prologue
"Diba kasi sinabi ko na sayong hayaan na lang natin ang batang yan!?" "Ayan nagkanda malas malas na ang buhay natin! Mas magaan pa ang buhay natin noong wala pa ang batang iyan! Wala tayong pinapalamon!"
Nahinto ako sa aking paglalaro sa hawak kong barbie na napulot ko lang noong nakaraang araw sa basurahan nang narinig ko ang mga sinabi ni tatay. Bata palang ako noon, 10 years old nang maramdaman ko kung gaano kasakit ang marinig ang mga salitang iyon sa isang magulang.
Ngunit tanggap ko naman na hindi nila ako tunay na anak.
"Mando! Hindi siya malas sa buhay natin! Nakita mo naman diba?! Kahit papano nakaraos tayo!"
Hindi ko nga alam kung bakit pa nila ako pinulot sa may kakahuyan. Sana hinayaan na lang nila ako doon. Edi sana hindi ko naranasan at nasilayan ang mundo na puno ng kasamaan at nagkalat na masasamang loob.
15 years old ako nang na late ako imuwi. Alas sais(6) kasi ang curfew na ibinigay sa akin ni tatay. Ang higpit diba? Pero sige keri pa!
Halos manginig na ang mga tuhod ko nang dahan dahan kong binuksan ang pintuan.
"Ano masaya ka na? Nagawa mo na ang gusto mo. Sa tingin mo natutuwa ako diyan sa ginagawa mo! Habang lumalaki ka sinusuway mo na ang mga utos ko! Wala kang silbe!"
Sabi niya habang nakatalikod na nakaupo na gawa sa matigas na kahoy. Naramdaman niya siguro ang presensya ko at maririnig mo talaga ang lagitgit ng pintuan kahit dahan dahanin itong buksan dahil itoy lumang luma na.
Pabagsak niyang inibinaba ang hawak niyang bote ng alak at dali daling lumapit sakin si tatay at hinawakan ang buhok ko na hangang bewang ang haba.
"Alas syete na. Saan ka nagpunta ha!?" Inilapit pa niya ang muka niya sakin habang hawak ng mahigpit ang buhok ko. Halos matanggal na sa anit ko.
"A-aray! T-tatay masakit po!" Hinawakan ko pa ang kamay niya na nakahawak sa buhok ko sa pag-aasam na mabawasan ng konti ang kirot.
"Hindi mo ako sasagutin ha!? Ano masakit? Baka gusto mo pa!? Ulitin ko ang tanong ko Tania! Saan ka nanggaling at ginabi ka!? Ayaw mo talaga sumagot--!"
"M-may pinagawa po kasi tay yung teacher ko. Pinaayos po niya at pinaligpit din niya ang mga libro d-dahil nag mamadali siyang umalis dahil sa anak niyang may sakit at wala ang yaya nito. P-pinauwi kasi ni ma'am dahil may sakit din."
Sinisinok na paliwanag ko kay tatay. Ngunit ang lahat ng iyon ay purong kasinungalingan. Habang pauwi ako kanina ay binubuo ko ang lahat ng iyon na ipapaliwanag ko kay tatay kapag nangyari ito.
At nanyari nga.
Mabuti nga at wala akong nakalimutan na salita.
Binitawan naman ako ni ama na sa puntong tumalsik ako ng konti sa sahig. Tinignan ako ng masama at pinaalalala sakin ang kanyang mga salita.
"Tandaan mo ito Tania. Pinapalamon ka namin dito at ang kapalit, gawin mo lahat ng gusto ko at tapusin lahat ng mga gawain dito sa bahay." Sabi niya at iniwan akong nakasalampak sa sahig habang patuloy parin ang pagdaloy ng mga luha.
Pumasok na si tatay sa kanilang kwarto habang nakatingin parin sakin si inay na alam kong kanina pa siya doon at nanood lang dahil wala din siyang magawa. Nang magtama ang tingin namin ay mabilis din niyang inilihis ang paningin niya at sumunod na din kay tatay sa loob na pinasukan din niya.
Tumayo na ako at inayos ang sarili. Pumasok sa kwarto at parang hinihila ako ng aking kama dahil na din sa pagod buong gabi.
Habang nakatingin ako sa kisame, hindi ko maiwasang ma-alala ang nangyari kanina kung bakit ako na late sa pag uwi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top