Cake Body and Caffeine by Leo_Polaris
CAKE, BODY AND CAFFEINE by Leo_Polaris
TITLE 10/10:
I like the title kinda sweet but kinda rough. Ito yung titles na ang refreshing pakinggan, may pick me vibes and I like it. The simplicity is killing me and at the same it, may eagerness na gusto mong basahin.
DESCRIPTION 10/10:
The essence of the story is provided which is kailangan. Although, there is no clear conflict; ang naiisip kong puwedeng conflict nito dahil sa last sentence is more on inner conflict, e.
The description is smooth and something na intriguing because of the concept lalo na present ang character, setting, and theme. Aside from that, ang laking connected sa title. Straightforward. Simple pero malaman.
Puwede na siyang for publishing book. After all, walang nagkakamali sa romance.
PROLOGUE 10/10:
Since this is a rated 18 story, expected na ang mga mature scenes na kailangan for development ng character. At nasabi ko nga, hindi ako nagbabasa ng english stories through phone. Although noong nakaraan, nasimulan ko nang basahin itong story. Hindi pa nga lang ako nakapag-depth reading.
So, na-established ni author yung image ni Theo as "maginoo pero medyo bastos" from his principles at kung paano siya i-describe ng other character, nakapasok ako sa character niya.
May mga stories na kapag sinabing hook ups, isa lang ang kadalasang nakikinabang or pagkatapos makuha, abandonado na. But for Theo, siya yung tipo ng lalaking pa-fall pero hindi mo puwedeng isipin na ganoon siya kasi may napagkasunduan. Nakakatuwa kasi iniisip niya rin yung clients niya, pinagsisilbihan pa. Kaya natuwa ako na nagulantang sa kaniya hahaha.
Maiksi lang ang chapter which is okay for me. Leo has been beta reading my stories din at alam kong iksi lang din 'tong chapters niya kasi ganoon din gusto niya sa iba hahaha.
All-in-all, short but malaman itong prologue.
CHAPTER 1 9.5/10:
One thing na napansin ko—ang liberated ng characters. Kaso naisip kong this is set in New York pala. Little details like this is a good idea para hindi magkaroon ng plothole. Naisip ko kasing kung ganito ka all out ang characters tas sa Pilipinas naka-set, mawi-weird-an ako. Alam niyo naman ang pinoy pagdating sa conservatiness.
Isa pang nagustuhan ko sa chapter na 'to, e yung pagka-establish ni Ella, natural natural at relatable. Siya yung tipo na parang pabebe, ayaw sa atensyon, pero sa loob-loob, may pagkapatola siya.
The first expressions are important. At natawa ako kasi ego conflict for Theo ang hindi siya pansinin. Thus, nagkaroon siya ng urge of interest towards Ella. Parang art kasi after siyang insultuhin, cinomplement siya sa buhok niya.
Isa pa yung bff niyang si Kath, yung tipong ma-push kind of friend at maaring malaki ang maging part niya sa development kay Ella. At yung progress na insult-compliment nakita ko sa view point in Kath, e.
All-in-all, gusto ko yung progress ng plot. Plus, may mga details na pahapyaw si author na nai-intrigued ako. Although I'm not sure kung ganoon nga ang gusto niyang ipahiwatig. But this is nice.
CHAPTER 2 10/10:
After reading this chapter, may natutunan ako tungkol sa mga taong nagkakaroon ng "sugar daddy" just to survive financially. Lalo na sa mga na-encounter ko sa omegle kasi most of them, puro sa acads ang rason kung bakit iyon ang sort out.
I realized na sa sobrang hirap ng buhay ngayon, ang hirap na rin makipagsabayan sa mundo. Pumapasok doon yung sa ethics na sinasabi nilang "Kahit alam mong mali, pakiramdam mo, tama" kasi yun lang yung alam mo pang daan eh. Wala pang ibang nagbubukas sayo ng pinto.
And then, erotic being called art. Although hindi lahat kayang maging open-minded sa ganitong topic, tulad ko na hindi talaga masiyadong nagbabasa kasi yung iba nasobrahan sa graphic scenes, is the fact na may napupulot kang aral dito. Deny it or not, ang relatable rito ng character. Parang sa ibang angle siya nakikita ni author na may ibang tao na piniling iignore.
Isa pang kasabihan yung "curiousity kills a cat" ganun ang nangyari kay Ella. Idagdag mo yung parang pressure sa friends niya pero parang hindi rin naman as in, pressure. Still, naging development niya iyon.
Lastly, nagustuhan ko itong chapter. Alam mo yung tipong ang casual lang pakinggan ng conversation kasi may mga taong napag-uusapan naman talaga 'yan? Hindi siya yung pilit, e. At mapapangiti ka sa engagement of convos.
All-in-all, what I like about this is that balanced yung erotica sa gustong iparating ng author.
CHAPTER 3 8.5/10:
The chapter contains Ella's character development as well as Theo's hobby or sideline? Idunno.
This is fine. Although, pati ako, nacucurious kay Theo kung bakit ayaw mag-jowa, e mukha naman siyang inggit dun sa mag-jowang sinervan niya.
CHAPTER 4 9/10:
I like how this chapter goes kasi aside sa mature contents niya, talagang may laman. Di ko talagaaaa makakalimutan ilagay yan hahaha. Alam mo yung term na parang curious and satisfaction combined? Ganoon.
Babatuhin ka ng self-satisfaction na in the end, may goal kang makukuha. Plus! I'm getting excited sa magiging meet-up ni Theo and Ella.
Tapoooos, gets ko na yung title. It's all about Theo's life being a barista, his life inside the café then the hook ups. I like the discreetion sa set-up kasi kahit liberated, hindi mo mararamdamang ganoon si Theo kasi babawian ka rin niya talaga.
Gusto ko yung pagiging straightforward ng story na kahit mapapanganga ka sa flow, sa huli, mapapa-agree ka kasi kahit hindi masiyadong prose, alam mong may point yung usapan.
All-in-all, I like this story. A recommend kung gusto mo ng mala-thrilling na life pero hindi mo kaya sa real life kaya sa story ka na lang. May mga aral din na mapupulot, just read in between the lines.
Daanan niyo na. Maganda ito.
—
Reviewer's Note: Please don't forget to leave a feedback for the review. Iyon lang po ang nag-iisang rule natin dito sa ating review book.
Para rin po malaman ko kung saan ako dapat mag-improve at kung may kakulangan ba ako sa mga nire-review ko.
Please read po. Especially, the guidelines. And patience. Iyon lang po talaga.
Maraming salamat sa patuloy na pagsupporta sa ating book review at sana'y lumago pa tayo!
This has been Rory signing out.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top