Monster Eater by Suzainip
MONSTER EATER by Suzainip
TITLE 7.5/10:
* Honestly, hindi benta sa akin ang ganitong title. Although, nabigyan naman ng idea kung anong puwedeng maging laman. Still, tingin ko meron pang mas bagay na title para rito na magiging konektado pa rin sa plot.
DESCRIPTION 8.5/10:
* Provided ang story essence which is pinaka mahalaga. Naipakilala si character-narrator na isang chef na mahilig sa pagkain. At biglang nagkaroon ng dungeon sa balete drive, na wow, tingin ko kasi doon, puro mga multo ang nakatira. But then, itong sa story naman, iba—nakakulong sa dungeon ng balete drive ang mga taong napili raw para sa isang quest.
* Oh, naiisip ko na para itong Percy Jackson. Although, hindi naman ganito ang Percy Jackson.
At feel ko, may pagka-comedy ito since "mukbang show" raw ni Milko ang magiging ganap with the monsters na nasa loob ng dungeon. Kakaiba ito.
* All-in-all, okay siya. Pero walang naprovide na malinaw na conflict and possible ending.
CHAPTER 1 8.5/10:
* So far, ito pa lang yung story na hindi nalagyan ng prologue. Kaya posibleng umabot ako sa pagbabasa sa chapter 5.
* Napatigil ako sa opening. Akala ko, mabigat yung sasalubong sa akin. Sa mga binasa ko kasi kanina, puro mabibigat eh. Bigla tuloy akong nanibago na survival of the fittest or survival show itong bumungad sa akin.
* Para silang nasa isang game or what? Naalala ko bigla yung Alice In The Boarderland. Kaso nasabi ni author na inspired ito sa manhwas at may halong mythology. Pero Philippine version naman. And to be honest, hindi ko masiyadong focus ang Philippine Mythology. More on Greek and Norse kasi ako.
But this is cool, tho.
* Parang gusto ko munang humingha. Ang lalim kasi nitong tagalog na ginagamit which is preferred ko since iyon talaga ang forte ko. Mayroon sa akin na gustong matuwa pero mayroon ding bumubulong, feeling ko tuloy, mababaliw na ako hahahaha.
* Excerpt: Nakahinga ako ng maluwag ng umepektong muli ang kapangyarihan ko.
* Rewritten: Nakahinga ako ng maluwag nang umepektong muli ang kapangyarihan ko.
* Hindi pa ako maka-relate kay character. Hindi ko pa siya ma-grasp kasi wala akong hawak na any background from him or di kaya flashback. So, para pa siyang stranger for me. Nakakausap ako pero dinadaanan ko lang. Or hindi ko ini-entertain.
* This is more on telling. Hindi ko talaga makuha si character kasi bukod sa low ang tension kahit malalim ang tagalog na ginagamit ay hindi ko maramdaman. Parang walang urge na tulungan ko siya mula sa sumusubok lumapa sa kaniya kasi hindi naman siya nagbi-beg for help or mukha siyang hindi nahihirapan na nahihirapan. Gets ninyo?
* Natutuwa ako do'n sa percentage hahahah. Parang battery lang. Yung tipong aalis pala kayo pero hindi ka nakapag-charge kaya todo ingat ka na 'wag ma-dead bat once na nakapunta na kayo sa pupuntahan ninyo. Ang bonus? Wala kang power bank.
* Hindi ko talaga siya makuha. Pero tingin ko nagkulang sa balanse ng narration kasi mula sa malalim biglang bumabaw. Tapos, hindi pa broaden ang description. Ang ending, inaantok lang ako kahit pilit kong binabasa.
* Distraction din for me ang code switching. 'Yon bang biglaang pag-change ng language from english to filipino? Hindi kasi tama sa pandinig ko. Lalo na kapag babasahin nang malakas. Parang ang awkward. Tunog barok na parang tunog conyo.
* Oh, para nga siyang Alice In The Boarderland. Kasi bigla lang din silang nag-transfer to another dimension. Karamihan sa mga japanese anime or dramas, ganito eh. Gusto ko tuloy malaman kung may exit siya rito.
* Nakulangan ako sa flashback. Puro kasi talaga telling. I think, need pa ni author na hulmahin ang nobela niya. Kailangan din ng showing para kahit papaano ma-imagine man lang or kahit maramdaman na lang, yung pait na nararamdaman niya at yung galit niya sa mga nasa game dahil masaya na sana buhay niya bilang chef tapos biglang napunta lang siya sa game. Take note, wala rin nailagay kung bakit siya chosen. Biggest question iyon na need masagot.
* Yung feeling na pagod ka na sa buhay pero pagkain pa rin nasa isip mo. The Last Supper ang peg.
* Naalala ko yung mga sinasabi ng matatanda noon, na kapag nakakain ka ng karne ng asawang, puwede kang maging aswang din. So far, kung saang lupalop man nanggaling ang kuwentong 'yon, though sabi nila nasa Negros daw, baka nga, nandoon talaga. Gusto kong maging asawang din noon, e. Trip ko lang.
* At ngayon, iba talaga nagagawa ng gutom. Na-gain niya pa yung ability ng aswang. Wow.
Done reading chapter 1, so far, tinitimbang pa yung emotions ko kasi bumabawi siya pero talagang nakukulangan ako sa emotion which is dahilan para 'di ako ma-gain ni Milko kasi 'di ko siya maramdaman.
CHAPTER 2 8.5/10:
* Subjective opinion as a reader, I think mas maganda kung ibalanse yung narration pagdating sa paggamit ng malalim na tagalog then biglang bababaw at hahaluan ng english. Kasi napapangiwi ako pag binabasa tas nag-e-echo pa sa mind's ear ko. Suggest ko kung malalim na tagalog, ganoon lang sana ang gamitin. Kung bet magpaka-conyo, ganoon lang din.
Bukod kasi sa hindi nagiging malinaw sa imagination ko yung nangyayari, parang wala lang sa emosyon. 'Di ba kapag nasa isa kang game, it's either, kakabahan ka, mati-thrill 'pag pinapanood or binabasa mo yung nagaganap? Or puwede kang ma-excite. Dito hindi ko yun maramdaman. Description lang naman yung technique diyan.
And nakukulangan ako kasi hindi balanse yung show and tell. More on, tell talaga siya. I mean, nabigyan naman ako ng idea kung nasaan siya. Pero yun character, hindi ko ma-grasp yung emosyon. Para pa siyang hindi hulmado. Nagmumura siya, iritado pero dahil hindi naipapakita kung paano niya damdamin yung inis or kahit man lang yung takot na baka makain siya ng aswang, wala. Hindi effective for me.
* Iyon ding part na, nakakuha siya ng ability mula sa mga aswang, nung lumipad siya, tinawanan niya lahat kasi siya na lang ang kakain sa mga nangangain imbes siya ang makain, hindi ko na-feel. Parang imbes na mapa-wow factor ako kasi mukhang exciting yung idea na imbes na ang aswang ang mangangain, siya pa ang kakain. Wala. Plain lang. Parang binasa ko lang pero 'di ako na-hook.
Pati yung part na nakakuha siya ng recovery rate. Yung part na kinausap niya yung Diwata niya, naniningkit yung mga mata ko.
* Although, ang cool ng idea talaga na nakakaramdam siya ng monster sa paligid tapos ang takaw niya hahaha! Parang nung nasa chapter 1 pa lang siya, takot na takot siyang mamatay.
And pagdating naman sa character's voice, mas nananaig sa akin yung boses pambabae kahit sa book cover, puro lalaki naman ang nandoon. At lalaki naman si Milko. Or talagang ganito lang yung pagkakahulma sa character niya?
* Ang cute ng role ni Rula. Kung sa Philippine Mythology siya ang messenger ng mga Diwata. Sa Greek Mythology naman si Hermes ang messenger of Gods.
* Quote ko lang itong sinabi ni Rula, "Istoryang nakabase sa amin? Anong kuwento iyan, ah? Akala ko pa naman ay wala na kayong pake sa amin."
- Naisip ko na sa dami ng mga kuwento ngayon na zombie apocalypse, norse mythology, titans ay wala nga talagang masiyado na pumapansin sa Philippine Mythology. Siguro nga isa sa dahilan kung bakit nangyayari yung sa napanood ko sa PBB, e talagang na-focus na tayong mga kabataan sa mga nakikita natin at nababasa sa social media. I mean, yes, responsibilidad tayo ng DepEd, ng teachers, pero responsibilidad din natin ang mga sarili natin.
At dapat talagang maging interesado tayo sa literature rin na meron tayo rito sa Pilipinas at sa mismong history. Okay ah. I commend the little details. Simple lines like this can make you reflect.
* Tamang promote lang si author ng isa niya pang story. Sige, author. Babasahin ko rin 'yang isa mo pang story na nabanggit ni Milko. Idk, kung technique 'to na in a way, nabibreak yung 4th wall ng characters and author. Halatado pero kung 'di ka magdi-dig deep or maga-analyze, hindi mo rin mapapansin.
* 1. Question: Dumiretsyo ba talaga ito, author? May nabasa kasi ako sa facebook tungkol kung alin ba sa dalawa ang tama, kung dumiretso ba o dumeretso. May isang nag-comment na, dumeretso raw, na ayon naman sa dictionary na tingin ko filipino grammars. I think, dumeretso ang tamang term for this.
- Actually, hindi ko na sana pupunahin pero dalawang beses ginamit.
* Ayon sa nabasa ko patungkol sa pgsusulat ng ganitong point of view, isa sa disadvantage sa paggamit ng first pov, e yung mga ganitong action.
* Excerpt: "Wakwak!" Pagbuka ng bunganga ng manananggal ay dumiretsyo ang napakahaba at talim ng dila nito patungo sa akin.
Nang agad akong gumilid paiwas sa paglatigo ng dila nito. Paglapit pa niya sa akin ay tinulak na niya patalon ang kanyang sarili habang ang mga kuko niya ay ambang kakalmutin ako.
Nang tuhugin ko ang manananggal sa kanyang puso at 'di inaasahang na-stuck na siya ngayon sa may sanga.
* Concern: May butas yung action sa naganap sa itaas. 1) Dapat siguro ihiwalay yung action tag sa line at mag-replace ng dialogue tag. Tapos pagdugtungin yung action tag at yung second part ng narration kasi hindi siya balanced. 2) Yung last part ng narration, hindi siya clear sa imagination ko kasi bukod sa telling, hindi pa balanse yung language na ginamit. May blur fragments pero binabasag ng character voice.
* Excerpt: Nang pakuin ko siya nang pang-apat na beses [ay] [at] saka lamang ako nakampante ng wala na itong kibo.
[Patay na ata.]
* 2. Question: Anong pakuin?
* Suggestion: Sa part na 'Patay na ata'. Puwede itong maging ganito:
- Muli kong pinagmasdan ang manananggal na kanina lang ay tila walang humpay sa pag-atungal. Mukhang tuluyan na itong nilisan ng kaniyang kaluluwa.
Ngunit upang masigurado ay sinuri ko ang kabuuan nito at napatango nang mapagtantong handa na itong gawing hapunan.
* Note: Ayos lang kahit hindi sundin itong suggestion ko. After all, this is just a suggestion at kayo pa ring author ang may karapatan maging malaya sa inyong mga sinusulat.
* Excerpt: Napapunas ako [ng] [tumatagatak kong pawis] [sa init]habang sinasaboy ko palapit sa manananggal ang mga nagliliyab na dahon. Sinama ko na rin iyong ibabang katawan niya para [sure deads] na talaga.
- Yung unang naka-box, redundant na. Clearly, sa tumatagatak pa lang na pawis ay stated na na mainit dahil pinagpapawisan na siya. So, puwede na tanggalin yung [sa init] na part.
- Second box, tingin ko, may mas maganda pang description para diyan. Kasi ang conyo talaga pakinggan at nagiging barok yung linya.
- Third, hindi ako magaling sa ganito pero napansin ko ang misused of ng and nang. Hindi ko ie-explain yung part na 'to kasi hindi talaga ako magaling dito pero sa mga nababasa kong ganito. Dapat "nang" ang gamit sa part na 'yan.
* Rewritten: Napapunas ako nang tumatagak kong pawis habang patuloy sa pagsaboy ng mga nagliliyab na dahon sa katawan ng manananggal. At para mas masiguradong hindi na ito muling makakagambala sa akin ay isinama ko na rin ang ibabang parte ng katawan nito.
* Excerpt: Ngayong nakapatay na ako ng manananggal ay [biglang bumalik sa alaala ko ang muntikang pagpatay ko na rin sa manananggal noong tutorial pa lang.]
- First, hindi ako maka-relate sa part na ito. Tingin ko, dapat mag-provide si author ng idea to support this one. Parang flashback. Kasi ang magiging labas, siningit lang para humaba ang word count.
- Wala pa akong nakikitang flashback patungkol sa kung paano sila napunta sa dimension na ito at kung bakit siya ang napili. Note: Isa ang flashback sa mga nagbibigay highlight sa buhay ng isang character. Kailangan nito kasi kung wala, parang si author na ang nagdedesisyon ng buhay ni character. Si author ang gumagalaw at hindi si character.
- Para siyang ano, e. Mapapasabi ka na lang na, "Pakialam namin sa napatay mo?" Or "May tutorial pa palang naganap? Hindi ko yun alam ah." Bakit? Kasi walang na-provide na idea na magpapatunay na nangyari nga ito.
* Hindi ko alam na may pagka-sosyal din itong messenger ng mga Diwata. Akalain mong nag-"duh" which is I think, hindi dapat nandoon. Or kung nandoon man, may ganoon ba silang salita?
Done reading chapter 2, bumawi sa last part sa flashback na naibigay. I'm thinking na puro flashback ang magiging sunod nitong chapters.
CHAPTER 3 8.5/10:
* I can see na may development na ang plot nito. Mukhang plot-driven ang isang ito kaysa character-driven. Hindi ko alam kung ano ang mas mahirap.
* Excerpt: Ginawa ko naman kaso ng makita kong kumukulo na ang soup ay naalarma ako dahil wala ng umaasikaso ro'n dahil halos si Joshua na ang gumagawa ng lahat.
* Concern: Hindi ako makahinga sa pagbabasa.
* Rewritten: Ginawa ko naman ang talagang trabaho ko kaso nang makita kong kumukulo na ang soup ay naalarma na ako. Napansin kong si Joshua na ang gumagawa ng lahat kaya wala nang umaasikaso sa soup na binabantayan namin.
Although, hindi ako maka-relate dahil pinaka ayoko sa lahat ay ang magluto, still, okay itong nagbibigay siya ng terms tungkol sa pagra-run ng restaurant. Specifically, sa nangyayari sa loob ng kitchen.
* Medyo nakulangan ako sa part na nakita siya ng head chef na nagluluto. Kasi mostly, dapat nagagalit sila kahit sabihin mong okay nga yung stilo para naman may maitulong yung tauhan nila, 'di ba?
* Mas okay sana kung merong maniningkit yung mata ng chef kay Milko bago tikman yung luto niya. Yung tipong parang sinasabing "kapag ito pumalpak, malilintikan ka sa akin". At siyempre, magugulat nang malaman na magaling pala si Milko magluto. Para naman worth it talaga yung pagiging ganado niya sa pagtulong sa kanila. Dapat give a little praises aside from "Good".
* Nagiging plothole na kasi yung iba tulad sa issue ng sous chef nila. Binanggit lang pero walang provided na excerpt.
Done reading chapter 3, sa bawat end ng chapter nito, nakikita kong may plot development. Pati na rin sa character ni Milko kasi yung pangarap niya maging chef, unti-unting natutupad nang ma-promote siya bilang roundsmen nila. Although, sa syntax, iyon pa rin ang problema ko.
CHAPTER 4 8.5/10:
* Excerpt: Umalis na ako sa madaming part time job ko noon dahil [sapat na rin naman na ang kinikita ko ngayon] bilang chef. [Sa laki na rin ng kinikita ko ngayon] ay nagagawa ko na ring mag-ipon kaya sobrang nagpapasalamat talaga ako.
* Keyword: Redundant.
1. "Masamang bunganga ni head chef"
* Suggestion: Maanghang na dila ni head chef.
* Excerpt: Pero okay lang din dahil alam kong pare-pareho lang din naman kaming stress.
Still, umuuwi akong happy dahil sa alam kong hindi na ako nag-iisa ngayon, at nagawa ko na ring mahalin ang sarili ko dahil sa pagpapahalagahang pinakita sa akin ng mga kasamahan ko sa restaurant.
* Rewritten: Pero ayos lang din dahil alam kong pare-pareho kaming stress. At kahit na ganoon, umuuwi pa rin akong masaya dahil hindi na ako nag-iisa ngayon. Sapagkat, ramdam ko ang pagpapahalagang ipinapakita sa akin ng mga kasamahan ko sa restaurant.
* Nice. Sa storage room ang naging daan para makapasok sa gubat. May naalala akong story na nabasa ko dati na sa wardrobe siya. Tapos naalala ko rin yung Narnia. At least, ngayon, may bago akong ipagbabawal sa sarili ko—ang pumasok sa storage room. Buti wala kami no'n.
Done reading chapter 4, umaandar na talaga ang plot. Okay rin ito na sa first act inilagay ni author ang mga mahahalagang detalye.
CHAPTER 5 8.5/10:
* This is nice. Ito na yung detalye na kailangan ko. Although, hindi ako ganoon makapasok sa character ni Milko pero sa third point of view, nakikita ko naman yung nagaganap.
Done reading chapter 5, katulad sa mga na-point out ko sa itaas, iyon ang mostly, concern ko. Pero naging okay na rin for me sa mga susunod na chapter kasi nakita ko naman na yung development ng plot at alam kong umaandar siya at hindi nagsta-stuck lang.
All-in-all, this is nice. Sa mga mahilig sa stories na fantasy. At mga mythologies. Para sa inyo ang storyang ito.
This has been Rory, signing out.
—
Reviewer's Note: Please don't forget to leave a feedback for the review. Iyon lang po ang nag-iisang rule natin dito sa ating review book.
Para rin po malaman ko kung saan ako dapat mag-improve at kung may kakulangan ba ako sa mga nire-review ko.
Please read po. Especially, the guidelines. And patience. Iyon lang po talaga.
Maraming salamat sa patuloy na pagsupporta sa ating book review at sana'y lumago pa tayo!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top