INA

INA

Sa iyong tiyan ako’y iyong dinala,
Siyam na buwan na pag-aalaga,
Nang ako’y isilang na,
Labis-labis na tuwa ang iyong nadarama.

Salamat aking ina,
Binigyan mo ako ng pagkakataong makita,
Ang mundong kay ganda,
At marami pang iba.

Hindi man masabi sa iyo ng harapan,
Kung gaano kita kamahal,
Ginagawa ko naman ang lahat para ito’y iyong maramdaman,
Ina, salamat sa mga pangaral.

Salamat sa lahat,
Lalong-lalo na sa suportang iyong binibigay,
Mula pa lang sa una kong paghakbang,
Hanggang sa paglalakbay ko upang abutin ang aking mga pangarap.

Salamat sa pagmamahal ina,
At sa ‘yong pag-ti-tiyaga,
Patawad kung minsa’y pinapasakit ko ang ‘yong ulo,
Dahil sa pasaway ako’t matigas ang ulo,

Hindi ka man perpektong ina,
Minsa’y nagkakamali,
Pero ayos lang 'yon,
Alam ko naman na ang ginagawa mo’y para sa ikabubuti ko.

Salamat, Ina,
Ika'y higit kanino man,
Hindi ko pagsisihan na ikaw ang aking naging ina,
Pagmamahal na iyong binibigay ay walang kapantay.

-🖋️@EROSSCRIVENER

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top