kabanata 3


Your worst than a devil.

*bag!bag!bag!bag!*

Bumalik ako sa katinuan ng marinig ang kalabog sa pintuan. Naka upo ako ngayon dito sa kusina at tulala na naghihintay ng pwedeng makain. Kahit siguro umiyak ako ng luha dito ay impossibleng may lilitaw na lang sa mesa ng mga pagkain.

"Tania! Open the door! May pupuntahan tayo!!" Ang malanding higad.

Tumayo ako at pabagsak na pinagbuksan siya ng pinto.

"Ano na naman ba!? Saan mo nanaman ako dadalhin ha higad ka!? Dinala mo ako sa bar na iyon tapos iniwan mo akong parang bata na naliligaw at naghahanap ng yaya!"

"tsk! Papasukin mo ako!"

At ang higad na walang hiya ay pumasok at dumeretso sa kusina.

"Haayyss! Naubos laway ko kakasigaw sayo!" Ani niya at naglagay ng tubig sa baso pagkatapos ay binagsak ito sa lamesa.

"Ano ba ginagawa mo kanina at ang tagal mong buksan ang pinto! Halos ubusin na ang mga lamok na yun ang matamis kong dugo?"

"Kumakain ako."

Iginala niya ang paningin niya sa lamesa na blangko, nakita niya yung pitcher lang na may tubig at ang baso na nasa lamesa. Napahawak naman ako sa noo ko dahil bakit kumakain pa ang sinabi kong rason. Mukang napansin na niya.

"Tania! Ano ba naman yan! Talagang kina-career mo na ang kumain ng walang pagkain?"

"Bakit ba lagi kang nakasigaw? Kanina ka pa ah."

Hinila na naman niya ako at dinala sa kwarto. Gutom na ako e.

"alam ko ang nangyayari kaya may irerekomenda ako sayong magiging racket mo ngayong gabi. Pero bago yan kakain muna tayo at baka himatayin ka pa dahil sa gutom sa gagawin mo mamaya."

At may tumapal sa muka ko na makinang na black dress, makinang ito dahil sa mga parang dyamante. Fake!

"Bilis na suotin mo na yan! Wag ka nang maligo, hindi mo na din kailangan ng make up maganda ka na!"

_______________

"Alam mo Amie wala akong tiwala diyan sa sinasabi mong magiging racket ko. Lalo na at wala rin akong tiwala sayo."

Papasok na sana kami sa bungad ng bar na ngunit hinila ko ulit siya at dinala sa gilid.

"Amie ano ba kasi to?"

Curious talaga ako sa papasukan namin eh. Mahirap na baka ipasok niya ako bilang prostitute. Ngayon pa na alam na alam ko ang ugali niya. Kung iba siguro maloloko niya pero huwag na huwag niya akong idadamay sa mga kalokohan niya.

"Look Tania. Kaibigan kita at hindi ko kayang gawin sayo yang mga nasa isip mo. Hindi porket ganito na ako e ilululong din kita sa mga gawain ko. Hindi ko kayang gawin yun lalo na sayo na malaki ang respeto sa sarili at isang kaibigan na tumanggap sa pagkatao ko."

"Oo na huwag ka nang magdrama!"

Ganyan siya minsan e. Masaya daw siya at nakahanap ng tulad ko na tatanggapin siya kahit gaano siya kakati. Ayoko sa mga ganun. Ang dadrama, kinikilabutan ako.

"May kaibigan ako na dito rin nagtatrabaho. Kaya kinausap ko siya kung maganda ba ang pamamalakad ng boss nila. Malalaki sweldo nila dito Tania!"

"Eh baka naman mga bugaw yan kaya malaki sweldo? Ano bang magiging trabaho ko rito?"

"Tania kasi eh! Just think positive kasi! Tagahugas ka lang naman ng mga baso at minsan ay lilinisan mo ang counter dahil ang mga bartender ay wala nang oras pa para gawin iyon. Matino naman sigurong trabaho iyon diba? Depende na sayo kung gusto mong makakuha ng tip sa mga customers." Paliwanag niya sabay kindat pa sakin.

"Eh magkano ba magiging sweldo ko niyan?"

Pumalakpak pa siya na parang nakairinig siya ng tamang tanong Higad.

"Per hour ay makakatanggap ka ng 300. Ang sabi nila ay alas syete ka magsisimula hanggang 11 bahala ka na raw kung hanggang saan ang kaya ng katawan mo dahil kahit mag-uumaga na ay marami paring mga nagpupunta. Kaya halika na!"

Mabilis ang mga kamay ko sa pagpupunas ng mga babasaging baso na kakatapos ko lang hugasan. Pagpasok namin kanina ay kinausap ni Amie ang manager at ang sabi ay ngayon na daw ako magsisimula. Pabor pa sakin yun dahil wala naman akong ginagawa sa apartment, ayoko kong tumunganga nanaman doon tsaka sanay na ang katawan ko sa ganitong routine.

"Tania yung mga baso dalhin mo na rito!" Halos nagsisigawan na kami dito dahil sa lakas ng tugtog at ingay ng mga tao.

Muntik muntikan naman akong matapilok sa pagmamadali ko dahil sa dami ng mga customers.

"Dalhin mo yan doon sa kabilang table." Rinig kong utos ni manager sa isa sa mga waiter dito. Buti na lang at hindi waiter ang pinasukan ko dito dahil hindi maiwasan ang mahipuan at mabastos ka ng mga customers.

"Tania akin na." Kinuha naman agad ng bartender ang mga baso kaya bumalik agad ako sa ginagawa ko dahil marami pang baso akong huhugasan.

Pinupunas ko ang mga kamay na basang basa sa suot ko pagkatapos kong mahugasan lahat kaso may dumating nanamang bago na kakagamit lang.

"Tania dito ka muna! Hayaan mo muna yan! Punsan mo ang counter dahil sa mga natapong alak!"

Sigaw sakin ng isa sa mga kasama ko kaya kahit sumasakit na ang ulo dahil sa pagod, sa iba't ibang kulay ng mga ilaw na nakakahilo at ang mga ingay.  Lumapit na ako doon at kinuha ang basahan para magpunas. Katabi ko lang ang kasama kong bartender habang busy siya sa pagtitimpla ng mga alak at ako naman ay busy sa pagpupunas sa mga tumatalsik at mga basa.

Napatigil naman ako sa ginagawa ko nang may umupo sa harapan ko at halos manginig na ang kamay ko na nakahawak sa basahan dahil sa galit ng makita ko na naman ang lalaking ito. Si Joshart Cuizon. Ang hayop! Napansin naman niya ang kamay ko ay napatingin siya sakin. Ngunit ng magtama ang aming paningin ay ngumisi siya sakin.

"Ikaw pala," malumanay ngunit malamig na saad niya habang nakatingin sa akin sabay tungga niya ng alak na binigay sa kanya ng bartender. Mukhang hindi ko napansin na humingi siya bartender pero pinagsawalang  bahala ko na lang iyon at umiwas ng tingin sa kanya.

Bakit ba ganyan siya. Hindi niya ako maalala ngunit kung makatingin siya sakin parang kilalang kilala niya ako.

Naramdaman ko ang paginit ng mukha ko dahil siguro sa galit at ang panginginig ng tuhod ko, nagsalita siya at mukang kinakausap ako. Pero hindi ko na lang siya pinansin at nagpanggap na hindi siya kilala at hindi narinig yung sinabi niya, at nagpatuloy sa ginagawa ko.

Nararamdaman ko parin ang mga titig niya ng siniko ako ng katabi ko na bartender at bumulong sakin.

*magkakilala kayo?*

Iniling ko lang ang ulo ko para iparating sa kanya na hindi ako interesado na pagusapan iyon. Ngunit hanggang ngayon ay ramdam ko na nakatitig parin siya sakin.

"You're familiar," malamig sa saad niya kaya bumalik lahat ng naramdaman ko kanina. Tinignan ko lang siya ng blankong ekspresyon at tumalikod na at lumayo sa kanya.

"Tsk." Yun lang ang huling narinig ko mula sa kanya.
Bakit ko kakausapin ang isang demonyo.

Lumapit ako sa manager para magpa-alam na dahil hindi ko kakayanin ang isipan na nandito siya.

"sige eto na. 900 pesos. Sakto ka lang sa oras bali alas syete ka nagsimula hanggang alas diyes."

Kinuha ko naman agad ang inabot niyang cash at nagmadali na akong nagpalit ng dati kong damit at hinanap si Amie. Ngunit tingin ko ay wala na siya. May sarili na naman siyang business kaya hindi ko na sya pinag aksayahan ng oras at lalabas na sana ng bar ngunit may humablot sa braso ko.

Ganitong ganito yung nangyari noon. Sa gulat ko ay napatingin ako kung sino ito kaya lang nang makita ko kung sino ay hindi maiwasan na manginig at mag susumigaw. Marami namang tao dito. Siguro may tutulong na sa akin ngayon pag mangyari ulit iyon.

"Aaahh! Tulong!! Bitawan mo ako demonyo ka! Bitawan mo ako!"

Para na akong baliw na tumakas sa mental at kinakaladkad ng mga nurse pabalik sa hospital. Pilit kong kumakawala sa pagkakahawak niya at sinabayan ko nang pagsigaw kaya naman binitawan niya kaagad ako. Mukang nagulat siya sa pagsisigaw ko.

"W-what the hell? Bat ka sumisigaw!? Ano bang ginawa ko sayo!?"

Nang bitawan niya ako ay napasalampak ako sa sahig dahil sa panginginig ng tuhod ko at panghihina.

Sinubukan niyang lumapit sa akin ng may pagtataka ngunit gumapang naman ako paatras.

"What happening?" Mahina na tanong niya na parang nagtataka at naawa sa itsura ko ngayon.

Awa? Ngayon pa siya naawa! Walang awa ang mga demonyo!

Sumiksik ako sa may sulok at ang mga tao naman ay walang alam sa mga nangyayari. Kahit siguro magsisigaw at ginagahasa na ako ay wala parin silang pakialam.

"H-huwag kang lalapit," mahina na saad ko sa kanya dahil sobrang hina na din ng katawan ko.

Habang siya ay nakatingin lang sakin na para bang may gusto siyang gawin ngunit nag aalangan siyang gawin ito. Napayuko na lang ako habang umiiyak.

"Joshart tawag ka nang manager. May sasabihin yata sayo."

Napatingala naman ako sa dumating, si Mister jacket. Halos lumuwa naman ang mata niya sa gulat ng makita ako sa kinalalagyan ko at sa itsura ko.

"Tania!?" mabilis na lumapit siya sakin at binuhat ng bridal style. Aangal pa sana ako ngunit huli na at buhat buhat na niya ako.
Parang gusto ko nang matulog sa mga bisig niya dahil sa pagod ngunit pinipigilan ko na lang ang sarili ko.

"Magkakilala kayo?" bumalik yung dating lamig ng boses niya sa tanong niyang iyon.

"Puntahan mo si manager may sasabihin pa siya sayo." Hindi niya sinagot ang tanong sa kanya ni Joshart at naglakad na palayo sa kanya.

"Nevil!" Pahabol na sigaw pa niya at nang tumingin ako sa gawi niya ay napapasabunot na lang siya sa buhok niya.

"Ihahatid na kita."

Hindi na ako nagsalita at matapos niya akong ilagay na passenger seat ay ipikit ko na ang mga mata ko.

"Tania. Tania. Dito na tayo." Nagising ako sa boses niyang iyon at iginala ang tingin sa labas ng bintana. Kumunot ang noo ko nang mapagtanto ko.

Paano niya nalaman na dito ako nakatira?

Magtatanong na dapat ako ngunit naunahan na niya ako nang magsalita siya.

"I have my ways."

Tumahimik na lang ako nang lumabas siya ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto.

"Pumasok kana." Saad niya matapos akong bumaba sa kotse.

Sa bawat ginagawa niya ay nagiging magaan ang loob ko sa kanya. Pero nagaalangan parin ako na baka ang lahat ng ito ay pakitang tao lang. Pagpasok ko ay bumalik siya sa kotse at bumusina pa bago umalis.

Sinundan ko ng tingin ang kotse niya nang makalayo na ay naglakad na ako papasok sa apartment ko, pero napabilis ang paghakbang ko nang maaninag ko ang isang anino sa may likod ng puno na medyo malayo sa kinalalagyan ko. Tao iyon! Alam kong pinagmamasdan niya ako ngunit sino siya? Tumaas lahat ng balahibo ko sa takot kaya patakbo na ang ginawa ko para makapasok na sa loob.

Ibinagsak ang lantang katawan ko sa kama na hindi gaanong malambot. Pasalamat pa nga ako at merong ganito akong higaan. Isinara ko muna ang bintana pagkatapos ay nagpalit na nang damit. Sumampa ulit ako sa kama at natulog na.

Napamulat agad ang mga mata ko nang tumunog ang alarm clock ko. Ako kasi yung taong madaling maalimpungatan. Kahit nga isang kutsara ang mahulog magugulat ang katawan ko at bigla akong mabangon. Ganon ako kadali mabangon.

Alas singko na pala ng umaga kaya dali dali akong naligo at nagbihis. Hindi na din ako kumain dahil wala na akong stock. Bibili na lang ako mamayang lunch. Paglabas ko ng apartment ay tumigil muna ako sa tabi ng puno, kung saan ko nakita ang anino ng taong iyon.

Bigla na lang gumalaw ang paa ko at naglakad palapit doon. Wala namang kakaiba. Ipiniling ko ang ulo ko sa naisip kong iyon. Handa na sana akong maglakad paalis dahil baka malate ako sa trabaho pero naagaw ng mata ko ang isang maliit na bagay na nasa lupa.

Nilapitan ko ito, isang kwintas? Kwintas ito na ang pendent ay isang bala ng baril. Nanginginig pa ang kamay ko nang pinulot ko ito at pinakatitigang mabuti. Bala nang baril nga ito. Tama nga ang hinala ko, may taong nagtatago dito kagabi.

Pero sino? At anong ginagawa niya rito? Kinilabutan naman ako sa isipang baka ako ang sadya ng taong iyon kaya mabilis na akong naglakad palayo doon.

Pagkatapos ng trabaho ko ay pumunta agad ako dito sa supermarket para mag grocery. Konti lang naman ang bibilhin ko, yung sapat na para sa isang buwan ko, magisa lang naman ako.

Kinapa ko ang bulsa ko para siguraduhin kung dala ko ba ang pera ko pero iba ang nakapa ko. Kinuha ko ito at hindi nga ako nagkamali. Ito yung kwintas. Hindi ko yata ito nabitawan kanina at dahil sa pagkataranta ko ay nailagay ko ito sa bulsa ko. Kinapa ko naman yung isang bulsa ko at napahinga naman ako ng malalim dahil mabuti na lang at may dala akong pera.

Kinabahan ako ng iba ang makapa ko kanina.

Nang i-angat ko ang paningin ko ay nahagip ng mata ko yung taong naka itim mula sa malayo na nakatingin sakin? Napaiwas naman agad ako at nagpanggap na hindi ko siya nakita pero ang totoo ay kinikilabutan ako.

Mukhang sinusundan talaga niya ako dahil kahit saan ako pumunta dito sa loob ng supermarket ay kita parin sa peripheral vision ko na lagi siyang nakatingin sakin na para bang ayaw na mawala ako sa paningin niya. Baka siya rin yung taong nakita ko sa may puno kagabi.

Nagmadali naman ako at dumampot na lang ng kung ano ano sa grocery at mabilis na pumunta sa cashier para bayaran ang lahat ng binili ko.

S-sino ba siya? Bakit niya ako sunusundan? Pati sa paglabas ko ay napansin ko nakasunod parin siya. Hindi ko alam kung napansin niya ding nakita ko siya.

Mabilis na pumara ako ng taxi at mabilis na sumakay doon. Nakahinga naman ako ng maayos dahil mukang hindi nga niya ako nasundan.

Inaayos ko na mga pinamili ko dito sa kusina ng maalala ko na hindi na pala ako makakapasok sa trabaho dahil sa takot na baka meron nanaman ang taong iyon.

_______________________

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top