kabanata 8
Family.
Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala! Kapatid ko si Nevil? Ang gagong iyon?
"Baby" maluha luha pa na saad ni mommy. Oh wag na kayong umangal! Yun ang gusto niyang itawag ko sa kanya eh!
Nandito kaming apat ngayon sa sala at nakaupo sa isang malambot na sofa. Ghod ganito pala pakiramdam ang makaupo sa isang malambot na bagay.
"how did you found her, son?" Tanong ni dad kay Nevil. Ako naman ay abala sa pagsusuri sa paligid. Hindi ko na pinapansin ang usapan nila. Nakita ko din ang maraming maid na abalang abala sa gawain nila. Habang yung iba ay nakatayo lang medyo malayo sa amin. Naghihintay ng utos. Nakita ko pa nagbubulangan yung dalawang magkatabi habang nakatingin sa amin.
"Baby?" Sinundan naman ni mommy ang tingin ko dahil hindi ko manlang pinansin yung sinabi niya.
"Kung mag chichismisan lang kayo diyan, I think its better to do your work than to fire you?" nagulat naman ako sa sinabi ni mommy.
"S-sorry po ma'am" at yumuko sila bilang paggalang.
"Tara na" bulong pa niya sa isa niyang kasama.
Napailing na lang si Nevil. Hindi pa ako sanay tawagin siyang kuya.
"I found her in a very complicated way." Sabay tingin sa akin ni Nevil.
May inabot naman si Nevil kay dad na folder. Hindi na ako nagtanong kung ano yun. DNA result kasi ang nakasulat.
Tinanguan ko naman siya na okay na akong pag usapan iyon. Napahinga naman siya ng malalim bago ikwento kina dad ang nangyari.
*bag!*
Nagulat pa kami ni mom nang biglang hampasin ni dad yung lamesa pagkatapos marinig iyong kwento ni Nevil.
Ako naman ay sobrang nakayuko na dahil natatakot ako sa reaksyon ni dad.
Pano na lang kung hindi na nila ako tanggapin.? Na ang kaisa isa nilang anak na babae ay narumihan na?
Habang nakayuko ay bumuhos ang mga luha ko dahil sa isipang iyon. Ayoko na! Ayoko nang mawalan pa ulit ng pamilya. Ngayon pa na naramdaman ko ang saya na magkaroon na pamilya?
*sniff sniff*
"Dad!" Halos magwala na si dad sa nalaman niya. Si mom naman ay tulad ko na umiiyak na din. Tumingin naman sa akin si Nevil dahil magkaharap lang kami nang parang nag- aalala at ipinapahiwatig na intindihin ko na lang si dad.
"sino ba ang lalaking iyon Nevil!!? Sino!?"
Hindi naman kasi sinabi ni Nevil kung sino sino ang mga iyon kaya ngayon na nag tanong si dad ay nahihirapan siya na sagutin ito. Alam kong kahit ganon ay mahigpit parin ang bond nang pagkakaibigan nilang tatlo, kaya hindi niya magagawang ilaglag ang kaibigan niya.
Hindi makasagot si Nevil kaya ako nalang ang sumagot para kahit papano ay hindi siya magkaroon ng kasalanan sa kanila.
"Joshart Cuizon." mahina na saad ko na alam kong narinig ni dad lalo na si mom na katabi ko.
"Fuck!!"
"Hon!" Suway ni mom kay dad.
"Puputulin ko na ang koneksyon natin sa kanila!!"
"Dad!" angal ni Nevil sa sinabi ni daady.
A-ano bang nangyayari?
Nabasa naman agad ni Nevil ang nasa isip ko dahil sa pagkalito.
"Cuizon and Batiller are friends matagal na. Mahigpit na magkaibigan at laging magkasosyo sa business ang dalawang pamilya. Para na ring malayong kamag anak dahil sa bond na nakasabit sa dalawang pamilya na ito."
Mahinang paliwanag niya at parang nanghihingi na din ng tulong sa akin na kumbinsihin si dad para wag na niyang ituloy yung sinabi niya kanina. Kaya pala nahihirapan pa siyang sabihin ang pangalan ni Joshart kanina, dahil may mas higit pala na dahilan niya. Hindi lang pala sila mag kaibigan. Pati na din ang buong pamilya nila.
Agad na bumaling din ang tingin ni Nevil kay mommy na nanghihingi din nang tulong kaya lang ay umiling si mom, pahiwatig na sang ayon din siya sa sinabi ni dad habang umiiyak.
Hindi ko naman maatim na mangyari iyon. Dahil sakin na nawala sa buhay nila nang ilang taon tapos babalik akong may problemang dadalhin?
____________
Habang naglalakad kami Ni Nevil papuntang kwarto. Sabi niya may kwarto daw ako dito na laging pinapalinisan ni mommy araw araw at lagi daw doon si mom kapag namimiss niya ako.
"sorry dahil naging ganon ang reaksyon ni dad. Just understand him. He really love and miss you, that's why."
"Hayys. Feeling ko nga e problema lang ang dala ko sa inyo."
Sumabay naman siya sa paglalakad ko at inakbayan niya ako. Aish ang bigat naman ng braso niya!
"Bakit ba naisip iyon ng kapatid ko? Hindi ba niya alam na sa ilang taon na namin siyang hinahanap ay wala na kaming paki alam sa mga makakaharap naming mga kapahamakan, handa naming ialay lahat ng mga ari-arian para lang mahanap siya. Tapos ngayong nahanap na namin siya, nagiisip pa siya nang kung ano ano. Hindi ko naman akalain na lumaking magandang dalaga ang bunso namiiinn!" sabay kurot pa nang pisngi ko.
"Aa-aarrrraay!! Kuyaaa!"
Napahinto naman siya sa pagkurot sa akin dahil siguro sa kauna-unahan ay tinawag ko siyang kuya.
"Hmm ganyan na lang tawag mo sa akin mula ngayon. Masarap pakinggan na may kapatid akong tumatawag sakin ng kuya hahahaha!"
"Baliw!"
At nag-asaran pa kami habang paakyat sa may third floor. Panay nga ang giit ko kung bakit hindi na lang sila nagpalagay ng elevator kung ganito lang din ang hirap ko araw araw. Imagine? Aakyat ako mula ground floor hanggang third floor araw araw? My ghod!!
Nakarating naman kami sa destinasyon namin at tumapat kami sa kulay pink na malaking pinto. Oh no! Bakit may kulay pa talaga at bakit pink pa!?
Porke mayaman kana ang dami mo nang reklamo!
Luhh sino yung nagsalita?
Hindi ah. Hindi ako nagrereklamo nagsasabi lang ako ng totoo.
Hayss!
Pumasok na kami sa pintuang iyon at shems! Ang lawak! Para na ring buong bahay ito! Pati nanaman sa loob puro pink!? Haanoo baa yaannn! Meron pang mga gamit ng pang baby. Crib na kulay pink. Kama na kulay pink. At may mga nakasabit pa na laruang pambata. Pati yung wall may nakadikit na mga baby pictures.
"Ahm mukang hindi na baby ang matutulog dito. Pasensya na bunso hindi pinapalitan ni mom ang mga yan dahil sa gusto niyang kahit wala ka na ay at least man lang maramdaman parin niya ang dating presenya mo dito." Paliwanag niya dahil sa nakita niyang reaksyon ko.
"Pero don't worry papayag na rin si mom na palitan ang mga yan dahil nandito kana." dagdag pa niya.
"pero pano mo nalaman na ako nga iyong hinahanap niyo."
Umupo naman ako sa may pink na malambot na kama habang si Nevil ay pinupulot yung mga laruang nagkalat.
Pagakapos iyon ay lumapit siya sakin umupo siya sa tabi ko. Iniabot pa niya sakin ang barbie na pinulot niya. Napataas naman ang kilay ko pero inabot ko parin iyon at tinitigan.
"Sa unang kita ko palang sayo noon sa nangyari ay alam kong ikaw na yun. Pagkakahawig niyo pa lang kay mommy ay mahahalata mo na talaga. Masyado akong nagulat nang makita ko ang batang bersyon ni mom."
Napatawa pa siya sa sinabi niyang iyon. Ako naman ay patuloy sa pagtitig sa laruang barbie, ganitong ganito ang laruang napulot ko sa basurahan noong bata pa lang ako sa poder nang mga umampon sakin. Wala na nga akong balita sa kanila mula nang naglayas ako. Ang kaibahan lang sa barbieng ito ay malinis at parang inaalagaan.
"Oh masyado kana yatang nawili sa laruang iyan ah. Alam mo bang iyan lagi ang yakap yakap ni mom sa tuwing namimis ka niya at pumupunta siya dito. Nung baby ka pa kasi laging yan ang nilalaro nila sayo at tuwang tuwa ka naman. Hahaha!"
"At tumawa ka naman!" sabay hampas sa braso niya.
"Ang sayang pagmasdan ang dalaga at binata nang anak ko na nagbibiruan!"
Napalingon naman kami sa nagsalita. Si mommy na nakangiting nakatingin sa amin na kanina pa yata kaming pinapanood habang nasa hamba siya ng pintuan.
"Mom/mommy!" sabay na saad namin ni Nevil.
"So kamusta ang kwarto mo baby nagustuhan mo ba?"
Napangiwi naman ako sa tanong niyang iyon at sa tawag niya saking baby.
"Aahmm kasi.." nag-aalangan pang sagot ko sa kanya dahil hindi ko alam kung paano ko ba sasabihin sa kanya ang totoo nang hindi siya madidismaya.
"mom ayaw na niya ang pang baby na kwarto. She wants to change the design. Na umaayon sa edad niya." Natatawa pa niyang sabi.
Nakurot ko na lang siya sa tagiliran dahil inunahan pa niya ako sa pagpaliwanag.
"Oh sure! Gusto mo tulungan kita baby?"
Mukang hindi naman siya nadismaya sa gusto ko at talagang na excite pa.
"Ah mom kaya ko naman na, tsaka dito naman si kuya na magiging assistant ko."
"A-assitant!?" gulat pa na saad ni Nevil dahil mukang di niya nagustuhan ang tinawag ko sa kanya. Hahaha bawi bawi lang!
"Oh bakit Nevil ayaw mo bang tulungan ang kapatid mo? Ikaw ang gusto niyang tumulong sayo kaya wag ka nang umangal. Tulungan mo na siya."
"mom hindi naman ako umaangal. It's just that---"
"Nevil ano pa bang nirereklamo mo?"
Napahinga naman si Nevil dahil alam niyang hindi na siya mananalo pa sa akin.
"Okay fine." sabay buntong hininga.
"Napipilitan ka lang yata."
Nakanguso na reklamo ko kaya agad siyang pinanlakihan ng mata ni mommy. Tumingin naman sa akin si Nevil na nakakunot noo kaya palihim ko siyang nilabasan ng dila. Hahaha!
"no I'm willing to help." sabay tingin kay mom.
Lumapit sa amin si mom at tumabi sa kaliwa ko, si Nevil kasi nasa kanan ko.
Nang may naalala kong tanungin sa kanya.
"Pano pala ako nawala sa inyo?"
Napabuntong hininga naman si mom at hinawakan ang mga kamay ko bago mag salita.
Kapapanganak pa lamang ni Reitania sa pangalawang anak niyang babae ay marami na silang nabili na gamit ng baby na pang babae. Ang lahat nang iyon ay may pinasadyang tatak nang kanyang pangalan. "Reicey Tania". Masyado na kasing mahaba kung ilalagay pa nila ang apelyedo nito. Pati ang kangyang kwarto ay handa na rin.
" anak! Tignan mo oh tumatawa ang kapatid mo! Lika dito bilis!!" masayang tawag ni Reitania sa panganay niyang lalaki na tatlong taon pa lang noon, abala iyon sa paglalaro nang dala niyang maliit na sasakyan nang pumasok sila sa kwarto ni Tania.
Habang si Reitania ay iwinawagayway yung laruang barbie na binili pa nang kanyang asawa, at sobra naman ang tawa nang sanggol na Tania noon.
mabilis naman na tumayo si batang Nevil para tignan ang kapatid. Kahit naman tatlong taon pa lamang iyon ay alam at naiintindihan na niya ang mga nangyayari sa paligid.
Ang asawa naman ni Reitania ay abala sa pakikipagusap sa magiging yaya nito dahil lagi silang wala sa mansyon at laging lulong sa trabaho. Si Nevil man ay may sarili ding yaya.
Ngunit labis labis ang pagsisisi ng mag asawa sa kawalan nang oras sa kanilang mga anak, nang isang araw na nasa gitna sila ng meeting ay tumawag ang mayordoma ng mansion. Hindi na sana nila iyon papansinin dahil nasa gitna sila ng meeting sa mga bigatin nilang investors, pero hindi alam ni Reitania kung bakit siya kinakabahan. First time kasi na tumawag sa kanila ang mayordoma. Nakalimang ring pa ang phone ni Reitania at Natapos na din naman ang meeting nang sinagot na niya ang tawag na kanina pa tumutunog.
Halos mabitawan naman at manghina si Reitania nang marinig ang lahat ng sinabi ng mayordoma. Buti na lang at agad siyang nasalo ng kanyang asawa.
_______
Nagtataka ang lahat kung bakit wala pa silang naririnig na iyak o tawa nang sanggol sa gabing iyon. Kinabahan at kumilos na lahat ng mga maid at gwardya para hanapin ang sanggol na Tania at ang yaya nito. Pero ilang oras na ay wala parin silang nakikita. Kaya naman ay napagtanto nilang lahat na tinangay iyon ng bagong yaya. Dahil pati ang bag na dala dala ng yaya sa naging kwarto nito ay wala narin.
Samantala....
Natataranta na at kinakabahan ang bagong yaya na tumatakbo habang mahigpit na hawak ang sanggol na iyak na din nang iyak.
Siya ay nasa edad 30 na at namatayan nang anak pagkatapos ay iniwan pa ng asawa. Dahil sa inggit nang makita na masaya ang buong pamilya ni Reitania sa mga anak ay nagawa niyang itangay ang isa sa mga ito.
Dahil sa kagustuhan na makalayo sa lugar na iyon ay pumara na agad siya ng sasakyan kahit hindi alam kung saan ito papunta. Sumakay siya sa isang bus na papunta sa isang malayong probinsiya.
Nakarating na sa probinsiyang iyon ang bus na sinasakyan niya kaya lang ay nasa bandang kakahuyan palang at malayo pa sa bayan.
Kaya naman nang nagsimula nang kumolekta ang konduktor ng bus ay wala siyang naibigay dahil wala pala siyang dalang pera kahit piso.
Wala nagawa ang konduktor ng bus kundi pababain siya. Paumaga na at simulan na ding sumikat ang araw nang nasa gitna sila ng kakahuyan. Gutom na gutom na din ang yaya at rinig na rinig na rin sa buong kagubatan ang iyak ng sanggol at ang kulay berde nitong mata ay natatakpan na nang kanyang mga luha, kaya nagsimula na siyang nagsisi, kung sana hindi siya basta bastang nagdesisyon nang ganon ay hindi siya mapapadpad sa ganitong lugar.
Kaya naman walang pag dadalawang isip na ibinaba ang sanggol sa may makakapal na ugat ng isang malaking puno at naglakad na siya paalis nang walang lingon lingon.
Sakto naman sa pag-alis niya ay may dalawang mag-asawa na matagal nang nabubuhay sa gitna nang kakahuyan ang nakakita sa sanggol, doon ay nagsimula muli ang buhay ng magasawang yun dahil isinanla nila ang isang gintong porselas at kwintas na hindi nakakalimutan ni Reitania noon na isabit sa anak niyang babae. At dahil narin sa pagkamangha ng mag asawa sa berde nitong mata. Hindi pa nila alam ang ipapangalan sa sanggol ng makita nila ang nakaukit na Reicey Tania sa mga damit nito. Pero dahil kulang sila sa kaalaman ay hindi nila alam basahin ang Reicey at Tania lang ang kaya nilang basahin kaya yun na lang ang ipinangalan nila sa sanggol.
________________________________________
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top