70 - Kaibigan?

Paisa-isa

Ang buhay nga naman.
Kung hindi sabay-sabay na mawawala.
Isa-isang aalis, hanggang sa ikaw na lng ang matira.
Na walang kasama at gagabay sa bawat daanan.

Biruin mo yun, naging mahalaga sayo  ang isang tao.
Pero yung taong yun, ay balewala ka lang sakanya?
Para ka lang nagmahal ng isang basura diba?
Ang kapal at nagpapakitang tao pa siya sayo.

Yung tipong ang sarap niya kasama.
Pero ang ugali niya? Nililihim na niya pala.
Yung tipong nagpapaka anghel siya sa harapan mo.
Pero itong bobo, hindi alam na ang ibang anghel ay pwedeng maging demonyo.

Unti-unti na kaming nawawasak.
Unti-unti na din silang bumabagsak.
Hindi ko alam kung maganda bang magkaroon ng bagong kaibigan.
O pangit kasi hindi na nila alam kung sila ay nasaan.

Kung nasa dati pa ba sila.
O doon na sila sa bagong nagustohan nila.
Mga kaibigan ko wala na ata.
Sana naman kung may aalis sabay-sabay na.
Hindi yung nahihirapan kami at paisa-isa

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top