Kabanata 1
The Fallen Angel
Mabilis lang na lumipas ang linggo na 'yun at 'agad na dumating ang lunes. Halos takbuhin 'ko na ang papunta sa aming classroom, nasobrahan ang tulog 'ko, sobrang napuyat ako nang dahil sa kakaisip sa sinabi ng matandang babae sa simbahan. Muli 'ko na lamang itong iniling at mas binilisan ang paglalakad.
Late ako ng sampung minuto nang makarating ako sa classroom namin. Ngumiti lamang ako ng tipid sa teacher 'ko na naistorbo 'ko 'ata sa pagtuturo. Tinanguan lamang ako nito kaya't mabilis na akong pumasok sa loob ng classroom namin. Bahagya pang nadaanan ng aking tingin ang kaibigang si Trench. Nakatitig ng diretso sa akin ang singkitin nitong mga mata at sa hindi malaman na kadahilanan ay lumakas ang kabog ng dibdib 'ko.
"Living is futile, maybe that was what they were thinking." sagot ng aming teacher sa isa naming classmate na nagtanong tungkol sa maaaring dahilan ng pagpapakamatay ng mga sundalong hapon noon.
Napailing na lamang ako. Well, wala naman ito sa lesson namin at maaaring naikwento lang muli ng aming teacher ang mga 'yun. Napa-buntong hininga na lamang ako kasabay ng pagtatapos ng klase namin. Ramdam 'ko ang panay pagtingin sa akin ni Trench na siyang nagpairita at nagpakaba sa akin. Trench is my crush, my first love, at tanging si April lamang ang nakakaalam nu'n at nagseryoso doon. Kaya't nakakapanibago na wala akong mapagkwentuhan na 'April' tungkol sa nararamdaman 'ko ngayon.
Lalong tumindi ang kaba 'ko nang tumayo si Trench at lumakad papalapit sa akin. Napatingin ako sa paligid at tanging kaming dalawa na lamang ang natira sa loob ng aming classroom. Humigpit ang paghawak 'ko sa libro 'ko.
"Raya, can we talk?" marahan ang pagkakasabi niya nu'n.
"We're talking, Trench." tawa 'ko na mabilis din namang nawala nang makita kung gaano siya kaseryoso.
Hindi ako sanay, kaya't mabilis 'kong binawi ang naunang sagot.
"Ano 'yun?" mas seryoso 'kong pagbabalik ng tanong.
Bahagyan itong umubo, "Si April..." mahina nitong panimula na umagaw ng buong atensyon 'ko. Bahagya 'kong iniligpit ang aking gamit at isinukbit ang bag. For sure ay nahanap na ito, sabi 'ko na nga ba ay siya ang nakita 'ko kahapon sa may simbahan, kailangan 'ko itong puntahan 'agad upang mapagalitan. Mabilis na rin akong tumayo at sumulyap kay Trench, tulala lamang ito kaya bahagya 'kong niyugyog ang balikat nito.
"Let's go, Trench! Baka mamaya ay umalis na naman 'yun-" naputol ang sinasabi 'ko nang makita 'ko ang mabilis at sunod-sunod na pagpatak ng kaniyang luha. Para akong binuhusan ng malamig na tubig.
"H-He's gone... A-April is g-gone..." tuloy-tuloy ang pag-agos ng kaniyang luha at ang paggalaw ng kaniyang balikat mula sa paghagulgol.
Napasandal na ito sa akin kaya't hinayaan 'ko lamang siya na umiyak sa aking balikat, hindi 'ko maintindihan kung bakit siya umiiyak... April is gone? What does he mean? I don't understand.
Marahan 'ko siyang inilayo sa akin at tinitigan. Nakatungo lamang ito at bahagyang pinunasan ang kaniyang mga mata. "W-What do you mean, Trench?" may galit sa tono 'kong saad.
"He is gone, Raya! Ano ba ang hindi mo maintindihan? April is d-dead."
Kasabay ng muling paghikbi niya ay parang may nagsaklob sa akin ng katotohanan. Dahan-dahan hanggang sa bumilis ang pag-iling ng aking ulo. Umaasa na matatanggal sa sistema 'ko ang lahat ng kaniyang sinabi. Hindi ako naniniwala. April was perfectly fine the last time I saw him, so how?!
Patuloy ang pag-iling 'ko at kasabay nito ay ang mabilis 'kong pagtakbo palayo doon. Palayo sa kasinungalingan na sinasabi niya. Mabilis 'kong tinakbo ang distansya ng bahay nila April mula sa school namin. Sigurado akong nahanap na siya. Hindi kakayanin ni April na malayo sa amin at sa pamilya niya ng sobrang tagal; hindi niya kami kayang iwanan. Ang mabilis na pagtakbo 'ko at ang pag-asa na binubuo 'ko sa aking kalooban ay tila naging buhangin na siyang gumuho at nilipad ng hangin nang makita 'ko ang mga tao na nag-aayos sa labas ng bahay nila habang may nakasabit na black and white na taurpuline sa gate ng kanilang bahay.
In loving memories of
April Dune Castante
2005-2024
Nilagpasan 'ko ito ng tingin at napako ang aking tingin sa puting bulaklak malapit sa isang kabaong sa kanilang terrace at ang mga puting monoblocs at mahahabang mesa sa kanilang bakuran. Hindi 'ko maiwasan na muling mapatingin sa taurpuline at parang doon lamang nag-sink-in sa akin ang lahat. Marahan 'ko itong nilapitan at napako ang aking tingin sa kaniyang pamilyar na muka doon. Bahagya 'ko itong hinaplos, kasabay nito ay ang pagtulo ng panibagong luha mula sa aking mga mata.
Isang malakas na pagkabasag ng kung ano ang nagmula sa loob ng kanilang bahay kaya't kahit nag-aalinlangan ay mabilis akong pumasok doon. Ngunit bago pumasok ay muli 'ko na munang sinulyapan ang kaniyang muka at saka dumiretso sa loob ng bahay nila. Bumungad sa akin ang sala nila na may mga basag na vase at kasabay ng muling pagbasag ng kung ano ang malakas na sigawan na nagmumula sa kanilang kusina. Marahan akong lumakad patungo doon para lamang madatnan si tita na nakaluhod at umiiyak at si tito na nakatuon ang mga kamay sa kanilang lababo.
"This is all your fault! If you only listen to him- kung nakinig ka lang sana... s-sana-" napuno ang buong kusina nila ng hagulgol at sumbat ni tita.
Hindi 'ko 'yun kinaya kaya 'agad na akong tumakbo palabas ng kanilang bahay. Ang madatnan ang nanay at tatay ni April sa gano'ng sitwasyon ay ang siyang nagsilbing parang huling paggising sa akin na talaga ngang wala na siya. Hindi 'ko maatim na sumilip man lang sa kabaong na halos abot kamay 'ko na kaya't mabilis muli akong tumakbo, hindi malaman kung saan patungo, basta ay malayo lamang ako kahit na sandali sa bangungot na 'yun. Hindi 'ko alam kung bakit o paano nangyari 'yun. Basta ang tangi 'ko na lamang na naaalala ay maayos naman ang lahat bago siya mawala.
Muling nag-unahan ang aking mga luha nang makita ang sarili sa ilalim ng tulay, para itong dagat... Lalo 'ko lamang naalala si April kaya't hindi 'ko maiwasan na mapa-upo doon at mapaiyak. Ano bang naging kasalanan 'ko sa'yo?
Mas lalo akong napahagulgol nang maalala ang mga pangako niya...
"S-Sino na ang tutupad nu'n, April? Parang-awa mo na, bumalik ka na." sigaw 'ko.
Hindi 'ko alam na dadating ako sa punto na mawawalan ako ng takot. Kahit na multuhin niya ako, basta makita 'ko lang siya. Kung kaya 'ko lang sanang ibalik ang oras. S-sana kasama pa rin kita.
Kasabay ng pagtingin 'ko sa dagat ay ang siya rin namang pagkahulog doon ng kung ano. Sa sobrang lakas ng impact ay nagtalsikan ang tubig.
"A-April?" Nanginginig 'kong tawag habang nalusong sa dagat.
Maybe, he heard me? I knew it. Maybe, God really listen... Of course he is listening. I KNEW IT!
Sa hindi malaman na kadahilanan ay naniwala ako sa iniisip na 'yun at mabilis na tumakbo patungo sa kung saan may bumagsak. Masyadong malalim kaya't 'agad akong sumisid. Isa rin siguro ito sa magandang naging resulta ng pagkalunod 'ko noon, natuto akong lumangoy. Sa aking pagsisid ay isang figure ng tao ang nakita 'ko na siyang nagpapadala sa agos ng tubig pailalim kaya't 'agad 'kong hinila ang kaniyang kamay ngunit sa sobrang bigat nito ay kinakailangan 'ko pang mas lumapit upang sa bewang 'ko ito dalhin ngunit sa sobrang hirap nu'n ay hindi 'ko namalayan na nawawalan na ako ng hininga sa ilalim ng dagat. Pinilit 'kong lumangoy pataas ngunit nanghihina lamang ako at parang bumigat ako. 'Agad akong nag-panic na hindi rin nakatulong dahil mas nalunod lamang ako, naramdaman 'ko ang panghihina 'ko at kawalan 'ko ng hininga, bago mawalan ng malay ay nakita 'ko ang siya pagdilat ng mga mata ng lalaki. Hindi pala siya si April, maybe this is also one of God's plan? me and April, together.
"Breathe!" Agad 'kong naramdaman ang pwersa sa aking dibdib at ang pagkasamid 'ko sa tubig kaya't 'agad 'ko itong idinuwal. Sa aking pagdilat ay bahagya pang malabo ang aking nakikita. Ibang boses at hindi pamilyar na muka ang siyang bumungad sa akin na siyang biglang nagpalayo sa akin. Nabigla ang aking katawan kaya't 'agad 'kong ininda ang pagsakit nito.
"S-sino ka?" nauutal 'kong tanong at muling napa-upo sa buhanginan.
Tanging likod na lamang ng lalaki ang aking nakikita ngayon. Habol hininga ako habang tumatagal at hindi pa rin ito naharap o nagsalita manlang. Napatingin ako sa paligid at hindi naka-alpas mula sa aking paningin ang pinaghalong kahel at mabaya na kulay ng kalangitan at ang pagdilim ng aking kinaroroonan na siyang sanhi ng mga naglalakihang puno dito.
"Hindi ba'y ako dapat ang magtanong niyan?" Mabilis na nagbalik ang paningin 'ko sa lalaki na nakatalikod pa rin habang nakaluhod.
Nakatanggal ang isa nitong sapatos. Nakabarong tagalog na pang-itaas ito at black slacks. Muka siyang presidente ng Pilipinas na nagsusuot ng barong tagalog para i-promote ang culture ng bansa pero walang awa sa kaban ng bayan. Bahagya akong napaatras at napa-ubo nang bigla itong humarap sa direksyon 'ko. Salubong na salubong ang kilay nito at nakapukol ang nag-aapoy nitong kayumanggi mga mata sa akin, napalunok na lamang ako sa sobrang kaba, parang handang-handa siyang sakalin ako anytime.
Napatingin ako sa kapaligiran at nang mapatingin ako sa likuran niya ay parang bumalik sa akin ang kaganapan bago ako mapunta sa ganitong sitwasyon. Siya ang may kasalanan, for sure siya 'yung tumalon sa tulay, tanging kabutihan lamang ng aking puso ang aking pinairal at iniligtas 'ko siya. Ang kapal naman ng muka niyang magalit, e ako nga dapat ang magalit dahil ako ang muntikang mamatay ng wala manlang sa plano 'ko. Napababa ang aking tingin sa suot niya at sobrang out of this world naman 'ata ang taste of fashion style niya. Mukang pinaghandaan niya 'yung pagtalon niya kase naka-barong talaga siya, parang ididiretso na siya sa kabaong niya, no doubt at sasakalin na nga ako nito anytime at isasama na lang sa hukay niya nang dahil sa ginawa 'ko. Napadaan din ang aking paningin sa bulaklak sa may dibdib niya, 'yung parang pang-kasal...
"H'wag!!" bigla na lamang akong napasigaw at nagtaas ng dalawang hintuturo 'ko at pinag-cross 'yun nang bahagya ulit itong lumapit sa akin.
Bakit nga ba hindi 'ko 'agad naisip na baka multo siya. Malamang sa malamang ay multo na rin ako dahil nakikita 'ko na siya. Alam 'ko na sobrang na-miss 'ko si April at gusto 'ko ulit siyang makasama pero sana naman h'wag na muna niya akong ipasundo sa anghel o sa multo. Kase sigurado ako na siya 'yung lalaki na nagmumulto sa tulay, ayon nga sa kwento ay naka-barong 'yun at ganitong ganito ang pananamit nu'n at tumalon din siya sa tulay, siguro ay siya ang nakapag-bantay sa tulay na 'to at tagapag-sundo sa mga ligaw na kaluluwa dito. Sigurado ako na siya 'yun...
"H'wag mo na muna akong kuhanin... Promise magbabago na 'ko!" mas pinikit 'ko ang aking mata na para bang kapag ginawa 'ko 'yun ay bigla na lang siya mawawala.
Nagbibilang ako sa aking isipan at pinakiramdaman ang aking katawan kung may nagbago ba, pero bukod sa lamig na nadama 'ko sa pagtama ng malamig na hangin sa aking basa na balat ay wala namang bago. Dahan-dahan 'kong idinilat ang aking mga mata at sumalubong sa akin ang naka-kunot pa ring noo nung multo-anghel at ang hindi makapaniwala nitong itsura.
"Are you insane?"
Ako? Hindi pa naman pero mukang malapit na. May mental hospital ba sa langit? Pwede ba akong dumaan doon pagka-panik 'ko? Baliw na nga 'ata talaga ako kase hindi pa rin ako tumatakbo palayo kay kamatayan.
"Isang araw lang, promise! Magpapaalam lang ako..." napahagulgol na ako.
Paano na sila mamu? Alam 'ko na may pagka-maldita si mamu pero ako na lang ang nag-iisa nitong kamag-anak, baka matuluyan na 'yung magpaloko sa mga lalaki sa buhay niya. Hindi kakayanin ng konsensya 'ko sa langit kapag nakita 'ko na naman siyang nagbe-beg sa mga gagong lalaki na 'yun. Mami-miss 'ko si Nathan... Siguradong sobrang masasaktan 'yun kapag nalaman niya na sumunod na rin ako 'agad kay April. Hindi pa man din niya ako sineseryoso. Hindi 'ko pa man din nalalaman ang ikinamatay ni April, hindi 'ko alam kung makikita 'ko ba siya sa langit at kung maaalala niya pa kaya ako pag nagkita kami? Kase ang sabi ay mawawala na raw ang sakit at makakalimutan mo na ang iyong mga pagdurusa kapag nasa langit ka na kaya baka makalimutan niya na rin ako kase ako 'ata ang pagdurusa niya at problema niya sa buong buhay niya.
"What the fuck--- Fine,"
Mas lalo akong napa-iyak. Pwede pa lang magmura ang mga anghel/multo? Hindi 'ko na alam basta tumakbo na ako 'agad paalis doon. Mabilis akong pumara ng tricycle pauwi. Panay ang pagtingin sa akin ng driver kaya't mas napahagulgol ako lalo, isang araw lang. Huling tricycle 'ko na 'to. Pagka-dating na pagka-dating namin sa bahay ay 'agad 'kong naabutan na nasa labas si mamu habang hawak ang cellphone nito kaya't umaandar pa kaonti ang tricycle ay 'agad na akong lumabas at tumakbo papunta kay mamu. Mahigpit na mahigpit ang pagkakayakap 'ko dito, kulang na lang isama 'ko na rin sa kabilang buhay si mamu, kung pwede lang. Napahagulgol ako lalo nang maramdaman 'ko ang paghaplos nito sa likod 'ko. Sana lang talaga totoong anghel 'yun at hindi kampon ng demonyo. Naging mabait naman ako buong buhay 'ko, hindi 'ko naman siguro deserve na gawing panggatong sa impyerno at makipagkape sa fallen angel.
"Ne, 'yung bayad mo?"
;
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top