Kabanata 2
NAKAPILA kami sa loob ng isang malaking silid para sa booster shot laban sa virus. Dito pa lamang sa pila ay kita na ang nangyayaring hindi patas na pagtrato sa mga taong may kaya na napiling lumahok sa proyekto at mga pangkaraniwang tao.
Kami? Pumipila kami kasama ang daan-daang tao samantalang ang mga anak ng mga makakapangyarihang tao ay may sariling pila na mas mabilis ang proseso at sila ang inuunang mabakunahan. Pati ba naman sa experimentation na ito ay harap-harapan ang panggagago ng mga pulitiko?
"Anong unang binabalak mong gawin pagdating natin sa New Manila, Drake?" Tanong sa akin ni Jericho—katabi ko sa pila. Nakasabay na namin siyang kumain ni Raven noong unang araw namin sa facility na ito at buhat noon ay lagi ko na siyang nakakasama. Bukas na ang pagpunta namin sa New Manila at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na talagang mangyayari ang experimentation na ito.
Sinasabi ng Gobyerno na magiging trial ito kung kaya ba ng Pilipinas na gumawa ng isang lugar kung saan hindi makakapasok ang kahit sinong nahawa ng virus. Mga taong normal na makapamumuhay muli. Ginawa pa nilang lab rats ang mga kabataang nasa edad 16 hanggang 18 years old.
"Wala." Sagot ko at umusad ng pila.
"Wala?" tanong niya habang natatawa. "Solo na solo natin ang New Manila. Don't you want to go out on drink? Mag-party? Lumabas kasama ang mga magiging kaibigan mo doon? That will be awesome." He explained habang nakapamulsa.
"Gusto ko na lang tumakas sa putanginang sitwasyon na ito." Sabi ko sa kaniya.
"Same. Philippines is so fucked up. Paulit-ulit na lang ang lockdown, nakakasawa." Sagot niya sa akin at umusad ang pila.
Noong turn ko na para mabakunahan ay mabilis kong itinaas ang mangas ng damit ko para maturukan ng bakuna. "Takpan mo nga mata ko." sabi ni Jericho.
"Bakit?"
"Takot ako sa injection." Sagot niya at napailing na lamang ako. Matapos malagyan ng bandaid ang kanang braso ko ay tinakpan ko ang mata niya para hindi niya makita ang karayom. Mas malaki ang katawan nito sa akin pero mas takot pa siya sa karayom. "Thanks bro."
Matapos naming mabakunahan ay pumunta na kami sa Cafeteria kung saan naghihintay sina Raven at Lexie. Raven raised her hand as soon as she saw us. She raised her middle finger and smirked. "Kumusta ang bakuna?" tanong niya.
"Easy." Sagot ni Jericho sa kaniya.
Hindi ko nga alam kung bakit patuloy pa rin nila akong sinasamahan kahit hindi ako madalas magsalita. Ayoko lang ulit ma-attach sa mga tao. Sa huli naman ay maiiwan din akong mag-isa, I am alone afterall. Isinali lang ako ng nanay ko sa experimentation na ito para hindi ako maging palaboy-laboy sa daan at mamatay sa virus.
Kakain na dapat kami noong may naglapag ng tray sa tabi ko. "Alis." Sabi niya—si Zion. Ang lalaking naghahari-harian sa pasilidad na ito dahil anak siya ng isang senador.
Damn, pinoprotektahan naman ng Tatay niya ang malalaking drug lord sa bansa pero kung umasta ay parang ang daming proyekto na naisagawa ng tatay niya sa senado. Pampadami nga lang siya tuwing may session.
"Nauna kami rito." Sagot ni Raven sa kaniya. "Hindi ba't may VIP room kayo? Bakit hindi kayo doon kumain, aarte-arte ka pang mainit dito."
"Anong sinabi mo?!"
Napatingin na ang mga guard sa pagtaas ng boses ni Zion. Mabilis na kinuha ni Lexie ang tray na kinakainan niya at ni Raven. "Aalis na kami. Lilipat na lang kami." Lexie said.
Tumayo ako at hinawakan ang tray. Ayokong madamay sa gulo nila. Maangas na tumayo si Raven at tiningala si Zion dahil mas matangkad ito sa kaniya. "Anong magagawa mong babae ka?" maangas na tanong ni Zion at tumawa ang mga kaniyang kasama.
"Madami. Pasalamat ka may mga alipores ang tatay mong druglord dito sa facility na ito." Kita ko ang pagbabago ng ekspresiyon ni Zion. "Sa New Manila mo ako gaguhin ng ganyan, tatakbo ka pabalik sa itlog ng tatay mong nagshashabu. Tanginamo."
Naglakad na kami paalis para humanap ng ibang table. Dama ko ang masamang pagsunod nang tingin sa amin ni Zion. "That dude really acts like he's the ruler of New Manila." Naiiling na sabi ni Jericho.
"Mas maganda nang umiwas tayo sa kaniya." Sabi ni Lexie. She has this short black hair at singkit din ang mata nito kung kaya't nakaka-intimidate din siyang tingnan katulad ni Raven. May tattoo rin siya na paru-paro sa kaniyang leeg na pina-tattoo niya raw noong 14 years old daw siya. "Maraming galamay ang tatay niyan dito."
Sa pasilidad pa lamang na ito ay kitang-kita na ang pagkakabuklod-buklod ng mga kabataang lalahok sa experimentation.
May mga table kung saan nandoon ang mga elite na kabataan na anak ng mga sikat na personalidad at maiimpluwensiyang tao, they have a VIP room kung saan sinasabing komportable silang nakakatambay. Sa kabilang banda ay ang mahilig mga kumanta na parating maingay sa cafeteria para mag-jamming, may mga nagba-bible study, at may mga matatalinong tao sa ibang table. Kami? Kami ang mga talunan na nasali lang sa experimentation ng gobyernong ito.
"Balita ko ay may mga binugbog na mga kabataan ang mga guwardiya kagabi, tingnan mo si Jonas," Sabi ni Lexie. Itinuro niya ang table ng mga matatalino at napansin ko ang malaking pasa sa pisngi ni Jonas at may mga galos pa ito sa kamay at braso. "Utos daw ni Zion dahil nakipagtalo si Jonas sa kaniya kahapon."
"Pinaninindigan niya talaga ang pagiging gago niya." Naiiling na sabi ni Raven.
"Tapos na ang break! Bumalik na kayo sa kaniya-kaniya ninyong silid!" sigaw noong isang guard na may hawak na megaphone. Maririnig ang kaniya-kaniyang tayo ng mga tao sa Cafeteria at nagmamadaling ilagay ang pinagkainan sa may lalagyan nito.
Sabihin nga nila na hindi pa kami lab rats ng gobyernong ito ngayon? Sunod-sunuran na lang kami sa mga iniuutos nila.
"Magkita na lang tayo sa New Manila bukas." Huling sinabi ni Raven sa amin at naglakad na siya paalis. Noong madaan siya sa table nila Zion ay walang takot siyang nakipagmasamaan ng tingin dito. Hindi ko alam kung saan siya humuhugot ng lakas ng loob para banggain ang mga malalaking tao na kabilang sa proyektong ito.
Nagpaalam na ako kanila Jericho at Lexie. Naglakad ako papasok sa 305 at tumambad na naman sa akin ang kuwarto na animo'y isang kulungan. Panandalian akong naghilamos at pinagmasdan ang repleksiyon ko sa salamin. Napako ang tingin ko sa kuwintas na suot ko.
Binuksan ko ito at muli kong nakita ang masaya naming litrato nila Mama at Papa. "Sana nandito na lang ulit kayo. Hindi ko alam ang gagawin ko sa buhay ko ngayon." Sabi ko na parang batang nagsusumbong. Para bang sumasabay na lang ako sa agos ng mga nangyayari, walang direksyon, walang pangarap, pagod ng mabuhay.
May narinig akong pagkatok mula sa labas ng room ko. Kinuha ko ang tuwalya at pinunasan ang basa kong mukha. Pumasok si Mrs. Sam. "Naistorbo ba kita?" she regularly checking me out kung kumusta ako dahil iyon daw ang pangako niya kay Mama. Napatunayan kong hindi naman siya masamang tao at ginagawa niya lang ang trabaho niya bilang nagtatrabaho sa ahensiya ng gobyerno.
"Hindi naman." Sagot ko at umupo sa kama.
"Excited ka na ba sa pagpunta mo bukas sa New Manila?" tanong niya sa akin habang nakangiti.
"Excited na akong makaalis sa sitwasyon ng bansang ito." Sagot ko.
"Drake, alam kong malaki ang galit mo sa Gobyerno dahil sa nangyayari sa bansang ito..."
"Hindi mo ako masisisi Mrs. Sam, namatay ang mga magulang ko dahil sa palpak na pag-handle ng Gobyernong ito sa pandemiyang ito. May karapatan akong magalit." Mahaba kong paliwanag.
"I didn't invalidate your feelings, Drake. Lahat ng nangyayari ngayon," Umupo si Mrs. Sam sa tabi ko. "I know it's hard for you."
Hindi ako kumibo. "Itong proyekto ng Gobyernong ito ay para rin sa inyo Drake. Kung sakaling patuloy na tumaas ang bilang ng kaso sa Pilipinas at hindi na mapipigilan ang pagtaas ng Death Rate. Alam naming ligtas kayo. Alam naming may mga Kabataang Pilipino na patuloy na mabubuhay sa bansa dahil nasa isla kayo kung saan hindi makakapasok ang virus." Paliwanag ni Mrs. Sam sa akin. "In that place, you will have your freedom na hindi mo natamasa dahil lumaki ka na sa gitna ng pandemiya. You can live your normal life there."
"Kahit gaano ninyo pagandahin ang pagtawag ninyo rito sa Project: Hope. Hindi maipagkakaila na experimentation lang ang lahat ng ito. Kailangan ninyo lang na mukhang maihaharap sa mundo na may nagawang magandang proyekto ang Pilipinas." Paliwanag ko. Hindi naman ako pinagagalitan ni Mrs. Sam sa tuwing nagrereklamo ako patungkol sa gobyernong ito. Naiintindihan niya kung saan ko hinuhugot ang galit ko.
Nagdala lang ng mga pagkain si Mrs. Sam na kung saan puwede kong dalahin sa New Manila, saglit pa siyang nanatili bago tuluyang umalis dahil may mga meeting pa raw siyang dapat attend-an.
***
KINABUKASAN, umagang-umaga pa lamang ay malalakas na pagkalampag na sa pinto ang maririnig sa buong paligid. Tumutunog din ang sirena upang masiguradong magigising kaming lahat. "Maghanda na kayo sa pag-alis ninyo papunta sa New Manila! Dalahin na ninyo ang mga gamit ninyo at isuot ang kaniya-kaniyang T-shirt ninyo."
Napaupo ako sa kama. "Tangina, ang dilim pa." reklamo ko noong makita sa bintana na papasikat pa lamang ang araw. Isinuot ko ang T-shirt na may 305 na pinatungan ko ng gray na jacket. Isinukbit ko sa balikat ko ang duffle bag na naglalaman ng mga gamit ko at plastic kung saan nandoon ang mga pagkaing ipinadala ni Mrs. Sam.
Limang minuto ay bumukas ang pinto ng kuwarto ko. "Labas na, bakit hindi mo suot 'yong Tshirt?" reklamo noong guard sa akin.
Itinaas ko ang jacket kong suot para makita niya ang Tshirt na parang preso. "Gandahan ninyo taste ninyo sa damit next time. Basura." Reklamo ko at naglakad papalabas.
Pinapila kami para maihatid isa-isa sa New Manila. Bago makalabas ay chineck pa ang temperature ng bawat isa. Sa pasilidad na ito ay napakahigpit nila na masunod ang health protocols samantalang sa mga mall at pampublikong lugar ay parang walang virus kung magpapasok ang guard.
Hindi ko mabilang kung ilang bus ang nandito sa labas para ihatid kami sa New Manila. Maingay ang paligid at kabi-kabila ang mga guwardiya ang nagche-check kung saan kami naka-assign na bus. Nakaramdam ako ng panlalamig ng kamay dahil sa kaba. Hindi naman maiiwasan ang bagay na iyon, bago sa akin ang lahat ng ito.
Mahigpit ang hawak ko sa duffle bag ko noong tinawag ako ni Mrs. Sam. Pinigilan pa ako ng guard na lumapit dahil magugulo ang pila pero kinausap siya ni Mrs. Sam. Ngumiti sa akin si Mrs. Sam at iniabot ang isang cap. "Regalo ko sa 'yo." Sabi niya sa akin. "Ito na ang huling beses na magkikita tayo, Drake."
Tiningnan ko ang sumbrero at isinuo ko ito. Napangiti si Mrs. Sam noong makita niya ito. "Bagay sa 'yo, mabuti na lang talaga at ang anak ko ang pumili ng pangregalo sa 'yo. Mag-iingat ka roon."
"Salamat." Sagot ko. "Salamat kasi pinatunayan mo sa akin na may mabubuti pang tao na may posisyon sa bansa."
Napailing si Mrs. Sam at hinawakan ang aking kamay. "Gumawa ka nang pagbabago, Drake. Baguhin mo ang pananaw mo sa mundo."
Mabilis na akong tinawag ng guard dahil may oras daw ang departure ng bawat bus. Nagpaalam ako kay Mrs. Sam at kumaway ito sa akin, humabol ako sa pila ko at nagpatuloy sa paglalakad.
Itinuro sa akin noong guard kung saan akong bus sasakay. Sumakay ako rito at dumampi sa akin ang malamig na aircon ng sasakyan. Hinanap ko ang upuan kung nasaan nakalagay ang room number ko. Noong mahanap ko ito ay inilagay ko sa itaas na compartment ang aking bag.
Pinagmasdan ko lang ang tanawin sa labas, papasikat na ang araw, maingay pa rin sa labas at may mga bus ng umaalis papunta sa New Manila. Isang babae ang umupo sa tabi ko. "Naistorbo ba kita?" tanong niya habang inilalagay niya sa compartment ang gamit niya.
Umiling ako. Naka-perm ang dulo ng buhok nito at maayos ang hitsura, mapungay ang mga mata nito, at may dimples din siya sa kaliwang bahagi ng pisngi niya na napansin ko noong ngumiti siya. Kilala ko sa mukha ang taong ito, madalas ay kasama siya sa grupo ng mga elite na tao—anak ng isang Congressman. "You are familiar, nakasagutan ng grupo ninyo si Zion kahapon, 'di ba?" she asked at umupo sa tabi ko.
"Drake." I introduced myself at nagbigay ng espasyo para maayos siyang makaupo.
"Thank you. Luna." Inilatag niya ang kamay niya para makipagkamay. Tiningnan ko ito. "Okay, sorry, naiingayan ka yata sa akin."
"No. It's okay." Sagot ko.
"Go lang, matulog ka pa. Ang aga ng call time natin." She suggested at naglagay ng eye mask para makatulog din siya.
Naging maingay ang lahat noong magsimulang umandar ang bus. Nakatanaw lang ako sa labas habang nakikita ko ang frontliner na nagmamadaling pumasok sa kani-kanilang trabaho. Ilang ambulansiya rin ang nadaanan namin na may malalakas na sirena. Sa tatlong araw namins a facility ay nawaglit sa isip ko kung gaano kamiserable ang sitwasyon ng Pilipinas ngayon.
Makalipas ang ilang oras ay dinalaw ulit ako ng antok dahil sa haba ng biyahe. Sa muling pagdilat ko... isang mahabang tulay na ang nadadaanan namin papunta sa isla. Puro dagat lang ang makikita sa paligid habang papunta kami sa destinasyon.
Malayo na kami sa magulong parte ng Luzon. Isa itong tulay na isinagawa na magiging daan lamang papasok sa New Manila. Kumikinang ang dagat dahil sa pagtama ng araw mula rito. "Great, gising ka na. Sayang hindi mo nakita 'yong pagpasok sa tulay mula Batangas." Sabi sa akin ni Luna. "V-cut?" alok niya sa hawak niyang tsitsirya na animo'y parang nasa isang field trip lang kami.
Kumuha ako ng ilang piraso mula rito. "Salamat." Sagot ko.
"Tahimik ka pala talagang tao."
Napakunot ako ng noo sa sinabi niya. Mahinang natawa si Luna. "I mean, naoobserbahan ko kayo minsan habang nasa Cafeteria. You hangout with Lexie and Raven na parehas maingay and then lagi kang nangingibabaw dahil nakatahimik ka lang at nakikinig madalas sa usapan nila."
Hindi na ako nakakibo. Hindi ko kayang ipaliwanag sa kaniya na ayokong makihalubilo na sa ibang tao dahil takot akong masaktan lang sa huli.
"Ayon na ang New Manila!" malakas na sigaw ang umalingawngaw sa paligid. Napatingin ang lahat sa harapan.
Nakita na namin ang ilang mga building mula sa islang ito. Isa ring nakakamangha ang mga bundok na nakapaligid dito at nagawa talaga nilang isang maunlad na lugar ang Islang ito.
Hindi ko alam kung anong gulo ang magiging dulot nang pagsali ko sa Project: Hope na ito. Pero sana lang, maayos nga kaming makapamuhay rito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top