BULAKLAK
BULAKLAK
Ikaw ang bulaklak at ako ang paru-paro,
Gusto palaging sa ‘yo’y nakadapo.
Sa taglay mong bango’y nalalasing ako,
Sa ‘yo’y gusto laging nakalapit.
Para masilayan ang tulad mong marikit,
Na tunay ngang nakaaakit.
Damdamin ay hindi maintindahan,
Sa tuwing ganda mo’y nasisilayan,
Sa malayo man o sa malapitan.
Huwag sana akong pagbawalan,
Dahil ang tanging gusto ko lang naman,
Mapagmasdan ang iyong kagandahan.
Bulaklak na ninanais ng aking puso,
Hayaan mo ang paru-parong tulad ko,
Na patuloy dumapo sa ‘yo.
Gusto ko lang naman maipadama sa ‘yo,
Na may isang tulad ko,
Na labis na nagmamahal sa ‘yo.
-🖋️@EROSSCRIVENER
A/N: Dedicated to my girl again.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top