kabanata 9
With him.
Matapos kong malaman lahat ng nangyari ay mas lalong ayoko nang mapalayo pa sa kanila.
Ninanamnam ko ang kalambutan ng malawak kong kama ng bigla pumasok si Nevil. minsan ko lang naman siyang tawaging kuya e.
Bumuntong hininga pa siya bago lumapit at umupo sa may paanan ko dahil hindi parin ako bumabangon, nakahiga parin ako habang nakatitig sa kisame na kulay pink. Bukas ko pa ito papalitan ng kulay.
"Joshart was really desperate to see you. Alam niyang nandito ka sa bahay at nalaman na din niya ang lahat. Hayy ano ba pinakain ng bunso doon ha? Go puntahan mo na, nasa labas siya. Kulang na lang makipagbugbugan siya sa mga guard. Buti na lang at kilala siya ng mga iyon"
Agad naman akong napabangon sa sinabi niyang iyon. Dali dali ay nagsuot ako ng magandang damit at lalabas na sana pero narinig ko pang nagsalita si Nevil kaya napahinto ako sa mga pintuan.
"he's really in love with you. Believe me. Sinubukan ko ang lahat para hindi na muli magtagpo ang landas niyo pero sadyang si tadhana na yata ang nag tatrabaho para sa inyo."
Nakatalikod na ako sa kanya nang sabihin niya yun kaya hindi ko alam kung ano ang ekspresyon niya pero alam kong nalulungkot siya.
"salamat sa lahat KUYA"
Ani ko at agad na lumabas na nang walang lingon lingon sa kanya. Kulang pa ang salitang salamat na pambabawi ko sa kanya. Hindi ko alam kung paano ko siya masusuklian sa mga nagawa niya. Kung hindi sana niya ako pinaghirapan na hanapin ay sigurado akong nandun na naman ako sa apartment na yun na itinutulog na lang ang gutom kapag wala nang makain.
Sa mga naiwan ko sa apartment na yun ay sina kuya na lang daw ang bahala, babayaran na din daw nila lahat ang mga hindi ko pa nabayaran at hahakutin na din nila ang mga naiwan kong gamit doon.
Malapit na ako sa malaking gate ay rinig na ring ko na ang boses ni Joshart na itinuring kong demonyo noon. Ipiniling ko na lang ang ulo ko at napangiti sa naalala kong iyon.
"Fuck! Bakit di niyo na lang ako papasukin!!?"
"Pero sir, yun po ang bilin ni young master. Dito mo na lang daw po siya hintayin." mahinahon na paliwanag niya kay Joshart na mukha nang na pinag agawan ng maraming babae dahil sa gusto na gusot niyang damit, na alam kong dahil sa pagpupumilit niyang makapasok kaya ganyan ang kinalabasan.
"Putragis! Tanginang Nevil na yan! Hindi porket kapatid niya ang babaeng papakasalan ko balang araw ay hindi na siya makakatikim ng sapak sakin! Fuck him! Siya pa magiging bayaw ko puta!"
Muntik pa nga akong matapilok sa sinabi niyang pakakasalan balang araw ngunit nang marinig ko ang sinabi niyang magiging bayaw niya si Nevil ay siyang nakapagpatawa sakin nang malakas, kaya naman napansin na niya ako. Agad naman niyang inayos ang kanyang sarili at gusot gusot niyang damit nang makita ako, pero napakunot ang noo dahil sa lakas nang tawa ko. hindi na din siya nagtanong pa.
Lumabas naman ako at lumapit sa kanya nang tuluyan, niyakap ko siya nang mahigpit. Nagulat siya sa ginawa ko pero yumakap din siya pabalik.
Narinig ko din ang bulong niya.
"Fuck you Nevil!" pasigaw na bulong niya habang nakayakap sa akin. Mukang nasa bungad nang pintuan si kuya na nanonood sa amin kaya nakita siya ni Joshart.
"Watch your mouth" bulong sa suway ko sa kanya habang magkayakap parin.
"sorry" ani niya.
Bumitaw naman ako sa yakap at tumingin sa kanya.
"Bat ka ba nandito?"
Hinawakan niya ang dalawang pisngi ko at tinitigan ako sa mga mata.
"I'm sorry. I'm sorry. I'm sorry." bakas sa mga mata niya ang sakit habang paulit ulit na binabanggit ang salitang iyon.
"I know everything." aniya.
"Ahem! Siguro mas mabuti kung sa ibang lugar na lang kayo magdrama. Pag ikaw Joshart nakita ni dad hindi ko na alam kung mapipigilan ko pa siya." singit ni kuya sa amin.
Shems! Nasa harapan nga pala kami nang mansion at maraming nanood na na guard at mga kasambahay!
Hinila naman ako ni Joshart pasakay sa kotse niya.
Walang usap usap pa na nangyari habang nasa nasa kotse. Hinihintay ko lang siya na magsimulang magsalita pero nakaconcentrate sa daan ang tingin niya. Ang lalim nang iniisip. Kaya nanatili na din akong tikom ang bibig. At pinikit ang mga mata.
Namulat naman ako nang maramdaman ko ang paghinto nang sasakyan. Tingnan ko ang paligid ay alam kong nasa libingan kami. Private cemetery.
Hindi pa rin siya nagsasalita nang hawakan niya ang kamay ko at marahan na hinila palapit sa isang lapida. Akisha Cuizon. Yan ang nabasa kong nakasulat na pangalan doon.
Alam kong siya ang Ina ni Joshart. Nang tumingin ako sa kanya ay nasalubong ko lang ang mga mata niya na nangungusap. ibat ibang klase ng emosyon ang makikita mo doon. Ngunit alam kong ang mga emosyon ay puro mga negatibo. Tingin ko ay kanina pa siya nakatingin sa akin habang nakatitig ako sa lapida ng kanyang INA.
"Gusto kong humingi nang tawad sa lahat ng kasalanan ko sayo sa harap mismo ni mommy." madamdaming saad niya.
Hinawakan ko agad ang mga balikat niya para sana pigilan siya sa gagawin niya. Lumuhod siya sa harapan ko habang hawak ang dalawa kong kamay nang nakayuko.
"Joshart"
"Hayaan mong ako muna ang mag salita." Nahihirapan niyang sabi.
Ramdam ko na sa bawat salita niya ang sinseridad at pagsisi. Yung tipong pati sarili niya ay kinamumuhian niya. Sa bawat salita ay isang sakit na nararamdaman niya. Isang sakit na sa tibok ng aking puso'y nagpapahina. Di tulad kanina na ang lakas at bilis nang tibok.
"Tania Hidalgo. Also known as Reicey Tania Batiller. Kung gusto mo akong parusahan bilang paghihiganti mo sa akin sa nangyari noon ay buong loob ko itong tatanggapin. Hurt me physically if you want. Sabihan mo ako nang mga masasakit na salita. Demonyo, rapist o kahit ano. Handa akong tanggapin" pumipiyok na siya sa bawat pag salita niya.
Isang salitang sorry o patawad lang naman sa akin ay sapat na. Hindi ko kailangan ang anumang paghihiganti o kahit ano. Sapat na ang ilang taon na makalimutan ko na ang sakit at ang paghingi niya nang tawad para makamove on ako. Masaya na akong kasama siya. Ang kasama sila. Hindi ko rin maipagkakaila na sa nangyaring iyon ay natagpuan ko kung sana ako dapat. Oo ngat naging miserable ang buhay ko pero mababayaran naman lahat ng iyon nang mahanap ako ng pamilya ko.
"Do all what you want to get revenge on me but please not the idea to break my heart."
"A-ano bang sinasabi mo?"
Umupo ako para pantayan siya kaya ngayon ay magkatitigan kami.
"Joshart you don't have to do this. Hindi mo kailangang umiyak pa sa harapan ko para ipakita sa akin ang sobra sobra mong pagsisisi dahil ang makita kang ganito ay nasasaktan din ako. Sapat na sa akin ang paghingi mo ng patawad. Hindi ko kayang makita kang nasasaktan dahil sa nangyari habang ako ay wala nang pakialam doon dahil mas nakatuon ang atensyon ko sayo na nahihirapan din."
"And if you think breaking your heart is the hardest revenge, but no, its me... My heart is aching when I see you like this."
Niyakap niya ako nang mahigpit at bumulong.
*Seems you help me mom to found my girl.*
Oo nga naman dahil sa pagkawala ng kanyang INA kaya nangyari iyon.
"Ahm nga pala. May ibibigay ako sayo."
At kumalas sa yakap niya. Tumingin siya sakin na parang excited kung ano yun.
Kinalkal ko naman ang pouch na hawak ko at doon ay nakita ko ang kwintas na sinasabi ni Nevil na kay Joshart. Hindi napansin ni Joshart yung ginawa kong pagkuha doon at mahigpit na hinawakan para di niya makita.
Tumingin naman ako sa kanya na laging nakatitig sa akin.
"Alam mo bang may stalker ako"
*cough*
*cough*
*cough*
Pekeng ubo niya sa sinabi kong yun.
"T-talaga?"
Pinaningkitan ko siya nang mata sa sinabi niyang iyon.
"Mahalaga ba ako sayo?"
saad ko sa kanya habang naniningkit ang mga mata.
"Oo. Bakit mo naman na tanong yun? Hindi pa ba halata?"
"Hmm bakit diko maramdaman ang pag-aalala mo sa sinabi kong may stalker ako?" nakanguso kong sabi sa kanya.
"Pano na lang kung ang taong iyon ay isang demonyo, at mamamatay tao?"
"H-hindi naman siguro" umiwas pa siya nang tingin dahil nakatitig ako sa kanya.
"Oh" abot ko sa kanya ang kwintas pero dahil sa iba siya nakatingin kaya hindi pa niya ito agad napansin.
"Ano ba yan--? S-saan mo yan nakuha?"
Nanlalaki pa ang mga mata.
"Mukang nahulog yan ng stalker ko na nakita ko isang gabi sa likod ng puno"
*cough!*
Nagpapanggap pa kasi na hindi siya yun!
"Aminin mo na kasi...."
"Tsk. Oo na." Pag-aamin niya.
Kukunin na sana niya ang kwintas na hawak ko pero agad ko itong iniwas. Nagtataka naman na tumingin siya sakin.
Ngumiti lang ako at lumapit sa kanya ng husto, halos nga maghalikan ko na siya.
"What are you doing?"
Nagtatakang tanong niya pero hindi na lang ako sumagot.
Lumayo naman ako at tumayo na.
"Nasan na yung---?"
Nahinto naman siya sa dapat niyang sasabihin nang may mapagtanto siya. Hinawakan niya ang kanyang leeg para kapain doon ang kwintas.
Tsk. Lagi ba naman kasing natutulala sa akin kaya hindi na niya napapansin ang mga nangyayari sa paligid niya.
Mukang masama yata na magkasama kami.
Napangiti na lang ako.
___________________
Pagkatapos naming pumunta sa cemetery ay nagtanong sakin si Joshart kung saan ko pa gustong pumunta.
Nagbiro pa akong gusto kong pumunta sa Hongkong. Hahaha!
"hmm next week if you have time. Ako kasi lagi akong may oras para sayo. Sa ngayon dito muna sa pilipinas."
ayt! Sineryoso naman niya yung sinabi ko!
"Hala! Joke ko lang yun! Hindi naman kailangan talagang puntahan natin yun e."
Ito naman! Hindi alam mabiro! Tsk. Napasandal naman ako sa sandalan ng passenger seat.
"But I'm not joking?"
Nakataas pa ang kilay niyang sumaglit ng tingin sakin at bumalik ulit sa daan ang tingin niya.
"Ohhkay? Ahm gusto kong makapunta sa isang resort. Di ko pa kasi naranasan yun."
"Your wish is my command."
Binilisan niya ang takbo nang kotse pero hindi naman yung bilis na parang nakikipagkarera.
Nang sinabi niyang malayo pa kami sa pupuntahan namin ay sinindi ko yung audio ng kotse at ipinikit ang mga mata ko.
Makukuha ko na sana ang tulog ko nang biglang bumilis ang takbo nang kotse at gumegewang pa na halos mauntog pa ako dahil sa biglang pagliko niya sa ibang direksyon. Muka na yata siyang nakikipagkarera.
"Sh*t! I'm sorry!" sorry niya dahil sa pagkauntog ko kanina.
"ano bang nangyayari?"
Medyo malabo pa ang mga mata ko dahil sa biglang pagmulat.
"Wag ka munang lilingon. Just stay still. Higpitan mo ang seatbelt!" Napapasigaw na niyang sabi.
Sa sinabi niyang iyon ay alam kong may humahabol samin. Hindi na nga ako makahinga ng maayos dahil sa bilis niyang magpatakbo ng kotse.
Patingin tingin pa siya sa akin na parang sinisigurong okay lang ako. Dahil sa ginagawa niyang iyon ay mas lalong kinakabahan ako dahil nawawala ang atensyon niya sa daan. May iba pang mga tumawid na muntik muntikan na naming masagasahan.
Mahigpit ang kapit ko sa seatbelt at palihim na nagdadasal. Ghod! Halos maiwan na at malipad ang kaluluwa ko sa pagpatakbo niya. Nakaramdaman na din ako ng takot. Namamawis kahit halos ilipad na nang hangid ang puso ko.
"You okay!?"
Pabalik balik parin ang tingin niya sakin at sa daan.
Napatango na lang ako sa tanong niya dahil hindi ko na magawa pang magsalita.
Wala akong alam sa mga nangyayari! Bakit ba kami nila hinahabol!?
"I'm sorry!" yun lang ang mga salitang nasasabi niya ngayon.
*shit! Bakit ngayon pa!?*
may binulong siyang hindi ko naintindihan.
Kahit natatakot ay sinuway ko ang sinabi ni Joshart na wag lilingon. Mas nanaig kasi ang curiosity ko kesa sa takot. Lumingon ako sa likod at nakita ang tatlong itim na kotse ang humahabol sa amin.
"Tania! Tumingin ka sa harapan! Didn't I tell you na wag kang lilingon!?"
Pasigaw na sabi niya pero hindi ko na iyon inalintana. Ibinalik ko naman ang tingin ko sa harapan. Habang si Joshart ay mahigpit ang hawak sa manibela. Ang dami pa niyang binubulong na hindi ko na pinag-aksayahan ng panahon para tanungin pa.
Halos manigas naman ang buong katawan ko nang makarinig ako ng putok nang baril.
"Puta! Talagang ngayon pa sila kumilos! Minamaliit nila ako huh!"
Napalunok ako nang sarili kong laway at nanlalaki ang mga mata na nakatingin sa side mirror dito sa side ko mismo nang makita ng dalawang mata ko ang pagkabasag nito.
Narinig kong tinawagan ni Joshart sina Kuya Nevil at si jeeward.
Ganito na yata ako mamamatay! Ang makarinig pa lang ng putok ng baril ay hindi na kaya nang sistema ko.
Muntik na akong mauntog sa harapan nang biglang pumreno si Joshart nang may huminto sa harap naming kotse. Hinarang niya ang kotseng iyon sa daan sa harapan namin.
Ilang beses na napamura si Joshart nung lumingon siya sa likod ay nandun parin ang tatlong kotse.
*mukang plinano talaga nila ito*
Lumabas ang taong nasa loob nang kotseng nasa harapan na nakatutok sa amin ang hawak niyang baril.
At doon nag agusan ang mga luha ko. Hindi ko na napigilan. Nanginig ang buong katawan ko dahil sa nakikita kong baril na natutok samin. Magulo na din ang buhok ko na halos maharangan na ng buo kong muka.
Nakita iyon ni Joshart kaya agad niya akong hinila at niyakap, isinubsob ang buo kong muka sa dibdib niya. Ang higpit.
"don't worry. Sweetie calm down." mahinang saad niya dahil ramdam niya din ang panginginig ng katawan ko at mga hagulhol na impit na lumalabas sa bibig ko.
Hinalik halikan pa niya ang buhok ko at inayos iyon habang mahigpit na nakayakap sakin.
"Bumaba ka diyan Josh kung talagang matapang ka!"
Ilang bese pa nilang pilit na pinapababa dito sa sasakyan si Joshart ngunit hindi parin niya ako binibitawan.
"3 minutes nandito na sila."
saad niya.
_________________________________________
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top