sa Gobyerno. Pero kaming laki sa hirap na ilang taon nang nagtitiis sa virus? Our government is fucked up. Malaking palpak simula noong nagsimula ang pandemiyang ito.

Nagulat kami noong may static sound kaming narinig mula sa mga megaphone na nakakabitbsa street light. Napabaling ang tingin namin doon ni Luna. Noong una ay akala ko ay galing nga sa Gobyerno ang ingay na ito pero boses ni Joanna ang narinig namin.

"Hello... Hello. I just hope that everyone are able to hear me. I am Joanna, also want of the kids here in New Manila. Alam kong isang malaking gulo ang nangyari kagabi. One of our friends died– si Dustin. It cause so much commotion and chaos. Pero gusto kong maayos natin ang gulong ito, we need to have a cooperation para maresolba kung paano tayo mabubuhay at makakaalis sa islang ito."

Nakita kong may mangilan-ngilan na sumilip sa bintana nila upang mas maayos na mapakinggan ang anunsiyo ni Joanna at may ilang lumabas ng kani-kanilang bahay.

"We will give Dustin a proper burial around 10am sa bakanteng lote malapit sa chapel. Kung sino man ang nais na makipaglibing, you guys are free to attend. At kung hindi man kayo makadadalo, iniimbitahan ko ang lahat na pumunta sa loob ng chapel para mapag-usapan natin ang mga susunod na hakbang habang nandito tayo sa Isla. In order to survive, we must act as one. Your coordination will be highly appreciated."

The announcement ended. Hanga rin naman talaga ako kay Joanna dahil talagang ginagawa niya ang lahat para maayos ang gulo na nangyari kagabi. She's from a wealthy family pero hindi niya hinahayaan na maging ang nasa mababang antas ng lipunan ay maiwanan sa mga plano niya. She wants all of us to survive in this hell.

"Babalik muna ako sa bahay para magpalit ng damit." Paalam ko kay Luna.

"Magkita na lang tayo mamaya sa libing ni Dustin." She informed me. Tumango ako at naglakad papaalis.

Habang naglalakad ako ay napadaan ako sa buhanginan malapit sa nasirang tulay. May grupo ng kabataan na nagsusulat ng malaking SOS at mukhang nagbabakasakali silang may magliligtas sa amin.

Napatingin ako sa kalangitan. Noong mga nakaraang araw ko pa napapansin na may mga eroplano naman na napadadaan sa isla ngunit ni isa ay walang tumulong. I feel like we are totally ignored by the world.

Ito ba ang ipinagmamalaki ng gobyerno na promising project nila? Magsasalba sa Pilipinas kung sakali mang kumalat ang virus? Fuck that. They abandoned a thousand of teens here in an island. Kainin sana sila ng konsensiya nila.

Pagkauwi ko ay agad akong kumuha ng itim na damit pamalit (bulang respeto sa burol ni Dustin). Pagpasok ko sa banyo ay pinagmasdan ko ang repleksiyob ko sa salamin. Suot ko pa ron ang damit kong may bakas ng dugo ni Dustin. Nakakakilabot. Ang dami ng tao na nawala sa akin pero iba ang takot na naramdaman ko kagabi.

Saglit akong naligo at mabilis na nagpalit ng damit. I checked my stocks of food balak ko kumain bago umalis. "Iilan na lang din pala ang pagkain ko rito." Mahina kong bulong noong mapansin kong tatlong instant noodles at limang delata na lang ang nasa cupboard. I should get my food stock later kapag may nadaanan akong convenience store.

Iyon ay kung may madadatnan pa akong pagkain. Nakita ko ang panic ng lahat kagabi habang may bitbit-bitbit ng kani-kanilang food stock. Mukhang nag-sink in na sa lahat na baka matagalan kami dito sa islang ito. Everyone find their own ways to survive.

Lumabas ako ng bahay at tumungo sa bakanteng lote malapit sa chapel. Hindi ko inasahan na marami ring makikipaglibing sa pagkamatay ni Dustin. He's a great person though, in a short period of time, he showed us that he can be a leader who we can depend to.

Unti-unting inilalagay ang walang buhay na katawan ni Dustin na nakabalot sa tela sa may hukay. Kumuha ako ng isang bulaklak sa 'di kalayuan at hinagis ito sa hukay.

"Sa tingin mo ba ay nasa plano talaga ng gobyerno na iwan tayo rito?" Tanong sa akin ni Raver habang diretsong nakatingin sa bangkay ni Dustin na ngayo'y unti-unting tinatabunan ng lupa.

"They invested a lot for this project, ilang milyon ang ginastos nila rito para balewalain lang nila." Paliwanag ko.

She smirked. "Doon naman magaling ang gobyerno natin 'di ba? Sa pagwawaldas ng pera sa kaban ng bayan. Noong kasagsagan din ng covid ay milyon-milyong pondo rin ang nasayang dahil sa mga hindi nagamit na vaccine."

"Babalikan nila tayo." Jerome said na nasa tabi rin namin.

Matapos ang libing ni Dustin ay tumungo na kami sa loob ng chapel at may iba na nandito na. Hindi sila nakipaglibing kay Dustin. Umupo kami sa mahabang upuan habang si Joanna ay tumayo sa gitna ng platform para mas maayos namin siyang makita.

"These past three days... masyadong marami ang nangyari rito sa New Manila. Nasira ang tulay, walang supplies na dumadating, walang tauhan ng gobyerno ang nagche-check sa atin at ngayon... namatay si Dustin, isa sa mga kasamahan natin." Panimula ni Joanna at tahimik kaming nakikinig lahat.

"Tayo-tayo lang naman ang nandito! Isa sa atin ang pumatay kay Dustin!" Sigaw ni Patrick. Um-agree ang lahat at napatango ako.

"I know, that's the reason why we are planning to conduct investigation regarding the issue. Para malaman kung sino ang pumatay kay Dustin. Sa mga susunod na araw, we will do door-to-door tour para i-check ang kaniya-kaniya ninyong bahay para maghalughog kung sino ang mga may baril." Joanna said.

"Paano naman kaming may baril sa bahay pero para sa self defense lang?" Sigaw ni Lloyd at lahat kami ay napatingin sa kaniya. "The fuck! It's not that I kill that fucker. Ayoko lang masisi ako because I have gun in my house."

"Why you need gun in your house?" Tanong ni Luna sa kaniya.

He chuckled. "Well we are thousand here. I am one of the well-off kids here in New Manila. Gusto ko lang protektahan ang sarili ko kung sakaling may biglang pumasok sa teritoryo ko. Hindi ko alam ang ugali ng daan-daang kabataan na nandito. I need my ways to protect myself."

Nagiging mainit ang diskusyon dito sa chapel. They are blurting curse words kahit pa may ilang mga santo ang naka-display dito.

"Nakuha ni Lexie ang bala na bumaon kay Dustin. Those who have guns in their house, we will investigate that and kung ano mang baril ang tutugma sa bala na nakuha sa katawan ni Dustin, you will be punished or investigated further." Joanna explained. Hindi siya natatakot kahit pa may ilang anak mayaman din siyang makakabangga sa New Manila.

"I suggest that we should ban guns or any weapons sa New Manila to avoid more casualty. At isa pa, nagdadala lang 'yan ng takot sa buong lugar!" Sigaw ng isang babae sq kabilang banda at marami ang sumabg-ayon.

"I refused to do that shit." Lloyd said. "Paano kung may ibang bagay na mawala sa bahay ko? Hindi ko naman kilala ang mga magsasagawa ng imbestigasyon na iyan! At isa pa! Ginagawa ninyong laro ang sitwasyon natin, are we playing detectives here"

Kinalampag ni Joanna ang table. "I am protecting everyone lives here. Hindi ninyo magagamit sa akin na anak kayo ng senador, ng pulitiko, ng business tycoon, o kahit sinong elite na pamilya. Wala na kayo sa puder ng mga magulang ninyo. You can't use your family's reputation here. Everyone will be investigated. Aalamin natin kung sino ang pumatay kay Dustin at pananatilihin natin ang payapang pamumuhay sa New Manila hangga't walang tulong na dumadating sa atin mula sa labas."

Bumukas ang pinto ng chapel. Zion entered, he is the only person who is wearing red despite of the situation. Alam niyang namatay si Dustin. "Am I late?" he said.

"Ang insensitive mo rin talaga, 'no?" Tumayo si Luna at akmang lalapit ngunit mabilis siyang napigilan ng mga katabi niya.

"Why? Required ba na magluksa ang lahat sa pagkamatay ni Dustin? Sorry, 'di ako nakatanggap ng memo." Prente siyang umupo sa bandang dulo. "So, where are we? Ano nang pinag-uusapan ninyo?"

"We are planning to do door to door investigation." sabi ni Joanna.

"Oh, we are playing detectives now. Sorry but we have right to refuse." He said.

"Are you dumb?! Bakit ba ang hilig mong pabigatin ang sitwasyon? Para sa lahat 'to!" Joanna shouted in frustration.

"Wala tayong pakialamanan dito. Kung may mga tao na gustong sumali sa laro ninyo. Go, 'di ko kayo pipigilan. You can't go inside my house that my parents provided for me." He explained at may ibang napapatango. The fuck?

"This is mandatory." Joanna said in serious tone.

"You know, Joanna, you are not the leader here. We don't need anyone who will lead us. Kaniya-kaniya tayo rito." Zion said.

"Why are you being defensive?" Sigaw ni Marie.

Tumawa si Zion. "Do I look like I am defensive? I am protecting my rights here. Hindi lang ako. Ang rights ng lahat! Nakalagay sa rule book na bawal pumasok sa ibang bahay ng ibang tao ng walang pahintulot. I am not allowing you to investigate at halughugin ang bahay ko. Do I break any rules? No. Am I defensive? No."

"Everyone here knows na ikaw lang ang nakaaway ni Dustin! Baka kaya ganiyan ka umakto ay dahil ikaw ang pumatay sa kaniya!" sabi ni Marie.

Naglakad si Joanna papalapit kay Zion. "Ikaw ba ang pumatay kay Dustin?"

He clicked his tongue. "No." Tumawa siya. "Sinong tangang kriminal ang aamin sa harap ng lahat?"

"Dakpin ninyo si Zion. You will be under investigation. Dadaanin natin ang lahat sa normal na proseso ng batas." Sabi ni Joanna at mabilis na sumunod sa kaniya sina Steve.

"A-Ano?" Hindi makapaniwalang sabi ni Zion habang mahigpit na hawak nila Steve at Marcus ang magkabila niyang braso. "You are not the leader here, Joanna! This is power abuse."

"This is the right thing to do." Joanna said in serious tone. "Pati ang bahay mo ay papaimbistigahan. Sinisigurado ko lang ang kaligtasan ng lahat at wala ng mamamatay sa atin. Sisiguraduhin ko na sa oras na dumating ang tulong mula sa gobyerno, lahat tayo ay buhay."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top