kabanata 10


Sino ka ba talaga.?

Nanatili kami ni Joshart sa ganung piyesto. Hinahagod ang likod ko para pakalmahin, at hindi naman siya nabigo dahil kahit papano ay gumaan ang pakiramdam ko.

"Ha! Akala ko pa naman matapang ang master na sinasabi nila! Nagkamali yata si boss!"

"Joshart.."

"2 minutes sweetie. Hindi ako lalabas. Promised. 2 minutes na lang nandiyan na sila. So help to calm yourself. Sorry dahil nadamay ka pa."

Hindi na ako nagsalita at mas lalong sumubsob sa dibdib niya. Ipinikit ang mga mata. Sinisinok parin ako pero wala nang lumalabas na luha.

Nakarinig ako ng mga ingay sa labas. Mga putok nang baril at mga lagabog.

"It's bullet proof" saad niya na mas nakapag pagaan sakin.

Tinutukoy niya ang kotse. Tinted kasi ito kaya hindi nila kami nakikita sa labas, at sabi nga niya bullet proof. Kaya nawala ang kaba ko na baka bigla nila kaming barilin dito sa kotse.

"They're here" pag-bibigay niya sa akin ng impormasyon na iyon dahil nakasubsob parin ako sa dibdib niya.

Feeling ko nagbuhat ng ilang kilo ng bigas ang buong katawan ko. Sobra akong napagod. Siguro na din ay sa pagiiyak ko ng walang humpay kanina at mga takot na naramdaman ko.

Unti unti ay naramdaman ko ang panghihina ng katawan ko at pagbigat ng talukap ng mata ko.

*pahinga ka muna. Iloveyou*

rinig ko pang bulong niya pero hindi ko na intindihan yung huling sinabi niya.

______________________

Minulat ko ang mga mata ko at napagtantong nakahiga na ako sa kwarto ko.

Alas tres na pala. Pagtingin ko sa orasan.

Bumangon at naupo ako sa kama nang naalala ko ang nangyari kanina.

Huminga na lang ako nang malalim at napadasal na sana walang masamang nangyari sa kanila.

Ngunit sino ba talaga si Joshart? Sino ba talaga silang tatlo?  Marami pa talaga akong hindi alam sa kanila.

Ang pag tawag nang mga tao kay Joshart noon na master. Ang sinabi ni Nevil na ako ang makapagbabago sa kanya at ang nangyari kanina ay alam kong may hindi tama silang ginagawa.

"You okay now?"

Tanong ni kuya Nevil dahil pumasok siya sa kwarto ko nang walang katok katok.

"Kuya ano ba talaga nangyayari?"

Bumuntong hininga lang siya at nagsalita.

"Bumaba ka sa sala. Naroon si Joshart, Mom and dad."

bumaba naman agad ako sa kama nang sabihin iyon ni Kuya Nevil. Dahil alam kong may galit parin si dad kay Joshart.

Nilagpasan ko na lang si kuya at halos patakbo na sa pagbaba ng hagdan. Sumunod naman siya.

Nasa sala na ako nang makita ang hitsura ni Joshart na may pasa sa pisngi. Gulo gulo na din ang buhok niya.

"Hindi kita mapapatawad sa ginagawa mo sa anak ko!"

Galit na sigaw ni dad. Lumapit naman ako sa kanila at pumunta sa tabi ni Joshart. Nasa tabi naman ni dad si mom na umiiyak.

Nalaman na din kaya nila ang nangyari kanina?

"Tatanggapin ko ang kahit anong parusa."

Tumingin naman ako nang may pagtatanong kay kuya sa likod nila dad na nakacross ang dalawang kamay sa dibdib.

Umiling lang siya nang napagtanto ang tinging iginawad ko sa kanya.

So hindi pa nila alam iyon. Ang pinuputok ng butsi ni dad ay ang nangyari walong taon na ang nakalipas.

Huminga nang malalim si dad at tumingin sa akin pagkatapos ay may Joshart nang matalim.

"Pakasalan mo ang anak ko." ma-authoridad na saad ni dad.

Bigla akong napaupo sa sofa dahil sa sinabi ni dad. Nagulat.
Si Joshart naman ay napalunok at tumingin sa akin na nag-aalinlangan.

Hindi ko kailangan ng ganito. Alam kong napipilitan si Joshart.

"Dad hindi niyo dapat pinapangunahan si Tania. Kailangan din ang desisyon niya." hindi na nakatiis si kuya kaya sumingit na siya sa usapan.
Hindi rin nagsalita si mom.

"Tumigil ka Nevil! Ang lakas mong magsalita nang ganyan! Samantalang wala ka man lang ginawa nang mangyari iyon!? Tang*na!!"

Nagsisigawan na sila habang ako ay nakatulala parin.

May puntong sang ayon ako sa gusto ni dad pero hindi ko alam kung bakit, pero may puntong nag aalinlangan dahil baka ayaw ni Joshart.

Habang abala sina dad sa paguusap ay tumabi sa akin si Joshart. Kaya bumalik ako sa wisyo. Tinignan ko naman siya pero nagtaka ako sa expression niya. Nakangiti siya at tumaas baba pa ang kilay niya na parang inaasar ako at nanalo sa loto.

"Anong nanyari sayo?"

"Sang ayon ako sa gusto ng dad mo. Wala ka nang magagawa. Sana buo na ang desisyon niyang iyon" ang lawak ng ngiti.

Napanganga ako sa sinabi niya.

S-sang ayon din siya!? Huwat!? Ibig sabihin gusto naming ipakasal sa isat isa!? Oh wait lang! Wala pa ngang nangyaring ligawan at wala pa kami sa stage na boyfriend/girlfriend na yan tapos magaasawa na agad? Eh hindi ko pa naranasan magka boyfriend! Unfair naman yata!

"Buo na ang desisyon ko Nevil! Hindi na yun mababago pa. Kaya naman..."

Ngayon ay napunta samin ang atensyon nila.

"Pakasalan mo ang anak ko."

Tumayo si Joshart ay yumuko ng konti.

"Sir tulad nang sinabi ko kanina ay tatanggapin ko ang ano mang parusa. Pero kung pwede sana ay alamin din natin ang desisyon niya."

Tapos ay tumingin silang lahat sakin. Habang ako ay bumalik sa pagkatulala

Ghod! Magaasawa na ako!?

Eh ano naman nasa tamang edad ka na! Chance mo na to! Baka kapag tinanggihan mo..

Kusa na lang gumalaw ang ulo ko at tumango.

What the hell!? Pumayag ako!!!?

Babawiin ko na sana pero...

"Madaliin natin ang kasal bago pa may maka alam na iba sa nangyari! Sa susunod na linggo!!" pasigaw ni dad pagkatapos ay umalis na siya at pumasok sa kwarto nila ni mom.

Si mommy naman nakatingin sakin na may ngiti pero bakas parin ang luha niya kanina. Pero ngayon ngayon kung maka ngiti wagas!

My gas! What happen!?

"Mabuti naman anak at pumayag ka. Mabuti at sinunod mo parin ang gusto ng dad mo. Ayokong magkaroon na malaking pader sa pagitan niyo ng dad mo kaya masaya ako na hindi mo siya tinalikuran." nakangiting saad ni mom.

Niyakap niya ako at hinaplos ang mahaba kong buhok habang ako ay hindi parin magawang magsalita dahil sa sobrang shock sa mga nangyari.

Naramdaman ko na lang na humiwalay na sa akin si mom at tumayo. Sumunod na din siya kay dad.

"Are you okay?/magpahinga ka muna." sabay na sabi ng dalawa.

"She need to rest." si kuya at tumingin kay Joshart.

Inakay ako ni kuya sa hagdan pataas sa kwarto ko. Wala din akong narinig pa nang kung ano kay Joshart.

*fuck this stairs!* rinig kong bulong ni kuya. hindi ko na yun pinansin pa.

*next time talaga magpapalagay na ako ng elevator!* pabulong pero pasigaw. 'Ah basta ganun'

Nasa harap na namin ang pintuan ng kwarto ko kaya binuksan na iyon ni kuya. Baka kung hindi niya buksan iyon ay tititigan lang namin.

"I don't know if napilitan ka lang ba o ano."

Umupo siya sa kama ko habang ako ay nakahiga.

"hmm." hindi ko rin alam ang mga sasabihin ko kaya yun lang ang naging tugon ko sa kanya.

*sigh* si kuya

"Pano ba.. Hindi na magbabago ang isip ni dad. Depende na lang kung may plano kang maglayas"

"Ayoko na.. Ayoko nang mawalan pa nang pamilya. Ayoko ko nang mabuhay pa nang mag-isa. Ang hirap. Hindi ko nga alam kung panong nangyaring buhay pa ako ngayon."

Habang inaalala ko lahat  nang mga pinagdaana ko na mag isa ay hindi ko mapigilang lumabas lahat ng mga luha ko. Ang mabuhay nang walang kasiguraduhan na kaya ko pa bang imulat ang mga mata ko sa susunod pang mga araw. Ang mabuhay nang halos wala ng tulog dahil sa trabaho para mabuhay pero sa paraang yun unti unti ko namang pinapatay ang sarili ko. Ang mabuhay na tutulala na lang kapag walang makain at itutulog na lang ang gutom.

Ayoko na. Kaya hanggat kaya ko pa ay gagawin ko ang lahat para hindi ako kamuhian ng pamilya ko at tuluyang itaboy.

"Sshh hindi na mangyayari yun. Matulog ka na muna. Alam kong nabibigla ka sa mga nangyayari."

humiga siya sa tabi ko at niyakap para sa dibdib niya ako umiyak. Naramdaman ko na lang ang pagod ko at muli ay nakatulog ako.

____________________

Pagkagising ko ay wala na si kuya. Lumabas ako sa kwarto ko at bumaba sa sala. Wala din siya. Kaya naman naisipan kong magtanong sa isa sa mga maid doon.

Ang sabi ay pumunta daw si kuya sa bahay na dati niyang tinutuliyan kapag hindi siya umuuwi dito sa mansion. Kaya wala akong nagawa kundi ang maupo sa sofa at pinagmamasdan ang loob ng sala. Haaayys. Ang boring naman!

"ma'am may padala po para sayo. Kukunin ko po ba?" Saad ng isang maid samin.

"Ah hindi ako na. Ituloy mo na lang po ang ginagawa mo."

Tumayo ako at binuksan ang pinto.

Napataas naman ang kilay ko. Katulad na katulad nito yung flowers ng stalker ko noon sa apartment meron ding chocolate at ganun din.

Kinuha ko ito ay nakita ang isang sulat na nakasiksik din sa bulaklak.

*wish granted... For me. I'm the most handsome to marry a very gorgeous woman on earth.*

hindi ko mapigilang mapangiti. Ang hanging naman ng ulo nito. Hindi ba dapat ganito --*I'm the happiest man to marry a very beautiful and kind lady in the universe?* wahahaha! Kapal ko rin eh no?

Papasok na sana ako pero tinawag ako ng maid sa labas.

"ma'am meron pa po." Huh?

Lumapit siya sakin na may hawak na box.

"ma'am sabi po nang nagbigay nito, ito daw ang isusuot mo." tapos ay may binigay pa siyang isang sulat.

"Ah sige. Tulungan mo na lang po ako na dalhin ang mga to sa kwarto."

***

Pagkatapos lumabas yung maid saka ko lamang binuksan ang sulat.

*isuot mo yang dress. Magkita tayo sa ****** restaurant. 7:00 pm. I'll tell you everything you want to know.*

Nang tingnan ko ang orasan ay 6:20 na! Kaya naman nagmadali akong naligo at binuksan ang box na bigay niya. Red na naman na dress? Fitted ito at bakas na bakas talaga ang shape ng katawan ko. Ang problema lang mahaba. Nilagpasan ang tuhod ko ng may 3 inches.  Napangiwi na lang ako sa itsura ko sa salamin.

Pero nang makita ko na maganda parin naman ako ay naginhawaan din naman agad. Ano bang klaseng damit ba kasi ito! Mukang pinasadya! Ang ganda ganda na damit pero ang haba haba!

Lumabas na ako at hinablot na lang ang pouch.

Shit! Nakita ko si manong na personal driver nila dad na nag cacar wash! Medyo madilim na nag cacar wash parin.

"Pakihatid nga po ako sa ******* restaurant!"

"Ah e ma'am gabi na po. Baka pagalitan--"

"Baka po kayo ang mapagalitan pag hindi niyo ako inihatid. Baka pag nalaman ni mommy na nagmaneho ako ng kotse na hindi ko naman talaga alam ay hindi lang galit ang--"

"Ay sige po ma'am! Sakay na po kayo kakatapos ko lang po itong hugasan" sa wakas naman ay napilit ko din.

Nang makarating sa pupuntahan ay tinignan ko ang relo ko at nakitang 6:53 na. I sigh in relief. Buti na lang.

Papasok na sana ako sa pintuan ng restaurant na ito nang makita ko si Joshart na naka pwesto dito malapit sa bintanang transparent. Nakaupo siya at kaharap ang isang babaeng kasing edad niya rin siguro. Maganda ang babaeng yun at parang model dahil sa bawat pagtawa at pag kipas ng mga kamay niya ay hindi ganong kagaspang.

Nakaramdam na naman ako nang hindi ko mangalanan na pakiramdam. Bago lang itong pakiramdam na ito para sakin. Habang tinitignan silang masaya na nag uusap ay nakakaramdam ako ng kirot sa dibdib. Ngayon ko lang siya nakitang makipag usap sa iba ng ganyan. Akala ko sa sa akin lang siya ngumingiti. Napangiti na lang ako ng mapait. Maraming namamatay sa maling akala ika nga nila

"ma'am bakit hindi pa kayo pumapasok?" nagulat ako doon sa nagsalitang si manong.

Naasar naman ako dahil napapangiti siya at pinipilit na hindi tumawa dahil sa nakita niyang pagka gulat ko kanina!

"Bakit di ka na lang umalis!" pabalang na saad ko sa kanya at pumasok na sa restaurant na sambakol ang muka.

Nakasimangot at inis na inis na lumapit ako sa table ni Joshart.

Nang mapansin niya ako at akmang babatiin na sana niya ako habang nakangiti * tsk. If I know ang ngiting yan ay galing sa pagkakangiti niya kanina sa babaeng to!* kaya lang mas lalong sumingot ako dahil dun.

Nawala naman yung ngiti niya at lumapit sakin. Napalitan yun ng pag aalala.

"What happen?"

Inakay niya ako at pinaupo sa tabi niya habang kaharap namin ang babae na lumuluwa ang dede! Halatang nagpapapansin kay Joshart!

"Wala! May higad kasi akong nakita kanina kaya pinisil ko hanggang sa mamatay! *kung pwede lang sana pisilin ko din yang dede ng higad na yan eh!*"

"What?"

Tsk. Umiling lang ako. Tumahimik na din siya sa kakatanong at inakbayan ako. May pa akbay akbay pa!

"I want you t o meet my fiancée. She's Tania Batiller. "

Nakita ko ang pag ngiwi ng babaeng kaharap namin na mukang hindi nagustuhan ang narinig. Hindi iyon Napansin ni Joy dahil sa sandaling iyon ay nakatingin siya sakin.

"May Fiancée ka na pala. Nagbago yata ang taste mo. Isang flat at average girl lang kyahhh!" Nagtatalos naman siya sa inis habang nakatingin at pilit na pinupunasan ang nabansa niyang muka at cleavage.

Dahil sa pang iinsulto niyang yun ay kumulo ang dugo ko, bigla akong tumayo at sinabuyan siya ang wine na nasa baso. Buti nga sayo! Flat nga atleast hindi mukang pokpok!

Hindi na ako napigilan pa kanina ni Joshart dahil pati siya ay nabigla.

Tumingin ako kay Joshart at napapailing lang siya sa ginawa ko. Wala naman akong nakikitang bakas sa muka niya na galit siya kaya naman mas nakangiti pa akong pinapanood ang babaeng to na halos isumpa na niya ako.

"Let's go. Sa iba na lang tayo. " tumayo siya at inakay ako papalabas habang nakapalibot ang kamay niya sa bewang ko.

Sinubukan ko pang lumingon at nang makitang nakatingin siya samin ay ginawa ko ang lalong nag painis sa kanya. Binelatan ko siya. Wahaha!

"Aarrghhh!!"

Ang laki ng ngiti ko nang makalabas kami s restaurant.

*sigh* si Joshart.

"My lady was jealous"

"Ano? Hindi kaya!"

Napailing lang siya at pinagbuksan niya ako ng pinto at sumakay na.

_____________

Thanks !

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top