Dialogue

Unang pagkikita.
Sa may tindahan.

Ron: Hi, Sam. Ipakilala mo naman ako sa kasama mo.

Sam: Ah, eh, sige. Siyanga pala si Paula, pinsan ko. Paula, si Ron, friend ko.

Paula: Hello, nice meeting you.

Ron: Hi, Paula. Ang ganda naman ng pangalan mo. (Sabay ngiti)

Paula: Salamat. (Kinikilig)

Sam: Pabili nga po ng suka.

Tindera: Alin dito, 'yung nasa pouch o nasa bote?

Sam: Nasa bote po.

Tindera: 28 pesos.

Sam: Ito po ang bayad. (Sabay abot ng pera)

Ron: Hindi ko alam na may pinsan ka pa lang maganda, Sam. (Sabay tingin ka Paula)

Sam: Tumigil ka nga, ang harot mo naman. Kalalaki mong tao.

Ron: Totoo naman ha. Puwede ko bang makuha ang number mo?

Paula: Oo naman.

Sam: Huwag mong gawin 'yan, playboy ang taong iyan. Masasaktan ka lang. (Sabay hablot sa braso ni Paula) Halika na nga, uwi na tayo.

Ron: Teka, teka. Ang unfair mo naman. Hindi ako ganun. Tsaka, pumayag naman siya diba, ba't ikaw ang galit?

Paula: Ok lang iyon Sam, nakikipagkaibigan lang naman siya. (Sabay bigay ng kanyang number)

Ron: (kinikilig) Uy, thanks ha. Text na lang tayo mamaya. Sige, bye. (Sabay naglakad paalis)

Paula: Okay.

Sam: Bakit mo naman ibinigay?

Paula: Wala lang. Paglalaruan ko lang. Sabi mo playboy, diba? Eh, iyon ang gusto ko.

Sam: Bahala ka.
___________________________________

Textmate

Ron: Hi Paula, ako to si Ron.

Paula: (binabasa ang message ni Ron, saka nagreply) Uy, Ron. Hello, anong atin?

Ron: Anong ginagawa mo?

Paula: Nakahiga sa kama. Ikaw?

Ron: Parehas pala tayo. Wala ka bang gagawin mamayang hapon?

Paula: Wala naman, bakit?

Ron: Ah, mabuti. May laro kasi kami mamaya, basketball. Doon lang sa court, puwede ka bang pumunta?

Paula: Well, puwede naman. Isasama ko si Sam para naman may kausap ako mamaya.

Ron: Ganun ba, ikaw ang bahala. 4:00 pm pala ang laro namin. Aasahan kita, ha.

Paula: Oo naman, promise.

___________________________________

At the court.

Sam: Uwi na lang tayo.

Paula: Kakarating pa nga lang natin. Tsaka, gusto ko siyang makitang maglaro.

Ron: (patakbong lumapit ng makita sila) Akala ko di ka na darating.

Paula: Puwede ba 'yon, eh, nakapag-promise na ako sa'yo.

Ron: Hi Sam, buti na lang sinamahan mo siya.

Sam: Uuwi na sana kami, kung di ka lang dumating.

Paula: Ano ka ba Sam, halika ka na, umupo na tayo sa bleacher.

Ron: Oo nga, ang bitter mo naman. Sige, Pau, sana mag-enjoy ka sa laro namin. (Nakangiti habang tumatakbo pabalik ng court)

___________________________________
Pagkatapos ng laro.

Sam: Umuwi na tayo, baka hinahanap na tayo ni mama.

Paula: Mamaya na. Gusto ko munang i-congratulate si Ron.
(Lumapit si Ron sa kanila)

Paula: Wow, hindi ko alam ang galing mo pala. Congratulations.

Ron: (Nakangisi) Thanks ha, salamat naman at nag-enjoy ka.

Sam: Halika na Paula, uwi na tayo. Nagtext na si mama.

Ron: Uwi na kayo agad?Ang aga pa naman, iti-treat ko sana si Paula kumain ng snacks.

Paula: Talaga?(kinikilig) Sam, puwedeng mauna ka na lang umuwi? Pakisabi na lang kay Auntie na may pinuntahan lang akong importante.

Ron: So, papayag ka ng sumama sa akin?

Paula: Oo naman, libre mo diba?

Ron: Syempre. Ikaw pa.

Sam: Bahala ka na nga. Uwi na ako. (Sabay tingin kay Ron)
_____________________________________
Snackhouse.

Ron: Nag-bakasyon ka lang ba dito?

Paula: Oo, babalik din ako ng Maynila after two months.

Ron: (Nalungkot) Ah, ganun ba. So, two months lang pala kita makakasama.

Paula: Ano ka ba, ang tagal ng two months, ano. (Sabay tapik ng mahina sa braso ni Ron)

Ron: Anong gusto mong kainin?

Paula: Buko halo na lang.

Ron: (nag-order) Dalawang buko halo nga po.

Tindera: Ron, nasaan pala si Sam?

Ron: Nasa bahay po nila.

Paula: Close ba kayo ni Sam?

Ron: (tumawa) Oo, classmate ko kasi siya hanggang high school.

Paula: Ah, ganun ba.

Ron: Maiba nga tayo, wala naman sigurong magagalit sa akin kasi kasama kita?

Paula: Wala, wala akong boyfriend, kung 'yan ang ibig mong sabihin.

Ron: Ah, eh, (nakangisi) so puwede pala kitang ligawan.

Paula: Hmmm, puwede.

Ron: (hindi makapaniwala sa derechahan nitong sagot) Talaga?

Paula: (Tumango)

Ron: So, puwede kitang imbitahin uli bukas?

Paula: Saan naman tayo pupunta?

Ron: Birthday kasi ng isang friend ko, maliligo daw kami sa dagat. Malapit lang naman dito ang beach na pupuntahan natin.

Paula: Mukhang maganda 'yan ah, sige. Isasama ko rin si Sam, kung pwede. Friend mo din naman siya, diba?

Ron: Oo naman, isama mo na rin siya.

Tindera: Narito ng order niyo.

Ron: Salamat Aleng Trina.
_____________________________________

Sa bahay nila Sam.

Paula: Sam, samahan mo naman ako bukas.

Sam: Saan na naman 'yan?

Paula: Nag-invite kasi si Ron, birthday daw ng isang friend niya. Maliligo daw tayo sa beach. Sige na, malapit lang naman.

Sam: Hindi ako puwede, may gagawin pa ako bukas.

Paula: Sige na naman, friend mo rin naman sila ah. Tsaka, para na rin hindi ako mailang.

Sam: Ikaw talaga, sinabi ko na sa'yo, huwag ka ng sasama pa sa kanya. Masasaktan ka lang.

Paula: Bakit naman? Eh, ni hindi ko pa nga siya sinasagot, sasaktan na agad?

Sam: So, nanligaw na nga siya sa'yo? Ang bilis naman, mag-isip ka nga muna bago ka mag-decide.

Paula: Bukas ko siya sasagutin. Hindi na naman uso ngayon ang patagalan.

Sam: (napakunot-noo) Bahala ka na nga, tigas ng ulo mo.

Paula: So, sasama ka na?

Sam: Oo, sasama na ako.

Paula: Ang bait talaga ng pinsan ko. Thank you. (Sabay yakap ka Sam)
____________________________________

At the beach

Paula: (tinawagan si Ron sa cellphone) Nandito na kami sa reception area. Saan banda kayo?

Ron: Pupuntahan ko na lang kayo diyan.

Paula: Okay. (Sabay baba sa phone)

Sam: Sa dami ng beach, bakit dito pa talaga? (Bulong nito sa sarili)

Paula: Bakit naman hindi? (Narinig niya ang bulong ni Sam)

Sam: Marami kasing nagpupunta dito, ayoko kasi ng crowded.

Paula: Ah, ganun ba. Mas maganda kaya kapag maraming tao, masaya.

Ron: (nakangisi) There you are, hali na kayo. Doon banda ang cottage natin.

Paula: Sobrang ganda pala dito.

Ron: Ito kasi ang isa sa dinadayo nilang beach kasi maputi ang buhangin.

(Pagkarating sa cottage)

Friend 1(Hupert): Oi, Sam. Andito ka pala.

Sam: Bakit, hindi ba ako invited? (Sabay ngisi)

Friend 1(Hupert): Syempre invited, ikaw pa. (Sabay tawa)

Ron: Guys, meet Paula. Paula, these are all my friends.

Paula: Hello, nice meeting you all.
(Sumagot din sila)

Sam: Happy birthday John.

Friend 2(John): Thanks Sam, buti sumama ka. Akala namin, hindi ka pupunta.

Sam: Hindi sana, kaso nagpumilit itong pinsan ko.

Friend 3(Ishmael): Taga saan pala ang pinsan mo?

Sam: Oi, Pau. Taga saan ka raw?

Paula: Taga Maynila ako. Nagbakasyon lang ako dito sa Davao.

Friend 1(Hupert): Taga Maynila ka pala. Kaya pala ngayon lang kita nakita.

Friend 4(Alexi): Kumain na tayo guys, gutom na ako. Sam, tabi tayo.

Sam: Sure. Halika ka Pau, lipat tayo sa kanya.

Ron: (dala-dala ang cake) Happy birthday to you (nagsimula na ring sumabay sa pagkanta ang lahat)

Friend 5(Kat): Happy birthday babe. (Sabay kiss sa boyfriend niyang si John.

Friend 2(John): Thank you, babe. Thanks Ron, salamat sa inyong lahat.

Ron: Let's eat guys.

Ron: Pau, anong gusto mong kainin?

Paula: Adobo na lang, mukhang masarap. Ikaw Sam, gusto mo rin?

Ron: Hindi siya kumakain ng adobo.

Sam: No, sige. Kakain ako.

Friend 4(Alexi): Sure ka girl, baka sumakit tiyan mo. May fish fillet naman, ito na lang kainin mo.

Sam: Its fine, gusto ko ring ma try.

Ron: Fish fillet na lang ang sa'yo. Huwag ng matigas ang ulo.

Paula: (Confused)
___________________________________

After meal.

Ron: Swimming tayo, Pau.

Paula: Sure. Ikaw Sam, sama ka?

Sam: Kayo muna.

Paula: Okay.

Friend 5(Kat): Nanliligaw ba si Ron sa pinsan mo?

Sam: Oo, sabi sa akin ni Pau.
(Tahimik ang lahat)

Friend 1(Hupert): Swimming na tayo guys, hali na kayo.

Friend 4(Alexi): Mauna na kayo. Susunod na kaming tatlo.
____________________________________

After ng swimming.

Ron: Thank you ha, kasi nandito ka.

Paula: Nag-enjoy din naman ako. Ako nga ang dapat mag thanks, eh, kasi inivite mo ako.

Ron: Tungkol sa sinabi kong panliligaw sa'yo...

Paula: Sinasagot na kita.

Ron: (Nabigla) Ah, tayo na? Talaga?

Paula: Oo naman, ba't pa natin patatagalin, eh, doon din naman tayo papunta.

Ron: Well, oo nga naman, thanks Pau.

Paula: (biglang hinalikan si Ron) I love you.

Ron:(Natulala sandali) Binigla mo ako, ah.

Paula: Hindi mo ba gusto?

Ron: Hindi naman sa ganun. Nabigla lang ako.

Paula: Well, boyfriend na kita, so palagi na natin 'yang magagawa. (Kinikilig)

Ron: Oo nga naman, halika na.
___________________________________
At the cottage.

Sam: Thanks John and happy birthday uli. Kailangan ko na talagang umuwi, may pupuntahan pa kami ni mama. Pau, uwi ka na rin?

Paula: Sasabay na ako kay Ron.

Ron: Ah, oo. Ako na lang maghahatid sa kanya.

Sam: Siguraduhin mo lang na ihahatid siya ng maaga.

Ron: Ikaw talaga, ang overprotective. Oo na, promise.(nakangisi)

Friend 3(Ishmael): Ron, ihatid mo naman si Sam sa labas.

Sam: Hindi na, kaya ko namang lumabas mag-isa.

Paula: Oo nga Ron, sige na.

Ron: Oh, huwag ka ng makulit ha, utos ng lahat ng ihatid ka palabas.

Sam: Kayo talaga. Okay.

Friends: (halos sabay- sabay) Bye Sam, ingat ka.

Sam: (kumaway)
____________________________________

Palabas ng beach.

Sam: Okay na ako dito, bumalik ka na doon.

Ron: (tahimik)

Sam: Hoy! Sabi ko, bumalik ka na doon.

Ron: Ah, okay. Sige. Ingat ka Sam.

Sam: Oo naman. Bye.
____________________________________

Sa bahay.

Mama ni Sam: Oh, Paula, bakit magkasama kayo ni Ron?

Ron: Good evening po. Inihatid ko lang po siya. Galing po kami sa birthday celebration ni John.

Paula: Sorry Auntie, natagalan po ang uwi ko.

Mama ni Sam:(Tinawag si Sam na nasa kwarto) Sam, nandito si Ron.

Ron: Ah, okay lang po Tita Flor, huwag niyo na po siyang abalahin. Hindi naman po ako magtatagal, tsaka, gabi na rin po.

Paula: Goodbye Ron. Bukas uli.

Mama ni Sam: Sige, ikaw ang bahala.

Ron: Bye po, bye din Pau.
______________________________________

Kwarto.

Sam: Oh, ba't ang haggard mo na.

Paula: Pagod talaga ako kaka swimming. Pero alam mo ba, kami na ni Ron.(kinilig)

Sam: Talaga? Wow, congrats ha.

Paula: Nag kiss na rin kami. Sobrang guwapo talaga niya.

Sam: Hoi! Umayos ka nga.

Paula: Hindi ko kasi mapigilan, eh. Diba sabi mo playboy siya?

Sam: Sinabi ko ba iyon?

Paula: Oo, noon. Nakalimutan mo na? Well, kung playboy siya, playgirl din naman ako. Patas lang kami, ngunit sisiguraduhin ko na siya ang unang iiyak kapag niloko niya ako.

Sam: (tahimik lang) Gusto mo ba talaga siya? Bago lang kasi kayong nagkakilala.

Paula: Ano bang klaseng tanong 'yan? Syempre naman. Kaya nga sinagot ko siya, eh.

Sam: Okay.
____________________________________

Textmate.
Morning.

Paula: Hi Ron, nasaan ka ngayon?(sending message)

Ron: (tumingin sa phone, tahimik lang)

Paula: Miss na kita agad. Pwede ba tayong mag lunch?

Ron: Ah, oo naman. Kasama ba si Sam?

Paula: Syempre hindi, date natin iyon noh.

Ron: Okay. Susunduin na lang kita.

Paula: Love you.

Ron: Love u din.
____________________________________

Lunch date.

Ron: Paano kapag bumalik ka na ng Maynila?

Paula: Huwag mo munang isipin 'yon. Matagal-tagal pa naman. Alam mo, naisip ko, dumito na lang kina Auntie.

Ron: Ha? Lilipat ka dito?

Paula: Naisip ko lang naman. Syempre, kapag bumalik na ako doon, mami-miss kita.

Ron: Marami namang paraan. Pwede naman tayong magtawagan.

Paula: Ang lungkot kaya nun, hindi kita mayayakap at makiki-kiss.

Ron: Ikaw talaga. (Nakangisi)
_____________________________________
Sa bahay.

Mama ni Sam: Anak, bakit hindi mo sinabi sa akin?

Sam: Mas mabuti na 'yon ma, bagay naman sila.

Mama ni Sam: Pero Samantha, nagmamahalan kayong dalawa. Bakit ba kasi hiniwalayan mo siya?

Sam: Hindi rin naman ako magtatagal.

Mama ni Sam: Pero mas kailangan mo siya ngayon. Sabihin na lang natin ang katotohanan.

Sam: Please ma, huwag mong sabihin sa lahat. Ikaw lang ang dapat makaalam.

Mama ni Sam: Pero sinasaktan mo lang lalo ang sarili mo. Isa pa, talaga bang naka get over na siya sa'yo? Seven years din kayong mag-on.

Sam: Pinilit ko siyang kalimutan na ako at humanap na siya ng iba.

Mama ni Sam: Pero hindi mo akalaing sa pinsan mo siya mapupunta.

Sam: (tahimik lang)
_____________________________________

After a month.
Alexi's house.

Friend 4(Alexi): Bakit ang tagal ni Sam? Kanina ko pa siya tinitext pero hindi naman nagrereply. Alam mo ba Pau kung saan siya nagpunta?

Paula: Ang alam ko lang, magkasama sila ni Auntie kanina sa hospital. Check up daw ni Auntie. Ewan ko kung bakit hanggang ngayon hindi pa sila umuuwi.

Friend 3(Ishmael): Antayin na lang natin. Maaga pa naman, kayo talaga.

Friend 5(Kat): Oh, ayan na pala siya. Sam, kanina ka pa namin hinihintay.

Sam: Pasensya na talaga, natagalan lang kami ni mama sa palengke.

Friend 4(Alexi): Sus, ayos lang. Okay, kompleto na tayo. Happy 7th Anniversary to us!
(Sabay sigawan)

Friend 1(Hupert): Wow, seven years na tayong magkakaibigan. Ngayon ko lang naisip, hindi pala ako nagkaka jowa.
(Nagtawanan ang lahat)

Friend 2(John): E, di maghanap ka na.

Friend 1(Hupert): Buti pa itong si Ron, nakahanap agad.
(Natahimik ang lahat)

Sam: Ano pa bang hinihintay niyo, kainan na. (Upang mawala ang tensyon)

Friend 4(Alexi): Oo nga, marami pa naman ang inihanda ni mama. Let's go guys.
_____________________________________

After.
Videoke time.

Friend 4(Alexi): Okay ka lang?

Sam: Oo naman.

Friend 2(John): Oh, try nating pakantahin si Paula.

Paula: Ha, ayoko. Hindi maganda boses ko.

Friend 5(Kat): Sige na, walang ayawan to.

Paula: Sige na nga.

Sam: Alexi, C.R muna ako.

Friend 4(Alexi): Okay.

Friend 5(Kat): Yehey, kakanta na siya.
(Sabay abot ng mic)

Ron: Kuha muna ako ng maiinom.
_____________________________________

Kusina.
(Kakalabas lang ni Sam ng C.R.)

Ron: Sam, wait.

Sam: (nabigla)

Ron: Pwede ka bang makausap?

Sam: Kinakausap mo na nga ako, diba?

Ron: (Ngumiti) Usap tayo 'yong tayo lang talagang dalawa. Bukas sana kung puwede ka, doon sa dating lugar.

Sam: Alam mo namang hindi puwede.

Ron: Please. Maghihintay ako. Alas 4:00 ng hapon. (Umalis bigla)
____________________________________

Pagkikita.

Sam: Baliw ka talaga!

Ron: Sabi ko naman sa'yo, maghihintay ako.

Sam: Alas 6:00 na ng gabi, umuwi ka na lang sana. Baliw ka talaga!

Ron: (Biglang niyakap si Sam)

Sam: Anong ginagawa mo. (Kumawala kay Ron)

Ron: Ginawa ko naman ang gusto mo, kahit napipilitan lang ako.

Sam: Oo nga, pero sa pinsan ko pa talaga. Ngunit, tanggap ko na.

Ron: Gusto ko kasing saktan ka, subalit hindi ko pala kaya.

Sam: Tumigil ka na, aalis na ako.

Ron:(Hinawakan si Sam sa braso)

Sam: This is not right. Kalimutan mo na ako. Isa pa, mahal ka na ni Pau.

Ron: Ikaw lang ang minahal ko, at ikaw lang talaga ang mamahalin ko.

Paula: I knew it!

Sam: Paula.

Paula: Panakip-butas lang pala ako. All this time, akala ko, niligawan mo ako dahil gusto mo ako. Iyon pala, si Sam talaga ang mahal mo.

Ron: Let me explain, Pau.

Paula: Sige, mag-explain kayong dalawa.

Ron: 'Yong sinabi ko sa'yo noon na kung puwede ba kitang ligawan, hindi ko naman talaga iyon totohanin subalit sinagot mo agad ako. Napakabilis kasi ng pangyayari, hindi na ako nakapag- react.

Paula: So, ako pa ang mali ngayon.

Ron: Hindi naman iyan ang sinasabi ko. Pero, sorry, sorry talaga Pau.

Sam: Pau, may dahilan ako kaya ko tinago. I broke up with him dahil sa personal na kadahilanan. Sinabi ko sa kanya humanap na siya ng iba, pero hindi ko akalaing ikaw ang liligawan niya.

Paula: Kaya pala, noong una, ayaw mo akong makisama sa kanya.

Sam: Ayaw ko lang kasi mapunta siya sa'yo dahil akala ko, idaragdag mo lamang siya sa koleksyon mo.

Paula: Oo, playgirl ako, Sam, pero seryoso na ako sa kanya. Mahal na talaga kita, Ron. (Sabay tingin kay Ron)

Ron: I'm sorry. Hindi ko na kayang magpanggap. Pinilit kong mahalin ka, pero si Sam parin ang nasa puso ko.

Paula: I hate you. (Umiiyak) Napakasama mo. (Saka umalis)

Sam: Habulin mo siya, please.

Ron: Ayoko! Ayaw kong mag-expect na naman siya. Mas mabuti ng masaktan siya ngayon hangga't maaga pa.

Sam: You don't understand, Ron. Hindi na tayo pwedeng magkabalikan.

Ron: Why? Alam kong mahal mo pa rin ako. Ano ba talaga ang tunay na dahilan kung bakit hiniwalayan mo na lang ako bigla?

Sam: Pitong buwan na ang nakalipas, kalimutan mo na iyon. Huwag ka ng magtanong.

Ron: (lumapit, niyakap si Sam)

Sam: Please. (Umiiyak)

Ron: (Umiiyak din) Itigil na natin tong kahibangan na 'to. I love you.

Sam: I'm sick.(Mahinang pagkasabi)

Ron: Ha? Anong sabi mo?

Sam: I'm sick.

Ron: Okay, umuwi na tayo. Bibilhan kita ng gamot.

Sam: Not that kind of sickness.

Ron: What do you mean?

Sam: I'm dying.

Ron: (Ngumiti) Huwag namang ganyang joke, Sam.

Sam: (tahimik lang)

Ron: (Naging seryoso na) Kaya ba hiniwalayan mo ako dahil diyan? Oh, come on!

Sam: (Mas lalong umiyak)

Ron: (Niyakap si Sam) I'm here. Mas lalo mo akong kailangan ngayon. I'm not gonna lose you again. Magpapagamot tayo. I love you.

____________________________________
Pag-uwi.

Paula: (Biglang niyakap si Sam) I know everything. Sinabi na sa akin ni Auntie ang tungkol sa inyo at sa sakit mo. I'm sorry.

Sam: I'm sorry din Pau, nagsinungaling ako sa'yo.

Paula: It's okay. Hindi na ako maghahabol pa dahil alam ko mahal niyo talaga ang isat-isa.

Ron: Salamat, Pau.

Paula: I told Auntie na dalhin ka sa Maynila. May kilala si dad na magaling na doctor. Matutulungan ka niya.

Sam: Thank you, Pau. Hindi ko alam kung papaano ka pasasalamatan.

Paula: Sinabi mo sana sa amin ang lahat para maintindihan ka namin. Para na rin hindi na kayo naghiwalay pa ni Ron, at hindi na nagkaloko-loko itong sitwasyon.

Sam: (tahimik lang)

Mama ni Sam: Okay na ba kayong lahat?

Paula: Opo, Auntie.

Ron: Sasama ako ng Maynila, don't worry, gagaling ka Sam.
_____________________________________

After one year.

Ron: After a year of struggles, masaya ako kasi magaling ka na. Kaya, hindi ko na patatagalin pa ito. (Inilabas ang singsing) Will you marry me, Sam?

Sam: Yes, Ron. Pakakasal ako sa'yo.

(The end)











Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top