Kabanata 4
KABANATA APAT
MALAKAS na tugtog na nanggagaling sa speaker ang umaalingawngaw sa buong paligid. Lagpas alas-dies na rin ng gabi ngunit marami pa rin ang pumapasok sa bahay ni Joanna rito sa New Manila. Ganito pala talaga kapag galing ka sa mataas na uri sa ating lipunan, nakagagawa sila ng ganitong klaseng pagtitipon.
"Sumunod kayo sa akin." sabi ni Luna at hinatak ako papunta sa beer pong area. Malayo pa lang ay naririnig na namin ang sigawan ng mga kabataan na mukhang nag-e-enjoy manood. Nakasunod sa Jericho. "Have you tried to play beer pong?"
Nagkatinginan kaming dalawa ni Jericho at parehas umiling. "Seryoso ba?"
"First time namin um-attend sa ganitong klaseng party." Pag-amin ko. Wala naman din dahilan para magsinungaling. Especially, hindi rin naman kami nakakalabas noon dahil na rin sa virus na kumakalat sa bansa. Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin ako sanay na wala ng mask ang mga tao rito ngayon sa New Manila, eh.
"Okay, basically, may mga cups sa magkabilang dulo." Turo ni Luna sa amin at pinagmasdan namin ang dalawang naglalaro sa harap ng table. "Isho-shoot mo lang ang bola sa cup ng kalaban at kapag pumasok ay isha-shot niya ang cup na iyon. Alfonso ang alak na laman ng bawat cup kung kaya't guguhit talaga sa lalamunan ninyo 'yong alak." She explained casually.
"Puwede kaming sumali?" Excited na tanong ni Jericho at tinunggo ko ang kaniyang balikat. "Bakit?"
"Hindi ako umiinom." sagot ko.
"Oh come on," Ngumisi si Luna. "Minsan lang 'to, Raven. Let's celebrate our first night here in New Manila. Ako ang magiging kakampi mo sa beer pong, magaling ako dito." paliwanag niya pa.
In-inform ni Luna si Joanna na sasali kami next game. Hindi ko na alam kung nasaan si Raver at Lexie pero ang sabi ni Jericho ay sumasayaw daw ang mga uto malapit sa pool area which is nandoon naman ang karamihan ng mga tao.
Hanggang ngayon ay naku-culture shock pa rin ako sa ganitong klaseng pagtitipon. I am not really into this, I preferred to stay at home and enjoy my instant noodles... alone. Ang daming tao rito, nakakaubos ng social battery.
May mga naghahalikan lang aa gilid-gilid, I can see how the boy groped her boobs at parang wala lang sa mga tao rito na parang normal lang na pangyayari ang ganoon. Hindi magandang ideya na ilagay sa project na ito ang isang libong kabataan, they never know how they will abuse the freedom that they gave to us.
"Drake, turn mo na." sabi ni Luna sa akon at inabot ang pingpong ball na hinugasan niya sa malinis na baso.
"Kailangan ko lang 'tong ma-shoot sa baso ni Jericho, tama?" tanong ko.
Tumango si Luna. "Kung saang cup ma-shoot ang bola, iyon ang iinumin ni Jericho." Jericho smirked and waved his hand na parang hinahamon ako.
Ibinato ko ang bola ang unluckily at tumama lang ito sa gilid ng isang cup at tumalbog papalabas. We can hear the disappointment of our spectators. Not actually, disappointed sa akin at disappointed lang sila dahil hindi pumasok ang bola.
"Okay lang 'yan! Bawi tayo." sabi ni Luna.
Hawak na ngayon ni Jericho ang bola. Tinira niya ito at pumasok ito sa isa sa mga cup ko. Sumigaw ang mga tao. "Inom, gago." Jericho said habang tumatawa.
Kinuha ko ang cup at bahagya ko itong tiningnan. "First time mo nga palang iinom, kailangan mo ng chaser?" Luna asked.
"Hindi na." sagot ko at mabilis na ininom ang alak, halos maduwal ako sa pangit ng lasa at ramdam ko ang init na dala nito sa katawan ko. Parang pinaso ang buong lalamunan ko sa pagguhit ng alak.
The fuck, talaga bang may mga taong nag-e-enjoy inumin ang mga ganito kapangit na lasa?
"Nice one! Nice one!" Sigaw ni Luna at turn niya na. "Ibabawi kita."
Our fun continued at nakailang alak na kami pare-parehas, ramdam ko ang pag-init na ng pisngi ko. Hindi ko alam kung lasing na ba ako o tipsy lang dahil first time ko uminom.
"Welcome sa ating lahat sa New Manila!" sigaw ni Joanna na nasa second floor ng bahay kasama ang mga kaibigan niya. May hawak siyang mic kung kaya't dinig na dinig siya ng lahat. Nabaling ang atensiyon namin sa kaniya. Hinanaan ang music para marinig ang sasabihin ni Joanna.
"Anong pakiramdam na hindi na natin kailangan magsuot ng mask para makapagsaya ng ganito? In this island, we don't need our fucking Government na wala naman kuwenta sa pagresolba ng issue sa ating bansa!" She shouted at malakas kaming sumigaw.
"Ngayong gabi, we will enjoy our first night here in New Manila! Sa lugar na ito, walang mga matatanda ang magru-rule sa kung ano ang dapat nating gawin! We can prove to them that we can live and we can survive without them! Let's enjoy this night, motherfuckers!" She shouted at lumakas muli ang tugtog.
Noong una ay hindi ko pa ini-enjoy ang ganitong party pero kalaunan ay nag-go with the flow na rin ako. Ano pa bang dapat kong isipin? Malaya kami dito sa eksperimentong ito.
Tumatalon kami sa pagsabay sa beat ng tugtugin. Nagulat na lamang ako na wala na si Jericho sa tabi ko. A girl pinned him on the wall and they kissed passionately. Wow, what was that?
"That scenario is pretty normal in bar. MOMOL." Paliwanag sa akin ni Luna. May hawak siyang cup ng alak. "Gusto mo pang uminom?" Alok niya.
"Nahihilo na ako." Paliwanag ko.
"Stop jumping muna para hindi ka masuka. Try mo maupo sa couch para mawala kahit papaano 'yong hilo mo." Payo niya. Alam na alam niya talaga ang mga dapat gawin sa ganitong klaseng sitwasyon. Umupo kami sa bakanteng couch.
"So what's the job of your parents and how you ended up here in New Manila?" she asked at medyo nilalakasan niya ang kaniyang boses dahil sa lkas na rin ng sound system na umaalingawngaw sa paligid.
Saglit akong natahimik. "They are both dead." I answered at nawala ang ngiti sa mukha ni Luna.
"I am sorry, ang insensitive ko no'n. Sorry."
"Ayos lang, it's been a while already. Namatay sila sa covid. Mag-isa na lang ako. I ended up here because I am one of those lucky bastards who registered here in this experiment for fun." paliwanag ko sa kaniya.
"Fuck our government." Luna said and smiled.
Napailing ako. "Fuck our government." sagot ko rin.
Maayos kausap si Luna, agad ko siyang nakagaanan ng loob kahit kaninang umaga lang kami nagkakilala. She also came from an elite family pero hindi ko siya nakikitaan ng kahit anong kahanginan. She also greeted those people who are saying hi to her sa buong party.
Naputol na lamang ang usapan namin noong makarinig kami ng ingay sa labas. Nagkatinginan kami ni Luna at noong narinig namin ang isa na may sinabing may nag-aaway ay dali-dali kaming tumayo.
Habang papalapit kami ay narinig ko ang malakas na boses ni Raver. Mabilis kong hinawi ang mga taong nakaharang para makita kung sino ang kaaway niya. Nakikipagsagutan siya ngayon kay Zion, pansin kong basa ang polo na suot ni Zion ng lemon juice.
"Why did you guys invited this girl?! Hindi deserved ng kagaya niya ang mga ganitong klaseng party!" Zion shouted habang dinuduro-duro ang noo ni Raver.
Mabilis na tinapik ni Raver ang kamay ni Zion at wala pang ilang segundo ay isang malutong na sampal na ang narinig naming lahat. Maging ang DJ ay napatigil na sa pagpapatugtog upang mag-focus sa away. Napa-oooh ang mga tao sa paligid. "Hindi mo na ako maaangasan ngayon! Wala na tayo sa Manila, we are trapped in this island. Hindi ka na makapagsusumbong sa Tatay mong senador nga pero protektor ng mga druglord!"
"Anong sinabi mo?!" Sigaw ni Zion.
"Bingi ka? Protektor ng druglord ang Tatay mo." Mas may diin sa salitang binitawan ni Raver.
Lahat kaming kabataan sa eksperimento na ito ay takot banggain si Zion. Pero iba si Raver, kahit babae siya ay wala siyang kinatatakutan. Alam niya kung paano ipagtatanggol ang sarili niya.
Nagpintig ang tainga ni Zion at malakas siyang tinulak. Nahulog si Raver sa pool, narinig namin ang malakas na tawanan ng mga tao. "Pasalamat ka, babae ka." sabi ni Zion.
Hinilamusan ni Raver ang mukha niya at naglakad sa edge ng pool para makaahon. Mabilis akong tumakbo at maging si Lexie para makaahon siya. Tumingin siya kay Zion. "Hindi ko ginagamit na excuse ang pagiging babae ko para makipag-argumento sa 'yo. If you want to punch me, then punch me. Matapobreng elitista ka na nga, misogynist ka pa, wala ka na talagang pag-asa."
Mabilis na pinigilan ng mga kaibigan ni Zion si Zion noong nakaamba itong suntukin si Raver. "Pagsabihan ninyo 'yang kaibigan ninyo."
"Okay stop that!" Pumagitna si Joanna at masambg tumingin sa amin at kay Zion. "Do not ruin my party. Kung gusto ninyong mag-away, the gate is widely open and you may leave. Ang purpose ng party na ito ay para maging mas magkakakilala tayong lahat dito sa New Manila at hindi para maging pugad ng away. I don't care kung sino ang tama at mali, if you are here for violence, then leave." Joanna explained.
Ramdam ko ang pangangatog ni Raver dahil sa lamig. Mabilis na dumating si Jericho at binalot siya ng tuwalya. "What the fuck, anong nangyari sa inyo?" Tanong niya na mukhang walang kaalam-alam sa nangyari.
"Let's leave." I said at naglakad na kami papaalis ng party. Hindi na ako nakapagpaalam kay Luna o nakapagpasalamat kay Joanna dahil sa bilis ng pangyayari. Ang priority ko na lang ay maialis sa party ang mga kasama ko.
"Tanginang Zion 'yan! Napakayabang, kung makapaghari-harian siya rito akala mo ay kung sino," Hindi pa rin tapos si Raver sa reklamo niya. "If I know, pinatapon na lang din siya ng tatay niya rito sa New Manila sa kapangitan ng ugali niya."
"Umiwas ka na lang sa kaniya, let's avoid fighting with his gang." Sabi ni Lexie.
"Bakit ko kailangan umiwas? Pantay-pantay tayo rito–" napatigil sa pagpapaliwanag si Raver at napatingin sa mga bahay sa paligid. May ibang kabataan na nakatira sa magandang bahay, habang ang iba ay parang studio unit lang sa kipot at liit. She smiled weakly. "Hanggang dito pala, hindi pa rin tayo pantay-pantay."
Natapos ang gabi na iyon at umuwi na kami sa kaniya-kaniya naming tahanan. Kinaumagahan ay nagising ako sa sakit ng ulo ko kung kaya't natulog lang din ulit ako maghapon.
***
TATLONG ARAW na kami rito sa New Manila, habang tumatagal ay nasasanay na rin ako gunalaw dito, makikita mo ang ibang kabataan na naglalaro sa kalsada, may kaniya-kaniya na ring grupo ang nabubuo. Hindi ko alam kung ganito na lang ang magiging buhay namin sa New Manila pero kagaya nga nang sinabi ng gobyerno, Ibinukod kami rito para kung sakali mang lumala ang sitwasyon ng covid sa bansa ay may mga kabataang hindi apektado nang nasabing sakit.
Hindi rin naman sila nagkukulanh dahil araw-araw ay may supply ng pagkain na pumapasok sa new Manila, pinupuno nila ang convenience store dito upang hindi rin kami magutom.
Nakatambay sina Lexie, Raver, at Jericho sa bahay ko. Pinapanood ko lang sila maglaro ng Uno cards. Mabuti na lamang at naiintindihan na nila kung sakali mang hindi ko gustuhing makisama sa kanila. I still have boundaries. Ayoko pa ring masaktan ang sarili ko dahil lang maiiwan ako ng isang kaibigan. Tama nang iniwan ako ng mga magulang ko.
"Uno!" sigaw ni Lexie. "Talo na kayong dalawa."
"'Wag ka pakampante." Nagbagsak si Raver ng plus four at kita sa mukha ni Lexie ang disappointment. Malakas silang natawa at napangiti na lamang ako.
Ala-una na ng madaling araw ngunit hindi pa rin sila natutulog.
Naputol ang paglalaro namin noong makarinig kami nang sunod-sunod na malakas na pagsabog. Ramdam namin ang pagyanig ng lupa at bumagsak ang ilang display sa bahay ko. "Labas! Labas!" Malakas kong sigaw at lumabas kami ng bahay.
Hindi lang kami ang nagimbal sa nangyari kung hindi pati ang ibang kabataan ay lumabas ng kani-kanilang bahay. Takot ang pumangibabaw na nararamdaman naming lahat. Napatingin kami sa isang direksyon at isang makapal na itim na uson ang umaangat papunta sa langit. Hindi pa rin natapos ang mga pagsabog.
"Gumitna kayo! Lumayo kayo sa mga poste!" Malakas na sigaw ni Dustin na mabilis naming sinunod.
"A-Ano 'yong mga pagsabog na iyon?! Tanong ni Lexie.
Napatingin muli ako sa direksyon ng usok. Nanlaki ang mata ko noong maalala ang lokasyon na iyon.
"Ang tulay!" Malakas kong sigaw at mabilis na tumakbo. Sumunod silang lahat sa akin at tumungo sa direksyon ng tulay.
Bawat hakbang ko ay palakas nang palakas ang kabog ng dibdib mo.
Nanlumo na lamang kami sa aming nakita noong nakita ang mahabang tulay na tanging daan papasok at papalabas sa New Manila na unti-unting nagigiba. Para bang sinadya pasabugin ang tulay dahil maayos na nailagay ang bomba na magpapasabog rito.
Ramdam ko ang nakapapasong init ng apoy dahil sa pagsabog at ilang debris dahil sa alikabok na dala nang pagsabog. "Anong nangyayari? Bakit sinira ang tulay papalabas sa New Manila?" tanong ni Jericho.
I don't know if it's still part of the experimentation of the fucking government pero at this moment... we are trapped in this island at wala na kaming daan para makaalis dito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top