Keres's Distortia by darlingofflames

KERES'S DISTORTIA by darlingofflames

TITLE 8.5/10:

* The title is unique. But then, if this would be in my wattpad carousel, isa ito sa mga story na hindi ko madadaanan. Bakit? Hindi ako nakuha masiyado ng title. Plus, hindi rin ako mahilig magbasa ng english stories kapag sa cellphone. Hindi ko rin alam kung bakit. Kung magbabasa man ako, gusto ko yung naka-paperback na siya. So, kung sa National Bookstore ko man ito makita, baka doon, bilhin ko siya.

DESCRIPTION 10/10:

* One thing about Nyx. She knows what she's doing. Lalo na sa pagsusulat ng description. Perhaps, dala ng pagiging isang critic. At marami na rin siyang beses na dumaan sa iba't ibang salangan. Kaya heto, she improved.

* The story premise is all about Noob Miriad na galing sa isang incest family. Isang linya palang, alam kong mabigat na. Fun fact: Hindi ako mahilig magbasa ng descriptions. Gusto ko kasi yung ginugulat na lang ako bigla. Pero dahil kailangan nito, babasahin ko. At masasabi kong nandito na sa isang paragraph lahat: beginning-middle-end.

And obviously, ayon sa kaniyang book cover; not for the taint of heart. Kung isa kang reader na hindi mahilig sa ganitong story, na tipong alam mong bubugbugin lang yung nararamdaman mo. I suggest you don't read this.

PROLOGUE: "A Glimpse of Death" 9/10:

* Kung pagbabasehan yung mga stories ni Nyx na nabasa ko na noon at itong Keres, malalaman talaga kung ano yung mga pinagbago niya. Mula sa puro telling... ngayon, ramdam mo na yung gusto niyang ipakita. Papaano? Description. Broad siya sa description which is one of the strength of this story.

* Hindi nga talaga 'to puwede sa mga mahihina ang loob. Lalo na sa mga taong lunod na sa buhay at lalo pang nalulunod. Kung hindi kakayanin ng katawan mo, talagang bibigay ka. Ito yung nararanasan ngayon ni character-narrator.

Take note: May mga narration na ayos lang kahit mahaba, basta, yung tipo lang na kahit wala masiyadong dialogue, e yung nadadala ang buong chapter. Tulad nito.

* Ewan ko nga kung nananadya kasi saktong nakikinig ako ng Arcade ni Duncan Lawrence. Para akong dinadala ng emosyon nito kahit na alam ko sa sarili kong magaling na ako at natapos ko na ang stage na 'to ng buhay.

* What the— hoy! Grabe yung twist. Hindi ko akalaing... disclaimer lang may pagka-mature po ito. And hindi po lahat ng mature ay puro tungkol lang sa erotica. Dito... ipinapaubaya niya yung sarili niya sa hangin.

* Done reading prologue, it is short which I commend. Hindi talaga kasi ako mahilig sa long chapters as what I've said sa The God's Last Servant. But then, hindi ko alam kung anong gustong palabasin ng panahon—gusto yata akong maulol. From paranormal, mystery/thriller to dark themed? Ayoko pa pong maging bipolar.

ENTRY 1: "The Harbinger of Despair" 10/10:

* Kung marami kang tanong sa buhay mo or masiyado kang maraming hanash, I recommend this to you. Kasi kahit ako, na hindi talaga mahilig magbasa ng english story sa wattpad or sa mismong pdf, nadadala nito. Para kasi siyang rhetorical story.

* Si Noob yung tipo ng tao na gusto mong i-comfort pero masiyadong low ang confidence niya sa sarili. Kaya mas lalo niyang dinadown dahil iyon ang nakikita sa kaniya ng mga tao. I must say, na naging isa rin ako sa mga ka linya ni Noob. Ang dami kong insecurities sa buhay. Ang fucked-up na sa sobrang nakakairita, napapaginipan ko na siya. Hindi ko na nai-mo-monologue.

* Quote ko lang ito, "After all, a moth speaking of ant's suffering will just be inclined to the biases it has been brought up with. Even if, by chance, we say you have seen what I have, there still will be a big difference. Because we have been brought up in a different shade, we don't see the world the same way." - Hindi lahat ng opinion ay kailangan natin. At hindi lahat ng advice lalo na yung mga tingin natin, malayo na sa kung ano yung dapat na advice na ibinibigay sa atin. Kasi nga, isang malaking factor doon ang pagkakaiba natin ng point of view. Iba yung kinasanayan, iba yung kung paano natin nakikita ang isang bagay in our perspective.

* Na-break ni Nyx yung 4th wall pero hindi siya mapapansin kasi malinis magdala. May mga 4th wall breakers na napapansin lalo na kung hindi rhetorical ang statement. Which is a big no kapag nagsusulat ka ng novel. Kasi it should be characters to characters. Not author to reader.

* Gets ko na kung sino si Keres. It's like what I've read sa Google about healing your inner child. Noob is in this state na kung saan dinadalaw na siya ng inner child niya. Ibig sabihin lang din, super traumatic ng kung anong past nito ni Noob kaya nakilala niya si Keres. Or Noob has a schizophrenia. I don't which is which.

* Normally, person like this should be recommended sa isang psychiatrist. Kasi iba na yung atake niya sa sarili niya, e. Up to the point na nag-try na magpatiwakal, iba na 'yon. At nakakilala na ng taong tingin niya, pareho niya.

* Quote ko lang ulit, "Everything is fated from the very start. Everyone is just a pawn to create a bigger picture but only a few are meant to see the image it will paint. Basically, you are what you are."

Done reading entry 1, I don't need toxic positivity. Ito ang kailangan ko. Iyong sasampalin ako nang katotohanan pero may magi-inject sa akin ng mga salitang tutulong sa akin makamove forward. Siguro, kung atakihin man ako ulit, ito ang babasahin ko.

Kahit tapos na ako sa phase na 'yon, pakiramdam ko, sinagip ulit ako ng librong ito.

Cuz the book understands.

Char, tama ba?

ENTRY 2: "In Despair Itself He Lives" 9.5/10:

* Basically, this is still a Fantasy. Dark Fantasy as what Nyx stated in her form. Sa opening nito, d-in-edescribe ang isang place na kung saan wala sa Earth. This where Keres lives, sabi ni Noob. Kung saan nakikita ng lahat ang kung ano talaga sila.

Ibig sabihin, dinala ni Keres si Noob sa sarili niyang mundo. And I think, para ipakita sa kaniya yung tunay na siya? To discover things na hindi niya nagawa noon patungkol sa sarili niya kasi wala siyang ibang natanggap kundi panghuhusga? Most likely, ganoon nga. Para siyang blackhole.

And to be honest, ito yung lugar na gustong-gusto kong mapuntahan talaga
noon. At tumira na lang doon habang buhay.

* Another quote, "You see one smiling, yet their eyes teared with defeat."

- Masarap makipagbatuhan ng salita sa ganitong tao, e. Kasi sila yung tipo dahil marami nang napagdaanan, for sure, maraming masasabi tungkol sa buhay. Tapos, either sa gilid ng dalampasigan, sa high cliff, or sa rooftop magde-debate whether masarap ba talagang mabuhay or hindi.

* Pinaka ayoko talaga sa tao ay yung gagamitin nila yung kahinaan ng iba just to shame them. Or di kaya yung mismong past nila. I mean, anong nakakatuwa sa pagpyestahan ang sarili mong failure? Alin doon ang spice?

Done reading entry 2, ano ba talagang trip nitong si Keres? Ang maging guide or what? Pero somehow, naaalala ko sa kaniya yung taong katulad lang din niya. 'Di siya pala tao. Basta, I can relate at hindi nakakatuwa yung ginagawa niya sa akin. Sana lang, Noob will be able to save himself. Or babae ba 'to?

ENTRY 3: "Conflict of Thought" 10/10:

* Itong place ni Keres, parang Garden of Eden pero version kung saan natuyo na ang lahat matapos ang kataksilan ni Adam and Eve.

* Bawal yatang matuwa at makaramdam ng kahit anong emosyon sa mundong ito. Parang lahat, hopeless eh. Hindi ko alam kung anong nakakatuwa, yung mabuhay siya pero 'di na siya puwedeng makaramdam kahit na gustuhin niya. Or yung forever na siyang tulog. Dust til dawn gano'n.

* Kahit yung slightest detail about nature, kung pagtutuonan mo nang pansin, para kang may mararamdaman. O, mararamdaman mo mismo yung kung anong nararamdaman nila while struggling from everything or even from the grip of some people na malapit sa kanila.

* Noob said, "Am I turning out as a new Keres?"

I say no, because you are really Keres.

* Gusto kong magmura hahaha. Pero talagang naaalala ko yung tao ring 'yon kay Keres. Mabuti na lang matapos kong mag-heal, not totally, nawala siya. At natatakot akong bumalik 'yon. Si Noob lang talaga makakatulong sa sarili niya. Puwede bang pasukin 'tong story at kuhanin siya? Ako na lang magco-comfort sa kaniya.

* Magkaiba pala kami nang iniisip ni Keres. Hindi niya nahulaan iniisip ko tungkol kay Noob. Hindi siya split personality. Feeling ko talaga, schizophrenia or inner child.

Done reading entry 3, naiirita na ako kay Keres. Alam kong sa pinapakita niya gusto niyang mag-suffer si Noob. Pero mas naiisip ko na sa ganoong paraan niya lang tinutulungan si Noob na maharap yung sarili niya. Kasi wala talagang makakatulong sa kaniya, e. Nagtatalo tuloy utak ko.

ENTRY 4: "Distortia" 9.5/10:

* Tingin ko, para itong journal type. Or diary. Para kasing full of thoughts lang ni Noob, e.

* Astra pa ang ginamit dito? Like, tulog siya sa reality? Or nasa utak niya lang talaga siya? Or may other dimension talaga siyang napuntahan?

* Inferiority complex can destroy you, Noob. Although, I understand as to where you are coming from. Pero talagang may mga bagay na kung hindi para sa atin nakalaan, hindi talaga ibibigay.

* Ganito yung mundong gusto ko. Kahit lugmok, basta, may katahimikan. Pero mas lalong depressing. Mas lalong nakakalunod talaga.

* Gets ko na ang title. Ang dimension kung nasaan siya, e mundo ni Keres na puno ng "mischief, disarrangement" — Noob. Na tingin ko para sa mga taong sinusuka ang Earth sa sobrang daming hanash na hindi naman nabibigyan ng hustisya. Lakas magkaroon ng sense of entitlement.

Done reading entry 4, hanggang dito lang po ako kasi counted na sa five chapters ang prologue. And so far, maayos naman ang narration. Malinis. Hindi naman ako inantok. Mas lalo lang akong na-engage kasi para akong f-in-oforce mag-throwback or di kaya sinasabing mag-4 p.m. thoughts ako kahit ang gusto ko, e mga 10 or 11 p.m. pa.

Overall, this is a highly recommended story. Para sa mga taong naghahanap ng sagot sa mga tanong. Para sa mga taong sinasabing wala ng purpose sa mundo. Read this and take everything from Noob and Keres.

This has been Rory, signing out.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top