~~~~~~ RH#35~~~~~~

Achilles POV

Matapos kong tawagan yung mga magtatanggal ng bangkay at maglilinis dito ay tinahak ko na ang SC Office. Tatlong kalaban ang napatay ko dito sa dorms . Nga putang ina balak pang manggahasa yung isa. Buti nalang umabot ako.  Papunta na ko sa elevator dahil nagpalit pa ko ng damit sa dorm ko.

May narinig akong kakaibang tunog. Dahan dahan kong kinuha yung baril ko, pinakiramdaman ko yung paligid. Natigil ako sa pintong nakaawang. Tsk. I slowly open it madilim sa loob pero may kakaiba. May narinig akong mga bulong sa itaas. Damn. Dahan dahan akong umakyat at sumilip sa bukas na pintuan. Naaninag ko ang tatlong pigura na nakatayo at nakapalibot sa isang higaan. May napansin akonf nakahiga doon pero alam kong babae iyon. Tsk.. Wala akong ititira sa inyo.

Hanggang ngayon masakit parin yung junjun ko. Bwisit na babaeng yon. Wala akong pake kung kapatid pa siya ni Apollo putcha yung babaeng yun halos di ako makalakad kanina.

Nang tangkang hahawakan na nila yung babae tyaka ako lumabas. Sabay sabay silang naglingunan sakin. Pinaputukan ko yung isa na agad bumulagta, buti nalang nilagyan ko ito ng silencer. Agad akong sinugod nung dalawa. Pero maingat pa din ako dahil baka magising yung babae sinipa ko yung isa palabas ng glassdoor. Dito siguro yung iba dumaan. Babarilin din niya sana ako ng tinadyakan ko siya dahilan para malaglag siya sa railing.

Sinilip ko pa siya woooh damn antaas ng binagsakan niya. Napalingon ako agad sa isa na tangkang sasakalin yung babae agad ko siyang sinakal gamit ang braso ko. Agad din siyang nakawala ng sikuhin niya yung sikmura ko. Ugh. Natumba ako sa ibabaw ng babae ng tangka niyang ipukpok yung lampshade sa babae buti nalang naharangan ko. Muntik ko na siyang madaganan ng maitukod ko yung braso ko sa magkabilang gilid niya. Napalingon naman ako sa mukha niya ng tumihaya siya. At muntik na kong mapamura ng makilala ko siya. Siya lang naman yung babaeng sumipa sa junjun ko. Tangina.

==>>

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top