Land of Ryu by Yukidarumaaa
LAND OF RYU by Yukidarumaaa
TITLE 10/10:
Para sa isang title na hindi ko masiyadong nakikita sa iba or para sa akin lang, kung makikita ko ito sa National Bookstore or di kaya sa mismong Wattpad carousel ko, for sure, babasahin ko ito.
I searched for the meaning of Ryu tas nalaman kong "dragons" pala siya. Basically, the story will revolved around the land of the dragons. Word play ang ginamit which is nice.
Plus! Maganda yung book cover. Eye-pleasing siya. It's giving me the fantasy vibes na puro all about legend ang laman or maybe, high fantasy ang type of fantasy na ito. Kaya talagang nakuha ako nito.
DESCRIPTION 9/10:
Thumbs up kasi buo yung story premise dito sa description. Naipakilala si character, kung ano yung inner conflict ni character and lastly, the conflict na iikot sa buong story.
Although, medyo nag-cringe sa mind's ear ko yung last sentence. Tingin ko lang, meron pang mas magandang description para diyan.
But all-in-all, this is nice. Lalo pa't noong nakaraan, nahilig ako mag-search tungkol sa mga dragon and different types nito. Plus! Mahilig ako sa japanese names kasi fan ako ng japanese dramas and pangarap kong makapunta sa Japan.
And since Land of Ryu nga, paniguradong iikot ang buong plot sa loob ng homes of the dragons.
CHAPTER 1 10/10:
As a writer na walang certain genre, masasabi kong pinakahirap akong isulat is Fantasy. Siyempre, more on research ka talaga diyan, e, 'di ba? At hindi madali pagdating sa description. Lalo na kung may mga magic spell, powers and such. Talagang mahirap.
I dared once. Greek Myth-Werewolves type. Hindi ko pa natatapos hahaha. And this, I must say, sa dami kong nabasa na fantasy stories—ngayon pa lang ako naka-encounter ng plot na about sa dragon. Kaya talagang interesante.
I like it na hindi prose ang dating nang pag-describe ni author. Straight to the point kaya hindi nalilito yung utak ko. Or siguro, dahil din first time kong makabasa nang ganito, yung excitement lvl 999. Kakaiba eh.
This is engaging. Something na babasahin mo nang tahimik at hindi ka makakapag-ingay kasi kahit hindi malalim mga salita, na siyang mga tipo ko, e nakukuha ko at naiimagine.
Oh. Sa way nang pakikipag-usap sa kaniya ng Pirate at doon sa sinabi sa kaniya ng kaniyang friend na si Megumi. Parang may something sa pirate ship na dapat nilang katakutan. Bakit? Anong meron? I'm curious!
Gusto kong matawa sa friend niya. Sa naririnig ko kasing boses sa mind's ear ko, problemadong-problemado talaga siya sa behavior ni Takara. Parang may pagka-taklesa eh. At yung tipong kilala ng buong bayan dahil troublemaker nga. Gano'n yung vibes ni Takara for me.
Done reading chapter 1. First of all, ang interesting talaga. Yung clear informations na needed sa place, na about sa dragons, mga tauhan ng palace nila, mga tao sa Mystic Plaza, yung mga maaaring antagonist which is pirate (I'm having theories na interesado rin ang pirates eh). At ang mismong pivotal ng story na ito, ang legend celestial dragon, na feeling ko magiging center ng buong story. Kung paano ba huhulihin din 'yon.
I like how fascinated Takara is when it comes to dragons. Pati pagbuga ng lava, interesado siya. E ako nga, ang alam ko lang na kayang ibuga ng mga 'yon, apoy hahaha!
First chapter pa lang pero may conflict nang nai-raise which is ang 1) dragon's manual niyang ninakaw (actually, nagulat ako kung paano niya kinuha. ang the flash, e!) and 2) pagkakahuli sa celestial dragon. Since si Takara ay yung tipo ng tao na mahilig pakialaman ang mga tingin niyang dapat pakialaman. Specifically, dragons. I'm thinking na napka-impulsive niyang tao.
And this got me thinking... mukhang isasabit palagi ni Takara yung friend niyang si Megumi sa mga kalokohan niya.
CHAPTER 2 10/10:
Ang cute ni Takara hahaha. Alam mo yung tipong sa sobra mong troublemaker, sila na mismo nagpapadaan sayo. At ang chismosa niya, huh? Tama 'yan, Takara. Para maki-chismis ako kung bakit pati higher-ups ng Mork, e nagsisidatingan sa lugar ninyo.
Oh. Nagbato agad si author ng foreshadow which is nice kasi doon nag-uumpisa yung theories, e. Then, once na masagot sa kalagitnaan ng chapter biglang boom! Mapapasabi ka na lang na, "Nangyayari pala 'yon?" or "Nangyari pala 'yon? Saan? Paano? Namiss ko yata yung chapter!" At iyon ang nakakapang init sa puwet na mangyayari sa isang author.
Tinatago nila yung celestial dragon as class A. Mabuti na lang nag-provide kung ano yung class A type ng dragons. Hindi ko alam na may classification pala sila and kung ano yung mga tipo nila. Ewan ko ba sa sarili ko. Ang alam ko lang, bumubuga ng apoy ang mga dragons. And I think, maganda itong story para mapaisip na nagiging classified talaga sila at mukhang hindi lahat ay dangerous para sa mga tao hahaha!
And if hindi class A ang celestial dragon na hinahanap ng mga tauhan ng Palace. E 'di panigurado talagang may something's off. Kasi nagawa pang lumuwas ng kishi (knights of the country) sa City of Mork, e. Na puwedeng mag-reveal about something na connected sa buong place. Or puwedeng maging makasali sa Guinness Book of Records kapag nagambala ang buong Land of Ryu. Pakiramdam ko, dito na sila magsisimulang mag-extinct. Kidding. Hahahaha.
About din sa lola ni Takara na nawawala tapos biglang susulpot. Bakit may theory ako na baka may alam siya tungkol sa celestial dragon na 'yon? Nagha-heightened yung excitement ko. Kasi bukod sa ang chill, mukhang more on discovery ito. Puwede sa mga pambata.
Done reading chapter 2 and all I can say is that... I'm impressed! Grabe yung gulat factor ko sa end chapter and it's nice na ganoon nga ang way of ending it.
I mean, just imagine... may nakawalang dragon na hinahanap nang lahat. Pati higher-ups nag-abala para hanapin ito. Kinailangan pang magsinungaling tungkol dito kasi posibleng merong something about it, e. Then, isa kang dragon lover, sa sobra mong kaba na baka mahagilap yung hideout mo, mapapapunta ka sa hideout to check and you'll end up seeing the missing dragon!
Ang galing! At natuwa ako! Kasi ang ganda ng writing style and bukod doon, ang smooth ng flow. Walang paligoy-ligoy. Simple descriptions but impactful. Hindi ka magdi-dig about something na dapat nandoon kasi una palang, hindi ka na pinaasa sa possible na hinahanap mo.
But it's kinda sad... kasi nag-aagaw buhay na yung dragon. Sana maging maayos siya kasi ang nahihinuha ko masasagip siya ni Takara. After all, may mga potions siyang binili. May collection ng book tungkol sa dragons. Plus! Meron din siyang dragon's manual.
CHAPTER 3 10/10:
But naiimagine kong nakakapagsalita yung dragon kahit hindi naman at talagang naiiyak lang siya sa sakit ng iniinda niya? Ang weird ko pakinggan.
Nice talaga ang pagkakalahad ng conflicts. Nasabing hinahanap ng kishi ang pinakakinatatakutang dragon sa bansang Ryu, so, possible na itago niya ito. Man vs. People. Man vs. Animal. Man vs. Nature. Plus, ang inner conflict ni Takara na pagiging impulsive. Sakto yung timpla ng narration sa plot.
Mabilis akong magbasa kasi ang bilis ko rin ma-digest yung information. Hindi siya draining. Sakto lang sa papatulog kong reading mode.
Mukha ring may healthy lifestyle ang mga dragon kasi prefer raw nila ang fish and fruits kaysa meat. E, meat kaya ng tao? Prefer nila?
Ang cute ng dragon. Hindi halatang kinatatakutan nga. Legendary dragon pa naman. I think, may theories rin na ibabato patungkol sa dragon na ito. Kasi myth siya sa buong Ryu, e. Kaya no'ng naka-encounter, andaming hanash ng iba.
Done reading chapter 3, ch-in-eck ko yung parts at hindi pa pala ito tapos. Sana tapusin ni author kasi gusto ko siyang tapusin offline. Ang nice kasi talaga. Hindi siya ganoon kabigat at hindi siya yung tipong mala-magical tulad nung ibang fantasy stories pero engaging. Natutuwa ako. Minsan lang talaga ako ma-impress nang ganito. Kasi madalas, lagi akong nata-touch sa isang story.
CHAPTER 4 10/10:
Natutuwa talaga ako kay Takara pati na rin sa kahiligan niya sa dragon. Paniguradong pagkatapos kong basahin ito, maiinspire na naman akong tumapos ng story sa utak ko. Hindi ko rin naman kering tapusin talaga hahahaha.
Ang nice kasi pati little details about the dragon, may notebook of learning pa siya. Naipapakita yung personality niya na talagang mahilig sa dragon. The little details na sh-in-are niya regarding sa description niya sa dragon. Ang linaw sa utak ko kung anong itsura.
Nice yung name na binigay niya sa celestial dragon. Sora. Huhu. Isa 'yan sa mga naisip kong name sa characters ko dati, actually. Hahaha.
Done reading chapter 4, wala na akong masabi kasi halos lahat yata nasabi ko na. Interesting. Mas lalo akong nacucurious sa mga dragon. Ang dami kong nalaman tungkol sa mga types nito. Nalaman ko rin na hindi lang pala sila bumubuga basta ng apoy. At marami pa.
You know it's a good book when you can learn something from it.
CHAPTER 5
Throughout reading the book, tuwa lang yung nararamdaman ko. Ang gaan lang talaga sa pakiramdam. Para akong nanonood ng cartoon movie tapos kasama ko pa yung baby kong pinsan habang nanonood. Ang linaw kasi sa imagination ko nang mga pangyayari.
Sinasanay niya rin yung dragon. Si Hiccup and si Toothless tuloy naiisip ko rito yung How To Train Your Dragon.
Oh. Sabi na, masasangkot na talaga si Megumi sa kaniya hahaha. Nakakatuwa talaga na kapag isa sa mga theories mo, nagkakatotoo. Or di kaya, nagkakatotoo pero may twists. Partners in crime.
Done reading chapter 5, it's nice na sa bawat end of chapter may bago akong nalalaman tulad na lang nito. Mukhang ang rason kung bakit umalis ang kishi sa Mork, e nakaramdam na silang may nakahuli na ng celestial dragon.
Tapos sa sinabing information ni Megumi na naging monologue ni Takara na may Rulebook of Dragons pala na may rule ang bawat hanryo sa pag-aalaga ng dragons. At nabanggit na puwedeng pâtâyin yung hanryo na may hawak sa celestial dragon makuha lang yung celestial dragon.
Tingin ko, madugo-dugo itong journey niya. And connected din yung lola ni Takara na nag-train sa kaniya noon pa lang. Ang daming theories kaya paniguradong hindi ko ito titigilan and hihintayin ko na lang matapos.
All-in-all, for me, this is a recommended story. Para sa mga bata or adult na gustong matuto about dragons. Para sa inyo ito.
—
Reviewer's Note: Please don't forget to leave a feedback for the review. Iyon lang po ang nag-iisang rule natin dito sa ating review book.
Para rin po malaman ko kung saan ako dapat mag-improve at kung may kakulangan ba ako sa mga nire-review ko.
Please read po. Especially, the guidelines. And patience. Iyon lang po talaga.
Maraming salamat sa patuloy na pagsupporta sa ating book review at sana'y lumago pa tayo!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top