Poem #1
Kwento ng Buhay Ko
Ang buhay ko ay puno ng mga letra
Ang atensiyon ay palaging nakatuon sa mga talata
Mga salitang nagbibigay kulay saking buhay
Mga librong sa akin nagsasalaysay
Akala ko sa mga kahulugan lang umiikot ang mundo ko
Na wala nang ilalalim pa ang kahulugan ng buhay ko
Ngunit nang namasdan ko ang mga mata mo
Nagakaroon ng liwanag ang madilim kong mundo
Ika'y tumitig at ngumiti sa akin
Na tila nagniningning na mga bituin
Ngiti mong hindi ko lubos isipin
Na naging dahilan upang ika'y ibigin
Magmula noong sandaling iyon
Hindi ka na maalis sa isip ko
Bawat minuto, bawat segundo
Ngiti mo ang laging nasa isip ko
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top