KABATAAN NGA BA?

KABATAAN NGA BA?

      

Kabataan daw ang pag-asa ng bayan,
Kabataan nga ba ang pag-asa ng bayan?
O kabataan ang umaasa sa bayan,
At taga-simula ng gulo sa bayan.

Kabataan pa ang mas napapariwara,
Samantalang p'wede pa naman nilang magawa,
Ang mga bagay na,
Makatutulong sa ating bansa.

Imbis na unahin ang kasipagan,
Mas pinapairal pa ang katamaran.
Imbis na unahin ang pag-aaral,
Mas inuuna pa ang bisyo at sugal.

Sa gan'yang gawain,
Magagawa ba nila ang kanilang gampanin?
Bilang isang mamamayan,
Na inaasahan ng bayan.

Magagawa ba nilang pa-unlarin,
Ang ating bansa kung gan'yan ang kanilang gawain.
May maaasahan ba ang ating bayan,
Kung gan'yan ang mga kabataan?

Pa'no sila maaasahan ng bayan,
Kung sa sarili pa lang nila ay marami nang kakulangan.
Imbis na gamitin ang kanilang talento sa mabuti,
Mas ginagamit nila ito sa mga bagay na ikakapahamak ng kanilang mga sarili.

Nararapat bang asahan ng bayan ang kabataan?
O mas dapat na sabihin na kailangang asahan ng kabataan ang bayan.
Na bayan ang dapat tumugon sa kailangan ng kabataan.
Na bayan dapat ang asahan ng kabataan.


-🖋️@EROSSCRIVENER

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top