kabanata 7
The truth.
Pumasok na kami dito sa kotse niya dahil malamig sa labas.
"Ano ba yung ibig mong sabihin kanina?" saad ko sa kanya. Tapos na din naman ako sa pag iyak ko kanina kaya ayos na ako ngayon. Namumugto lang ang mga mata.
"Susunduin na lang kita sa apartment mo bukas. May pupuntahan tayo. And for clarification alam kong nakita mo yung taong nasa puno noong gabing iyon. At base sa kwintas na napulot mo doon ay sigurado akong si Joshart iyon." Nakangiti na saad niya sakin habang diretsyo ang tingin sa harap.
Hindi naman na gaanong malamig dito sa kotse niya dahil pinatay niya yung aircon.
"Kaya pala." saad niya nang parang sarili niya ang kinakausap pero rinig ko naman.
"Kung ganon siya yung stalker ko! Hahahaha!" Palagay na talaga ang loob ko sa kanya at sa kanila matapos kong marinig ang lahat ng sinabi ni Nevil kanina.
"Your looks happy huh?" Nakangiti din na saad niya sa akin.
"And what? Stalker??" Nagtatakang tanong pa niya sakin.
Ngumiti ako sa kanya ng malawak na parang natatawa.
"Y-yeah! Hmmft! Sigurado akong siya iyon. Tanda mo yung mga flowers at chocolate noon sa apartment ko? Hahahaha!"
Natawa rin siya.
"Hindi ko alam na magagawa pala niya iyon!"
Natatawang saad niya dahil napagtanto naman agad niya iyong ibig kong iparating.
"Let's go" awat ko sa kakatawa niya.
"Okay. So are we okay now?"
Alanganin sa tanong pa niya sakin.
"Yes. Kaya ihatid mo na ako sa apartment ko mister driver dahil kung hindi babawiin ko iyon." nang aasar pa na sabi ko sa kanya.
Hindi naman siya naapektuhan sa tinawag ko sa kanyang driver at umiling na lang siya na mayroon paring bakas na ngiti sa labi niya at pinaandar na ang kotse.
Nang pinagbuksan niya ako ng pinto ay agad naman akong bumaba sa kotse.
"Take care." saad niya at kinabig naman niya ako para yakapin ng mahigpit.
Halos hindi naman na ako makahinga sa yakap niyang iyon kaya tinapik tapik ko naman ang balikat niya para bitawan na niya ako.
"Ano ba yan. Papatayin mo ba ako?"
Ngumiti lang naman siya.
"Bukas ah. Sige alis na ako. Just take care of yourself. Bye."
"Bye." at sumakay na siya sa kotse at umalis na.
Walang ilaw dito sa labas kaya salamat na lang sa liwanag nang buwan. Nang mabuksan ko ang pintuan ng apartment ko at kinakapa ang switch ng ilaw ng may humila sa akin at sinandal sa may dingding habang nakakulong sa mga bisig niya. Madilim dahil hindi ko pa naopen yung ilaw kaya hindi ko pa maaninag ang mapangahas na lalaking ito.
Hinawakan niya ang dalawang kamay ko na halos hindi ko na magalaw. Naramdaman ko na lang ang mainit na hining niya sa kanang tenga ko.
"Bakit magkasama na naman kayo ni Nevil huh? Did I just told you na ako lang ang magiging driver mo. Bakit ba ang tigas ng ulo mo. If you want to go somewhere just call me at nandiyan agad ako. "
He chuckled.
"Oo nga pala. Hindi ko pa binigay sayo number ko."
"Wala akong--" agad na naputol ang sasabihin ko nang biglang may dalawang malalambot na labi ang humarang sa bibig ko.
His kissing me! Gumalaw naman ang mga labi niya at itutulak ko na sana siya dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko kayang sabayan ang mga galaw na iyon dahil hindi ko alam makipaghalikan.
Pero sadyang mas malakas talaga siya dahil mas idiniin pa niya ang mga labi niya sa akin. At doon naman ay nalunod na ako sa mga halik niya. Sayang lang dahil walang ilaw. Hindi ko matitigan ang makinis niyang muka. Kaya pumikit na lang din ako at pilit na sumasabay sa halik niya.
*click*
Habang abala kami sa paghahalikan ay narinig ko naman ang tunog ng switch ng ilaw at napagtanto ko na nahanap na pala ni Joshart iyon, nasa mismong gilid ng ulo ko kaya magkasugpong pa ang mga labi namin nang in-on niya yung ilaw. Sakto namang pagmulat ko ay nakatitig na sa akin ang mga golden brown niyang mata kaya ako din ay napatitig sa mga iyon.
Bumitaw naman siya sa halik ngunit hindi pa rin siya lumalayo.
"I love your green eyes"
Parang bulong na rin kaya mas lalo akong na akit sa boses niyang iyon. Shems!
"A-ahmm nagugutom na ako."
Pag iiba ko sa usapan kaya tumawa naman siya ng marahan dahilan para mabawasan ang tensyon.
"C'mon let's eat."
Hinila naman niya ako papuntang kusina. Hindi na din siya nag tanong pa kung bakit kami magkasama kanina.
"Niluto mo?" tanong ko sa kanya. Pero iniling lang niya ang ulo niya.
"In order ko kanina." saad niya.
"so kanina ka pa nandito? Pano ka nakapasok?"
Itinuro lang niya yung bintanang nakabukas at doon ko nasagot ang sarili kong tanong. Tsk. Trespasser!
Walang ingay at usap usap pa ang nangyari habang kumakain kami.
Ngayon ko lang ulit maramdaman ito. At masaya na ako doon. Dahil nakakasama ko siya nang walang ibang nararamdaman na sakit mula sa nakaraan ngunit ano ito? Bakit pakiramdam ko kinakabahan ako? Hay. Ipiniling ko na lang ang ulo ko sa isipang iyon at ipinagpatuloy ang pagkain. Gusto ko sanang sa oras na maalala niya ang nangyari sa nakaraan ay agad din niyang mapatawad ang kanyang sarili. Tingin ko naman ay hindi talaga siya ganon ka demonyo.
Pero hindi malabo na kakainin siya nang sarili niyang konsensya pag maalala niya iyon at baka kung ano pa ang gawin niya sa sarili niya. Kaya mas gusto ko pa sanang wag na lang niya iyon maalala. Pero alam ko namang darating ang araw ay malalaman din niya ang lahat. Ang tinatago namin na siya ang involved.
Mas may karapatan siyang malaman.
"You okay?" nag-aalalang tanong niya dahil nakatulala na pala ako sa pinggan ko na naubos ko na pala ang laman. Hindi ko manlang namalayan.
"Hmm yeah. " sagot ko at ngumiti sa kanya.
Matapos kaming kumain ay pumunta kaming sala. Kung noon pa ito na dalawa lang kaming magkasama ay siguradong naiilang na ako. Pero ngayon ay wala na akong mararamdamang pagkailang.
Nang makaupo na ako sa sofa ay nagsalita siya.
"Cr lang ako." at ngumiti na naman siya sakin.
Tumango naman ako at agad na siyang umalis para daw mag cr.
Wala akong magawa kaya kung ano ano na lang ang kinalikot ko sa sarili kong apartment. Bubuksan ko sana yung TV ko kaso na alala ko hindi pala ito gumagana. Hahahaha!
Napatingin naman ako sa maliit na lamesa dahil nahagip ng mga mata ko ang mamahaling cellphone ni Joshart na nakapatong dito.
Tumingin tingin naman ako sa paligid kung paparating na ba siya at nang mapagtanto ko na wala pa siya ay dahan dahan kong kinuha, natatakot pa ako na baka mahulog ko o baka bigla ko na lang masira. First time ko kasi humawak nang ganitong mamahaling smartphone.
Nang mahawakan ko na ito ay agad kong tinitigan. Nang pinindot ko iyong on button niya sa gilid ay nagulat at lumuwa pa ang mga mata ko sa nakita.
"Ay sus Maria!" Sigaw ko. Nabitawan ko at tumalon iyong cellphone na para ko naring naihagis dahil sa gulat. Oh my gash! Napatakip naman ako sa bibig ko nang tingnan ko kung saan tumapon yung mamahaling smartphone ni Joshart ay napansin ko na medyo malayo na ito sa kinalalagyan ko.
Kasi naman eh! Nung inopen ko yung phone ay bigla kong nakita ang sarili ko at litaw na litaw talaga ang berde kong mata! Nagulat ako kung bakit may picture ako doon! Saan ba niya nakuha yun?
"Tania" shit!
Huli na nang makita niya ang cellphone niya na nasa sahig. Magkatapat lang kami at tinignan ang phone sa may sahig, napakunot pa siya ng noo habang nakatingin doon. Pero ibinaling niya ulit ang tingin sakin at may iniabot.
"Ahm eto nga pala. " sabay kamot pa sa batok niya na parang nahihiya.
Samantalang ako ay pabalik balik ang tingin sa cellphone niya at sa bulaklak na iniabot niya sakin.
Napansin naman niya iyon dahil hindi ko pa gaanong binibigyan pansi yung bulaklak na iniabot niya kaya agad siyang tumikhim.
Nag fake cough siya.
"Ahh para sayo. Kunin mo na."
"P-pero--" putol na saad ko sa kanya habang tinuturo ko ang phone niya.
"ahh hayaan mo na iyon. Bulaklak para sayo" ulit na naman niya at ang sama pa ng tingin sa may cellphone niya.
Agad ko namang kinuha yung bulaklak na binibigay niya sakin dahil baka mas lalo siyang magalit kapag hindi ko pa iyon kinuha. Kinakabahan pa nga ako sa mga tingin niya kanina sa cellphone, baka ipabayad niya sakin iyon. Eh saan naman ako kukuha ng pambayad?
Matapos kong kunin yung bulaklak na binigay niya ay naglakad naman siya para pulutin yung phone niya.
May narinig pa akong binulong niya kasi hindi ko ito naintindihan.
Lumapit naman siya at naupo sa tabi ko nang makita ko ang malaking bitak sa cellphone. Mukang tumama pa ito sa gilid ng lamesa bago mahulog sa sahig!
"S-sorry." Nakayuko kong hingi ng tawad sa kanya
"Its okay. Bibili na lang ako nang bago."
"Ehh? Sayang iyan. Mukang gumagana pa naman" ngumiti lang siya at mas lumapit pa siya sakin at pinakita ang wallpaper sa phone niya.
"Tutal ikaw yung nasa wallpaper nito, sayo na lang"
Halos lumuwa naman ang mga mata ko sa sinabi niya.
__________________
"Ang aga mo naman!"
Alas otso palang ng umaga ay dumating na si Nevil para sunduin ako.
"Maaga pa ba sayo ang alas 8 ?"
Habang palabas na kami sa apartment papuntang kotse niya.
Talagang hinintay pa niya ako kanina, dahil Sunday ngayon ay wala akong trabaho kaya sinulit ko na lang ang pagtulog kaso binulabog ako ni Nevil. Akala ko pa naman nasa 2-3 niya ako susunduin.
"Aish!" Yun lang ang nasabi ko at sumakay na sa kotse niya.
"saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya nang makaupo na siya sa driver seat.
"Basta"
Ilang oras na kaming sa byahe ngunit hindi parin kami nakarating sa pupuntahan namin.
"Malayo pa ba?" yan ang ilang ulit kong tanong sa kanya.
"Malapit na tayo. Just trust me"
Umismid naman ako sa sinabi niya at sumandal sa may bintana.
Makalipas ng ilang oras ay narating namin ang isang malawak na lupain.
Isang malaking gate ang bumungad sa amin na may apat na bantay. Nakilala yata nila si Nevil kaya agad nilang binuksan iyon.
"Young master kayo po pala! Maligayang pagbabalik po!" Masayang saad sa kaniya nang isa sa mga guard at si Nevil naman ay sumaludo pa sa kanya.
"ang yaman mo pala " humahanga kong sabi at inilabas pa ang ulo ko para makita ang malinis na paligid at sariwang hangin.. Ghod ang ganda!
"Dito sa mansion nakatira sila mommy. Samantalang ako ay mas piniling mabuhay mag-isa sa syudad. At dahil na din sa hinahanap kong babae."
Ako ba yung sinasabi niya?
Tumingin naman ako sa harap at nakita ko ang isang malaking mansion! Agad naman akong lumabas sa kotse habang nakangangang nakatingala sa mansion na ito.
"Hahaha! tama na muna yan. Punasan mo na yang laway mo. Pumasok na tayo."
Agad ko namang hinawakan ang ang bibig ko pero sinamaan ko na lang ng tingin si Nevil. Bwisit neto oh!
Hinila naman niya ako at pumasok na kami sa bungad nang malaking mansion na ito.
"Maligayang pagbabalik young Master." Sabay yuko ng mga maid yata nila.
"Hoy young master daw." bulong ko kay Nevil dahil hawak parin niya ang braso ko.
Napatawa na lang siya sa sinabi ko at nagpatuloy sa paglalakad. Ang lawak naman. Mukang kahit pagpunta namin sa sala nito ay abutin kami ng ilang Oras.
Malapit na kami sa pinakasala ng mansion ay may sumalubong sa amin. Isang babae at lalaki na mag asawa yata at nasa edad 40 pataas na yata ngunit hindi mo ito mahahalata.
"Anak mabuti at nakadalaw ka!" masayang saad nang ama ni Nevil. Eh ang anak ang tinawag niya kay Nevil kaya sigurado na akong ama siya ni Nevil.
"Oh ang baby ko! Ngayon lang kami naalala!" Drama pa ng kanyang ina.
Hindi pa yata nila ako napapansin.
"Pero sino itong kasama mo---"
Natigilan naman ang mommy ni Nevil nang tumingin siya sakin. Ako din ay ay naestatwa na nakikita ko. Para lang akong nakipagtitigan sa sarili ko sa salamin. Ang kaibahan lang ay may edad na ito ngunit hindi parin kumukupas ang ganda at makinis niyang balat.
Ang mga buhok niyang iyon na sobrang haba din katulad ko, ang mga mata niya na tulad kong kulay berde at ang lahat.
"R-reicey?"
Ang daddy lang ni Nevil ang siyang pumutol sa titigan namin ng mommy niya. P-pano nangyari iyon?
"Nevil?" bumaling naman agad yung tingin nang mommy ni Nevil sa kanya habang ako ay tulala parin sa nangyayari.
"I found her mom" masayang saad ni Nevil sa mommy niya.
Habang ang daddy naman niya ay hindi napigilan ang luha mas lalo naman ang mommy niya na agad bumuhos ang maraming luha.
"A-anong nangyayari? Nevil?"
Tanong ko kay Nevil nang bumalik ako sa katinuan. Pero nasagot din ang lahat nang tanong ko nang bigla akong niyakap ng mommy niya.
"Reicey! Anak ko!" niyakap niya ako nang mahigpit habang patuloy sa pag labas ng kanyang mga luha at doon din ay bumuhos ang mga luha kong pinipigilan ko nang ilang taon. Luha ng isang bata na nagungulila sa kanyang mga magulang at pamilya.
__________________________________________
Thank you at naka abot ka pa sa chapter na ito!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top