Kabanata 2

Cause of Death


"Tumahan ka na..." 

Patuloy ang pag-alo sa akin ni mamu habang patuloy ang pagsinok 'ko. Gusto 'kong maalala ang bawat muka ng bawat tao sa pamamahay na ito. Gusto 'kong maalala ang amoy ng tahanan namin. Kaya lang ay hindi 'ko maiwasan ang pag-iyak, para bang kapag umiyak ako ay mababago ang kahihinatnan 'ko kinabukasan, para bang kayang baguhin ng luha 'ko ang lahat. Marahan 'kong dinampot ang baso ng tubig mula sa lamesa at napatitig kay mamu na nasa harapan 'ko at naka-upo rin sa hapag. Halos 'ata lahat ng tenant sa bahay ay nasa hapag namin at nakatingin sa akin na para bang takang-taka rin sila kung bakit sila nandoon at kung bakit ako nandoon.

Uminom ako ng tubig at napatingin kay mamu na nagpakawala ng buntong-hininga na parang hinugot mula sa kailaliman ng ugat ng family dynasty sa bansa.

"Pasensya na... Kanina 'ko lang din nalaman," saad ni mamu sa mababang tono.

Pati ba si mamu alam na? Lahat ba sila ay sinabihan ni kamatayan na expired na 'yung free trial 'ko sa mundo kaya susunduin niya na 'ko bukas. Bahagyang hinawakan at pinisil ni mamu ang aking kamay na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Napatingin ako sa kaniya at binigyan lamang ako nito ng malungkot na ngiti. Kulang na lang ay sabihan ako nito ng 'RIP'.

"P-Paano niyo po nalaman?" tanong 'ko nang mahimasmasan ako kahit papaano.

"Tumawag sa landline natin 'yung nanay ni April... Bago pa rin daw kase sa kanila kaya kanina lang sila napatawag." marahan na saad ni mamu na siyang nagpalaki ng aking mga mata.

Tama. Si April nga pala. So, wala pa ring kaide-ideya sila mamu na mawawala na ako bukas? Alam 'ko naman na sobrang close namin ni April pero hindi kailanman pumasok sa isipan 'ko na sabay rin pala kami pagkakapehan. Ganito rin kaya ang pakiramdam ni April nung malaman niya na mamamatay na siya? O alam man kaya niya? Dapat ba akong magpasalamat na alam 'ko kung kailan ako mamamatay o dapat akong matakot kase hindi 'ko mae-enjoy 'yung huling araw ng free trial 'ko sa mundo sa kakaisip na bukas na ako mamamatay. 

Pagkatapos ng ilang oras 'kong pag-iyak at pag-alo sa akin ni mamu ay 'agad na rin ako nitong pinagbihis dahil pupunta raw kami kala April para makipaglamay. Hindi 'ko alam kung magandang ideya ba 'yun o ano... Last thing na gusto 'kong makita sa ganitong araw ay ang best friend 'ko sa loob ng kabaong habang patuloy pa rin sa pag-ikot ang mundo. Hindi 'ko aakalain na mauuna pa siya sa akin or at least sa amin... kase ang sabi nila ay ang mga taong masayahin raw ay matagal ang buhay.

Madilim na ang kalangitan nang makarating kami kala April. Kabaligtaran ng madilim na kalangitan ang kanilang bahay na sobrang liwanag bunga ng maraming ilaw at kandila dito. Punong-puno ang labas ng bahay nila ng mga kamag-anak at kakilala na nagtatawanan habang nagkekwentuhan. Hindi 'ko alam kung magiging makasarili ba ako kung hihilingin 'ko na maging malungkot na lang silang lahat at itigil ang mundo nila pansamantala... Hindi kase bagay kay April na mapag-iwanan, palagi kase siyang nasa unahan, kahit sa aming paghahabulan noon. Sobrang natatakot ako sa tagpo na nakikita 'ko lalo na't alam 'kong malapit na rin akong sumunod, sana lang wala ng lamay pag ako 'yung namatay, diretso libing na lang sana.

Hindi 'ko makita si tita at tito sa paligid at sa tingin 'ko ay naiintindihan 'ko naman kung bakit. Kahit ako ay hindi 'ko kayang sikmurain na magpakita sa mga taong nandito na wala namang halos ambag sa pagkatao ni April. Hinayaan 'kong magoisa si mamu na dumiretso sa kabaong para sumilip, napitingin ito sa akin nang humiwalay ako at hindi na sumama pero 'agad din namang naagaw ng mga kaibigan niya ang atensyon niya. Pumunta ako sa pinakadulo at sulok ng kanilang bahay, hindi na masyadong abot ng ilaw ngunit maliwanag 'ko pa ring nakikita ang mga bisita na nagtatawanan at ang kabaong na nasa pinaka-harapan, medyo malamok dito ngunit mas gusto 'kong manghampas ng lamok kaysa manghampas ng kung sinong bisita kapag hindi ako nakapag-pigil. 

Nablanko ng galit 'ko ang kung ano mang pag-intindi para sa mga taong nandito. Ni hindi 'ko kinayang uminom ng kape o kumain ng mga pagkain na nandoon, feeling 'ko ay masusuka ako. Ilang buwan kaming hindi nagkita at sa susunod na pagkikita pala namin ay ang siyang huli na rin at hindi manlang niya ako nakita, ako lang talaga ang makakakita sa kaniya. Hindi 'ko manlang alam kung anong dahilan, ano kayang iniisip niya nung mga araw na malapit na siyang mawala, naisip niya kaya ako? si tita at tito? si Nathan? Natakot kaya siya? Umiyak ba siya or nagsisi na hindi manlang siya naka-graduate o hindi manlang niya nalibot ang buong mundo gaya ng pangarap niya? Kase gano'n na gano'n ang nararamdaman 'ko ngayon.

"Galit ka ba?" 

Hindi na kinakailangan lingunin para malaman 'ko na si Trench iyon. Bahagya na lang akong umiling, walang lakas upang magsalita pa. Feeling 'ko kapag nagsalita ako ay hahagulgol na lang ako bigla dito.

Ramdam 'ko ang paghila niya ng monobloc na upuan palapit sa tabi 'ko at pagtitig niya sa akin. Bahagya 'ko 'tong nilingon ngunit nginitian lamang ako nito nang marahan at saka tumingin sa harapan namin. 

"Pasensya na, gusto 'ko sanang sabihin sa'yo nang mas maaga kaya lang hindi ako makahanap ng pagkakataon." kitang-kita 'ko ang lungkot sa mata nito na tanging ang ilaw lamang sa malayo ang nagpapaliwanag.

So, matagal na niyang alam? Gaano katagal na? Noong mga panahon ba na nagdadasal ako ay wala na talaga siya? Nung nakita 'ko siya sa simbahan, doon ba siya namatay? O 'yun 'yung way niya ng pagpapaalam sa akin? Gusto 'kong tanungin ngunit iba ang namutawing katanungan mula sa akin.

"Galit ka ba?" pinanatili 'ko ang tingin 'ko sa kaniyang muka habang nananatili itong nakatingin sa malayo.

Bahagyang kumunot ang noon nito at sumulyap sa akin bago bumuntong-hininga. Magagalit ka rin ba sa akin kapag ako naman 'yung sumunod? Magsisisi ka rin ba katulad 'ko? Imbes na itanong pa 'yun ay inilayo 'ko na lang ang tingin 'ko doon at tumitig sa puting-puti na kabaong si April.

"Oo at hindi..." sagot nito at nagkatinginan kami.

"...galit ako sa sarili 'ko pero hindi kailanman ako magagalit sa kaniya at sa desisyon niya." paliwanag nito na nagpabagsak ng aking mga mata.

Sana kaya 'ko rin 'yun, 'yung hindi magalit sa kaniya kase God knows how I tried na isisi ang lahat sa sarili 'ko pero masyado akong makasarili para pananatiliin siyang santo sa paniniwala 'ko. I believe on him. Naniwala ako sa kaniya na ile-lead niya palapit sa akin si April, kahit na matagal, pero ba't niya naman inagaw sa akin. Masyado ng maraming anghel sa langit, hindi ba pwedeng ipaubaya na sa akin si April.

"Trench..." tawag 'ko sa ngalan niya at ramdam 'ko ang titig niya, "...galit na galit ako sa mundo," pag-amin 'ko ngunit hinawakan lamang nito ang aking kamay at bahagya itong pinisil, napatingin ako sa kaniya at hindi 'ko manlang namalayan na tumutulo na pala ang mga luha 'ko kung hindi niya pa ito pinunasan, "Magiging masama ba akong tao kung talikuran 'ko siya? P-promise, babalik din naman ako p-pero hindi muna ngayon..." napahagulgol na ako at imbes tumalikod ay niyakap lamang ako nito, kailangan na kailangan 'ko nito kase feeling 'ko mababaliw na ako sa kakaisip, "...h-hindi 'ko kayang sikmurain." 


***

Halos hindi 'ko gustuhin na matulog pagka-uwi namin dahil sa takot na hindi na ako magising ngunit kinatulugan 'ko na rin ang sobrang pag-iyak. Nang magising ako ay hindi ako makapaniwala na kinakailangan 'ko pang pumasok sa school, totoo ngang hindi titigil ang mundo kahit bilang na lang sa daliri sa kamay ang natitirang oras sa buhay mo. Mamamatay na lang ay talagang nag-sun glasses pa ako para lang hindi makita ang magang-maga na mga mata 'ko. Ayaw 'ko na sanang lumabas kase baka masagasaan ako ng truck bilang cause of death 'ko, napakaraming brutal na bagay na maaaring mangyari sa labas bilang causes of death 'ko, kung nasa loob lang naman ako ng bahay ay limited nga ang mga brutal na possible causes of death 'ko pero for sure malulugi si mamu kung may history ng pagkamatay 'ko sa bahay na 'to, baka sa akin pa isisi kapag biglang nag-brown out sa bahay, kung magiging multo naman siguro ako ay sa mga 5 start hotel at condo na ako tatambay kaysa sa bahay.

Ano ba 'yan, super nega naman ng mga iniisip 'ko. Malay mo nakalimutan na ni kamatayan 'yung muka 'ko at ma-delay siya until 100 years old na 'ko. Hay ewan.

Feeling 'ko tuloy ay sobrang bait 'ko ngayon kase ipinamigay 'ko na talaga 'yung mga papers 'ko sa mga classmates'ko, mas kailangan nila 'yun. Siguro gan'to talaga 'yung sinasabi nila na bumabait 'yung tao kapag malapit na mamatay. Todo pakinig talaga ako sa teachers namin para incase na may entrance examination sa langit ay preprared ako, hindi pa naman 'ata uso doon 'yung pray lang since baka sabihin nanghihingi ako ng backer para makapasok.Hay iba na talaga 'to. 

Gabi na ako nakarating sa bahay dahil sa bawat hakbang 'ko 'ata pauwi ay panay ang tingin 'ko sa paligid sa possible na pumatay sa akin. Pagod na pagod na ako. Bumungad sa akin ang mga tenant na sabay-sabay kumain sa hapag, hindi 'ko na sila masyadong tinignan at nalulungkot lang ako lalo. Dumiretso na ako sa kwarto 'ko at humiga na 'agad sa kama. Gustuhin 'ko man na maligo ngunit takot 'ko na lang talaga pag bigla akong madulas sa banyo at pumutok ang ulo 'ko. Matutulog na lang siguro ako, mas okay siguro na mamatay na lang sa bangungot, hindi masyadong masakit. Bago pumikit ay nag-alarm muna ako sa cellphone 'ko ng 12:00mn. Ewan 'ko ba pero umaasa pa rin ako na mabibigyan ako ng another chance kahit na medyo abusado na ako. 

Ginising ako ng uhaw sa kalagitnaan ng gabi. 'Agad 'kong inabot ang phone 'ko at nang makita na 11:40pm na ay nagdalawang-isip pa ako kung lalabas pa ba ako ng kwarto. Kaya lang baka naman uhaw ang ikamatay 'ko kung hindi ako iinom. 

Marahan akong lumabas ng kwarto, parang akyat bahay na ingat na ingat sa paglalakad, dala-dala 'ko ang phone 'ko bilang flashlight since tanging sa kusina lang bukas ang ilaw sa mga ganitong oras. Marahan ang bawat galaw 'ko na parang tumagal' ata ako ng ilang minuto sa paglalakad lang papunta sa kusina. Nang makarating ay mabilis na rin akong kumuha ng baso mula sa kabinet at ng tubig sa refrigerator. Huling tubig 'ko na 'ata 'to kaya dinamihan 'ko na, hindi naman siguro ako malulunod doon. Halos masamid ako nang makarinig ako ng kaluskos sa labas ng kusina. Si kamatayan na ba 'to? Akyat bahay? Baka ito na 'yung papatay sa akin!

Napatingin ako sa paligid at ang pinaka-unang dinapuan ng tingin 'ko ang kinuha 'ko, frying pan. Ayoko namang kutsilyo at baka makapatay pa ako, tatakutin 'ko lang naman, so pwede na 'tong frying pan. Marahan ang lakad 'ko bago ako nagtago sa pader na naghahati sa kusina at hapag-kainan, uunahan 'ko na siya kaysa ako pa ang maunahan, hindi naman siya mamamatay sa gulat diba? Imposible naman kase na si mamu 'to kase hindi naman na 'yun lumalabas sa kwarto niya pag ganitong oras, may grocery kaya 'yun sa kwarto niya, kumpleto lahat. Seven lang ang mga tenant namin dito, puro pang-gabi kaya palaging patay ang ilaw sa bahay kapag gabi kase kaming dalawa lang naman ni mamu. Kaya sigurado ako na akyat bahay 'tong hinayupak na 'to. At talagang kay rahas-rahas ng cause of death 'ko kung sakali, sa kapwa tao 'ko pa talaga. Parang pinatigas na ako doon ng takot at kaba sa sobrang tagal pumasok ng akyat bahay sa kusina, dapat ito ang first destination niya kung sakali kase dito dapat siya kukuha ng armas niya, tsk tsk. Mas lalo 'kong sinuksok ang aking sarili sa pader nang marinig 'ko ang pagpapatuloy ng yapak, tila ba alam nito na may nagmamasid sa kaniya kaya mas tinatakot niya sa kaba 'yung tao. Mas hinigpitan 'ko ang hawak sa frying pan at halos mahigit 'ko ang hininga 'ko nang makita 'ko ang likod nito, grabe naman tangkad nito, siguradong wala akong laban dito. 

Parang biglang nagbago ang isip 'ko at tumakbo na lang paalis doon ngunit huli na ang lahat nang bigla itong lumingon sa direksyon 'ko. Nagkasalubong ang mga mata namin na feeling 'ko ay sabay nanlaki, mabilis 'kong ipinalo sa muka niya ang frying pan at saka ako tumakbo palayo doon, kasabay ng aking sigaw para sa tulong ay ang pagtunog din ng aking alarm mula sa cellphone sa bulsa 'ko. At ang huli 'ko na lang na nakita ay ang sahig at mabilis na bumalot sa katawan 'ko ang sakit at hapdi.


;

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top