kabanata 11
Bumaba kami sa isang mas mamahalin na restaurant. Libre naman niya kaya walang problema!
"c'mon"
Inakay ulit niya ako papasok habang nakapalibot yung kanang braso niya sakin.
Naghanap kami ng table na pwedeng pag pwestuhan at nakita ko yung isang table sa medyo madilim na parte o baka pinasadya talaga para sa mga taong ayaw sa sobrang liwanag at exposure kapag kumakain. Saktong pandalawahan kaya ako naman ang humili kay Joshart papunta doon.
"Why here? So dim." Joshart
"E sa dito gusto ko eh!"
"Okay fine. Dito gusto mo edi dito." Joshart.
Nakangiti lang ako ng malapad.
Habang hinihintay yung order namin, ang tahimik. Wala ni isa ang samin ang gustong magsalita.
Ilang minuto ang lumipas.
"I'm an ex convict" Joshart.
Halos lumuwa naman ang mata ko sa gulat. Natawa naman siya sa reaksyon ko at pinagpatuloy yung sinasabi niya.
"That night, bago mangyari iyon. Nasobrahan ang inom ko dahil na rin sa pagkawala ni mom. Napaaway kami sa bar, nandilim ang paningin ko at ginilitan sa leeg yung isang lalaking ang lakas humamon."
Sa sobrang gulat ko ay muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko. Medyo nakaramdam din ako ng takot sa kanya pero hindi yung takot na talagang ituturing siyang criminal. Its just that pinaghalong takot at kaba lang siguro.
"Dahil sa sobrang paghihina namin noon. I got jail in 3 hours. Pinalabas din ako agad dahil nasa akin ang pinakamagaling na attorney sa balat ng lupa." At ngumiti pa siya.
"Eh pano ka nakakasiguro na siya ang pinakamagaling na attorney sa balat ng lupa?" Medyo pabalang na sagot ko sa kanya.
Ipagyabang ba naman niya yun sakin? Samantalang kanina kung maka pagsalita parang wala nang pag-asa!
Nagkibit balikat siya.
"Dahil yun ang alam ko?"
Siniringan ko naman siya ng tingin.
Tinawanan lang ako. Bwisit!
"Here's your order sir, ma'am."
Inilapag niya ang maraming pagkain sa lamesa namin.
Pagtapos ay umalis na din ang waiter. Kumuha ng pagkain si Joshart at nilagay sa piggan niya.
"Sayo na yang natira" kumakain na.
"Huwatt!?"
"Ubusin mo lahat ng yan. Pag hindi mo naubos ikaw magbabayad. Hmmft!"
Aba't pinagloloko na ba niya ako!!?
Wala akong dalang pera pambayad diyan!
"Ipapakain mo talaga lahat sakin ito? Hindi to kakayain ng bituka ko."
"Just eat" tapos ay nilagyan niya ang plato ko dahil hanggang ngayon ay wala parin iyong kalaman laman.
"Wag na lang. Ikaw na lang kumain."
Sinamaan niya ako ng tingin.
"You have to eat" ma-authoridad na sabi niya.
Huh! Anong akala niya? Magpapadala na ako sa mga ganyan niya? Hindi na!
Ipiniling ko ang ulo ko sa kabilang direksyon para sabihin na hindi ako kakain, hanggat bawiin niya yung sinabi niya kanina.
"Eat Tania."
Nahihiyang humarap ako sa kanya.
"W-wala akong pambayad." Mahina na bulong ko na rin.
Narinig ko naman ang pagtawa niya. Yung parang pinipigilan pero hindi na kinaya. Kaya naman mas lalong namula ang muka ko dahil sa niya. Alam kong hindi kami masyadong kita dito.
"Ahem.. Babawiin ko na yung sinabi ko kanina. Ako lahat magbabayad. Sweetie I never had the idea na pagbabayarin kita lahat ng yan. Malaking kabastusan iyon sa babaeng mapapangasawa ko. Its just that nasabi ko lang yun kanina para kumain ka pero. Pero hindi ko alam na baliktad ang nangyari. Ayaw mo nang kumain. Hahaha!"
At nilagyan ng marami ang plato ko.
Ehh? Naginhawaan naman ako ng loob sa mga sinabi niya at hindi na nagkomento pa dahil gutom na din ako. Mahigpit na hinawakan ko ang tinidor at kutsara.
Tinatawanan naman ako ng lalaking kaharap ko kung paano ako kumain.
Gabing gabi na pero ayaw parin umuwi ni Joshart. Sabagay ako din naman e.
Nandito kami ngayon sa isang mataas na bangin. Kitang kita ko ang kabuuan ng syudad. Ang ganda pala dito.
"Pano mo nalaman ang ganitong lugar?" Tumingin ako sa kanya pero nakatingin parin siya ng diretso sa syudad.
"Bata palang ako nandito na ako. Dito madalas ang tambayan namin Nina Nevil at Jeeward noon."
"Speaking of Jeeward hindi ko na siya napapansin at nakikita"
"He's busy with your friend." Walang ganang saad niya.
"Aba't ang dalawang malande magkasama!"
Lumapit siya sakin at niyakap. What's this? Aangal pa sana ako pero.
"5 minutes sweetie. Give me 5 minutes to feel you" mas hinigpitan pa niya ang yakap sakin.
Hindi rin napigilan ay inangat ko ang dalawang kamay ko para yakapin siya pabalik.
Sa tingin ko eto na ang Simula. Nagsisimula pa lang kami. Nawala na lahat ng sakit ng nakaraan at mapapalitan ng bagong alaala sa hinaharap. Ngumiti ako sa naalala kong yun. Ngayon naintindihan ko na siya. Ngayon na wala nang sakit at agam agam na humaharang sa nararamdaman ko sa kanya, ngunit ano nga ba ang nararamdaman na iyon? Is this love? Hindi ko alam. Basta ang alam ko, ayaw kong mawala siya sakin. Nasasaktan ako na nakikita siyang ngumingiti sa iba maliban sakin. Tumitibok ang puso ng mabilis kapag nandyan siya at gusto ko lagi ko syang kasama.
Humiwalay na siya sakin at tinitigan ako. Siguro tapos na ang five minutes.
"I'm sorry."
"Bakit--?" Nagulat ako nang dahan dahan siyang lumuhod.
Nagsosorry ba siya dahil umaatras na siya sa kasal? Kaya ganito na lang siya magsorry na halos lumuhod siya sakin dahil napipilitan lang siya at pakiusapan akong i-urong na lang iyon.
Lumabas na ang mga luha ko. Ngayon pa ba na napagtanto ko na ang nararamdaman ko sa kanya? Bakit? Nasasaktan na ako kung sana alam lang niya. Pero hindi naman niya kailangan na lumuhod at mag makaawa. Dahil kung talagang ayaw niya ay hindi ko siya pipilitin.
"Tania I'm sorry." nakayukong saad niya habang nakaluhod at mararamdaman mo talaga ang pagsisisi sa mga boses niya. Wala nang humpay ang pagdaloy ng mga luha ko dahil sa sakit. Hindi ko siya masisisi.
"H-hindi mo naman kailangang lumuhod at h-humingi ng tawad. Naiintindihan ko n-naman." Humihikbi na saad ko sa kanya. Nanlalabo na din ang paningin ko dahil sa luha.
"Patawad sa lahat ng nagawa ko. Salamat dahil sa sobrang kasalanan ko ay nagawa mo parin akong patawarin at tanggapin sa buhay mo."
Timingala siya sakin na nakangiti habang nakaluhod. Bakit siya nakangiti? Masaya na ba siya dahil pinalaya ko siya sa isang kasalan na ayaw naman talaga niya?? Ouch ang sakit naman. Mahal ko na siya e. Tapos ngayon ayaw naman niya.
"Alam kong lahat ng babae ay pinapangarap ito bago ikasal"
Naguluhan naman ako sa sinabi niya.
Nakatingala siya parin sakin. Ako rin ay nakipagtitigan sa kanya kahit punong puno na ang luha sa mga mata ko.
Pero naistatwa ang buong katawan ko sa sunod niyang sinabi. Natulala at huminto ang pag ikot ng mundo at bimilis ang tibok ng puso ko.
"Will you marry me, Sweetie"
Inulit niya ulit yung tanong niyang iyon. Para akong tanga na halos umiyak na ng dugo kanina sa mga naisip ko na taliwas naman sa ginagawa niya! Sheet! Napaparanoid na yata ako.
"Sweetie" nakita kong hindi parin siya tumatayo kaya lumuhod din ako para pantayan siya.
"What are you doing!? Sweetie don't kneel!" Nataranta naman siya sa ginawa ko at tatayo na sana para patayuhin ako pero pinigilan ko siya.
Halatang nagulat sa ginawa ko. I kiss him. Tanda na tinatanggap ko ang alok niya. Kaya naman hinawakan niya ang ulo ko at mas pinalalim ang halik namin.
_____
Masayang masaya ako habang pinagmamasdan ang singing na talaga namang bumagay sa kamay ko.
"Happy huh?" Habang hinahatid ako sa mansion.
"Yes!" Ang lawak ng ngiti ko.
Napangiti din siya..
"Pumasok kana" niyakap niya muna ako at hinalikan ng mabilis sa labi at marahan tinulak papasok sa mansion. Nang makapasok na ako saka ko lang narinig ang kotse niya paalis.
Pagakapasok ko ay nakita ko doon si dad.
"Bakit ngayon lang kayo?" Nakasimangot na saad ni dad pero hindi naman siya galit. Hanggang ngayon ay hindi parin nawawala ang ngiti ko.
Nagtataka ang muka ni dad habang tinitignan akong wakas kung makangiti.
Nagulat si dad nang lumapit ako sa kanya at niyakap siya.
"Thank you....dad. "
"W-what happen?" Nagtatakang saad ni dad pero niyakap din niya ako pabalik.
"Salamat sa lahat. And I just missed you"
At pumasok na sa kwarto, himiga at agad nakatulog.
Nagising ako nang may humahagod sa buhok ko.
"K-kuya" mahina na saad ko dahil hindi pa gaanong nabubuhay ang diwa ko. Gustong kong ipagpatuloy ang pagtulog. Napansin iyon ni kuya kaya nag hum siya ng mahina. At tuluyan na naman akong hinila ng antok.
"Hindi ka nga pwedeng pumasok!!"
"Bakit hindi!? Gusto ko siyang makita kahit ngayon lang!!"
"Wag kang sumigaw! magigising siya!"
Pero huli na dahil nagising na ako. Rinig na rinig ko na pinipilit ni Joshart na pumasok dito sa kwarto. Habang si kuya pinipigilan siya.
Umayos ako ng upo sa kama, wala ng yung sigawan kaya pumasok na si kuya sa kwarto ko. Gusto kong matawa sa itsura niya. Para siyang ginahasa ng mga babaeng baliw! Hmmft! Yung buhok niya wala na sa ayos. Yung t-shirt niya gusot gusot na din.
"Anong nangyari sayo kuya. Ilang babae ba ang gumahasa sayo? hahaha!"
Inirapan lang niya ako bago siya lumapit. Aba't mas magaling ka pang umirap ah.!
"Dad declared na hindi muna kayo pwedeng magkita o magsama hanggang sa kasal niyo. Magkikita lang kayo sa altar. Kaya umayos kang babae ka."
Ay shokoy na lalaking to! Gusto akong umayos pero ginulo ang buhok ko!! Naman!!
Ilang araw pa ba bago ang kasal namin? Limang araw pa. Kaya limang araw na magtitiis ang lalaking yun bago niya ako makita.
"Kuya bakit kasi hindi mo siya pinayagan kanina!? Hindi ba pwedeng kahit ngayon man lang!"
Sinuntok suntok ko pa ang likod at balikat niya pero parang balewala lang yun sa kanya. Kaya naasar ako ay yung buhok niya pinagdiskitahan ko.
"T-teka! Aray Tania! Wag ang buhok ko!"
Ayan nakaramdam ka rin ng sakit!
Kaya binitawan ko na din.
"Aww masakit yun ah."
At hinimas himas yung buhok niyang muntik nang makalbo.
"Buti nga sayo yan! Wala naman si dad bakit dimo siya pinapasok!"
"E sa gusto ko siyang mahirapan muna bago ka makuha e. Ang swerte naman ng lalaking yun! Hindi ko pa nakita kung paano siya manligaw sayo at kung paano siya umiyak at nahihirapan kung may away kayo. Tsk. Sayang."
"Nilalaglag mo ba ang kaibigan mo ha!!?"
"Alis na ako. Sakit sa tenga sigaw mo. Tandaan mo wag kang makikipagkita sa kanya."
At mabilis na naglakad na sa pintuan.
Haayy limang Araw pa. Ang tagal naman non.
Tumayo na ako at ginawa lumabas. Gusto kong maiyak habang tinitignan ang hagdan na dadaanan ko bago ako makababa. Tinatamad na nga akong maglakad e ganyan pa dadaanan ko. Bakit ba kasi magpapatayo sila ng bahay na sobrang laki pero kami kami lang din naman.
Kaya heto halos gapangin ko na. Bawat tatlong hakbang uupo ako. Kailan naman kaya ako makakarating sa sala.?
"Anong ginagawa mo?" Si kuya.
Nakataas ang kilay na nakatingin sakin.
Kalalabas niya sa kawarto niya dito sa second floor. At sakto namang nakita niya ang ginagawa ko.
"Tinatamad ako. Kuya pabuhat please.." Nagpuppy eyes pa ako habang nakataas ang dalawang kamay ko sa kanya na parang bata na gustong mag pa buhat sa ama.
"What the hell? Hahaha! bahala ka sa buhay mo. Bumaba ka mag isa. Aray ang sakit pa ng ulo ko sa sabunot mo" pasimpleng konsensiya pa niya sakin at nilagpasan ako. Halos mangiyak na ako habang pinapanood si kuya na masiglang naglakad pababa ng hagdan na parang hindi ako nakita.
"Kuya!!"
Aishh! Kahit siguro anong gagawin ko hindi na niya ako babalikan.
Ting. Wahahaha! May biglang pumasok sa utak ko na paraan. Hindi pa naman masyadong nakakababa si kuya.
"Tinatamad akong maglakad! Tatalunin ko na lang mas madali pa!" Pasigaw ko para narinig ni kuya.
Umamba ako sa railings ng hagdan na parang tatalon na parang isang batang walang kamuwang muwang kung ano ang ginagawa, na hindi alam kung ikamamatay ba niya.
Gusto kong bawiin ang sinabi ko ng makita ko kung gaano kataas ng babagsakan ko pero agad ko namang napigilan ang sarili ko na bawiin yun dahil hindi naman ako tanga para tumalon dito.
"What the fuck!"
Naradaman ko ang marahas na pag hila sakin ni kuya. Hindi ko manlang napansin yun dahil sa pagsusuri ko kung paano ako babagsak kung gagawin ko nga yun.
"What the hell are you thinking!!? Magpapakamatay ka dahil lang diyan!!!?"
Omo! Galit na talaga siya.OA naman nito! Anong akala niya sakin bobo?
"Pabuhat kasi.." Nakangusong saad ko sa kanya. Hindi ko na lang pinansin ang galit niya.
"Fuck!" Napasabunot pa siya sa buhok niya dahil sa frustration.
Akala ko ba masakit ang ulo niya dahil sa pagsabunot ko sa kanya kanina?.
Walang sabi sabi ay binuhat niya ako na parang sako ng bigas.
"Aahhh kuya! Wag ganito!! huhuhu! "
Buhatin ba naman ako pabaliktad!?
__________________________________
Salamat po at nakaabot kayo dito!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top