Problema
Title: Problema
Nagsimula ang lahat sa tatlong magkakaibigan na sina Pedro, Juan, at Pablo. Nagkakilala sila bilang kapwa-manggagawa o empleyado sa isang kompanya. Kaso, isang araw, biglang nag-iba ang ihip ng hangin ni Pablo at at napansin iyon ni Pedro.
"'Oy, Juan, ano'ng problema ni Pablo?" tanong ni Pedro kay Juan.
"'Di ko alam, pare. Eh, nagtataka rin ako kung bakit siya gan'yan," sagot naman ni Juan.
"Lapitan kaya natin at nang malaman natin? Tara na," paanyaya naman ni Pedro.
Nilapitan naman nila kaagad si Pablo na ang lalim ng iniisip. Biglang nagsalita si Pedro kaya nabalik sa ulirat si Pablo.
"Pare, parang malalim yata ang iniisip mo ngayon ah?" sabat naman bigla ni Pedro at tinapik-tapik ang kan'yang balikat.
"Meron lang pino-problema, pare," sabi naman ni Pablo.
"Pwede mo bang sabihin sa 'min 'yong pino-problema mo? Handa naman kaming makinig sa 'yo," ani Juan.
"'Wag na, baka makaabala pa 'ko sa inyo," pagtanggi naman ni Pablo.
"Pare, kaibigan ka namin kaya hindi ka abala sa 'ming dalawa ni Juan," pagpupumilit naman ni Pedro at handa tlaaga siyang makinig sa mga hinanaing na kinikimkim lang ni Pablo sa sarili niya.
"Oo nga kaya sabihin mo na," pagsang-ayon naman ni Juan.
Nagsimula namang sabihin ni Pablo kila Juan at Pedro ang kan'yang pino-problema at mataman lamang na nakinig ang dalawa.
Habang naglalakad silang tatlo ay may nakasalubong silang limang babae na nag-uusap. Narinig ni Pedro mula sa mga babaeng iyon ang pangalan ni Pablo kaya ipinatigil muna niya sa pagsasalita si Pablo at nakinig siya sa pinagsasabi ng mga babae na halatang mga tsismosa.
"'Oy, alam niyo ba, 'yang si Pablo, hindi pala totoong mayaman, nagpapaka-matapobre lang siya," rinig na sabi ni Rita.
"Weh, totoo ba talaga 'yan, Rita?" hindi-makapaniwalang bulalas ni Linda.
"Totoo 'yang sinasabi ni Rita, mareng Linda, maniwala ka," pagsang-ayon naman ni Anna sa nasagap na tsismis ni Rita.
"Tama ka d'yan, mareng Anna. At saka, 'yong pera na sinasabi niyang galing sa kan'ya ay hindi pala sa kan'ya, hiniram lang niya," dagdag na tsismis naman ni Ruth. Napasinghap naman ang mga kasama nitong mga tsismosa.
"Grabe, ang kapal naman ng mukha!" bulalas naman ni Belen.
"Oo, mareng Belen. Hindi pa nga rin niya naisauli ang perang hiniram niya kahit na may trabaho na siya," pagpapatuloy naman ni Rita.
"Karma na lang talaga ang bahala sa kan'ya," komento naman ni Belen.
Gusto sanang lapitan ni Pedro ang mga tsismosang iyon ngunit pinigilan siya nina Pablo at Juan.
"'Wag mo na silang patulan, Pedro," usal ni Pablo.
"At saka, alam naman natin kung ano talaga ang totoo," segunda naman ni Juan.
Kaya naman ay pinilit na kumalma si Pedro at nang kumalma na siya ay saka siya nagsalita.
"Tama ka. Hindi na dapat natin patulan ang mga tsismosang iyon," sang-ayon ni Pedro.
"Basta, kapag may pino-problema kahit isa sa 'tin tatlo, 'wag mahiyang magsabi at sabay-sabay nating bigyan ng solusyon ang mga problema natin," pahayag naman ni Juan. Tinanguan naman si Juan sa dalawa at nag-akbayan habang naglalakad patungo na sa kani-anilang mga tirahan.
Ang pino-problema lang kasi ni Pablo ay tatanggalin na siya sa kan'yang trabaho bilang isang empleyado kahit hindi niya alam kung ano ang ginawa niya ng masama. Ang naisip namang solusyon nina Juan at Pedro ay boluntaryo rin silang aalis sa kompanya dahil masama ang pagtrato ng may-ari ng kompanya na 'yon sa kanilang dalawa. Sama-sama rin silang maghahanap ng bagong trabaho pagkatapos.
WAKAS
started writing: year early 2023
note: this started as a script for our values education roleplay when we were just grade 9 students last school year. kaya mapapansin niyo talagang maiksi lang ang kwentong ito. short script lang kasi ang kailangan pero ako talaga ang gumawa ng short story na 'to.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top