kabanata 4


Stalker.

NARRATOR'S POV

Nang makapasok na si Tania sa loob ay hindi parin umaalis yung taong nagtatago sa may puno. Habang si Nevil ay napansin din iyon pero hindi niya pinahalata kay Tania dahil alam niyang nakita niya rin iyon. Hindi pa sana aalis si Nevil ngunit pinaandar na niya ang kotse pero mabilis niya itong iniliko pabalik sa apartment ni Tania at dirediretso malapit sa may puno.

"Shit!" Mukang nagulat at hindi inasahan ng taong nasa may puno ang biglang pagbalik ni Nevil. Nasa punto na dapat siyang lumabas para lumapit sa bintana ni Tania ngunit nang makita niya ang pamilyar na kotse palapit sa kanya, ay mabilis siyang gumalaw at lumayo sa lugar na iyon. Dahil sa ginawa niya ay hindi niya napansin na sumabit sa isang sanga ng puno ang kwintas niya at hindi niya namalayan na nahulog na pala ito.

Samantalang si Nevil naman ay nang mahagip ng ilaw ng kotse niya ang puno ay alam niyang wala na doon ang taong iyon kaya hindi na siya bumaba pa para lumapit dito. Mabilis na niyang pinasibat ang kotse at umalis na.

Natulog sa iisang bahay ang tatlong lalaking magkamaibigan. Nauna na nagising si Jeeward at sumunod naman si Joshart habang si Nevil ay mahimbing parin ang tulog.

"Ano bang ginagawa mo pre?" tanong ni Jeeward kay Joshart matapos makainom ng tubig.

Nagtaka siya sa mga galaw ni Joshart kanina pang kabababa ng hagdan. Mukang may hinahanap ito dahil sa ginagawa niya pag-angat ng sofa at sumilip sa ilalim nito at paghagis ng mga unan. Lahat ng pwedeng mabuhat ay binubuhat niya sabay silip sa ilalim nito.

Hindi sumagot si Joshart sa tanong niya dahil abala ito sa paghahanap ng hindi malaman kung ano ito.

"Ano bang hinahanap mo"

Napatingin sa kanya si Joshart at itinuro ang leeg niya. Napakunot naman si Jeeward dahil hindi parin niya ito nakuha ngunit agad naman niya itong napagtanto kung ano iyon. Yun ang isa sa mga bagay na bigay sa kanya ng kanyang ina bago pa malagutan ng hininga. Kaya ganon na lamang kung maghanap si Joshart.

Pababa na si Nevil ng makita ang kaibigan na parehong nakayuko at sumisilip sa mga silok ng sofa, lamesa at kung ano pa.

"Ano yan? Bagong trip niyo?" Nagtataka pa na tanong ni Nevil sa mga ito.

"Gunggong! Sinamahan ko lang itong taong to maghanap ng nawawala niyang kwintas!"

"Ahh malay ko ba. Akala ko nakikipaglaro kayo sa mga daga!hmmmfftt!!" Pinipigilan pa niyang wag tumawa dahil nakita niyang naaasar na ang itsura ni Joshart.

"ungas! Tulungan mo na lang kami dito!"

Hinalughog na nila ang bawat sulok ng bahay ni Joshart kaso wala parin silang mahanap!

"F*ck!" Sigaw ni Joshart dahil sa pagod at pabalibag na umupo sa sofa habang ang dalawang kasama ay pumasok agad sa kusina dahil sa sobrang uhaw.

Hindi parin mapakali si Joshart dahil sa kwintas. Pilit niyang inaalala kung saan ba niya inilagay. Hindi naman niya ito tinatanggal kahit sa pagligo.

____________   

Tania's POV

Hindi na talaga ako pumasok sa trabaho ko ngayong hapon dahil sa takot sa stalker ko. Habang subo subo ko ang noodles sa bunganga ko ay may kumatok sa pinto. Napataas naman ako ng kilay. Wala akong inaasahang bisita. Alas 2 palang na tirik na tirik ang araw. Hindi naman pumupunta yung higad dito kapag ganitong oras at kapag siya nga iyon ay sigurado ako na hindi lang katok ang gagawin nun. Kakalampagin ang pintuan ko hanggang sumakit ang kamay niya tapos ako ang sisisihin. Higad talaga.

*tok!tok!tok!*

Tumayo na ako at mabilis na kinain yung nasa bunganga ko at binuksan yung pinto kaso wala namang tao. Shit! Mukang yung stalker ko pinaglalaruan ako! Iginala ko ang paningin ko ngunit wala talaga. Isasara ko na sana ang pintuan pero bumaba ang paningin ko sa isang papel na nasa sahig. Huh? Ano to? Pinulot ko ito at binuksan. Sulat yata.

Ang berde mong mga mata
Ang mahahaba mong pilik mata
Ang matangos mong ilong ang mahahaba at itim na itim mong buhok na kay sarap pagmasdan
Ang sexy mong katawan.
Masasabi kong na saiyo na ang lahat.
                Which captivated my atention
                                       -JC-

Takte! Ang corny naman neto. Nainlab na yata ang stalker kong yun. Na love at first sight sa makafantasy kong ganda. Wahahaha! Hindi naman na ako nababahala sa taong yun hanggat wala pa siyang ginagawang ikapapahamak ko. Iniwan kong bukas yung pinto at mabilis na  naghanap ng ballpen at papel tsaka nagsulat.

"Sana naman may kasamang flowers at chocolate. Hahaha! Joke lang. Kung pwede sana tigilan mo na ang pagsunod mo sakin. Thanks.
                                           -TH- "

Sigurado naman ako na siya iyon. Dahan dahan kong inilapag iyon sa sahig habang palinga linga pa sa paligid. Pagkatapos ay isinara ko na ang pinto habang hawak yung sulat at pumasok ulit sa kusina na pangiti ngiti pa.

Makalipas ng ilang minuto at may kumatok na naman. Dali dali ko itong binuksan ngunit nagulat ako sa tumambad sa aking harapan. Isang lalaking nakahawak ng cellophane na naglalaman ng ilang pagkain at yung beer in can na nakaharang sa kanyang muka.
Nang ibaba niya na ito at nakita ko ang muka niyang ang lapad ng ngiti. Nevil Batiller. Anong ginagawa na naman niya dito.

"Bat ka nandito?" masungit na tanong ko sa kanya.

"May dala akong pagkain." saad niya na nakangiti pa. Wala na akong nagawa kaya pinapasok ko na lang siya. Pumasok naman agad siya at nagtungo sa sala at doon niya nilagay ang mga pagkain sa may maliit na table.

"Kanino ba nanggaling yung mga roses at chocolate sa labas?" Tanong niya habang inaayos ang mga pinamili niya. Napatayo naman ako sa sinabi niyang iyon.

"C-chocolate? Roses?"

"Yeah" tumingin naman siya sakin na nakakunot noo.

"Ahh sa manliligaw ko."  saad ko sa kanya dahil mukang nagdududa pa siya. Tsaka teka!? Ano bang pakialam niya! Tsk.

Naglakad naman ako agad palabas ng makita ko na totoo nga ang sinabi niya. Hawak ko sa kanang kamay ko ang roses at sa kabilang kamay ko naman ang chocolate. Napansin ko na may nakasiksik na papel sa roses kaya kinuha ko ito at binuksan.

"Wish granted"

Napangiti naman ako sa nakasulat doon. Muka yatang swerte ko sa stalker na yun! Wahahaha basta wag lang siya magpapakita!

Nang makalapit ako kay Nevil ay binura ko naman agad ang mga ngiti sa labi ko.

"Kamusta?"

Binaling ko naman agad ang tingin ko sa kanya nang mag tanong siya dahil abala ako sa pagaayos ng bulaklak na ito.

"anong kamusta?"

"I mean anong naging buhay mo pagkatapos nung nangyari" 

Napahinto naman ako sa ginagawa ko at umupo sa tabi niya.

"ang lakas naman ng loob mong tanungin yan"

"I'm sorry. Alam kong sensitive ang topic na yun ngunit sinubukan ko paring magtanong sayo."

Huminga naman ako nang malalim. Magsasalita na sana ako nang unahan niya ako.

"S-saan mo nakuha ito?" Nilingon ko siya at nakita kong hawak hawak niya yung kwintas na tingin ko ay nakuha niya sa ilalim ng maliit na lamesa.

"saan mo nakuha ito!?" Nagulat ako ng sumigaw siya. Kaya hinablot ko naman sakanya iyon.

"Napulot ko lang ito! Napulot ko sa may puno malapit sa kalsada nang sumilong ako doon kanina! Tsaka bakit ka ba nakasigaw!?"

Paliwanang ko sa kanya ng may halong kasinungalingan.

"Imposible." Rinig kong bulong niya.

"Makakaalis kana." Napatingin naman siya sakin at tinaasan ako ng kilay. Aba't! Tinataasan pa ako ng kilay neto!

"Mamaya pa ako aalis" pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumunog ang cellphone niya.

Mas lalong kumunot naman ang noo niya nang mabasa niya yung text. Pagkatapos ay tumayo na agad siya.

"I have to go. Mag-iingat ka."

"Oh mamaya ka pa pala aalis," may halong pang-uuyam sa boses ko nang sabihin ko iyon.

"Tsk. Aalis na ako."

Pakialam ko ba?

"Alam ko. In-english mo lang eh! Kaya tulad nang sinabi ko kanina. Ma-ka-ka-alis kana."

Umuling lang siya at lumapit sa akin kaya napaatras naman ako. Lumapit ulit siya sakin at mabilis akong niyakap ng mahigpit. Sinubukan kong kumawala kaso mahigpit talaga.

"A-ano bang ginagawa mo" mahina na tanong ko dahil sa pakiramdam nang yakap niya. Pakiramdam na nangungulila? At bakit ko rin iyon nararamdaman? Hinayaan ko lang naman siya at makalipas ng ilang minuto ay bumitiw na din siya. Tumingin siya sakin na nakangiti at mabilis na hinalikan sa pisngi.

"Thank you." Aniya at umalis na.

Habang ako ay tulala parin dito. Bakit ganun. Pakiramdam ko kilala ko siya at malapit siya sakin. Yung mga yakap niya na mahigpit parang kilala niya ako na ilang taon nang hindi nakikita.

Ipiniling ko na lang ang ulo ko. Ayoko nang mag-isip nang malalim.

_______________

Lumipas ang ilang araw ay patuloy parin sa pagpapadala ng mga bulaklak at chocolate yung stalker ko at wala paring nagbago sa buhay ko.

Habang abala ako sa pagpupunas sa counter ay inutusan ako ng manager.

"Tania pwedeng ikaw muna ang magdala nito doon sa  private room" sabay turo nito kung saan iyon

"Eh sir hindi kasi--"

"Sige na. Alam ko namang wala ito sa mga dapat mong gawain dito eh. Pero wag kang mag alala may bayad ito."

"Sir bakit hindi na lang si Cindy."

"Nako! Huwag ka nang mag tanong! Bilis na hinihintay na nila yan. Yang pintuan na yan, pumasok ka na lang at ibigay iyan."

Wala na akong nagawa at kinuha na iyong tray na naglalaman ng ibat ibang klase ng alak. Wala naman problema sakin dahil sanay na ako sa ganito. Pumasok naman ako sa sinabi ni sir at doon tumambad na naman sakin ang tatlo.

Isang tingin na hindi ko malaman ang binigay sakin ni Joshart at yung may pulang buhok naman ay isang mapaglarong ngiti habang si Nevil ay nagulat ng makita ako.

Huminga pa ako ng malalim bago maglakad palapit sa kanila.

"Anong ginagawa mo? Hindi naman ganito ang trabaho mo dito?" Hindi napigilang mag tanong si Nevil. Sasagot na sana ako kaso..

"at anong pakialam mo Nevil? Muka yatang ang dami mong alam tungkol sa kanya. Mukang close na close kayo. Tell me. Magkakilala ba kayo?" Malamig na saad ni Joshart habang si pulang buhok ay napapatawa na lang.

Hindi naman agad nakasagot si Nevil kaya tumahimik na lang kahit mukang magtatanong pa sakin. Ako rin naman ay nanahimik na lang.

Bigla namang tumayo si pulang buhok at inilahad sakin ang kamay.

"Ako nga pala si Jeeward Alvarez. Gusto ko lang makipagkilala sayo ng pormal miss" babaero yata to. Hindi na ako nagsalita pa at tinitigan lang ang kamay niya at tumalikod na para umalis.

"Basag!" Pang-aasar ni Nevil kay Jeeward.

Palabas na ako ng pinto nang marinig ko ang malamig na boses niya.

"nice body shape"

Natigilan naman ako sa sinabi niyang iyon.  Napatawa pa si Jeeward at wala naman akong narinig mula kay Nevil.
Uminit naman ang dalawang pisngi ko, siguro dahil sa galit? Y-yeah dahil sa galit siguro at nanginginig na din ang mga tuhod ko.

Bumalik na ako sa trabaho ko. Abala ako sa pagpupunas ng mga baso nang marinig ko ang usapang mga kasama ko dito.

"Ang gwapo talaga ni master ihh!'

"lahat naman silang tatlo gwapo eh!"

"Si sir Jeeward magaling iyon sa kama!" Sabi naman nung may maikling buhok.
Napatingin lahat yung mga kasama niya sa kanya.

"Natikman mo na!?"

Ngumiti naman siya ng malawak.

"Of course! Hanggang ngayon hindi ko parin iyon makalimutan. Yun na yata ang pinakamagandang alaala ko!" Sabay talon pa.

"Hoy puro kayo chismis!" Sigaw ng isa naming kasama. Nagulat naman sila, pati pala ako na napahinto din sa ginagawa dahil sa pakikinig ng mga usapan nila. Nagbabakasakali na baka may malaman pa ako tungkol sa kanila.

Pagkatapos ng trabaho ko ay umuwi na ako agad. Habang nasa taxi ay hindi ko maiwasang ilabas yung kwintas at tinitigan ito. Sa kanya ba talaga ito? Sa stalker kong mayaman? Napangiti naman ako dun. Akalain mo nga naman nagkaroon ako ng stalker na mayaman hahaha! Iba talaga ang alindog ko!

"ma'am kilala niyo po yung nakasunod sa atin?"

Naibaba ko naman ang hawak kong kwintas dahil sa tanong ng driver at tumingin din ako sa likod ng makita ang isang makintab na itim na kotse na nakasunod sa amin.

"Ah manong baka nagkataon lang po ang direksyon na pupuntahan niya." kumbinsi ko sa driver pati na din sa sarili ko.

"eh kanina pa yun ma'am nakasunod. Sinubukan ko nga pong idaan sa isang masikip na daan na short cut pero nakasunod parin." kinabahan naman ako dun.

Kung ganon kanina pa yan? baka yan yung stalker kong mayaman? Kahit anong kumbinsi ko sa sarili ko ay hindi parin mawala ang kaba na nararamdaman ko.

Malapit na kami sa apartment ko nang tumingin ulit ako sa likod pero wala na yung nakasunod sa amin. Napahinga naman ako ng malalim. Baka nga nagkataon lang. Hay buti naman!

"Salamat iha." Saad ng driver matapos kong magbayad.

Pagkatapos umalis nung driver at papasok na sana ako sa loob ngunit nagulat ako sa taong nakatayo sa mismong pintuan.

"Joshart Cuizon." bulong ko sa sarili ko ngunit narinig niya ito.

Walang ilaw dito sa labas ngunit alam kong siya ito. Napansin niya siguro na pilit ko siyang inaaninag kaya may kinalikot siyang isang maliit na bagay at bigla na lang may umilaw na kotse niya na nakapark medyo malayo sa amin. Kaya siguro hindi ko ito napansin.

"Your late"

"A-ano bang sinasabi mo!? Tsaka bakit ka nandito?" lumapit naman siya ngunit hindi na ako umatras.

Ayokong ipahalata sa kanya na natatakot ako. Nang malapit na siya ay naramdaman ko nanaman ang paginit ng buong mukha ko. Teka bakit ba muka ko ang umiinit? Dapat yung ulo ko dahil sa galit! Tsk. Pareho lang iyon. Oo! Pareho nga!

"Hindi ka dapat sumasakay sa taxi sa ganitong oras ng gabi lalo na't kung ang sasakay ay isang katulad mo na daig pa ang kagandahan ni Aphrodite" ngumisi siya at mas inilapit yung mukha niya sakin. Nanghihina na din ang mga tuhod ko sa sa presensya niya.  Tsaka sinong Aphrodite ang sinasabi niya.

"Ano bang pakialam mo! Hindi ako tulad mo na may sariling sasakyan! Hindi ako tulad mo na mayaman lalo na't hindi ako katulad mo na demonyo!!" itutulak ko na sana siya pero..

"Not again sweetie." at hinawakan ang dalawang braso ko na gagamitin ko na sanang itulak siya. Mas lalo pang inilapit ang muka niya at ang bibig niya sa tenga ko.

"hindi mo ba alam na kung hindi ko kayo sinundan ay baka may ginawa na sayo ang driver na iyon. Nagtaka pa nga ako ng iliko niya ang sasakyan niyo sa isang makipot sa daan lalo na at palayo iyon dito sa apartment mo" bulong niyang sabi.

K-kaya pala. Kaya pala ang tagal naming nakarating dito sa apartment ko. At hindi ko iyon napansin dahil sa ilang minutong pagtitig ko sa kwintas. At nagtaka rin ako kanina nang sabihin ng driver na nag short cut kami pero ang tagal naming makarating dito.

"Kaya mula ngayon ako na ang magiging driver mo. Hindi ang kung sinong taxi driver lang diyan at mas lalong hindi si Nevil." natulala naman ako sa sinabi niya at nakangiti siyang umalis at sumakay na sa kotse niya. Hindi na akong nakaangal pa.

Hindi ko alam kung pano pa ako naka pasok dito nang hindi natatalisod dahil da pagkatulala.

____________________

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top